October 2017

0

See with Our Heart, Feel with Our Kindness

Posted on Sunday, 29 October 2017

See with Our Heart,
Feel with Our Kindness
By Apolinario Villalobos

Our eyes perceive the world
That’s all that they can do; 
But there’s more beneath
The surface of everything
That only the heart can see –
If strengthened with fidelity.

Touching the lives of others
Some do with false charity
They, who think, food is enough
They, who think, money is fine
But given devoid of kindness
All effort becomes worthless.

Look around with our heart
Touch others with kindness
Those are what we should do
To realize our purposes in life –
Live and share, love sincerely
And thank the Lord as we pray!


0

Pride and Mistakes

Posted on Saturday, 28 October 2017

Pride and Mistakes
By Apolinario B Villalobos

Nobody is free from committing mistakes, be they petty or enormous.

Nobody shall ever learn how to improve his ways or do away with bad attitude unless there is an admission that a mistake has been committed, hence, the adage “learn from mistakes”.

While some are humble enough to admit their mistakes, the rest are overwhelmed by their pride… they just refuse to do it. The refusal is like a chain that holds them back from moving on.

The mistakes we made are among the steps we took towards our destiny. Refusing then, in admitting our mistakes would simply mean that we are stagnant. The arrogant cannot accept the fact that as a human being, he or she is not perfect.

Pride feeds on adoration of accumulated wealth, dizzying success, or plain appalling attitude. The arrogant filthy rich thinks, his money can buy anything, including power to hide mistakes. The success-intoxicated man thinks that he can do just anything better than anybody else, otherwise he could have not succeeded. And, there’s the simply conceited who sees himself as the only rightful- thinking creation of God, with the rest, wallowing in mistakes.

I think, the best thing to do, is evaluate what we have done and said at the end of each day as we live. It is important to know if we have done anything that could have displeased others, hence, displeased Him, too. That is the reason why He gave us brains….so that we can analyze.


                        

0

Rosalinda

Posted on Friday, 27 October 2017

Rosalinda
(para kay Rosalinda Tambuyogan)
Ni Apolinario Villalobos

Inosenteng ngiti, sa labi ay namumutawi
Kahit sa kaunting kasiyahan na sa kanya’y dadampi
Sinapit niya’y higit pa sa maralitang kalagayan
Dahil hanggang lumaki, magulang ay di nasilayan.

Nagtiis sa piling ng sa kanya ay kumupkop
Nagpilit na siya ay mairaos sa kabila ng pagdarahop
Walang magawa pa, sa halip ay magpasalamat
Inunawa na lamang kahit sa maraming bagay ay salat.

Dahil gustong matupad ang mga pangarap
Siya ay hindi nag-aatubili sa masigasig na pagsisikap
Naglalakad sa ilalim ng matinding init ng araw
Wala mang laman ang sikmura niya, kahit kaning bahaw.

Ilang Rosalinda kaya ang meron sa mundo?
May mga pangarap na sana’y makaahon sa siphayo?
Sana ang katulad nila ay bigyan naman ng pansin
At, pang-unawa sa halip na walang awang libakin at kutyain!





Dampi – touch
Nasilayan- seen
Pagdarahop- difficulty, hardship
Salat- wanting
Hindi nag-atubili- did not hesitate
Kaning bahaw-leftover cold rice
Siphayo- distress

Kutyain-ridicule

0

Ang Utang

Ang Utang
Ni Apolinario Villalobos

Para sa akin, tatlong uri ang utang – ang may collateral, ang walang collateral, at ang utang na loob.  Ang may collateral ay talagang negosyo dahil may pirmahang nangyayari, subalit ang walang collateral ay maituturing na banal dahil nakasandal lang sa tiwala sa pagitan ng magkakaibigan. Ang pagkakaroon naman ng utang na loob ay nangyayari sa panahon ng pangangailangan ng inaabutan at nag-aabot.

Ang collateral ng SSS o GSIS loan ay ang naipong contribution ng umuutang na miyembro. Sa mga malakihang utang na ang pinapataw na interes ay kapareho na halos ng Bombay style na 5/6, and kalimitang collateral ay bahay at lupa, o di kaya ay kotse at alahas na mamahalin. Sa ganitong uri ng utangan, ang panalo ay ang nagpautang makapag-remata man o hindi dahil sa laki ng interes. Marami pang ibang utang na tulad ng nabanggit.

Sa mga walang collateral na utangan sa pagitan ng magkakaibigan, ang batayan ay ang magandang samahan, at ang iba ay “pay when able” pa. Masaya ang ganitong uri ng utangan dahil sa nangyayaring “taguan” kapag nakahalata ang nagpautang na ang kaibigang umutang ay walang intensiyong magbayad. Ibig sabihin, inabuso ng umutang ang magandang samahan. May umuutang pa na nanunumbat kapag siningil na kung ang nagpautang naman ang nangailangan. Sasabihin ng balasubas na kaibigan sa kawawang inutangan na, “ang yaman-yaman mo na nga naniningil ka pa”. Ugaling hudas ang ganitong uri ng kaibigan na sana ay tamaan ng kidlat!

