Ang Matamis na Ngiti...para kay Rosita Segala
Posted on Thursday, 17 March 2016
Ang
Matamis na Ngiti…
(para
kay Rosita Segala)
Ni Apolinario Villalobos
Ngiti ang nagpapaaliwalas ng paligid
Lalo’t sa mga sandaling lungkot ay
nakalukob
Kahit mga labi ay tila parang pintong
nakasara
Sapat na, basta’t magkabilang dulo’y ‘di
nakababa.
Kalooban ay napapagaan ng isang ngiti
Napapawi nito, lungkot na sa puso’y ramdam
Sigla ay dulot sa mga nalulungkot at
nanlulumo
Nagpapalakas sa mga taong nanlata dahil sa
siphayo.
Walang katumbas na halaga ang ngiti
Libre ito’t hindi nabibili, lalong ‘di rin
inuutang
Mula sa kaibuturan ng puso, galing ang
pagkukusa
Kaya para kay Rose, pagngiti ay ‘di kailangan ipilit pa!
Discussion