Sa Pagtaas ng Pamasahe sa LRT at MRT...dapat isentro ang imbestigasyon kay Abaya
Posted on Sunday, 4 January 2015
Sa Pagtaas ng
Pamasahe sa LRT at MRT
Dapat Isentro ang
Imbestigasyon kay Abaya
Ni Apolinario Villalobos
Wala nang dapat imbestigahan o ungkatin sa operasyon ng LRT
at MRT dahil bali-baligtarin man ang mga riles at tren talagang palpak ang
operasyon ng mga ito kaya hindi nararapat ang anumang pagtaas ng mga pamasahe.
ANG DAPAT IMBESTIGAHAN AY SI ABAYA dahil sa pagka-atat nito
na ipatupad agad ang pagtaas ng pamasahe kahit na mismong mga senador mismo ay
kumokontra, at lalo na ang mga mananakay. ANO ANG DAHILAN NG PAGMAMADALI NI
ABAYA?...NA ITINAON PA SA PANAHONG GIPIT KAYA HINDI NAGKAROON NG PAGKAKATAON
ANG MGA KUMOKONTRA NA GUMAWA NG KARAMPATANG HAKBANG UPANG MAHARANGAN ANG
DESISYON NIYA? MAY NAG-UTOS BA?
Malakas ang bulungan na kaya kailangang itaas ang pamasahe ng LRT at MRT ay ito ang
requirement ng interesadog pribadong grupo na gustong bumili ng mga ito.
Subalit ito ay hayagang itinatwa ni Abaya, na ipinagtaas ng kilay ng kanyang
kritiko dahil ilang beses na siyang nahuling nagsinungaling.
Ang hindi maintindihan ay kung bakit kailangang itaas pa ang
mga pamasahe ganoong sa mga huling badyet na inaprubahan ay nakapaloob ang
malaking subsidiya para sa operasyon ng mga ito. Dahil sa nangyari, maliwanag
pa sa sikat ng araw ang isang mabibistong dahilan na malamang ay gugulat na
naman sa taong bayan. Asahan na naman ang isang black-eye para sa Aquino
administrasyon na wala nang ginawa kundi magdulot ng pasakit sa mga Pilipino!
Discussion