Kung Si Miriam ang Maging Presidente...
Posted on Friday, 29 August 2014
Kung
si Miriam ang Presidente…
ni Apolinario Villalobos
Hindi na kailangan pang dugtungan ng
apelyido
Ang pangalang Miriam na binanggit sa titulo
Nag-iisa lang siya sa larangan ng pulitika
Isang matapang at matalinong Ilongga.
Nakilala siya sa walang tapang na
pananalita
Walang pinipili, basta’t nagkamali ay
tinitira
Kahit sa harap ng kamera o mikropono
Salitang bibitiwa’y tatama…sigurado!
Walang takot sa mga banta sa kanyang buhay
Noon pa man daw, handa siyang mamatay
At huwag na huwag daw siyang tatakutin
Dahil ang
bala ay kanyang kinakain!
Ganyan katapang si Miriam Defensor-Santiago
Minsan nang tumakbo noon sa pagkapangulo
Subali’t dahil sa karamdamang lumala daw
Sa karerang umiinit sana, siya’y bumitaw.
Siya ay nagpahiwatig uli ng interes na
panibago
Na sa 2016 eleksiyon, tatakbo bilang
pangulo
Isang Constitutionalist sa kanya’y
nag-udyok
Upang ang hamong ito’y kanyang masubok!
Kung siya ay maging Presidente, aasahan ko
na
Ang mga tiwali na sa gobyerno’y naglilipana
Siguradong mapapalis ng walang pasubali
Dahil noon pa’y, galit siya sa mga mali!
At siyempre pa, mga bulwagan ng Malacaῆan
Ay sisigabo na sa matutunog na halakhakan
Mga Miriam jokes ay siguradong aalagwa
Upang dadalo sa miting ay di manawa!
Maibabalik kaya niya ang parusang
kamatayan?
Mapapabilis kaya, mga natenggang
paglilitis?
Bababa kaya ang mga presyo sa palengke?
Bababa rin kaya ang lahat ng pamasahe?
Mababawi kaya ang Sabah mula sa Malaysia?
Marerespeto na rin kaya ang Pilipinas ng
Tsina?
Ang oil deregulation kaya ay bibigyang pansin?
At presyo kaya ng bigas ay maibababa na
rin?
Mga relokasyong tirahan kaya’y matatapos
na?
Pati na nabinbing tulay, eskwelaha’t
kalsada?
Tanggal rin kaya, mga kapit-tukong opisyal?
Mga pasakit sa mga Pilipino na kay tagal?
Sa dami ng mga gagawin ni Presidente Miriam
Sana nama’y hindi bumalik, mga dinaramdam
Mga sakit na sa katawan ay magpapagupo
Huwag naman sana, upang di siya sumuko!
Discussion