August 2017

0

The World as a Watery Grave

Posted on Wednesday, 30 August 2017

The World as a Watery Grave
By Apolinario Villalobos

It seems that the world is going back to the time when everything was under water as told in a popular legend about Creation. Another legendary deluge was mentioned during the time of Noah…but such disaster was God-inflicted. Today, if ever similar calamity shall occur, there’s only the irresponsibility of man to blame.

It cannot be denied that water which is among the basic necessities for survival is causing catastrophe throughout the world. This is the result of man’s disruption of the natural cycle of nature. The oceans and waterways are being choked and polluted by the various forms of human waste. The forests that control the upward and the downward flow of water are practically felled without let up, eventually denuding the mountains. Smoke-belching factories are dotting the face of the Earth.

Many developed communities that grow into towns and cities are left without effective drainage system resulting to floods during rainy season. Many of them have no honest-to-goodness planners. What these pretenders have in mind is the zoning of the surface without giving due consideration to what should be laid down underneath – the systematic drainage that would provide an outlet for the various wastes from these communities that multiply by the year.


In the Philippines, floods caused by defective drainage system and unfinished projects of the government such as abandoned dug-up roads and uncovered canals can be blamed to corruption. But concerned government officials who have the habit of washing their hands have their own alibis – delay in the release of budget and non-cooperation of involved agencies. This traditional finger-pointing is among the reason why the country is having difficulty in moving on even at a snail’s pace. And, though idiotic it may seem, this finger-pointing habit has made many officials millionaires at the expense of the helpless grassroots.

0

Sabotage as Tool Against Duterte

Posted on Monday, 28 August 2017

Sabotage as Tool Against Duterte
By Apolinario Villalobos

The Duterte camp should be very vigilant sa mga sabotaheng maaaring gawin as part of the smear campaign of the detractors in their desperate effort to oust the president from his office. Hindi lahat ng mga itinalaga niya sa puwesto ay sincere sa pagtulong sa kanya. Ang iba ay may ulterior motive na magpayaman lang at ang iba naman ay nagpapabayad sa mga kanyang detractors upang  gumawa ng mga kabulastugan na maibibintang sa kanya.

Along this line, ang pinakamadaling gawin ng mga kasabwat ng mga detractors ay ang “staged operation” against those involved kuno sa drugs. Gagawing obvious ang mga loopholes ng operation na agad mai-establish ng kanyang mga kalaban sa Senado at Kongreso. Sa ganitong paraan ay maipapakita nilang totoo ngang nagkakaroon ng police brutality sa operation kaya lalabas na talagang palpak ang presidente sa kanyang effort as regards his campaign against drugs.

Nakakabahala din ang katotohanang maraming mga nakaupo sa puwesto na mga civil service eligibles at hindi maka-Duterte. Sila ang mga ginagamit ng mga kalaban ni Duterte upang pabagsakin siya. Wala namang magagawa ang presidente dahil protektado ang mga hangal at traidor na ito ng batas. Lalong walang magagawa ang presidente kung ang mga financiers ay naka-base sa ibang bansa, lalo pa sa Amerika. At, ang pinakamatunog ay isa pang kababayang babae na naging milyonarya!

Nakatala sa kasaysayan ng sangkatauhan na maraming lider ang bumagsak dahil sa pagtatraydor ng inaakala nilang mapagkakatiwalaang mga tauhan. Nangyari yan kay Hesus na ang nagtraydor sa kanya ay isa sa kanyang mga disipulo na si Hudas…pinatawad siya ni Hesus. Nangyari din yan kay Julius Caesar na ang isa mga sumaksak sa kanya ay si Brutus na malapit sa kanya, kaya bago siya naputulan ng hininga ay nasambit pa niya ang, “y tu Brutus?”, na ibig sabihin ay, “pati ikaw, Brutus?”. Nangyari pa rin yan kay Ferdinand Marcos na ang nanguna sa pagpabagsak sa kanya ay ang mga pinagkatiwalaang sina Enrile at Ramos…ngayon ay nagre-reconcile ang pamilya Marcos sa kanila.


Marami ang gustong magpabagsak kay Duterte at karamihan sa kanila ay mga mapagkunwaring nakaupo mismo sa puwesto – mga ibinoto ng taong bayan at  ang iba ay mga civil service eligibles. Nangngingitngit sila dahil siguro natigil ang kanilang pangungurakot nang maupo bilang presidente ang isang taga-Davao! Akala ng mga hinayupak na ito ay walang kakayahan ang mga taga-Mindanao na maging presidente!

0

Success

SUCCESS

By Apolinario Villalobos


When does one say, “I am successful”.

Is it when he has become the head of a country?
…graduated from a prestigious university
    with the highest educational degree?
…married and  have children
    to constitute a big family? or
…become the president of a company
    and enjoy the luxury of money?

Success is more than money…
more than an educational degree…
more than a prestigious job…
and  more than a big family.

Success is that which the heart desires,
contentment in life regardless of how far one has gone,
having used to the fullest what God has given,
for it is how we are measured when our life is done.

Success is having shared one’s blessings with the less fortunate
without expecting something in return;
It is that ecstatic feeling when you made someone happy
even with just a word of advice or
just being beside him as a needed company.

Success is that immeasurable feeling of happiness
when at a ripe age you have no guilt to amend for,
remorse to cry for, and  indebtedness that should be settled
before  your sight is dimmed and you sighed your last.




0

Ang Maynila

Posted on Saturday, 26 August 2017

Ang Maynila
Ni Apolinario Villalobos

Masayang mahirap ang buhay sa Maynila lalo na para sa mga ordinaryong mamamayan.  Ang unang-unang pagdurusa ay dulot ng mala-impiyernong trapik. Ang mga lansangan ay umaapaw sa mga sasakyan. Lalong malala ang kalagayan ng trapik tuwing panahon ng tag-ulan dahil sa mga baradong drainage o mga imburnal at mga hinukay na kalye na ire-repair kuno subalit iniwang nakatiwangwang ng mga dispalinghadong kontraktor na hindi naman pinapansin ng mga walanghiyang in-charge na ahensiya ng gobyerno. Ang mga kawawang estudyanteng nahuhulog sa mga imburnal kung may baha ay ni hindi nakakapagreklamo dahil hindi rin sila binibigyang-pansin.

Walang disiplina ang karamihan ng mga drayber kaya hindi maiwasang magkapatayan dahil lang sa tinatawag na “road rage” o init ng ulo sa kalye….wala kasing gustong magpalamang. Dahil sa matinding trapik, mas mahaba pa ang oras na ginugugol sa biyahe papunta sa pinapasukan at pauwi ng bahay, kaysa sa pagtigil sa mismong pinapasukan at sa bahay. Maraming magulang ang umaalis sa bahay nang madaling araw habang tulog PA ang mga anak, at nakakauwi sa bahay ng halos hatinggabi na kung kaylan ay tulog NA ang mga ito kaya nagkikita lang sila kung weekend.

Sa Maynila, hindi napapansin ang ganda ng buwan kung ito ay nasa kanyang kabilugan dahil sa dami ng mga streetlights, neon lights, dancing fountains, kumukutitap at patay-sinding signboards at billboards. Wala ring nakikitang mga alitaptap sa mga puno, naririnig na kuliglig (cicadas) at kokak ng mga palaka. Ang paglubog ng araw ay nakikita at kinamamanghaan pa rin sa natitirang bahagi ng Roxas Boulevard mula sa breakwater ng Mall of Asia at mula sa Philippine Navy hanggang sa US Embassy. Subalit baka dumating ang panahon na pati ang mga bahaging nabanggint ay mare-reclaim na rin upang patayuan ng mga nagtataasang gusali tulad ng ginawa sa Baclaran at Pasay.

