April 2015

0

Tayo Ba Ito?

Posted on Thursday, 30 April 2015



Tayo Ba Ito?
Ni Apolinario Villalobos

Lahat tayo ay may kakulangan at hindi magandang katangian. Ang mga kakulangan ay hindi dapat ikahiya pero dapat ay bukas ang ating isip upang matanggap natin kung ano man ang dapat na pampuno. Ang hindi magandang katangian natin ay hindi natin nakikita kung minsan, kaya kailangan natin ng ibang tao upang magsilbing salamin na siyang magpapamukha sa atin kung ano ang mga ito, at kung mangyari man, dapat ay handa rin nating tanggapin ang katotohanan.

May ibang nagpipilit na sila ay tama kahit na saan mang anggulo tingnan ang kanilang ginawa, ay talagang mali. Kadalasan ay epekto ito ng hangin ng kayabangang nagpapalobo sa kanilang ulo dahil umasenso halimbawa, sa trabaho kaya nadagdagan ang kita. Tingin nila sa sarili nila, sila ay nasa pedestal na, nakatingin sa ibang tao sa ibaba. Dahil sa kanilang mataas na puwesto, umiral ang tinatawag na superiority complex. Sila ang mga taong ayaw magpatalo.

Hindi masama ang maging maingat sa pamimili sa palengke upang makapag-uwi ng talagang sariwang pagkain, at kung susuwertihin naman, ay mura pa. Subali’t ang iba ay walang pakundangan o konsiderasyon dahil kahit maseselang prutas o gulay ay hindi pinapatawad sa kanilang pagpisil na nagpapalamog sa mga ito, kaya kawawa ang tindera. Meron namang iba na hindi nagkasya sa pagpisil lang, dahil dinadagdagan pa ng pamimintas sa mga kalakal, ganoong wala naman palang intensiyong bumili. Tulad ng isang babae na nakarma dahil sa ugali niyang nabanggit ko. Ang dalawang abokadong hinog na kanyang pinisil ay hindi niya binili at lumipat siya sa bunton ng mga lansones at doon ay pumisil uli, at hindi pa nagkasya, sininghot ang isang bungkos…na hindi niya alam ay may mga langgam kaya shoot na shoot ang ilan sa kanyang ilong! Umalis na lang ako sa tabi niya dahil halos pumutok ang dibdib ko sa pagpigil ng halakhak!

Kung kumain ang iba sa restaurant ay nagtitira ng iisang kutsarang kanin at ganoon din sa ulam na kung minsan ay inaayos pa ng maige sa isang tabi ng pinggan, sabay tingin sa paligid kung may nakakita. Para bang ipinagmamalaki pa na mayaman sila kaya ugali na nilang magtira ng pagkain sa pinggan, dahil kaya naman nila. May iba naman, oorder ng pagkain at pagkatapos tikman ay hindi na gagalawin – ugaling mayaman pa rin. Bakit kaya may mga taong ganito kayabang? May kasama ako noon sa opisina na ganito ang ugali. Nang minsang isinama niya ako sa kanila, nalaman kong sa isang kwartong maliit lang pala nakatira ang kanyang pamilya, sa lugar ng mga iskwater. Dahil kaibigan ko naman, pinayuhan ko siya na magbago ng ugali, na ibig sabihin ay huwag magyabang sa pag-aksaya ng pagkain dahil kinakapos din pala sila…..nagpasalamat ako dahil nakinig naman.

Kasama sa ating kultura ay ang tinatawag na “Filipino time” na hindi maganda ang epekto sa ating imahe dahil tungkol ito sa kawalan ng respeto sa oras. Ang isang halimbawa ay hindi pagtupad sa itinakdang usapan dahil dumating nang sobrang late. Ang lumipas na oras ay hindi na naibabalik, dahil ang pag-usad ng panahon na kinapapalooban nito ay diretso, walang balikan. Kahit anong talino ng tao, kung hindi naman siya maagap dahil makupad sa pagkilos, ay matatalo ng taong palaging nauuna sa oras. Ilang beses na itong napatunayan lalo na sa paghanap ng trabaho. Ang isa pang sitwasyon ay ang pagpunta sa airport, na dahil sa tiwala ng ibang walang sagabal sa pagpunta sa airport ay nakalimutan ang mga hindi inaasahang trapik o disgrasya sa lansangan na maaaring magresulta sa pagka-miss nila ng flight….kaya habang nakanganga sa harap ng saradong check-in counter ay abut-abot ang pagsisisi.

