Ang Mga Magiging Pamana ni Pnoy sa Mga Pilipino
Posted on Sunday, 2 November 2014
Ang Mga Magiging
Pamana ni Pnoy
sa Mga Pilipino
Ni Apolinario Villalobos
Bukang-bibig ng mga tagapagsalita ni Pnoy na sa pagbaba niya
ay may iiwanan siyang pamana…legacy. Sigurado yan at marami pa, tulad ng:
-Kagutuman…. na
lalong umalagwa mula palang sa unang araw ng panunungkulan niya dahil itinalaga
niya sa DSW ang wala namang napatunayang maayos na acoomplishment at mahilig
magpalipat-lipat ng loyalty, si Dinky Soliman na ang mga proyektong laman ng
isip ay hindi makatotohanan o realistic kaya hindi talaga nakakatulong sa mga
nangangailangan. May mga “bureau” ang DSW na ang gamit ay palamuti sa flow
chart of organizational chart dahil wala namang nagawa. Ang mga bureau na ito
ay nakatalaga sa mga tukoy nang mga bahagi ng populasyon tulad ng kabataan, family,
informal settler at iba pa. Bakit lalong dumarami ang mga rugby children at mga
palaboy sa kalye? Bakit marami pa ring Badjao ang namamalimos at lalong dumami
sa mga lunsod, hindi lang sa Maynila? Bakit nagkakawalaan ng mga donations?
Bakit walang maipamahagi agad sa mga nangangailangan pag may nangyaring
kalamidad? Sa Maynila lang, bakit lalong dumami ang mahihirap na hindi na halos
makakain maski isang beses isang araw?
-Alanganing
seguridad…na lalong naging manipis dahil lumakas pa ang loob ng Abbu Sayyaf
na namamayagpag pa rin sa kabila ng kaliitan ng kanilang grupo at limitadong
lugar na ginagalawan; hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli si Nur Misuari
na sa tingin ng marami ay malaking banta sa sinusulong na Bangsamoro sa
Mindanao, at pati na rin ang grupo ni Umbra Kato ng humiwalay sa grupo ng MILF; hanggang ngayon
ay wala pa ring malinaw tungkol sa usapin ng West Philippine Sea at lalo niyang
pinatindi ang kaawa-awang kalagayan ng bansa nang ipatigil niya ang pagpapaayos
ng paliparan sa Kalayaan Island na kahit buong mundo ay nagsasabi na
napakamahalagang kasangkapang pangseguridad; at, ang problema sa NPA, ganoon pa
rin…lalo pang lumala;
-Matataas na presyo…na
pumirmanente na, at hindi na bumaba pa, simula nang magsiritan ang mga ito sa
mga lebel na hindi man lang nagpabahala sa kanya;
-Korapsyon…na
kahit na inilantad na sa kanya ay hindi niya binigyan ng gaanong pansin, at
kahit na isabay niya sa pagbaba ang mga alalay niyang may mga kwestiyonableng
performance, maiiwan nila sa mga opisinang pinanggalingan ang impression ng mga
tiwaling gawain, na maaaring gayahin,
na ang pinakamatunog ay smuggling, kaya tuluy-tuloy pa rin ang mga pamamalakad
na may ganitong bahid…at tuloy ang nakawan;
-Mga utang…na
matindi na ang pagkakalobo, at sa tingin ng mga Pilipino ay wala nang pag-asang
mabayaran pa ng mga henerasyong darating, kahit na ng mga kaapu-apu-apu-apu-apohan
sa talampakan;
Sa isang banda, huwaran ang ginagawa niyang pagprotekta sa
mga kaibigan, lubog man ang mga ito sa kontrobersiya. Marubdob ang pag-oobserba
niya sa kasabihang “walang iwanan”. Pinakita rin niya na upang makaiwas sa
heart attack, ay ngitian lamang ang mga problema.
Discussion