Maraming manloloko sa Maynila. Ito ang mga animo ay linta na nabubuhay sa dugo ng mga niloloko nilang nagsisikap upang makaraos sa araw-araw na pamumuhay. Hindi lang mga bagong salta sa Maynila ang biktima ng mga ungas na ito kundi pati na rin ang mga matagal nang nakatira sa lunsod pero hindi hindi pa rin nagkakaroon ng leksiyon. Samantala, ang ibang ungas na manloloko ay regular na nagbabago ng strategy upang makalusot.

Kung magpakasipag lang at magsikap habang nakatira sa Maynila, walang mamamatay sa gutom sa Maynila…nakakatiis lang dahil sa pagpipilit na pagkasyahin ang maliit na kinikita. Marami rin ang nakakaraos sa pagkain ng “pagpag” (tira-tirang pagkaing napulot sa basurahan, nilinis at niluto uli). Dahil diyan, kahit ang mga nakatira sa bangketa at marunong dumiskarte tulad ng pamululot ng mga mapapakinabangan sa basura ay nakakaraos pa rin. Marami ring mga nagwo-working student sa Maynila sa pamamagitan ng pagpasok sa mga burger joints, restaurants, malls, at iba pa. Ang iba namang gustong kumita agad ng pera ay nagpuputa o nagpoprosti sa Avenida. Marami akong nakausap na nagtatrabaho sa Ayala business district na dating mga “escort ladies” at “escort boys” habang nag-aaral hanggang makatapos sa kolehiyo.


Ang Maynila ay malaking lunsod na maraming oportunidad o pagkakataon para sa masisipag. Okey ditong mag-aral dahil sa dami ng mga unibersidad at kolehiyo. Ang matindi lang ay ang ugali ng mga iskolar ng bayan na dito nag-aaral at naghihintay ng pagkakataong makasama sa mga rally ng mga komokontra kay Duterte. Marami ring nagbabakasakaling dito sila makakatisod ng partner na mayamang matandang malapit nang mamatay. Subalit marami rin akong nakausap na may kakambal yatang kamalasan na na-stranded sa Maynila at sumusumpang hindi na babalik dito kapag nakaipon ng perang pamasahe pauwi sa kanilang bayan. 

0

One Step at a Time to Success..the struggle of Jomar Ganancial

Posted on Thursday, 24 August 2017

One Step at a Time to Success
…the struggle of Jomar Ganancial
By Apolinario Villalobos

When I came out of the barber shop one morning, I saw a group of students on their way to an internet shop. What caught my attention, though, was their colleague who was struggling with a plastic low stool, using it as a support to “walk”. The boy did not show any impatience and his friends even treated him normally. I politely introduced myself to the group and without much ado told the boy with the stool about my intention of blogging him to inspire others. He smiled and gave his permission for me to take his photo.

He was Jomar Ganancial, 13 years old and a Grade 8 student of the San Emmanuel National High School Annex, located at Purok San Jose of Barangay San Pablo, Tacurong City. His father works as a mechanic in Polomolok, South Cotabato, while his mother is a food server in a carinderia (small restaurant). When asked about his studies, his friends unanimously told me that he is consistently on top of his class. What a feat, I told myself. His height barely reaches the waist of a normal Filipino but his achievement this early soars above the head.

That morning, Jomar and his classmates were on their way to an internet shop to print a material for their project in school. Before we parted ways, I encouraged him to take a course leading to Information Technology as many companies today have jobs for PWDs (Persongs with Disability) like him. He was happy to hear such information.

My encounter with Jomar made my day and a proud Filipino again. He filled my heart with gladness instead of pity. For once, I forgot about the physically normal and rich students who would rather spend much of their time in internet shops or sniff shabu rather than attend classes.




0

The Need for Moderation

Posted on Wednesday, 23 August 2017

THE NEED FOR MODERATION
By Apolinario Villalobos

Nobody is perfect and everybody has a tendency to be bad. But there are what we call “discipline” and “control” that can make us restrain our acts. As intelligent creatures, we are supposed to have an inner strength that can help us decide to observe “moderation” in everything that we do.

We can be bad but we must always bear in mind the “Golden Rule” unless we are prepared for the consequences of our acts that could hurt others, as similar hurt or much more can happen to us. Most often, we are hurt by our own acts…these are the self-inflicted consequences due to our irresponsibility and lack of common sense. Among these are doing things that we know could affect our health, such as, excessive imbibing of alcoholic drinks and unscrupulous pigging out on unhealthy foods.

The worst heartless people who lack restraint are those who exploit others, among which are the corrupt in the government. Ironically, these are graduates of big universities with doctorates and masters in various academic spheres, such as, Public Administration, Education, Humanities, and even professional lawyers, physicians, professors. With their transformation from supposedly “honorable” status in life into greedy maniacs when they stepped into the threshold of the government, they deserve to be called “professional corrupt”.  This greedy lot seems to have not come across the word “moderation”, as they want everything that they can hold on to at the expense of others. I WOULD LIKE TO REITERATE THAT NOT ALL GOVERNMENT OFFICIALS ARE CORRUPT, AS A HANDFUL OF THEM HELD ON TO THEIR WITS TO REMAIN HONORABLE IN THE REAL SENSE OF THE WORD DESPITE THE MAGNANIMOUS TEMPTATION.

On the spiritual side, many eager beavers who claim to have an “encounter” with the Lord, act as if they are the Chosen People of the modern times. They preach what they read in the Bible but never put them into practice. In this regard, I admire the low-profiled New Christians regardless of their denomination, some of whom are leaders of their humble Ministries while the rest spread the Good News via text messages. They never go beyond the limits of their capability to stand for Jesus and God. They preach within the limit of their sincere capability instead of being noisy, and manifesting only what they sincerely feel.

We are suffering today due to our excessive greed for comfort. Factories are mushrooming all over the world to bring forth supposedly necessities in life – machines, gadgets, chemicals, garments, packed foods, etc. The factories belch out pollutants that destroy Nature…that is how I can simply state the consequence of our excessive cravings. As a result, the natural climatic cycle has drastically changed. Excessive rains cause flood. Excessive wind causes storms and typhoons. The ozone layer has been ripped exposing the Earth to the deadly heat of the sun.

Finally, excessive love can result to selfishness that could be fatal….


0

The Unchecked Prevailing Labor Practices in the Philippines

Posted on Monday, 21 August 2017

The Unchecked Prevailing Labor Practices in the Philippines
By Apolinario Villalobos

Even without citing provisions in the Labor Code, there is a general knowledge about the abusive practices of many establishments and homes in the country some of which are the non-payment of overtime due to extended duty in the workplace, non-remittance of SSS, Philhealth, as well as, Pag-ibig contributions, verbal and physical abuse, and worse is the commission of rape!

A popular burger joint for instance, is squeezing its employees for more revenue despite the consistent monthly increase. Appointed Team Leaders or supervisory staff, are most often overzealous in carrying out their responsibilities to the point of verbally abusing their subordinates. The poor subordinates on the other hand, have no choice but to keep their cool instead of complaining as they might lose their job.

 Those working in stalls owned by both the Filipino and Chinese employers are in no better situation. I have talked to many of the sales girls and has been told about the Php150 or Php100 per day wage that they are forced to accept, not even enough for two meals and fare every day of their duty. Some are lucky if they have kind employers who provide free lunch.

Worse is the plight of teachers in many schools that periodically file for tuition fee hike. The planned increase wage for teachers and the rest of the personnel are used as among the reasons, aside from improvement of facilities. Unfortunately, when their request is approved, the poor school personnel are left with the same low wage and the planned improvement of facilities is not implemented.

Unionism has become a thing of the past as the government seems to be discreetly tolerating the rampant occurrence of contractualization. There are complaints but the big question is how many of these have been properly handled by the Department of Labor and Employment? Even the provisions in the Labor Code are full of technicalities that favor investors more than the labor sector.