Ito naman ang madalas mapuna sa mga taong religious daw. Kapag nagkikita sa lugar ng sambahan kung Linggo, nagpapa-istaran sila sa ganda ng damit na suot at burluloy sa mga braso, leeg at tenga, kulay ng kuko, pati sapin sa mga paa. Ibig sabihin, una sa kanilang intensiyon sa pagpunta sa sambahan ay upang mapuna ang ayos nila, at ang pagsamba sa Diyos na nagiging pangalawa na lamang.

Ang isa sa mga ugali na hindi nakakapagdulot ng maganda sa pamilya ay ang ugali mismo ng ibang mga magulang na ayaw “mamaluktot kahit maiksi ang kumot”. Sila ang mga taong, kahit naghihikahos na ay mas gusto pa rin ang mga mamahaling bagay kaysa mga mura na kaya nila. Ang ganitong ugali ay nakikita at nagagaya ng mga anak. Para sa kanila ay hindi na baleng malubog sila sa utang, huwag lang makita ng kapitbahay na naghihirap sila. Ang hindi nila naiisip ay dinadamay nila sa kanilang problema ang mga taong nagpapautang sa kanila, dahil wala silang pakialam kung sa itinakdang panahon ay wala silang pambayad, kaya ang kawawang nagpautang ay naiwang naghihinagpis dahil walang masingil!

Sa panahon ngayon hindi na talaga maiwasang may makahalubilo tayong mga taong taliwas sa inaasahang kabutihan ang mga asal. Guilty rin ako, pero, kung may natumbok din akong iba, please lang, huwag nang magmaang-mangan…magbago na tayo!


0

May Pag-asa Kaya sa Eleksiyon ang mga Taong Manggagamit?



May Pag-asa Kaya sa Eleksiyon
ang mga Taong Manggagamit?
Ni Apolinario Villalobos

Sa larangan ng pulitika sa Pilipinas, paulit-ulit kong binabanggit na malaking bagay ang maging miyembro ng pamilya na may tatak na sa alaala ng mg Pilipino. Ito yong may mga apelyido na nababanggit sa kasaysayan o mahalagang pangyayari sa kasalukuyan. Maaaring idagdag dito ang mga taong natalaga sa maseselang puwesto sa gobyerno, nagpaka-trying hard sa pagtrabaho subalit halata namang walang kakayahan kundi ang magsalita ng English na may American accent. Pinatindi ang hindi nila kaayaayang style ng katakawan sa publicity kaya panay pa-press conference upang mag-report ng mga “ginawa” daw nila upang maayos ang mga gusot sa kanilang ahensiya, na sa totoo lang ay wala naman palang binatbat.

Halimbawa na lang ay Si Laila de Lima ng Department of Justice na tahasang nagsabing hindi na niya maaasikaso ang third batch ng mga akusado sa pork barrel scam dahil magbibitiw upang mapaghandaan ang plano niyang pagtakbo sa 2016 eleksiyon. May plano pala siyang ganito, dapat noon pa lang ay nagtalaga na siya ng “understudy” at nag-confide sa pangulo tungkol sa kanyang plano, upang pag-alis niya ay may “continuity” ang mga kaso dahil naihanda na niya ang kanyang “understudy” na agad-agad namang ia-appoint ng presidente. Ngayon, siguradong ibibitin na naman ng pangulo ang pag-appoint ng taong angkop sa responsibilidad at may kaalaman sa pagpapatuloy ng mga kaso.

Maliban sa pork barrel scam issue, ay napabayaan din ni de Lima ang issue ng National Penitentiary o Bilibid sa kabila ng naibunyag noon ng isang warden na si Kabungsuan Makilala. Walang follow-up. Nagtalaga ng mga kapalit sa mga “nakasuhan” daw, subalit wala ring nangyari, sa halip ay tumindi pa ang mga problema. Kung kelan lalong bumaho ang mga nakatagong problema ay saka siya namasyal sa Bilibid, bitbit ang mga tauhan ng iba’t ibang media – full media coverage na naman ng ilang araw. Nakahambalang na naman ang kanyang mukha sa mga tv screens at diyaryo.

