0

Ang Maging Saksi ni Hesus sa Mundo ay Obligasyong 24/7

Posted on Saturday, 19 March 2016

Paalala para sa Banal na Linngo…

Ang Maging Saksi ni Hesus sa Mundo
Ay Obligasyong 24/7
Ni Apolinario Villalobos

Akala ng iba, ang pagtayo bilang saksi ni Hesus sa mundo ay nagsisimula at nagtatapos sa dinaluhang Misa, pagbasa ng Bibliya sa harap ng maraming tao, o pagbigay ng agarang tulong lamang. Ang pagiging saksi ni Hesus ay nangangahulugang bahagi Siya ng buhay ng tumatayong saksi kaya bahagi din Siya ng lahat ng kilos, pati sa paghinga nito sa lahat ng sandali.

May ilang tao na pinagyayabang pa ang kanilang pagiging active member daw ng kung ano-anong religious group, at ng mga nauusong “kongregasyon” ng “Bagong Kristiyano” at nakikibahagi pa ng kaalaman nila sa Bibliya, subalit, ni hindi man lang makabati o makangiti sa mga nakakasalubong na kapitbahay. Saan ngayon si Hesus sa mga pinapakita nila sa kanilang kapwa? Gusto nilang masabing Kristiyano pero sa pangalan lang pala, hindi sa kilos at isip, at lalong hindi sa puso.

Hindi kailangang magpapako sa krus tulad ng nangyari kay Hesus upang masabi ng iba na sila ay nagmamahal sa Kanya, kung bugbog-sarado naman pala sa kanila ang kanilang misis at kung sipain ang mga anak ay ganoon na lang tuwing sila ay malasing. Yong iba naman ay milyones ang dino-donate sa mga simbahan dahil mahal daw nila si Hesus, yon pala ang pera ay ninakaw sa kaban ng bayan.

Sa darating na Banal na Linggo, dadagsa sa kalye ang mga “saksi” ni Hesus, mga magkakakawag  upang palabasing sinaniban daw sila ng ispiritu Niya o ng kung sinong santo. Ang iba ay magka-camping sa harap ng Quiapo church at naka-costume pa na hango sa Bibliya, at marami pang ibang paraang pagpapakita ng pagiging saksi daw nila. Sa mga araw na yon…kung kumidlat man, sana ay walang tamaan!





Discussion

Leave a response