0
Hindi Matawarang Pagmamahalan...nina Gene at Maggie (Asuncion)
Posted on Saturday, 28 February 2015
Hindi Matawarang
Pagmamahalan
…nina Gene at Maggie
(Asuncion)
Ni Apolinario Villalobos
Puno ng bantulot at alinlangan ang mga araw ng ligawan
Napapalitan naman ng abot-langit na saya kung “oo” ang
kasagutan
Ang iba’y gumugol ng mga taon sa panunuyo
Mayroon namang inabot lang ng ilang linggo!
Iba ang ligawang hindi minadali, bagkus ay pinagtiyagaan -
Hindi malasado, hindi malabsa, tama lang, dahil ito ay
pinaghirapan
Ganyan ang magsing-irog, sina Gene at Maggie-
Ilang dekadang pagmamahalan nila’y tumitindi!
Nagkaalaman ng gusto kaya’t nagbibigayan sila sa isa’t isa
Ano pa nga ba’t kahit sa pagkain, hindi sila nagkaroon ng
problema
Hindi tulad ng ibang mag-asawa na nagkahiwalay
Dahil si babae, sa pagsaing lang ay walang malay!
Napatunayan nilang dalawang mahalaga sa buhay ang Diyos
Kaya’t walang paglibang ginagawa sa pagsamba, pilit nilang
iniraraos
At kahit ang Christian fellowhip ay sa malayong dako
Pilit pa ring pinupuntahan, sa del Pan, doon sa Tondo!
Hindi nakakalimot makibahagi ng mga natamo nilang biyaya
Dahil sa anumang paraang abot- kaya nila ay talagang pilit
ginagawa
Pagkain man, damit o kung anong bagay, pati mga libro
Inaabot sa mga nangangailangan, taos sa kanilang puso!
Dahil ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa ay nasa puso nila
Pinaigting nito ang pagmamahal na nahinog ng panahon para sa
isa’t isa
Hindi matawarang pagmamahalan ay naipagmamalaki
Silbing inspirasyon ng iba upang makamit ang minimithi!