The Philippines is heavily dependent on her “labor export” and those left in the country due to lack of financial capability for document processing are at the mercy of greedy employers, due to lack of choice. If this dependence shall go on, the nation shall remain haplessly impoverished for decades to come.

0

The Ambivalent and Critical Political Atmosphere in the Philippines

Posted on Saturday, 19 August 2017

The Ambivalent and Critical Political Atmosphere
In the Philippines
By Apolinario Villalobos

Politics is universally ambivalent and being such, nobody inside the political arena is a permanent ally and friend. In the Philippines, ambivalent politics is not just prevalent but literally, dirty. Proofs of these characteristics are turncoatism, vote buying with the use of drug money during elections, and slaying of opponents. A few of politicians who staunchly remain clean and idealistic pitifully lag behind during the election, while the rest of them who fortunately get elected, do not last long, as they are either murdered or become victims of image demolition scheme There are clear indications that the general desire of the dirty traditional politicians (trapos) to maintain their clout in the government at all cost is to recoup their expenses during the election, or simply stated, to amass a vast “return of investment” at the earliest possible time. There is a popular adage that says, “the shortest way to get rich is via politics”.

Currently, Duterte is a victim of the ambivalent dirty political system in the country. He got elected because Filipinos perceive in his person a “hope” that they have been wishing for, after the long decadence and downslide of the political system.  In his effort to merge with even the unfriendly elements aside from his political enemies, Duterte extended his hand to them. His effort seemed to have reaped success as peace talks have been undertaken with MILF, MNLF and NPA. Unfortunately, the NPA reneged from its promise to cooperate, proof that the said group is so splintered that its leadership has become inutile due to its inability to control their rank.

On the other hand, the relationship of Duterte with the MILF and MNLF seems stable despite the debacle at Marawi city which involved the initially taken-for-granted terroristic Maute Group. The Marawi debacle is the most acidic test of the Duterte administration as it has greatly affected the long-coveted federalization of the country. It has also diverted the attention of the Armed Forces of the Philippines from other urgent concerns.  The historic city and cultural seat of the Maranaos has impressed an ugly scar in the map of Mindanao that even the Islamic religious groups and elders have come out in the open to denounce the ruthless act of the Maute Group and their Christian recruits.

Meanwhile, politicians in Manila, have all eyes towards Duterte who is from Mindanao, not because they appreciate his effort, but because they view him as evil in his effort to suppress the drug menace. Many of them have not been to Mindanao, yet, they compete with the ageing Catholic bishops in filling the air with condemnations of the guy. That’s how it is with politics in the Philippines, the ambitious and the unthinking make noise to be noticed.



0

Si Cacai...masugid na pupil ng Maria Z. Bayya Elementary School

Posted on Wednesday, 16 August 2017

Si Cacai…masugid na pupil
ng Maria Z Bayya Elementary School
Ni Apolinario Villalobos

Si Caca, 6 na taong gulang ay anak ni Eke. Grade 1 siya sa Maria Z. Bayya Elementary School sa Carmen, Tacurong City. Nakita ko ang sarili k okay Cacai dahil sa kanyang sigasig sa pag-aaral. Ayaw niyang mapahiwalay sa kanya ang kanyang mga gamit pang-eskwela kahit pa sumasama sa kanyang nanay na si Eke na nag-oovernight sa bahay kung saan siya ay naglalaba at naglilinis. Hapon pa lang pagkatapos ng kanyang klase ay pumupunta na silang mag-ina sa bahay na kanyang pagtatrabahuhan. Si Eke ay civilian volunteer din sa Barangay Hall ng Carmen kaya pagkatapos ng duty pa lamang siya nakakapagdiskate ng “sideline” na paglilinis ng bahay at paglalaba. Magaling sa paglinis si Eke ng bahay kaya siya palagi ang tinatawagan ng kanyang kamag-anak na si Neneng upang magkaroon din ng extra income. Napag-alaman ko rin na bilang volunteer ay nagbabantay din siya ng Barangay Hall sa gabi.

Ayaw ni Cacai na iwanan ang kanyang mga gamit sa school dahil nag-aaral din siya sa gabi. Kahit pa ilang beses siyang sinabihan ng kanyang tatay na si Roy na mag-aabang ito sa gate ng school kinabukasan upang iabot ang kanyang bag, ayaw pa rin niyang pumayag. Isang beses ay sinagot daw niya ang kanyang tatay ng, “paano akong makakapag-aral kung iwanan ko ang bag ko?”. Dahil, sa sinabi ng niya ay hinayaan na lang siya na bitbitin ang kanyang bag kapag sumama kay Eke.

Sumasabay siya sa paggising ng kanyang nanay, 4:00AM ng umaga upang mag-ayos. Wala siyang reklamo kahit walang ulam sa almusal at tuyo ang baon sa eskwela. Kapag nagtrabaho si Eke sa bahay ng kanyang kamag-anak, kinabukasan ay nagmamagandang-loob naman ang kapatid nito na si Toto na ihatid si Cacai sa school 6:30AM pa lang. Nanggagaling pa sila sa President Quirino na mahigit sampung kilometro ang layo sa school. Ang bahay naman nina Cacai ay pwedeng lakarin mula sa school kaya pag-uwi niya sa hapon ay kasama na niya sa pag-uwi ang kanyang nakakatandang kapatid at sa bahay na sila nagkikita uli ni Eke na nakauwi na rin mula sa pinagtrabahuhan.

Nang ako ay sa kaparehong edad ni Cacai, nagkaroon ng sunog sa bayan namin. Nang magkatarantahan sa paglabas ng mga gamit sa bahay upang mailipat sa katapat na plaza, ang binitibit ko ay ang plastic bag na ang laman ay mga gamit ko sa eskwela. Ang mga binitbit naman ng mga kapatid ko ay mga damit nila. Dahil sa ginawa ko ay piningot ako ng aking ate. Minsan naman, may nagbirong classmate ko na nagtago ng mga gamit ko. Nang malaman ko kung sino ang nagtago na ang pangalan ay “Anselmo”,  hinabol ko siya ng panudsod ng damo na palaging kong dala bilang requirement upang makapaglinis kami sa assigned area naming sa bakuran ng eskwelahan. Noong nasa elementary ako, walang pwedeng makialam sa mga gamit ko sa eskwela kahit mga kapatid ko.


Pareho rin kami ni Cacai dahil kaya naming kumain ng kanin kahit walang ulam. Sana sa paglaki niya ay matuto rin siyang kumain ng tutong na sinabawan ng tubig at binudburan ng asin.




0

Lessons from Marawi Tragedy and the Ongoing NPA Operations

Posted on Tuesday, 15 August 2017

Lessons from Marawi Tragedy
And the Ongoing NPA Operations
By Apolinario Villalobos

Infiltration as a terroristic act has definitely succeeded with the Marawi City devastation as the latest manifestation. The ISIS-professing Maute Group recruited insiders and used them in waging terror in the city in their effort to overthrow the government and replace it with the traditionalist Islamic faction. The group enticed many young Maranaos to join them with tempting huge monetary reward equivalent to the Filipino executive wage. The New People’s Army (NPA) has used this tactic, albeit with threat, instead of financial persuasion. This bandit group has infiltrated remote villages and employed threat in their recruitment campaign and extortion.

The Philippines is helpless against terrorism despite the declaration of the government that everything is in order as far as security is concerned. Such assurance is ridiculous because the country’s coastal fronts are pathetically protected by the inadequate facilities of the Philippine Navy and Philippine Coast Guard. Many forested areas and remote villages have become lairs of bandits and rebels. Military outposts in remote areas are inadequately and inconsistently manned….beefed up only when there are reported attacks by the unfriendly elements. And, most especially, the military equipments are outdated. Add to that the dwindling number of combatants. The aforementioned are reasons why the Philippine military is very far from being successful in their drive against the Abu Sayyaf based in Basilan and the splintered NPA that turned bandits….and now, the Maute Group. There is a clear indication that the military need for manpower and equipment must be given attention soonest as possible.

