0

Francis, Santong Patron ng mga Hayop...at ang bagong santo papa

Posted on Tuesday, 13 January 2015



Francis, Santong Patron ng mga Hayop
…at ang bagong santo papa
Ni Apolinario Villalobos

Ang santong si Francis ay patron ng mga hayop. At, ang bagong santo papa ang unang gumamit ng pangalan niya nang mahirang ito na pinuno ng simbahang Romano Katoliko.

Nang hagupitin ng bagyong Yolanda ang Tacloban, mga karatig nitong bayan at probinsiya, isa ang bagong santo papa sa mga unang nagpadala ng pakikiramay sa mga nasalanta. Natanim sa  isipan ng santo papa ang masidhing pagnanasa na makarating sa Tacloban upang personal na makiramay sa mga tao.

Sa pagdating ng bagong santo papa, dapat lahat ng mga taga-Senado at Kongreso, pati mga opisyal sa gobyerno ay dumalo sa misang pamumunuan niya ang pagganap sa Luneta, Linggo,  18 January. Sa okasyong yon kasi, maliban sa mga tao, magbabasbas din ang banal na papa ng mga hayop, upang isakatuparan ang pagka-tokayo niya sa patron ng mga ito!

Maliban sa mga una kong tinukoy na mga hayop, dapat umatend din ang mga hayop na drug lords, drug pushers, human traffickers, illegal recruiters, manggagantso, etc. Hindi nila dapat palampasin ang pagkakataong once in a lifetime na pagbasbas ng isang santo papa sa mga hayop!

Dadalo din pala ako upang makinig ng mga awit na ginawa para sa kanyang pagdating, at upang mabasbasan din…

Discussion

Leave a response