May Isang Ulikbang Switik...
Posted on Sunday, 2 November 2014
May Isang Ulikbang
Switik…
Ni Apolinario Villalobos
Ito ay kuwento tungkol sa ulikbang switik
Nakatira sa bayang maunlad, ang Diyanlang
Bilang pinuno, buong bayan sa kanya’y humirang
Na kanyang ikinatuwa’t tinanggap ng buong galang.
Kulay-lupa siya, sabi ng iba kulay-uling daw
No problem, puti naman, kanyang mga ngipin
Lutang ang mga ito kung siya’y tumawa’t ngumiti
Kahit papaano, sa kabuuhan niya, mayroong maputi.
Bata pa’y banat na sa trabaho, kaya bansot
Bilad sa araw, anak-mahirap kaya kulay-ulikba
Gusto’y masabing mahirap, kaya nga ‘di mayaman
Pinipilit ito 24/7 sa lahat ng maharap na mamamayan.
Aba’y nagulat ang mga kababayan, one day
May halos tore kalaking gusali itong pinatayo
Nagtaka ang mga tao, bakit mayroon nito sa bayan
Halos nagpasaid sa iniingatang laman ng kanilang kaban.
Sa imbistigasyon, pinadala niya’y mga hangal
Tamimi lahat, walang sagot sa mga katanungan
Ang iba ay kandabulol ang dila, tagaktak ang pawis
Habang nasa bulwagan at kaharap ang mga manlilitis.
Nasaan ang ulikbang switik?...ask ng mga tao
Busy daw at siya ay naglayag sa malalayong isla
Na-miss kasi ang mga islanders, na friends daw niya
Mangungumusta la’ang…at promise, wala nang iba pa!
Ang halatang nagpayamang ulikba’y nagtatago
Hindi alam kung saang sulok siya mamamaluktot
Gumawa ng multo, ngayo’y kanyang kinatatakutan
Hindi alam, paanong magpaliwanag sa mga kababayan!
Aanhin niya ngayon ang yamang kinurakot niya?
Kung may matira… in case, after ng imbestigasyon
Magsisi man siya, ay talagang huli na, useless talaga
Dahil lubog pa sa kahihiyan, pangalan ng kanyang pamilya!
Discussion