Ngayon lang luminaw ang lahat tungkol kay de Lima…na siya pala ay nag-iipon ng tinatawag na media mileage o exposure upang makilala na masigasig daw sa trabaho. Nanggamit lang pala siya ng katungkulan at ginuyo ang mga Pilipino. Ang kawawa ay ang mga inuna niyang ipasok sa kulungan- sina Enrile, Revilla at Estrada. Ang masaya ay ang ibang mga senador, mga kongresman, at mga opisyal sa gobyerno dahil siguradong magkakalimutan na naman ng mga kaso na isang “tradisyon” na nakakahiyang bahagi ng sistema sa pamamahala ng Pilipinas!

Si Petilla naman ng Department of Energy na ilang taon nang pinapaalis ng taong bayan sa puwesto dahil puro porma at salita lang pala, ay todong kapit, yon pala ay may plano ring mag-ipon ng media exposure dahil tulad ni de Lima ay may balak tumakbo sa darating na eleksiyon. Ngayong tag-init na at lalong lumala ang problema sa enerhiya ay saka nagpahiwatig ng plano niyang pag-alis. Kung noon pa lang ay umalis na siya, ang pumalit sana sa kanya ay nakagawa na ng mga hakbang upang mabawasan man lang ang problema sa enerhiya.

Ang mga taong nabanggit ay ilan lamang sa mga manggagamit na nailuklok ng presidente sa maseselang puwesto dahil sa akalang sila ay tapat, may pusong Pilipino, at magagaling….mga akalang gumuho sa isang iglap dahil sa pansarili nilang adhikain.

0

Emotional Blackmail and Sincere Sharing

Posted on Wednesday, 29 April 2015



Emotional Blackmail and Sincere Sharing
By Apolinario Villalobos

Ever wonder why some people find it hard to confide their real feeling and situation or what they do? It is alleged that the reason is their fear that others will not understand them anyway, or that, they will just be ridiculed. On the other hand, I thought that these people are just secretive and selfish, until I experienced it myself.

The strange-sounding “emotional blackmail” was blatantly said to me by no less than a person who I thought was with me always. One day, when I told her what transpired when I was with my friends in a depressed area, she told me pointblank that I was blackmailing her emotionally. At first, I did not comprehend what she meant, until I consulted a friend. He told me that the person close to me must be presuming that I was giving her reasons to help me financially in my advocacy. In other words, I was soliciting her financial sympathy. That was how she, perhaps, understood my intention, although, there was nothing to it but just to share for her to know, as I thought she was close to me.

From then on, I became wary about sharing with others, significant incidents every time I visit my friends in slums. It came to a point that despite pressures by some friends on me to divulge what I really do every time I take the road to do my random sharing, not much is shared in my blogs. It is enough to let trusted friends know that I have shared with the less unfortunate whatever excess I have in my pocket and what others contribute.

My intention in sharing my experiences is purely to inspire. I do not want to make viewers think that their emotions are being pinched. Unfortunate people are not only found in the Philippines or Manila for that matter, but anywhere in the world. I just want to let viewers know that all they need to do is open their eyes and look around wherever they are, for fellow men who need help in any way. However, for some select followers of my blogs and who I know to be on the same plane with me, I do not hesitate to expound on my advocacy. As I could feel their sincerity, I allow them to have a glimpse of what I do, as I answer their queries through discreet messages.

I must admit, though, that strangers but considered “fb friends” and “blog followers” are sending tokens of charity or directly involve themselves in what I do. For instance, a Belgian follower in one of my sites sent euro for the sidewalk kids of Avenida; a couple in  Cebu sent help for a family in Baseco Compound; an elderly couple adopted a former teen-aged prostitute I met in Avenida, and sent her to school; a Filipina in the States sends books; another Filipina still in the States sent her long-kept peso saved from a previous vacation in the Philippines; a retired couple regularly shares interest earned by their money in the bank to help me with my expenses; and a balikbayan couple spent for the bus fares and allowances of three families who went home to Tacloban. These are just some of the angelic acts that helped many unfortunate souls. Those friends learned about the needs from what I shared through blogs. Unfortunately, some still have the temerity to ridicule my effort knowing that I have limited financial capability which I must honestly admit.  Their view is that, I am not supposed to be doing all those things because I cannot do them on my own. What they do not know is that, in the beginning, I only relied on what I had, and that is how I made the ball start to roll…. successfully.

