Perla
Posted on Monday, 3 November 2014
Perla
Ni Apolinario Villalobos
Ang karangyaang naipagkait sa murang gulang
Ay nagsilbing lakas upang si Perla’y
magsikap
Para sa kanya, ang buhay ay puno ng pag-asa
Na sa tamang panaho’y magdudulot ng biyaya.
Mga pangarap ang humubog ng kanyang buhay
Natanim sa isip habang kinakaya ang
pagsubok
Dasal sa Panginoon sa kanya’y nagbigay ng
lakas
Habang tinatahak niya ang bulubunduking
landas.
Mga pagsisikap niya’y hindi binigo ng
Panginoon
Dahil pangarap niya ay nagkaroon ng katuparan
Napatunayan niyang may kapalit ang
pagtitiyaga
Lalo’t gagawin itong hindi nanlalamang ng
kapwa.
Angkop ang pangalang Perla sa kanyang
pagkatao
Na hango sa perlas, maselang yaman ng
karagatan
Nagdadagdag -akit, sinuman ang magsuot na
dilag
Kaya ang lalaking ‘di sumulyap at humanga
ay bulag!
Perlas siya ng buhay…siya ay isang
pamukaw-sigla
Inspirasyon at lakas ng iba upang maging
masigasig
Dahil napatunayan niyang mahalaga ang
magsikap
Upang magkaroon ng katuparan ang mga
pangarap!
(Si
Perla ay nakatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagsikap…naging
self-supporting.
Nagkaroon ng trabaho, hanggang ang swerte sa ibayong
dagat
ay kumaway sa kanya. Siya ay nakapag-asawa ng isang Amerikano
na
todo ang pag-unawa sa adbokasiya niyang pagtulong sa mga maralitang
Pilipino
at mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas.)
Discussion