WHAT HAPPENED TO THE BUDGET? WHY MUST DUTERTE HIMSELF SHOULD ACT, BEFORE SOMETHING IS DONE? IS THE COUNTRY IN THE RIGHT HANDS OF “PROTECTORS/DEFENDERS”?

Not taking things for granted is what I mean by the “lesson” that the Armed Forces of the Philippines should learn from the Marawi tragedy and the NPA operations. The AFP brags about its accomplishments based on the number of dead police and soldier, and promises to fulfill commitments on certain dates. Unfortunately, the promises remain as unfulfilled promises.


To help Duterte maintain a reputable image, the AFP should stop making promises and act more appropriately…period.

0

Ang Tao

Posted on Sunday, 13 August 2017

Ang Tao     
Ni Apolinario    Villalobos

Sa dami ng pagsubok na sa buhay nati’y dumaan
Halos naging bantad na tayo sa anumang kapalaran
Ang pagkatao natin, para na ring goma sa kalambutan
Tila ba ‘di na iniinda ang mga dilubyong nagdadatingan.

Sabi ng matatanda, dapat tayo’y may mahabang pisi –
Pisi ng buhay na siyang batayan ng masidhing pagtimpi
Subali’t hanggang saan ito aabot na may kabuluhan at silbi?
Kung kaguluha’y matindi na?...marami nang  gutom at nasawi?

Ang kapaligiran ay umaapaw na ng mga kasalaluan natin
Basurang itinatapon sa kung saan-saan, sa ati’y bumabalik din
Sayang ang talinong sa atin ay ibinigay ng Diyos, hindi pinapansin
Dahil ang nais nating pairalin ay ang  makasarili nating damdamin!!

Pagkagahaman sa salapi ay hindi na nawala sa puso ng tao
Sa mga babalang maka-Diyos, ang kasakiman niya’y ‘di pagupo
Sukdulan mang makatapak ng kapwa, kumita lamang ng todo-todo
Ano pa nga ba’t ga-bundok man ang salaping ninakaw, ‘di pa kuntento!

Anong landas ang dapat tahakin nang walang duda’t pasubali?
Upang maski papaano, maski kapiraso, sa katiwaliang nagawa ay makabawi?
Ang landas bang baku-bako, puno ng  pagsubok na sa kasalana’y makapawi?
O, landas na walang hadlang, malinis, subali’t sa mga kasalana’y magpapasidhi!


Notes:
masidhi – too much
kasalaluan - misdoing
pasubali - alibi


0

Sabotage as Part of the Demolition Scheme Against the Duterte Administration

Sabotage as Part of the Demolition Scheme
Against the Duterte Administration
By Apolinario Villalobos

I have consistently emphasized that despite the seemingly indestructible image of Duterte due to his machismo, his detractors are bent on doing possible ways to shake his administration. The best way to do this is make use of the untouchable civil service eligibles left in practically all agencies loyal to them. Newly-appointed chiefs of agencies cannot even bring along their trusted staff due to delicadeza, thereby, helplessly leaving them at the mercy of the holdover corrupts in the office.

Who would be expected to feed detractors with inside information about the weaknesses of the new appointees but the insiders? Who would be expected to discreetly muddle the decision of the new appointees but the insiders?  If this is not sabotage committed by the corrupt holdovers and who are protected by the Civil Service eligibility, I do not know what else to call it.

Sabotage is a universal destructive act of “mercenaries” in an organization, entity, and nation. These saboteurs are sometimes called “spies” to give them an exciting color. These devils of sort can throw into trash bins or burn documents, make equipment bog down, block the flow of information, feed wrong information to the media, etc., with the end view of destroying the credibility of the agency and the appointed chief.

The case of the Bureau of Customs is one classic example. Since time immemorial, the agency always alleges the lack of facilities, especially, x-ray machines for their inability to detect contraband items. How can such an agency whose main responsibility is to “check” items lack this basic equipment? Accordingly, the agency has x-ray machines but they have been purposely made to malfunction!

Sabotage will definitely pull Duterte down unless something drastic is done to the evils in the agencies – the incorrigible Civil Service eligibles!



0

Mga Iba't ibang Uri ng Kaibigan

Posted on Friday, 11 August 2017

(Mahalagang basahin upang mabisto kung anong uring kaibigan meron ka….mahaba nga lang.)

Mga Iba’t ibang Uri Ng Kaibigan
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkauso ng “BFF” o “best friend forever” na turingan, hindi maiwasang bigyan ng matamang pansin ang ganitong relasyon. Napakaswerte ng mga magkakaibigan na habang buhay na raw nga, ang halos ay pagkit na pagkakadikit sa isa’t isa sa lahat ng panahon. May mga magkakabarkada na hanggang tumanda na ay regular pa ring nagre-reunion. Ang ganitong samahan ay hindi dapat maging dahilan ng pagselos ng mag-asawa, dahil iba ang uri ng samahan ng magkakaibigan sa uri ng samahan ng mag-asawa.

Ang magkakaibigan lalo na yong mga magkakabata ay halos magkadugtong na ang mga pusod kung sila ay magturingan. Nangyayari ito kadalasan sa mga anak ng magkukumare at magkukumpare. Kung minsan naman ay sa magkakapitbahay. Mas malalim wika nga ang samahan dahil kung baga sa puno ay matatag na ang pagkakaugat.

Ang samahan ng mag-asawa ay nagsisimula kadalasan sa panahong ang babae at lalaki ay pareho nang nasa tamang gulang, at nagsisimula sa pagkikita sa paaralan, lalo na sa kolehiyo,  o di kaya ay sa trabaho. Sa bihirang pagkakataon kung minsan naman, nauuwi sa pag-aasawahan ang nagsimula sa puppy love na na-develop nang high school pa lang.

Sa barkadahan, wala halos itinatago sa isa’t isa ang magkakaibigan, hindi tulad ng mag-asawa na may mga nirereserba pang sekreto sa isa’t isa, lalo na yong biglang nagsama makaraan lamang ng ilang araw, linggo o buwang ligawan. Paano nga namang magtitiwala sa isa’t isa ang nagkadebelupan lang dahil sa eyeball to eyeball na nagsimula sa facebook?...na nauwi lang minsan sa isang short time sa mumurahin at masurot na motel…. naging mag-asawa na?

Sa magbabarkada, walang sinumpaang obligasyon ang isa’t isa, kaya walang sumbatang nangyayari. Hindi tulad sa mag-asawa na parehong pumirma sa kontrata upang magsama sa hirap at ginhawa, at ang kontratang ito ay tumitiim pagdating ng panahon na may mga anak na sila. At ang matindi pa, ang hindi tutupad sa kontrata ay makakasuhan, lalo na kung umabot sa puntong nagkasawaan at naghanap ng mga bagong kandungan ang bawa’t isa.

Sa magbabakarda, kung may tampo ang isa sa isa pang kabarkada, pwede siyang tumakbo sa iba pang kabarkada upang maglabas ng hinaing. May mga payong ibibigay – take them or leave them pa, may choice. Sa mag-asawa namang nagkatampuhan lalo na ang may matataas na pride, kung minsan, ang tampuhang nagresulta sa simpleng kalmutan at sampalan ay umaabante sa batuhan ng plato, baso, ispinan ng kutsilyo, at lasunan!

