Ang Bulok na Style ng Mga Mambabatas Upang Kumita at Maalala
Posted on Wednesday, 5 November 2014
Ang
Bulok na Style ng Mga
Mambabatas
Upang Kumita at Maalala
Ni Apolinario Villalobos
Ang ginagawa ni Franklin Drilon na hindi
pag-ako ng proyekto sa pagpatayo ng Convention Center sa Iloilo City, ay
pagpapakita ng bulok na style ng mga mambabatas pagdating sa ganitong bagay.
Kung hindi siguro siya sinampahan ng kaso na dahilan upang siya ay
maimbestigahan, malamang pinagyayabang niya ito na kanya. Ngayon, ang palagi
niyang sinasabi ay maliban sa paggamit ng kanyang budget, wala na siyang
kinalaman sa proyekto. Kaya siya napagbintangan ng overpricing ay dahil, ang
kontraktor na nanalo sa bidding ay siya ring kontraktor na gumawa ng Makati
City Hall II, na pinaghihinalaang kakutsaba ni Binay upang magawa ang
overpricing. Nagkakabistuhan na sa style ng mga mambabatas na “referencing”
para malaman kung anong kontraktor ang maaaring kutsabahin upang kumita.
Hintayin nating sana ay mapatunayang walang
problema sa proyekto na ito, at siguradong hindi magkakandaugaga si Drilon sa
pagbrodkast na kung hindi dahil sa kanya ay hindi magkakaroon ng Convention
Center ang Iloilo City!
Ang hindi mabura-burang bulok na style ng
mga mambatatas ay ang paglagay ng
larawan nila sa mga tarpaulin at mga pininturahang yero na palatandaan ng mga
proyekto, at nagsasaad na sila ang promotor, sa halip na ipahiwatig na ang
pondo ay galing sa kaban ng bayan, kaya proyekto ng taong bayan. Pati ang mga
sasakyang pinamumudmod sa mga barangay, kalsada na ilang dipa lang ang
ni-repair, waiting shed, basketball court, eskwelahan, karatula ng mga NGO, at
mga t-shirt tungkol sa mga proyekto ay hindi nakaligtas.
Minsan may nadaanan akong squatter’s area
at natawa nang makita ko ang tarpaulin ng isang epal na pulitikong ginamit na
pantapal sa butas ng dingding sa second floor ng isang lumang gumigiray na
building, dahil nasa ibabaw mismo ito ng karatula ng beer house na nasa ground
floor. May nakita rin akong tarpaulin ng kaepalan pa rin ng pulitiko, kumpleto
sa larawan niya, na nagsilbing “pinto” ng kubeta. Yong isa namang tarpaulin na
may larawan, nakita ko na ginamit pambalot sa isang malapad na bangko ng
karinderya, sentrong- sentro ang larawan sa nauupuan…kaya tuloy hindi ligtas sa
utot ng mga umuupo – deserve nilang mabugahan ng sama ng loob!
Discussion