Lohika Laban sa Lohika...tungkol sa subsidiya
Posted on Wednesday, 7 January 2015
Lohika
laban sa Lohika
…tungkol
sa subsidiya
Ni Apolinario Villalobos
Ang sinasabi ng gobyerno, hindi daw patas o
fair na i-subsidize ang pamasahe sa LRT at MRT.
Unang-una, ang subsidiya ay hindi naman
nakakatulong sa mga mananakay dahil ito ay isang “profit guarantee”. Ibig
sabihin, ang bentaha ay mapupunta sa grupong nagpapatakbo ng dalawang mass
transport system at hindi sa mananakay. Kaya, malamang na yong bahagi ng
naaprubahang budget na para sa LRT at MRT ay hindi mapupunta sa pagpapaganda ng
serbisyo, kundi diretso sa grupong nagpapatakbo. At, ang ipapataw na dagdag
pasahe ay ibibigay pa rin sa grupo, subalit para hindi garapal ang dating,
sinasabi ng gobyerno na para daw sa pagpapaganda ng serbiyso – na talaga namang
obligasyon ng grupo, may dagdag pasahe man o wala!
Pangalawa, unfair daw sa mga
taga-probinsiya na bumalikat sa subsidiya sa pamamagitan ng buwis nila, gayong
hindi naman daw sila nakakasakay sa mga tren. Hindi na sana ito inungkat ng
gobyerno dahil pwede ring sabihin ng mga taga-Maynila, na unfair sa kanilang
ang buwis na binabayad nila ay gagastusin sa pagpapagawa ng mga highway, tulay,
mga eskwela at iba pa sa probinsiya!
Ang pangatlong sinasabi ng gobyerno ay
obligasyon daw talaga ng mga mananakay na gastusan ang kanilang pamasahe
papunta sa trabaho dahil may naman suweldo sila. Kung sabihin kaya ng mga
mananakay na ang mga opisyal ng gobyerno ay dapat gumastos sa mga sarili nilang
biyahe kahit ang mga “official trips” na sinasabi, dahil trabaho nila ito at
may suweldo naman sila?!!!! At batay sa bagong budget, ang mga opisyal na ito,
kasama na ang presidente ay kung ilang doble na ang inilaki ng travel
allowances, mula noong nagsimula ang kanilang administrasyon!!!!!
Discussion