Ang tunay na pagkakaibigan ay tapat at walang kundisyon na sinusunod. Wala mang kundisyon ay mayroong nangyayaring “pakiramdaman”  batay sa prinsipyo ng kamutan ng likod, sa Ingles, “scratch my back and I’ll scratch yours. Yan ang pinakamagandang uri ng pagkakaibigan – bukal sa kalooban at nagbibigayan.

Sa panahon ngayon, may mga taong nakikipagkaibigan sa iba na sa tingin nila ay may pakinabang. Ito yong mga social climber na nakikipagkaibigan sa mga mayayaman o di kaya ay maimpluwensiyang tao upang mahatak din sila paitaas tungo sa mundong ginagalawan ng taong kinaibigan. Nangyayari din ito sa mundo ng pulitika kung saan, ang mga baguhang pulitiko ay pilit na dumidikit sa mga may pangalan na upang maamutan sila ng katanyagan nang sa ganoon ay umusad ang kanilang karera sa pulitika. Pagdating ng panahong tanyag na rin sila, ang mga dating dinikitan nila ay balewala na, lalo na kung nasira ang pangalan dahil sa mga kaso ng katiwalian.  Kapag tinanong ng reporter, sasabihin ng dating social climber at ambisyosong politician na ang nakakasuhan ay “minsan” na niyang nakausap, yong lang.

Ang nangyayari sa mundo ng pulitika ay nangyayari din sa mundo ng show business. May nakausap akong direktor sa pelikula na umaming dumikit siya kay Lino Brocka upang mawisikan man lang ng grasya ng katanyagan. Nagtagumpay siya. Dumating din ang panahon na siya naman ang dinikitan, subalit sa pagkakataong iyon, ang tinulungan niya upang magtagumpay ay hindi na kumilala sa kanya nang dumalang na ang mga offer upang magdirek ng pelikula. Yong walang utang na loob naman ay nakarma dahil nagkaroon ng kanser at naubos sa pagpapagamot ang perang naipon sa pagdidirek. Sana ang nangyari sa walang utang na loob na nagkaroon ng kanser ay mangyari rin sa mga pulitiko, para yong mga nagkakainan ng dumi ay pare-pareho nang mamatay sa kanser. Magiging sikat ang Pilipinas dahil lahat ng mga namatay na pulitiko ay kanser ang dahilan – only in the Philippines!...at maitatala pa sa Guinness Book of World Records!

May mga kaibigan din na doble-kara. Ito yong mga taong ayaw nilang mahigitan sila ng mga kaibigan sa lahat ng bagay. Sila yong mga nagdadaos ng party na ang pakay pala ay ipakitang mas nakakahigit sila sa karangyaan kung ihambing sa ibang kaibigan nila. Kadalasan nahuhuli ang mga taong ito sa mga salita nila mismo, tulad ng pabirong “o…meron kayo nito?” Hindi nawawala ang ganitong klaseng kaibigan sa isang grupo na kadalasan ay nauuto upang gumastos dahil sinasakyan na lang siya ng iba, lalo na sa isyu ng yaman. Siya nga naman ang may pera, kaya, sige pagastusin na lang kung gusto niyang magyabang…yan ang kadalasang sinasabi ng mga pinakikitaan ng kayabangan.

May mga kaibigang traidor. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang samahan ni Hesus at ni Hudas na disipulo niya. Ipinagkanulo ni Hudas si Hesus sa ilang pirasong pilak. Sa Pilipinas, itinanggi si Janet Lim Napoles ng mga taong itinuring niyang kaibigan at inambunan ng mga ninakaw niyang pera mula sa kaban ng bayan. Ito yong mga taong ka-kodakan niya (Napoles) sa mga party niya sa mausoleo ng kanyang ama sa Pasig, may pa-toast toast pa ng alak ang mga hiyu….ta. Bandang huli pare-pareho silang “pinag-iingatan to death” ng mga guwardiya, dahil nakakulong na…friends together….anywhere…talaga lang!





0

Friends

Happy Friendship Day!

FRIENDS
By Apolinario Villalobos

Friends are people and as such have different characters, as no two persons are alike, not even twins. And, because of the varying characters of friends, they can be classified into several kinds:
  • Friends who use their “friends” for selfish motives.
  • Friends who boost their ego at the expense of their “friends”. 
  • Friends who are actually “enemies” in disguise.

There are no permanent friends, as in a group, any “friend” can sow distrust resulting to a break-up. There may be reconciliation, but whatever fracture that resulted could not be totally healed. In Tagalog it means, “may lamat na ang samahan”.

As a simple precaution, in any “friendly” relationship, there should be restraint in revealing the total self. Only the arrogant will reveal to a “friend” about his fat bank account in order to give an impression of his being a superior financial-wise. Only the arrogant will reveal to a “trusted” colleague about his sexual escapades to prove his machismo. And, only the arrogant will reveal to a business associate the total expanse of his clout or connections to prove that he is powerful.


Making friends is a risky endeavor as one might accidentally connect with any of the three kinds mentioned above. In making friends, make sure that resulting detrimental situations can be handled. However, if you are any of the three mentioned above, PLEASE….change your ways, because, although, your would-be victims may not be aware of your intention, there is SOMEBODY who knows everything…HE IS UP THERE, LOOKING DOWN AT US!

0

Huwag Magalit sa Nagmumura

Posted on Wednesday, 9 August 2017

Huwag Magalit sa Nagmumura
Ni Apolinario Villalobos

Huwag magalit sa taong nagmumura kung hindi ikaw ang minumura. Kung ayaw mong marinig ang pagmumura niya, lumayo ka. Mas mabuti na ang makarinig ng “putang ina”, “letse”, “belatibay”, “okinam”, “hindot”, “diputa”, “yuts”, “yudiputa”, “dupang”, “linti”, “shit”, “damnit”, “damn you”, “goddamnit”, “punyeta”, kunyo”,at iba pa kaysa magsambit ng “Oh, my God”, “Jesus Christ”, “God”, at iba pang mga salitang may kinalaman sa Diyos dahil yan ang pinagbabawal ayon sa Bibliya kung ikaw ay naniniwala sa librong yan. Hindi lang yan isang malinaw kundi matinding blasphemy. Lalong higit na mas mabuting nailalabas ang mga masamang salita kaysa iniistak sa utak dahil iniisip lang…yan ang pagtatanim ng masamang loob sa kapwa.

Ang mahalaga ay walang karugtong na “ka” ang pagmumura upang malinaw na hindi ikaw ang minumura. Kung boss mo ang nagmura sa yo kaya hindi ka makalayo upang makaiwas, ibang usapan na yan….sa Department of Labor at Employment o husgado.

Ang pagmumura ay paraan upang hindi manikip ang dibdib ng isang tao dahil sa sobrang galit. Mas mabuti na ang magmura kaysa manuntok ng o manira ng gamit kapag galit. May mga seminar kung saan ay natututunan ang pagtimpi at paraan upang mabawasan man lang ang galit tulad ng pagpunta sa kuwarto at doon sumigaw ng kung anong maisipang salita. Subalit kung sa kuwarto na yon ay magmumura ka pa rin ng pasigaw, hindi pa rin mawawala ang ugaling yan, yon nga lang, wala nang makakarinig na ibang tao. Pero, maski papaano ay may pagbabago. Ang problema lang ay kung walang kuwarto.

Sa Pilipinas ay may mga restaurant na naglalalaan ng isang bahagi o sulok kung saan ay pwedeng magbasag ng mga plato, baso, etc. Mas malaking mababasag, mas malaki ang babayaran. Sa Japan nagsimula ang “shout therapy” na naging popular tulad ng “zumba”. Ang shout therapy ay pagsisigaw sukdulan mang tumalsik ang tonsil mo. Sa therapy na yan pwede mong murahin nang pasigaw ang nakagalitang kaibigan o boss. Mahal ang presyo ng mga pagkain sa restaurant kung saan ay pwedeng magbasag. At lalong mahal ang “shout therapy” kung ito ay gagawin sa isang clinic sa Japan.

