Imelda
Posted on Friday, 28 November 2014
Imelda
(para kay Maria Imelda’Baby” G. Moll)
By Apolinario Villalobos
Ang mamuhay sa mundo’y maraming kaakibat –
Pakikipagkapwa na sa pagmamahal ay di salat
Pagmamahal sa kalikasan na turing nati’y
ina
At pagpapatatag ng tahanan, lalo na ng
pamilya.
Ang mga nabanggit, lahat ay nagawa ni
Imelda
Ibinuntong hiningang reklamo, di marinig sa
kanya
Kung mayroon mang himutok, kanyang
sinasarili
Mga tugon sa problema, di niya
ipinagbabakasakali.
Tulad ng iba, si Imelda ay mayroon ding
ambisyon
Tugatog ng tagumpay, maabot pagdating ng
panahon
Tulad din ng iba, kapalaran niya’y naudlot
at nahatak
Sa biglang pag-asawa, si Imelda ay doon
napasadlak.
Itinuring na guhit ng palad, lahat ng mga
nangyari
Wala siyang sinisi, iba mang tao o kanyang
sarili
Ang paghakba’y itinuloy subali’t iba nang
nilalandas -
Maaliwalas ang mukhang nakatingin sa bagong
bukas!
Discussion