0

Taong Bato

Posted on Wednesday, 1 April 2015




Taong Bato
(awitin sa tono ng Pusong Bato)
Ni Abdulatik Makamanggid na taga-Tinurian

1
siya’y doon sa palasyo
masaya sa kanyang amigo
bff kung tawagin niya
together na, forever pa

Ref:
ang sumpaan sa isa’t isa
ay hindi masisira
kahit sila ay batikusin
ng mga nakakapansin

parang pagkit sa pagkadikit
ang kanilang relationship
bagyong Yolanda ma’y kaya nila…

2
siya’y marami nang atraso
sa kanyang kapwa-Pilipino
manhid na ang kanyang puso
talagang taong bato

Ref:
wala na yatang pag-asa
na siya ay magbabago
at pangisi-ngisi lang as if
walang kamuwang-muwang

ilan pa kayang tao sa mundo
ang katulad niyang walang puso
‘tong napakamanhid na taong bato….

(Repeat last refrain and fade)

Note: Kantahin ng paulit-ulit upang maging bahagi na ito ng buhay, para okey lang maski walang accompaniment na gitara, ukulele, piano, organ o orchestra….at maski naliligo ay maawit din.  Habang kinakanta, mas okey kung ang mga mata ay idinidilat-dilat at sa mga labi ay may ngiting namumutawi, at mas lalong okey kung sa mga daliri ay may nakaipit na sigarilyo. Kung hindi kayang kantahin, pwedeng i-rap, at ang accompaniment ay tapping sa silya o mesa. Pero kung talagang hindi pa rin kaya, pwedeng gawing talumpati na lang….pero dapat sincere at walang halong pambobola.


Discussion

Leave a response