0

Daniel...Batang Ermia (para kay Daniel Dejapin)

Posted on Friday, 1 August 2014



Daniel
…batang Ermita
(para kay Daniel Dejapin)
Ni Apolinario Villalobos

Batang kalye kung ituring ng iba
Subali’t panglalait, ‘di niya alintana
Ang nasa isip ay kung paanong mabuhay
At matupad ang pangarap na siya’y magtagumpay.

Ni hindi naisip, gumawa ng masama
Dahil panlalamang ‘to ng kanyang kapwa
Payak na pangarap, sa kanya’y gumagabay
Tumulong sa iba, kapag siya nama’y magtagumpay.

Nagtitiis sa init ng araw at lamig ng ulan
Kailanga’y magsikap at walang nasasandalan
Kaya’t sa Roxas Boulevard, abutin man ng gabi
At sa pagbenta ng mga rosas, siya nagbakasakali.

Talagang ang Diyos ay mabait, mapagmahal
Sa mga taong nagsisikap, matatag at marangal
Kaya sa katulad ni Daniel na ang kalooba’y busilak
Isang pagkakatao’y kanyang ibinigay, ito’y ‘di hamak.

Libreng pag-aaral sa Alemanya’y natanggap niya
Pagsisimula upang matamo’ng kanyang mga adhika
Sana ang kuwento ng buhay ni Daniel, maging inspirasyon -
Maging gabay ng iba na hangad ay maganda ring pagkakataon.

Discussion

Leave a response