Sa isang banda, ang pinakamagandang gawin ay huwang galitin ang kapwa dahil hindi natin alam kung ang kaharap natin ay may ugaling  nagmumura. Kaya dapat na mag-ingat sa pakikiharap sa ibang tao. Huwag mag-presume na lahat ng tao ay kaya mo dahil sa estado mo sa buhay na mas nakakangat sa iba o dahil marami kang pera.

Ang ilan lang sa mga bagay na nakakapagpagalit at nakakapagpamura ay:
·        Katangahan
·        Kabobohan
·        Kabastusan
·        Kakulitan
·        Katigasan ng ulo
·        Katamaran
·        Panloloko
Payo lang…kung ikaw ay isang ina, huwag murahin ang anak ng “putang ina mo”.

Ang ilan pa ring bagay na nakakapagmura ng tao pero hindi dahil galit ay:
·        Masarap na pagkain
·        Kagandahan
·        Ecstasy


ANG NAKAKABILIB AY ANG MGA TAONG NAGSASABI NG “PRAISE THE LORD” KAPAG GALIT. SINASABI KO YAN DAHIL MAY NA-ENCOUNTER NA AKO….SA LOOB NG NATIONAL INSTITUTE FOR MENTAL HEALTH (DATING MENTAL HOSPITAL) SA MANDALUYONG.

0

The Need to Relocate the Task Force Talakudong (Tacurong City)

Posted on Tuesday, 8 August 2017

The Need to Relocate the Task Force Talakudong (Tacurong City)
By Apolinario Villalobos

The Task Force Talakudong is currently located at the former “resort” area where a swimming pool is located within the Magsaysay Park facing the Alunan highway which poses a danger for the city. Military outposts are among the primary targets of unfriendly elements that would like to sow destruction as part of their operation. In this regard, the location of the military outpost definitely poses a danger to the whole city even if only a couple of guided missiles are directed to it, especially, because the City Hall is just a few meters from it.

In the past, the former Philippine Constabulary (PC) had a headquarters in Isulan until the said AFP branch was converted into the Philippine National Police (PNP). The location was strategic, considering that it was located in the middle of the “danger zone” that today, still  include Esperanza, Bagumbayan, Tacurong, President Quirino, Lambayong and Tantangan. Esperanza and Bagumbayan are at the foot of Mt. Daguma; Lambayong and President Quirino are adjacent to Ligwasan Marsh; and Tantangan is located at the foothills near Columbio. On the other hand, Tacurong being at the center of all these, still serve as the evacuation center.

Another important reason why the Task Force Talakudong should be located is the need for a much bigger area that could accommodate an expanded contingent and additional equipment which is very necessary. The current location is obviously inadequate for such scheme. My suggestion is its relocation outside the heavily populated downtown area where the City Hall is also located, and not outside the city periphery or at the very least in a boundary area with another town where the AFP deems appropriate. It should be noted that both the Ligwasan Marsh and the Daguma mountain ranges though charted, are not completely protected from unfriendly elements. They have been known as lairs of rebels and bandits, if I have to be frank about it. Though the once considered as “rebels” , except the NPA, are now in good terms with the Duterte government, the rest are  viewed as bandits and terrorists. And, their infiltration of the friendly groups is very possible.


The unrest today is obviously political, not religious, as the latter is just being used by the ambitious groups for their selfish motives. There is a peaceful co-existence among Christians and Muslims in the area, and that cannot be doubted. Again, the problem could arise if the so-called infiltration which is a terroristic strategy would be employed. There is much to be learned from the Marawi tragedy in this regard. It is high time that the Armed Forces of the Philippines should give the issue on the Task Force Talakudong a serious attention. The current seemingly “peaceful” situation in southern Mindanao should not be taken for granted.

0

Ang Masisipag na Biyahera ng mga Gulay at ang Matiyagang Arkabalista ng Tacurong na si Melvin Duque

Ang Masisipag na Biyahera ng Gulay
At ang Matiyagang Arkabalista ng Tacurong na si Melvin Duque
Ni Apolinario Villalobos

Sa isang bahagi ng kalye na papasok sa Apilado subdivision ng Tacurong city, natagpuan ko ang isang maliit na bagsakan ng mga gulay mula sa Takub na bahagi na ng South Cotabato, isang bulubunduking barangay. Ang ibang biyahera ay mula sa Kulaman, Tantangan, Buluan, at President Quirino. Napansin ko rin sa bahaging yon ang isang taong may nakakuwentas na ID ng city government, at napag-alaman kong arkabalista pala…si Melvin Duque.

Maagap sa pagbigay ng tiket si Melvin pagkatapos niyang bilangin ang mga nakasakong gulay ng mga biyaherang lahat ay kilala na niya. May kasama pang ngiti kung siya ay magbigay ng tiket kaya kahit kararating lang ng mga binibigyan niya ay wala silang reklamo. Maaga pa lang ay nakaabang na si Melvin at kahit tirik na ang araw ay matiyaga pa rin siyang nag-aabang ng mga darating. Dahil walang sombrero, ang pananggalang niya sa init ng araw ay ang kanyang sweat shirt. Hindi siya umaalis sa kanyang “teritoryo” hangga’t may dumarating pang mga biyahera.

Maliit lang ang kinikita ng mga biyahera ayon sa isang nakausap ko. Ang ilan sa kanila ay mismong mga nagtanim ng kanilang paninda. Ang iba naman ay namamakyaw ng mga gulay mula sa mga magsasakang ayaw bumaba sa mga palengke upang magbenta. Karamihan din sa kanila ay mga babae dahil ang mga asawa daw nila ay naiiwan upang magtrabaho sa bukid.


Si Melvin at ang mga biyahera ay mga nakalimutan nating mga haligi ng ating ekonomiya….mga bayani. Kung walang mga biyaherang nagtitiyagang maghakot ng mga gulay sa pamilihan kahit kaunti lang ang kikitain, wala tayong mabibiling natitingi o retailed sa mga palengke. At, kung walang matiyagang arkabalista tulad ni Melvin, walang malilikon na direktang buwis ang lokal na pamahalaan upang maipatupad nito ang mga programa at may maipangsahod sa mga empleyado at opisyal ng bayan. Karapat-dapat sila sa ating paghanga at paggalang, na ang tiyaga at kasipagan ay dapat tularan.





0

Ang Pagtanaw ng Utang na Loob

Posted on Monday, 7 August 2017

Ang Pagtanaw ng Utang na Loob
Ni Apolinario Villalobos

Likas na sa tao ang tumanaw ng utang na loob sa kapwang nakapag-abot ng tulong sa kanya. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng tulong din, salita, o sa kilos man lamang.  May mga tao namang nakatulong na ayaw tumanggap ng utang na loob kahi’t na sa anong paraan, at nagsasabi na lang na ipasa sa iba ang tulong na natanggap. May iba namang tumatanggap ng utang na loob lalo na’t  nakita nila kung paanong paghirapan ng mga natulungan nila ang makapagtanaw ng utang na loob sa abot ng kanilang makakaya. May iba namang natulungan na nga ay nagawa pang pintasan ang tulong na naibigay.

Sa kagustuhan ko minsan na makatulong  sa isang nanay na mag-isang bumubuhay ng kanyang mga anak, at madalas na maglabas ng sama ng loob dahil sa kahirapan ng buhay, naipamili ko sila ng pang-ulam na isda at gulay, pati bigas. Nang dalhin ko sa kanila ang mga napamili at nakita niya, sabi ng nanay, “ay, kuya, hindi kumakain ang mga bata ng isda dahil nalalansahan sila”. Kaya pala sila hirap, kahi’t kapos sa pera, pinipilit ng nanay na pagbigyan ang luho nila sa pagkain, kaya ang binibili niyang pang-ulam palagi ay karne ng manok at baboy, at ang gulay ay bihirang-bihira lamang, kung magkaroon man ay repolyo– yan ang sabi niya sa akin. Mabuti na lang at hindi tinanong ng nanay kung magkano ang bigas at baka mabisto na mumurahin lamang.

