"Crazy" Ideas para maka-Survive (Crazy Ideas for Survival)
Posted on Monday, 14 March 2016
“Crazy”
Ideas para maka-Survive (Crazy Ideas for Survival)
Ni Apolinario Villalobos
Ang title ng blog ay para sa mga taong
hindi maka-relate sa kahirapan kaya matatawag nilang “crazy” ang mga isi-share
ko, pero para sa mga taong ginagawa ang lahat para makaraos lalo na sa isang lunsod
tulad ng Maynila, maaaring makakatulong ito. (The title of this blog concerns
viewers who may not be able to relate to poverty, hence, they may call this
share as “crazy”, but those who are in this situation, may find the ideas
necessary in order to survive in cities like Manila).
Ang mga sumusunod ay maaaring gayahin ng
may malakas na loob, pero sa mga taong wala nito…mamangha o magulat na lang,
sabay taas ng kilay at magsambit ng, “OMG!”: (the following may be emulated by
others, but others may not be able to control themselves from raising their
eyebrows in amazement, punctuated with an “OMG!”):
- Makakagawa
ng dalawang putahe ng ulam gamit ang isang maliit na lata ng sardinas.
Gamitin ang sarsa na panggisa sa anumang gulay na magugustuhan tulad ng
petsay, repolyo at iba pa. Ang lamang sardinas ay pwedeng gawing sauce ng
spaghetti o pampalasa ng anumang uri ng pansit. (A single small tin of
sardines can be cooked into two recipes. The sauce can be used to sautế
vegetables such as pechay, cabbage, etc. The sardines can be prepared into
a sauce to flavor pasta such as spaghetti, or different dry oriental
noodles locally known as “pancit”.)
- Kung nirarasyon
ang tubig, maligong nakatayo sa loob ng malaking batya upang hindi
masayang ang tubig na ibinuhos sa katawan dahil pwedeng ipunin para
pang-flush ng inuduro. (When using rationed water in taking a bath, stand
inside a big basin so that the water poured over the body can be saved and
used in flushing the toilet.)
- Upang
makatipid sa mga panggisang rekado tulad ng sibuyas, kamatis at bawang,
bumili ng maramihan (tumpok) para mura, igisa lahat at hatiin sa maliliit
na plastic container at ilagay sa freezer, upang magamit “by batch”.
Maglabas lang ng isang container mula sa ref kung gagamitin na. (To save
on ingredients such as onion, tomato and garlic, buy the cheap ones that
are sold by pile. Saute them in oil, apportion in small containers and
store in the freezer. Take one container as needed.)
- Kung
magluto ng pasta (macaroni o spaghetti), gumamit ng dami ng tubig na
tantiyadong masisipsip ng pasta habang kumukulo hanggang maging “al dente”
o tama lang sa kagat, hindi lamog. Kung “al dente” na ang pasta, ihalo ang
tomato sauce at iba pang pampalasa. Sa ganitong paraan, hindi na
nagtatapon ng tubig na pinaglagaan. Ang sistemang ito ay parang
“nagsasaing” ng pasta. (When cooking pasta (spaghetti or macaroni), use
just enough water that can be absorbed, until it becomes “al dente” or
just right to the bite, to avoid draining. Add the sauce and other
ingredients, as the pasta has absorbed all the water, and cook for a few
more minutes until the noodles have absorbed the flavor.)
- Huwag
itapon ang ulo at tinik ng daing na isda pagkatapos kainin ang laman.
Ipirito uli ang mga ito upang lumutong at dikdikin ng pino upang magamit na
pampalasa sa igigisang gulay o fried rice. Ang tinik at ulo ng isda ay
maraming sustansiya. (Don’t throw the head and bones of the fried fillet
dried fish after consuming the “meat”. Fry them again till brittle and
pound into powdery consistency to be used later in flavoring fried rice
and vegetable broth. The fish bones and head contain minerals needed by
the body.)
- Ang
nakukuhang sustansiya sa paa ng manok o “adidas” ay “collagen” na gamot sa
arthritis at pampalambot din ng balat ng tao. Ilaga ang mga paa at kung
malambot na ay hanguin. Ang tubig na pinaglagaan ay paglutuan ng papaya o
ibang gulay para maging “vegetarian tinola”. Ang pinalambot namang mga paa
ay ilutong adobo. (The chicken feet have collagen which is necessary for
the arthritis, and in helping our skin recover its suppleness as we grow
old. After boiling the chicken feet, remove them from the pot and set
aside. Add vegetables such as green papaya or other vegetables to the
water, to come up with “vegetarian tinola”. On the other hand, cook the
boiled chicken feet in soy sauce, vinegar, garlic, ginger and other
desired spices to come up with “adidas adobo”.)
- Kung iisa
lang ang lutuan sa bahay at gustong maglaga ng monggo, pwedeng isingit ang
paglaga dahil hindi naman kailangang tuloy-tuloy ang paglaga nito upang
lumambot. Kapag kumulo na, pwedeng tanggalin sa lutuan upang makaluto ng
iba. Kapag naluto na ang iba, pwedeng ibalik ang monggo upang pakuluan
uli, at pwedeng tanggalin uli sa lutuan upang makaluto ng iba pa rin. Sa ikatlo o ikaapat na
pagkulo sa pasingit-singit na ginawa sa monggo, lalambot na ito. Sa huling
salang ng monggo, pwede nang haluan ng kung anong gustong pangsahog na
gulay. Kung buto-buto, pata, o langka ang ihahalo sa monggo, isabay sila
sa paglaga. (If using only one stove but there is a need to boil “monggo”
[mung beans], let it boil first then remove from stove so that another
food can be cooked, after which, the pot of the monggo can be returned to
the stove to let it boil again…do this, routine to give way to other foods
to be cooked. On the third or fourth boiling, the monggo should be soft,
and already be prepared as desired. When cooking it with beef bones, pork
legs, or young jackfruit, boil the monggo with any of them, to save on
cooking gas and time.)
- Ipunin
ang mga nalusaw at lumiit na sabon panligo at balutin ng face towel upang
magamit na scrub sa katawan. (Collect the remnants of bath soaps and wrap
them with face towel to be used as body scrub.)
- Kapag
namili sa grocery o department store, unang puntahan ang bargain section.
Kung walang magustuhan, saka pumunta sa regular section. Tandaan na
pagdating sa kasuutan, hindi kailangang mahal dahil ang magdadala nito ay
ang katawan na binabagayan. Huwag magmukhang trying hard sa pagsuot ng
mahal na kasuutang hindi naman bagay sa iyo. Huwag isipin na dahil nakita
ang isang uri ng damit na suot ng idol na artista, ang isinuot niya ay
babagay din sa yo. Sa pagkain, hindi dahil imported ay masarap na, lalo na
yong galing sa Tsina na baka peke o may lason. (When shopping, check first
the bargain section for items that you might need, before going to the
regular section. Take note that apparels need not be expensive to look
nice on one’s body. Never assume that what you saw your showbiz idol was
wearing would also look good on you. For food, imported ones are not
necessarily always the most delectable, especially, those coming from
China which could be fake or laced with ingredients that are harmful to
man.)
Sa panahon ngayon, ang kailangan ay
pag-iisip na praktikal upang makaraos sa kahirapan. (At this trying time, we
need to be practical-minded in order to survive.)
Discussion