Dasal ng mga Kuntentong Tao
Posted on Wednesday, 23 March 2016
Dasal
ng Mga Kuntentong Tao
Ni Apolinario
Villalobos
Lord, salamat sa lahat na ibinigay mong biyaya.
Ok na sa amin kung araw-araw, ulam namin ay
tuyo
Naawa nga kami sa ibang walang laman ang kaldero.
Ok na sa amin kahit ang sinasaing ay NFA rice
Naawa nga kami sa ibang araw-araw, pagkai’y “memo-rice”.
Ok na sa amin ang sardinas, ginisa sa
maraming miswa’t sibuyas
Naawa nga kami sa ibang araw-araw, gutom
ang dinaranas.
Ok na sa amin, dinurog na kaning tutong na
pinalambot
Naawa nga kami sa iba, sa sobrang gutom,
noo’y napapakunot.
Ok na sa amin, pamatid -uhaw na tubig kahit
walang yelo
Naawa nga kami sa ibang walang mainom, nakatingin sa inudoro.
Ok na sa amin, manipis na banig sa malamig na semento
Naawa nga kami sa ibang animo’y
basang sisiw sa ulan at bagyo.
Ok na sa amin, celfon na luma kaya’t memory card ay wala
Naawa nga kami sa iba, maski lumang PLDT fone,
di pa nakakita.
Ok na sa amin, sapatos walang sintas, napulot sa tambakan
Naawa nga kami sa ibang walang saplot sa
paa, kaya epot, naaapakan.
Ok
na sa amin damit na pinaglumaan, kahit ba galing pa sa ukayan
Naawa nga kami sa iba, suot na t-shirt ay
gulanit, animo galing sa digmaan.
Ok na sa amin maglakad paminsan-minsan, sa dyip
walang pamasahe
Naawa nga kami sa iba, araw-araw na
lang, nagha-hiking sa kalye.
Ok na sa amin maski walang tv, radio na lang, basta makarinig ng balita
Naawa nga kami sa iba, sa kawalan nakangiti, dahil walang silbi ang
mga tenga.
Ok
na sa aming makinood ng nakadispley na tv
sa mall at mga tindahan nito
Naawa nga kami sa iba, pakapa-kapa kung
kumilos, walang maaninag sa mundo.
Ok na sa amin, kulang ang bakod sa bunganga, maraming nalagas na ngipin
Naawa nga kami sa iba, may kanser sa lalamunan,
hindi makakain.
Ok na sa amin asawang bungangera, animo machine
gun, boses sa umaga
Naawa
nga kami sa iba, asawa’y walang
alam iluto, nilagang itlog,sunog pa.
Ok na sa amin, asawang lasenggo ay sugarol pa, kung minsan
may chicks pa
Naawa nga kami sa iba, inuuwian lamang
upang deposituhan ng semelya.
Lord, salamat uli sa mga biyayang bigay Mo
At sa
paminsan-minsang pitik upang kami
ay magising
Sa katotohanang, para sa Iyo kami ay
pantay-pantay
Kaya walang dahilan para mag-astang aso’t pusang
nag-aaway!
Yong ibang blessings, okey lang na sa iba
Mo ibigay, Lord…
Amen!
Discussion