May Pag-asa Kaya sa Eleksiyon ang mga Taong Manggagamit?
Posted on Thursday, 30 April 2015
May Pag-asa Kaya sa
Eleksiyon
ang mga Taong
Manggagamit?
Ni Apolinario Villalobos
Sa larangan ng pulitika sa Pilipinas, paulit-ulit kong
binabanggit na malaking bagay ang maging miyembro ng pamilya na may tatak na sa
alaala ng mg Pilipino. Ito yong may mga apelyido na nababanggit sa kasaysayan o
mahalagang pangyayari sa kasalukuyan. Maaaring idagdag dito ang mga taong
natalaga sa maseselang puwesto sa gobyerno, nagpaka-trying hard sa pagtrabaho
subalit halata namang walang kakayahan kundi ang magsalita ng English na may
American accent. Pinatindi ang hindi nila kaayaayang style ng katakawan sa
publicity kaya panay pa-press conference upang mag-report ng mga “ginawa” daw
nila upang maayos ang mga gusot sa kanilang ahensiya, na sa totoo lang ay wala
naman palang binatbat.
Halimbawa na lang ay Si Laila de Lima ng Department of
Justice na tahasang nagsabing hindi na niya maaasikaso ang third batch ng mga
akusado sa pork barrel scam dahil magbibitiw upang mapaghandaan ang plano
niyang pagtakbo sa 2016 eleksiyon. May plano pala siyang ganito, dapat noon pa
lang ay nagtalaga na siya ng “understudy” at nag-confide sa pangulo tungkol sa
kanyang plano, upang pag-alis niya ay may “continuity” ang mga kaso dahil
naihanda na niya ang kanyang “understudy” na agad-agad namang ia-appoint ng
presidente. Ngayon, siguradong ibibitin na naman ng pangulo ang pag-appoint ng
taong angkop sa responsibilidad at may kaalaman sa pagpapatuloy ng mga kaso.
Maliban sa pork barrel scam issue, ay napabayaan din ni de
Lima ang issue ng National Penitentiary o Bilibid sa kabila ng naibunyag noon
ng isang warden na si Kabungsuan Makilala. Walang follow-up. Nagtalaga ng mga
kapalit sa mga “nakasuhan” daw, subalit wala ring nangyari, sa halip ay tumindi
pa ang mga problema. Kung kelan lalong bumaho ang mga nakatagong problema ay
saka siya namasyal sa Bilibid, bitbit ang mga tauhan ng iba’t ibang media –
full media coverage na naman ng ilang araw. Nakahambalang na naman ang kanyang
mukha sa mga tv screens at diyaryo.
Ngayon lang luminaw ang lahat tungkol kay de Lima…na siya
pala ay nag-iipon ng tinatawag na media mileage o exposure upang makilala na
masigasig daw sa trabaho. Nanggamit lang pala siya ng katungkulan at ginuyo ang
mga Pilipino. Ang kawawa ay ang mga inuna niyang ipasok sa kulungan- sina Enrile,
Revilla at Estrada. Ang masaya ay ang ibang mga senador, mga kongresman, at mga
opisyal sa gobyerno dahil siguradong magkakalimutan na naman ng mga kaso na
isang “tradisyon” na nakakahiyang bahagi ng sistema sa pamamahala ng Pilipinas!
Si Petilla naman ng Department of Energy na ilang taon nang
pinapaalis ng taong bayan sa puwesto dahil puro porma at salita lang pala, ay
todong kapit, yon pala ay may plano ring mag-ipon ng media exposure dahil tulad
ni de Lima ay may balak tumakbo sa darating na eleksiyon. Ngayong tag-init na
at lalong lumala ang problema sa enerhiya ay saka nagpahiwatig ng plano niyang
pag-alis. Kung noon pa lang ay umalis na siya, ang pumalit sana sa kanya ay
nakagawa na ng mga hakbang upang mabawasan man lang ang problema sa enerhiya.
Ang mga taong nabanggit ay ilan lamang sa mga manggagamit na
nailuklok ng presidente sa maseselang puwesto dahil sa akalang sila ay tapat,
may pusong Pilipino, at magagaling….mga akalang gumuho sa isang iglap dahil sa
pansarili nilang adhikain.
Discussion