0

Ang Tsinelas...sapin sa paa

Posted on Saturday, 5 December 2015

Ang Tsinelas
…sapin sa paa
By Apolinario B Villalobos

Maraming klase nito, saan man, ating nakikita
Kung mahal dahil imported, suot ito ng may kaya
Nguni’t kung goma, gawa sa Pinas, ito’y pandukha
Kaya sa katagalan, natanim sa ating isip ‘tong paniwala.

Pansapin sa paa, pang-proteksiyon ito wika nga
Kaya sa paggamit nito, bigay ay talagang ginhawa
Sa pagbago ng panahon, gamit para dito ay iba-iba na
Maliban sa balat, merong goma, tela at meron ding abaka.

Para sa mga kapos, kayaman ito kung ituring nila
Pag-iipunan pa ng matagal dahil sa konti nilang kita
Kaya kung nagkaroon na nito, ang kanilang ginagawa
Nililinis na mabuti, halos itabi sa kanila sa oras ng pahinga.

Para sa nakakariwasa sa buhay, tsinelas ay balewala
Subali’t para sa mga poor,  katumbas nito ay ginhawa
Para sa mga poor na mga bata, okey na ito pang-eskwela
Lalo na kung ang lalakarin sa pagpasok ay kung ilang milya.

Para sa mayaman, ang tsinelas ay may gamit din pala
Pero dapat ay yong klaseng mamahalin, ‘di basta-basta
Dahil ito pala ang dapat ay suot-suot upang madispley nila

Mga makukulay nilang kuko sa paa na inayos ng manikurista!

Discussion

Leave a response