0

Walang Silbi ang CCTV...kung walang nakatutok

Posted on Friday, 21 November 2014



Walang Silbi ang CCTV
Kung Walang Nakatutok
Ni Apolinario Villalobos

Mahusay na panakot ag CCTV. Subalit hanggang doon na lang, dahil hangga’t walang nakatutok dito, hindi rin natutupad ang inaasahang kabuluhan. Sa isang banda, kung may nakatutok man, ay sa iilang establisemento lamang tulad ng opisina at hotel. Karaniwang nang ang mga nasa bahay at maliliit na tindahan o grocery ay hindi tinututukan, kaya ang gamit nila ay mag-record na lamang ng mga pangyayari, at hindi nakakatulong sa agarang pangagailangan.

Maraming bahay na walang tao subalit may CCTV pero napagnanakawan pa rin at ang masaklap pati CCTV at recorder nito ay tangay. Sa iba namang lugar na meron nito, nagkaroon na ng patayan, pero hanggang pag-record lang ng CCTV ang nangyari, at kung minsan dahil mumurahin lang, ang mga kuhang imahe ay sabog kaya ang gumawa ng krimen ay nakakaligtas.

May mga CCTV na nakakonekta sa computer na nasa ibang lugar o cellphone ng may-ari ng bahay o establisemyento. Subalit kung hindi pa rin natututukan ang mga kuha, limitado ang magandang epekto nito sa may-ari.

Sana ay may makaimbento ng CCTV camera na may programang  marunong bumasa ng mga kilos, ng tao, robot man o hayop, na kapag nabasa na masama, ang monitor naman nito ay magpadala ng signal sa isang warning device na gagawa ng ingay upang makapag-alerto. Kung sa cellphone o computer man ito naka-konekta, ang mga ito ay dapat may katumbas ding programa upang makapagbigay ng alerto sa pamamagitan ng recorded warning. Sa ganitong paraan, hindi man natututukan ang monitor ay may aasahan namang warning kung sakaling may ma-detect ang camera na masama sa mga kuha nito.

Discussion

Leave a response