Ang Pagka-OA ni Dinky Soliman nang dumating si papa Francis
Posted on Monday, 26 January 2015
Ang Pagka-OA ni Dinky
Soliman
Nang Dumating si papa
Francis
Ni Apolinario Villalobos
Hindi lang OA o over-acting kundi sobra-sobra pa, ang ginawa
ni Dinky Soliman sa paghakot ng mga taong nakatira sa bangketang dadaanan ng
santo papa, para itago sa isang mamahaling resort sa Batangas. Kung ginawa niya
ito na walang basbas ng Malakanyang, lumalabas na sipsip siya. Kung may basbas
naman, ibig sabihin talagang confirmed na walang binatbat kung gumawa sila ng
desisyon.
Hindi man lang nila naisip na ang santo papa ay high-tech,
nakatutok sa internet dahil gumagamit ng social sites nito tulad ng twitter.
Ibig sabihin, nagba-browse ang santo papa sa internet kaya nakikita nito ang
mga iskwater at mga nakatira sa mga bangketa, ang mga batang namamalimos sa
kalye, ang mga ga-bundok na mga basura, at iba pa – lahat yan ay naka-post sa
internet. Bago pa lang siyang pumunta sa Pilipinas ay alam na nito ang tunay ng
larawan ng bansa...kaya hindi na kailangang itago pa ang mga taong bangketa at
ibang umaalingasaw na kabulukan ng bansa.
Dapat kasi nagbitaw na itong si Dinky Soliman noon pa man
dahil sabi ng maraming Pilipino ay wala namang alam sa pagpatakbo ng ahensiya.
At dahil nakadikit siyang parang pagkit sa gobyerno kahit papalit-palit ang
administrasyon ay magaling daw itong sumipsip! Ganyan ang linta, na dahil sa
tindi ng pagsipsip ng dugo ay halos hindi matanggal sa pagkakadikit sa balat.
Malakas ang alingasaw
ng pagduda na pinagkitaan ang paghakot ng mga taong bangketa sa isang resort sa
Batangas. Dapat itong imbestigahan.
Discussion