Ang Paru-paro
Posted on Friday, 8 August 2014
Ang
Paru-paro
Ni Apolinario Villalobos
Ang paru-paro ay nakakaaliw kung tingnan
May kaaya-aya paglipad at mga kulay na
matingkad
Magandang nilalang na inilaan ng Maykapal
sa kalawakan
May kaakibat na layunin upang umaliwalas,
buhay ng sangkatauhan.
Taglay niyang alindog, sadyang
nakakabighani
Nakakatulala kung minsan, ang bigla nitong
paglitaw
Lalo na sa mga hindi inaasahang lugar na
walang halamanan
At pagdapo sa mga bagay na sa gawain niya ay
walang kinalaman.
Ang sabi ng matatanda, huwag saktan o hulihin
Ang paru-parong biglang nagpakita nang di
inaasahan
Dahil mayroon itong ipinapahiwatig,
mahalagang paramdam
Hindi naman kaya, dito ay nakasanib,
ispiritu ng mahal na namaalam.
Dapat magsaya ang taong pinakitaan ng
paru-paro
Dahil kung mahal na pumanaw ang dito ay
nakasanib
Iisa lang ang nais ipahiwatig nitong
paru-parong nakakaakit
Siya ay buong puso pa ring magtitiyaga at
maghihintay doon sa langit!
Ang buhay sa mundo’y puno ng mga
kababalaghan -
May mga pangyayaring ‘di maipaliwanag kung
minsan
Subali’t dahil lahat ng mga ito ay Diyos lamang
ang may gawa
Tanggapin natin, at huwag magduda sa
kapangyarihan ng Manlilikha!
Discussion