Hindi na ako nagtagal sa kanila, bitbit ang dalawang plastic bag, dumiretso ako sa bahay ng isang kaibigan na medyo nakakaangat sa buhay. Nang iabot ko ang mga plastic bag ng mga pinamili ko, abot-abot ang kanyang pasalamat. Ang kaibigan kong ito ay volunteer sa isang parokya at kadalasang nagmamaneho ng sasakyan ng pari kung may mga lakad ito. Kung sira ang kotse ng pari, kotse niya ang kanyang ginagamit.  Minsan na akong nakasama sa kanila nang puntahan namin ang isang naghihingalong matanda sa  kanyang barung-barong, sa tabi ng isang malaking ilog sa Pasay. Yong naunang nabanggit kong pamilya naman na ang mga anak ay nalalansahan sa isda ay umaasa lamang sa paabot-abot na tulong ng kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Japan bilang singer sa isang bar.

May isa namang pamilya na nagawan ko ng paraan upang may mahanap na malilipatan agad dahil pinapaalis na sila sa kanilang tirahan na pagmamay-ari ng isang masungit na landlord daw. Subali’t inamin naman ng mag-asawa na kaya sila pinaapaalis ay dahil delayed sila ng dalawang buwan sa pagbayad ng upa. Nakiusap ako sa isang kaibigan na may kaya ang pamilya at nagpapaupa ng mga apartment din, na  baka pwedeng ipagamit ang bago pa lang nabakanteng unit. Dahil kaibigan ko, hindi na ako nagdalawang salita dahil kinabukasan din ay nakalipat ang pamilyang pinaalis sa dating apartment. Para walang masabi ang kaibigan ko, ako na rin ang nagbigay ng dalawang buwang deposito. Makaraan ang mahigit isang taon, naringgan ko na ng reklamo ang kaibigan kong nalipatan ng pamilyang natulungan – madalas delayed ang upa. Nang pasyalan ko minsan ang nasabing pamilya, may nakita akong van na nakaparada sa tapat ng apartment, kanila pala. Pinatuloy nga ako subali’t naramdaman ko ang malamig na pakita sa akin- pinahalatang ayaw nila akong tumagal dahil hindi man lang nag-alok ng tubig o kape, ni hindi man lang ako pinaupo. Umalis na lang ako at nang magkita kami ng kaibigan kong may-ari ng apartment, sinabihan ko na lang na ayaw ko nang makialam sa kanyang desisyon.

Ang isang klasikong halimbawa ng hindi paniningil sa mga natulungan ay nang sabihin ni Hesukristo na ang pagmahal natin sa ating kapwa ay pagpapakita na rin ng ating pagmamahal sa Kanya. Hindi niya tahasang sinabi na may dapat tayong tanawing utang na loob sa kanya dahil ibinuwis niya ang kanyang buhay para sa atin. Ang isang pagmamahal na tinutukoy niya ay ang pagtulong natin sa ating kapwa.

Kung ang mga pipi ay nakakagawa  ng paraan para maipakita ang kanilang pasasalamat, tulad ng pagyuko man lamang, pagpapalipad ng halik patungo sa nakatulong, pagdampi ng mga daliri sa bibig, pagturo sa dibdib kung nasaan ang puso, at ang pagporma ng mga daliri upang maghugis puso, sabay turo sa tao na gusto nilang pasalamatan, tayo pa kaya na may kakayahang magsalita?

Bilang mga panghuling paalala:  hindi dahilan ang pagkalimot ng iba na magpaabot ng pasasalamat o magpakita nito sa anumang paraan, upang mawalan tayo ng ganang patuloy na tumulong sa ating kapwa sa abot ng ating makakaya, dahil hindi dapat magkaroon ng puwang ang pagtanaw ng utang na loob sa ganitong pagkukusa. Isantabi ang sama ng loob at ituloy lang ang pagtulong sa kapwa.


0

Ang Kalasingan

Posted on Sunday, 6 August 2017

Ang Kalasingan
Ni   Apolinario   Villalobos

Hindi lamang sa alkohol ng alak, ang tao’y nalalasing
Kundi sa mga bagay na sa hinagap ma’y di natin akalain
Nariyan ang kalasingan sa biglang yaman na naangkin
At  kalasingan sa karangalang, sa katagala’y nakamit din.

Hindi masama ang uminom ng alak kung ilagay sa wasto
Lalo na’t sa Misa, ito ay  simbolo rin ng dugo ni Hesukristo
Subali’t sadya yatang may mga taong sa katakawan nito
Sa labis na natunggang alak, ang alkohol ay napunta sa ulo.

Kung minsan ‘di natin masisisi, taong sinwerte ang kapalaran
Na dati ay lagi na lang kumakalam ang sikmurang walang laman
Subali’t sa pag-angat ng isinusumpa-sumpa niyang kinalalagyan
Kayamanang nakamit,  halos hindi niya alam kung paano dapaan.

Yong iba naman, lahat ng paraan, walang humpay nilang ginawa
Mangiyak-ngiyak na kung minsan dahil sa kawalan nila ng pag-asa
Makamit lang ang inaasam na karangalang sa kanila’y napakahalaga  -
Subali’t nang makamit , mga paang umangat,   hindi na maibaba sa lupa!


0

Ang Mabuhay in this World (fusion poetry in Tagalog and English)

Fusion Poetry….
(here’s one sa mga mahilig mag-slang kung mag-Tagalog)

Ang Mabuhay in this World
By Apolinario Villalobos

Ang mundo is not really full of roses
Not every moment is with happiness
Makulimlim din minsan ang paligid
Nagbabadya ng lungkot nitong bahid.

Maganda na sana noong unang time
When paradise was there yet…sublime
But, mahina si Adan, bumigay kay Eve -
Pinalayas tuloy, napatira sa mga yungib!

“Maghirap upang mabuhay” was the sumpa
Nakatatak sa dugo, one painful na pamana
Kasalanang tinubos naman by  Christ Jesus
When on Mt. Calvary, he died on the cross!

As we live in this slowly dying world, tiis lang
Not only humans suffer, marami ding nilalang
Nandiyan also ang mga trees, fishes, at hayop
Lahat tayong mga nilalang, hirap, nagdarahop.

Walang magandang gawin but to say, “salamat”-
Salitang ulit-ulitin mang ilang beses ay ‘di sapat
Hintayin lang our last moment sa planetang ito

And, where we’ll go, depends sa ating pagkatao! 

0

Katangahan ng isang Iskolar ng Bayan Kuno

Posted on Friday, 4 August 2017

Katangahan ng isang Iskolar ng Bayan KUNO
Ni Apolinario Villalobos

Sabi ng isang “iskolar ng bayan” KUNO na tuwang-tuwa dahil sa pagpirma ni Duterte ng scholarship program para sa tertiary level, “SIGURADONG MAKAKATULONG ANG ISANG EDUKADO SA BAYAN”…TANGA SIYA!...MAKITID ANG ISIP AT MAIKLI ANG PANANAW!

