DSW/ Dinky Soliman...Nangangarap!
Posted on Sunday, 2 November 2014
DSW/Dinky
Soliman…Nangangarap!
Ni Apolinario Villalobos
Hindi daw tanggap ni Dinky Soliman, ang secretary ng DSW ang
resulta ng bagong survey na maraming nagututom na Pilipino. Hindi daw palpak
ang mga programa ng DSW, lalo na ang doled out na pera para sa mahihirap, na
hanggang ngayon ay kaduda-duda. Nangangarap siya!
Wala nga siyang maayos na kasagutan sa mga katanungan
tungkol sa mga anomalyang nakapaligad sa mga donasyon at pamamahagi nito sa mga
biktima ng mga trahedya, hindi pa rin nahiyang magpahayag ng saloobin niya na
palpak talaga ang pamumuno niya sa DSW.
Anong feeding program niya ang magpapaliwanag sa sinabi ng
senador Grace Poe mismo, na 15milyon na mga bata ay naguguton?
Dapat mag-ikot siyang mag-isa sa Maynila upang malaman
niyang mali siya. Bulag yata siya kaya hindi niya nakikita ang mga namamalimos
na mga pulubi at mga bata, ang mga
nakatira sa bangketa, ang mga namumulot ng tirang pagkain sa basura. Hindi
malaman ng taong bayan kung tao siya o robot dahil wala man lang makitang pag-alala
sa mukha niya na ang kulay ay pinatingkad ng kapirasong kulay sa buhok, na
pabago-bago sa araw-araw na ginawa ng Diyos!
Itigil na dapat ni Dinky Soliman ang pangarap na marami ang
bilib sa pamamalakad niya ng DSW. Sabagay kung susundin ang ibig sabihin ng
marami…maaaring totoo, more than one kasi ang bilib sa kanya – si Pinoy, mga
spokesperson nito sa Malakanyang, driver niya at mga katulong, at mismong
miyembro ng pamilya niya. Tama siya…marami nga!
Discussion