0

Pagmamalasakit at Katapatan...mga tatak ng tunay na kaibigan

Posted on Monday, 17 November 2014



Pagmamalasakit at Katapatan
...mga tatak ng tunay na kaibigan
(para kay Eddie Travilla)

ni Apolinario Villalobos

Kung sa pakantu-kantong usapan
Maraming masasabi tungkol sa isang kaibigan
Nandiyan ang siya ay anumang oras, mauutangan
At sa kahit na magdamagang inuma’y hindi nang-iiwan.

Subalit iba naman ang kaibigang ito
Dahil nagpakita siya ng pagiging matapat na tao
Nang malalang sakit, sa kanyang kaibiga’y dumapo
‘Di nagdalawang isip sa agaran, araw-araw na pagsaklolo.

Pananaghoy ng nakaratay ay matindi
Kaya ang umaalalay na kaibigan ay ‘di mapakali
Walang humpay na masahe, ginagawa araw at gabi
Hanggang kaylan kaya?... Diyos lamang ang makapagsasabi!

(Si Eddie Travilla ay kamag-aral namin noong high school sa
NDTCBoys – Batch 70, at ngayon ay umaalalay sa isa pa naming kaklase,
si Benny Asong na may sakit na kanser sa pancreas- stage 4. Sila ay
nasa Cebu. Kaming mga kaklase at kaibigan ay humihingi ng damay sa
pamamagitan ng dasal upang mabawasan man lang ang
sakit niyang nararamdaman, at magabayan siya sa kanyang
paglakbay pagdating ng panahong siya ay mamamaalam na…)

Discussion

Leave a response