Hindi guarantee ang edukasyon para makatulong ang isang Pilipino sa bayan. MARAMING OPISYAL NG BAYAN NA MGA MASTERS AT DOCTORS NG KUNG ANU-ANONG KAEK-EKAN NA TINAPOS SA MGA UNIBERSIDAD SA PILIPINAS AT IBANG BANSA ANG NAGING DAHILAN NG PAGHIHIRAP NG BAYAN DAHIL SA KANILANG KORAPSYON. SA SOBRANG DUNONG O INTELLECT, NAGKAROON SILA NG IDEYA KUNG PAANONG MANGURAKOT AT MAGPALUSOT KAPAG NABISTO. MARAMI RING NAGDODOKTOR-DOKTORAN SA KUNG ANONG LARANGAN GANOONG BINILI LANG NILA ANG TITULO….MGA KAPALMUKS!

Nakalimutan ng taga-UP pa naman na IBA’T-IBANG URI ang pagtulong sa bayan, hindi lang ang pag-upo sa aircon na opisina. Diyanitor man o security guard o pulis o sundalo o messenger o driver o matadero o tindera o manikurista o barber, etc. ay nakakatulong din sa bayan. Ang mga iyan ay maituturing ding mga haligi ng ekonomiya ng bayan. ANG MGA ISKOLAR NG BAYAN KUNO…GUSTO AY MGA PANG-OPISINANG TRABAHO LANG!...SINO SA KANILA ANG GUSTONG MAGING MEKANIKO NG SASAKYAN O COMPUTER TECHNICIAN NA MADALING PAGKITAAN?...WALA!!!!! ANG GUSTO NG MGA HANGAL NA ITO AY NAKA-HIGH HEELS SILA O NAKA-KURBATA KAPAG PUMASOK SA TRABAHO.

Ang matindi pa, ang mga iskolar kuno ng bayan ay walang utang na loob dahil sa halip na tumulong kay Duterte ay sumasama pa sa mga TRYING HARD o NAGMAMAANG-MAANGAN NA MGA KOMUNISTA KUNO UPANG MAG-INGAY SA KALSADA AT MAGBATO NG PINTURA SA U.S. EMBASSY…LALO’T HIGIT AY MAGKONDENA KAY DUTERTE DAHIL SA PROGRAMA NIYA LABAN SA DROGA NA ANG LAYUNIN AY MAILIGTAS SA KAPAHAMAKAN ANG MGA KABATAAN! SILA AY MGA NAGKUKUNWARING MATATALINO PERO UTAK IPIS NAMAN NA ANG GUSTO LANG AY MAKI-RIDE ON SA KUNG ANO ANG USO. Kaya, kung tutuusin ANG KARAMIHAN SA KANLA AY HINDI KARAPAT-DAPAT NA GASTUSAN NG PERA GALING SA BUWIS NA ANG KATUMBAS AY PUYAT, PAGOD AT PAWIS NG ORDINARYONG PILIPINO NA NAGHIHIKANOS DIN SA BUHAY.

Dapat sa scholarship program ay gawing “study now, pay later plan”…meron na yata nito pero hindi lang naipapatupad ng maayos kaya pumalpak. Dapat papirmahin ang mga gustong mag-avail upang mapilitan silang magbayad sa gobyerno kapag nakakita na ng trabaho. Kapag hindi nila ginawa ay ipatanggal sila sa trabaho upang magkaroon ng leksiyon. Kung nakapasa sila sa programa, dapat din silang palinisin ng kalsada tuwing walang pasok o di kaya ay papuntahin sa slum areas upang magturo sa mga bata.

Ang hirap din sa mga iskolar kuno na ito, ang yayabang pa! Nabisto tuloy na hindi lahat sa kanila ay mahihirap, lalo na ang pumapasok sa UP dahil ang requirement lang ay makapasa sa exam. Ang habol nila sa UP ay prestige. Masabi lang na graduate sa UP, kahit pasang awa ay solve na sila. Kung may interview man bago maka-avail ng scholarship,  hindi rin siguradong epektibo….ang dapat ay masinsinang background check (BI). Ngayon, kapag ipinilit ang BI requirement, siguradong magrereklamo ang mag-iimplement ng scholar program dahil sa kakulangan ng mga taong gagawa nito. So, balik na naman sa sisihan kapag pumalpak ang programa tulad ng nangyari sa 4Ps na hindi lahat ng beneficiary ay mahihirap kundi malalakas lang sa Barangay na siyang nagbibigay ng recommendation sa DSW.


Sa bandang huli, hindi maso-solve ng scholarship program para sa tertiary level ang problema sa edukasyon. ANG DAPAT NA TUTUKAN AY ANG NAPAKABULOK NA SISTEMA KUNG SAAN AY KASAMA ANG MGA DISPALINGHADONG TEXTBOOKS NA KARAMIHAN AY MARAMING MALI AT GINAWANG WORKBOOKS KAYA HINDI NA NIPAGAGAMIT SA IBA PAGKATAPOS NG PASUKAN. ANG DAPAT GAWIN AY IKULONG ANG MGA NAGKUKUTSABAHANG CHED AT DECS OFFICIALS AT MGA PUBLISHERS….PERO DAHIL WALANG GINAGAWA TUNGKOL DITO, TULOY ANG PAGDURUSA NG BAYAN!

0

The Problems with Some Filipino Entrepreneurs

Posted on Wednesday, 2 August 2017

The Problems with Filipino Some Entrepreneurs
By Apolinario Villalobos

First of all, many Filipino entrepreneurs are copycats. Their attitude is such that if they have observed the success of a certain business, they get envious and start their own, thinking that they would attain similar success. That is how the long line of bibingka stands along the highway of Digos in Davao came about, as well as roadside eateries all over the Philippines.
The copycat syndrome also brings about the proliferation of “fad businesses” that eventually, dies a natural death.

Many Filipino entrepreneurs forget one most important factor which is very necessary in putting up a business…the personal conviction or determination founded on personal interest. This factor is determined by the character of the person who is putting up a business. Simply put, an investor will definitely not succeed in selling a product that he does not use. How can a vegetarian for instance, be successful in selling meat products? How can a person sell herbal products if he does not even drink coffee?

Filipino entrepreneurs expect overnight success of their investment. They want an immediate return of their investment and lose heart in proceeding at the sign of any loss. They forgot that any investment that involves money is risky and may take years for the initial capital to be recovered. Meanwhile, recovery of investment may even be impossible if the Filipino entrepreneur spends not only the profit but the capital itself which should be used as a revolving fund.

Finally, one reason why many of these entrepreneurs always depend on the “5/6 loans” from enterprising Indian nationals, the so-called “Bombay” is their failure to save even a small portion of their profit that can be used as revolving fund later on. This attitude is an offshoot of the “Bahala na System”…a very negative aspect of the Filipino culture that seems so difficult to eliminate or at least, minimize.


If we want to move up, we should change our attitude!

0

The Muslim Filipino Pastil/Patil and the Japanese Sushi

Posted on Tuesday, 1 August 2017

The Muslim Filipino Pastil/Patil and the Japanese Sushi
By Apolinario Villalobos

The pastil/patil is a one-dish meal wrapped in banana leaf. It is topped with shredded chicken cooked in soy sauce and plenty of vegetable oil. A variation is the use of fresh water fish such as dalag (mud fish) and tilapia as topping. It is a popular meal ni southern Mindanao, particulary, Cotabato provinces, Zamboanga and Jolo. Today, however, the indication of the presence of a Muslim community in any place around the Philippines are the stacks of this banana leaf- wrapped meal in a store. High grade white rice is used in this dish and the shredded chicken is cooked for hours. What is nice about this dish is the cheap price per wrap at Phpq10 which has not been “updated” for more than 10 years, making it the popular poor Mindanaoan’s meal.

Similar in appearance is the Japanese sushi, although, much smaller in size and requires an intricate  preparation. The price of each sushi depends on the variety – the kind of food wrapped and put on top of the rolled Japanese rice. Unlike the pastil/patil, only the rich Filipinos can afford the Japanese sushi, for the cost of the cheapest piece is equivalent to the price of one kilo high grade rice.