May Isang Pamahalaang "Makabago"...
Posted on Wednesday, 6 August 2014
May Isang
Pamamahalang “Makabago”…
Ni Apolinario Villalobos
May isang bansa na ang pamamahala ay
“makabago”
Ang namumuno ditong tao, sinasabi nila ay
matalino
Ganoon din ang pagkakakilala niya sa
kanyang sarili
Kaya hindi nakikinig sa mga payo ng mga
nakararami.
Subali’t mayroon naman siyang mga barkada’t
alalay
Wari niya, para sa kaya ay handang magbuwis
ng buhay
Mga kaeskwela niya, iba naman, sa kanya ay
ipinakilala
Matatalino rin daw, para sa kanya, handa
ring magdusa.
May sinusunod silang patakaran sa kanilang
pamumuno
Kailangang unahin muna, ang karapatan ng
mga kaalyado
Saka na yong mga nasa kabilang panig,
mahilig kumontra
Kaya magtampo man, si lider, walang
pakialam sa kanila.
Dahil ang mundo ay umiinog na sa makabagong
panahon
Ang mga kalamidad ay makabago na rin, hindi
tulad noon
Ang dating hanggang-tuhod na baha, ngayo’y
lampas tao
Nakakabahalang pangyayari, hindi dinanas ng
mga ninuno.
Maraming nasalanta, kaya pa, sabi ng pinuno
nitong bansa
Marami nang gutom at uhaw, kaya pa, ang
sabi pa rin niya
Nagnanakawan na ng mga bulok na de-lata’t
bulok na bigas
Aba’y paghuhulihin at ikulong ang mga iyan,
sabi ng ungas!
Nagsiritan ang mga presyo ng bilihin, mga
tao’y sumisigaw
Ibaba ang presyo!, boses ng mga gutom ay
nangingibabaw
Hindi kayang lunurin ng ibang eskandalong
matitindi na rin
Nataranta ang lider, ‘di alam kung anong
kanyang uunahin!
Pumutok ang banta ng mga Moro mula sa isla
ng Mindanao
Nainip dahil ipinangakong kasarinlan, di pa
rin nila natatanaw
Tinawag ng gobyerno ang BIFF, aba’y kasama
rin si Misuari
Kinalimutan ang ginawa nito sa Zamboangang
walang pagsisi!
Ang China ay nagbabanta sa gilid lang, sa
kanluran ito’y bahagi
Sa paglutas nitong problema, tila si lider
ay hindi nag-aatubili
Sa isang banda ay tama rin siguro siya
dahil walang ibubuga
Ang bansang sa harap ng mga pangyayari, ay
mukhang kawawa!
Nagbalita yata siya minsan, nagbrodkast sa
mga mamamayan
Ng mga pangyayari sa loob ng ilang taon
niyang panunungkulan
Puri dito, puri doon, ginawa sa kanyang mga
tauhang kapit-tuko -
‘Di lang kapit, kundi lubog-kuko,
pagkakapangunyapit sa pwesto!
May isang alalay na nabahala sa pagmahal ng
kandila at posporo
Dahil sasabay daw sa mga blackout na
darating, gawa ng meralco
Kaya’t humingi ng kapangyarinan para daw sa lider, todo
ang sipsip
Lumabas din ang tunay na pagkatao na
kadalasan daw, di nag-iisip.
May isa ring ungas na alalay, hindi ay “one
more chance” para sa lider
‘Di rin nag-iisip na ang susuwayin ay
Constitution, matibay na pader
May isa pang alalay, tigas sa
pagpapaliwanag tungkol sa mga ginastos
Sa bulwagan, kulang na lang ay sabihin,
“mabuti nga, pondo ‘di inubos”!
Dapat umusad ang agrikultura, sabi ng mga
kaawa-awang magsasaka
Upang hindi na nag-aangkat ng bigas, at
sila naman daw ay magkapera
Yon lang pala, sabi ng lider, di bale,
dagdag pa niya… ilabas mga araro
Upang mahasa ng mga gamit pang-vaciador,
mga gamit na makabago!
Discussion