Napahiya ang mga Binay!...sa issue ng Doctrine of Condonation
Posted on Tuesday, 21 April 2015
NAPAHIYA ANG MGA
BINAY!
….sa issue ng Doctrine of Condonation
Ni Apolinario Villalobos
Talagang gagawin ng mga Binay ang lahat upang manalo sila sa mga kaso. Kumuha sila ng neophyte na
abogada na dating estudyante ng Chief Justice of the Supreme Court. Inaasahan
nilang papabor ang Chief Justice sa abogada nila dahil estudyante nga naman.
Subali’t tila naputukan sila ng bomba ng hiyain at halos bulyawan ng Chief
Justice ang abogada dahil sa pinagpipilitan nitong Doctrine of Condonation
upang maabsuwelto sa kanyang mga kaso si Junjun Binay. Sinasabi daw kasi sa doktrina
na kung naboto uli sa posisyon ang isang nagkasalang opisyal.
Malamang halos himatayin sa inis ang Chief Justice sa
pagsita sa nagmamarunong na abogada nang sabihan siya nito na ang gusto yata
niyang mangyari ay umiral ang kaguluhan sa pag-unawa ng Saligang Batas. Ang
doktrina kasi ay nakapaloob sa lumang Saligang Batas na nabago na, kaya wala
nang bisa. Ang abogada ay si Sandra Marie-Olaso Coronel.
Malamang itong doktrina ang ginagamit ng mga abogado
ng mga Binay upang lumakas ang kanilang loob sa kabila ng patong-patong nilang mga kaso.
Lalo pang lumakas ang loob nila sa paggawa ng mga hakbang na halos ay lihis na
sa good manners and right conduct. Pati ang anak na kongresista ay nagbanta
na wala silang patatawarin sakaling manalo ang tatay niya. Para bang ang
pagka-presidente ay in the bag na! At sinabi pa niya na ang Vice-President daw
ang magbubuklod ng mga Pilipino!....WOW!
Ito ang mga taong tinutukoy kong naturingang nakapag-aral
subalit ginagamit ang mga natutuhan sa pagbali ng katotohanan!
Isa pa...bakit pinipilit ng mga Binay ang Doctrine of Condonation? Nangangahulugan ba ito na talagang may ginawang kasalanan kaya humihingi ng condonation? Hindi ba ito indirect na pag-amin ng kasalanan?
Isa pa...bakit pinipilit ng mga Binay ang Doctrine of Condonation? Nangangahulugan ba ito na talagang may ginawang kasalanan kaya humihingi ng condonation? Hindi ba ito indirect na pag-amin ng kasalanan?
Sigurado, nagsisisi ang Chief Justice kung bakit ipinasa
niya ang estudyante niyang ito na kabago-bago ay nababahiran nan ng maitim na
hangarin ang katauhan!
Discussion