It is interesting to note that some people cannot understand what “random sharing or charity” means…that it is about unplanned, on-the-spot sharing of what is available and affordable, without declaring the identity of the giver, and without the selfie-shots of the cellphone camera, recording all those acts… and, that it is about blending with the people being helped to the extent of partaking of their meals as necessary, or sleeping with them on the sidewalk.

At the end, I just console myself with the thought that I am not alone in this kind of sharing advocacy. I see young evangelists who visit depressed areas to share the Good News from the Bible, and with only a few pesos in their pocket for fare back home. I learned that some of them make do with Skyflakes biscuit to stave off hunger while snaking their way through muddy side streets and alleys.

But, what touched me most was when a scavenger shared with me a partly spoiled pineapple that he painstakingly peeled and delicately sliced to get rid of the spoiled portion. To show my appreciation, I bought four pieces of Skyflakes biscuits – two for each of us to go with the foraged pineapple.

To keep me going, I just keep on telling myself that if others can do it, I can do it, too…share what is affordable. And, that for me is what I call simple but sincere sharing…that we need not be rich to let others feel how we care for them. Most importantly, sharing such experiences with others does not necessarily mean that their help is being solicited, but is just meant to inspire them to do the same for others near or around them, if they have the time and a extra coins in their pocket. What I am doing is letting them know that they need not walk or look far to find people who need help.

0

Blessed by the Man Who Toils with Honest Mind that Guides His Hands



Dedicated to those whose hard work keeps others alive……
A blessed Labor Day to all!


Blessed be the Man Who Toils
With Honest Mind that Guides His Hands
by Apolinario Villalobos

When the mind is clouded with deceit
No decent toil is done with it…
As the mind is emboldened with fraudulence
Fear is no longer felt for the consequence.

Blessed be the man whose honest mind
Guides the dexterity of his hands,
Blessed by his good intentions
To earn by dint of sacrifice and sincerity
So that not a soul be exploited
Or get trampled with audacity.  

0

Nationalism should not be Barred Distance

Posted on Tuesday, 28 April 2015


 

Nationalism should not be barred by distance
By Apolinario Villalobos

Filipinos who are fortunate to be living elsewhere – United States, Europe, Asian and Mediterranean countries should not distance themselves from their country of birth, short of despising the suffering Filipinos left behind. First and foremost in the mind of the overseas compatriots should be the thought that their host countries granted them citizenship or green card, because they are hardworking and trustworthy “Filipinos”. The color of their skin, accent, and aching for indigenous Filipino food, are lifetime marks that will never be erased from their persona, anywhere they go. They should not be ashamed of the present situation of the country. The Philippines may be run by corrupt officials, but these selfish citizens should not give overseas Filipinos reason to detest the country, as those who are left behind, and who still have the true Filipino spirit in their person are moving heaven and earth in their fight for changes, how elusive they may be.

Although, it is true that during campaign period prior to election, vote buying is rampant, there is a question on how the hungry compatriots can be blamed in the face of desperation, so that some Catholic bishops, even would go to the extent of telling their hungry flock to just accept the bribe but follow their conscience. A person who did not experience going hungry for days will never understand the feeling of being tempted with fifty pesos…how much more for a thousand pesos in exchange for one vote?

It is not enough that those who got paid for their votes be told that they should have not accepted the money in the first place. Perhaps what brothers and sisters out there can do is think of suggestions on how those wallowing in grief can alleviate their lot through other doable means. Unfortunately, it might be difficult to make suggestions if one has not been to slums. Looking at the flat shared photos and videos in the social media is not enough, although, they can move viewers to tears.

My suggestions are for those out there to stop making remarks that cannot help but just emphasize the sorry state of the unfortunate as seen in photos and videos. They should offer prayers, instead….as something is being done anyway, and despite the difficulty, the fight goes on – a hurting reality. At least, with prayer, those out there are able to let the Lord know, that they are showing their “realistic” concern and sympathy….yes, realistic, and hopefully without a tint of hypocrisy!