Ang “utang na loob” ang pinakamatinding uri ng utang at maraming bansa ang nasira dahil diyan. Sa panahon ng kampanyahan para sa eleksiyon, namimigay ng pera ang mga tusong kandidato. Ang makakatatanggap ay automatic na nagkaroon ng utang na loob kapag tinanggap niya ang pera na sa katotohanan ay halaga ng boto niya. Kapag nanalo ang namili ng boto, ang mga taong naging biktima niya ay nagkaroon ng utang na loob. Wala na silang magawa kapag nangurakot ang nanalong kandidato sa kaban ng bayan upang mabawi ang nagastos na pinambili ng mga boto!....ganyan sa Pilipinas!...kaya hindi nakapagtataka kung bakit lugmok na lugmok ang mga Pilipino sa mahirap i-describe na pagdurusa. Marami pang ibang uri ng utang na loob na kung ililista lahat ay aabutin ng maraming pages.


Ang pinakamadaling bayarang  utang din SANA ay ang utang sa Panginoon dahil sa pagbigay Niya sa atin ng buhay. ANG MGA SIMPLENG KABAYARAN LANG SANA AY: MAGPAKABAIT TAYO, MAKISAMA NG MAAYOS SA ATING KAPWA, HUWAG MANLAMANG....AT HIGIT SA LAHAT MAGMAHAL AT MAGRESPETO SA KANYA….SUBALI’T ILAN SA ATIN ANG GUMAGAWA NITO?

0

Understanding the Muslim Filipinos

Posted on Wednesday, 25 October 2017

Understanding the Muslim Filipinos
By Apolinario Villalobos

Christian Filipinos should not abhor their brother Muslims in view of the turmoil in Marawi perpetrated by the terroristic Maute Group. A terroristic group or any group with an intention of sowing destruction may arise from among the Christians, too. Unfortunately, many Christian Filipinos have yet to understand their brother Muslims beyond their porkless diet. By culture and religion, there are differences between the two, but they emanated from the same Malayan race, and by geography, they both belong to Asia.

Centuries before the Spanish arrival, Islam was well-entrenched in strategic islands of the archipelago, having been introduced in Sulu by Sharif Makdum, a Muslim missionary from Malacca. The first mosque which he built could still be found at Tubig-Indagan, on the island of Simunul. He died in Sibutu where a simple shrine was built in his honor. Makdum was followed by Raha Baginda who arrived in Sulu in 1390, and in 1450, Abu Bkr arrived from Johore who married Princess Paramisuli, daughter of Raha Baginda. Their marriage marked the founding of the Sulu Sultanate.

In Mindanao, the first Muslim leader to arrive was Sharif Kabungsuwan, who reached Cotabato (today, part of Maguindanao province) in 1475. He converted the natives into Islam and married the local princess, Putri Tuῆina. Eventually, he became the first Sultan of Maguindanao and his wife, the first Sultana.

At the time of the Spanish arrival, many parts of the archipelago were inhabited by Muslims, such as Batangas, Pampanga, Mindoro, Catanduanes and part of what is today, Metro Manila, particularly those along the Pasig River. When Legazpi arrived in 1571, the recognized Muslim “king” of Manila by the natives was Raha Sulayman, while in Tondo, it was Lakan Dula.

The Spaniards used the word “Moros” to refer to the fierce inhabitants who resisted their intrusion. The word is derived from the “Moors” who were their primary adversaries in Spain. It was the “fierceness” albeit, intended for the Spanish intruders, that unfortunately, had a negative impression in the mind of Filipino Christians. But, thanks to the later generations of Muslim Filipinos, for today, the reference which has been shortened to “Moro” connotes respectability. Contrary to what many non-Muslims believe, “Mohammedanism” is not a religion because Muhammad, himself, did not claim to have founded a religion. The counterpart of the Bible in Islam is the Koran or Qu’ran.

The Five Pillars of the Islamic Faith are: the profession of Faith; praying five times a day facing Mecca; giving alms called “zakah” to the poor; fasting during the month of Ramadan; and pilgrimage to Mecca. Polygamy is allowed, hence, a Muslim may have 4 wives for as long as he can afford to support them and divorce is also permitted.

Pigs are considered unclean, hence, pork is detested by Muslims. Alcoholic drinks are also not allowed. It is for this reason that prior to the arrival of Christians in Mindanao, vinegar was concocted from banana. When migrants from the Visayas and Luzon came, tuba (coconut wine) and basi (sugarcane wine) were introduced but only the Christian settlers imbibed them.

Many Biblical personages are also mentioned in Koran, the most popular of which are Jesus, Abraham and the Blessed Virgin Mary. It is interesting to note that during Christmastime, some Muslim stalls in Quiapo display Christmas lanterns and Christmas trees. They also practice gift giving to live up with the season.


Finally, in the Philippines, politics laced with greed ruined the good relationship between the Christians and Muslims to some extent…

0

Ang Mga Katagang, "enjoy life...matanda na tayo"...

Posted on Tuesday, 24 October 2017

Ang Mga Katagang, “enjoy life…matanda na tayo”
Ni Apolinario Villalobos

Malimit marinig ang mga katagang, “enjoy life…matanda na tayo”. Ang ibig sabihin pa rin niyan ay i-enjoy ang perang pinaghirapan. Sa puntong ito, ang mga sumusunod ay pansarili kong pananaw…kung sa Ingles ay, “I am speaking for myself only”:

Para sa akin ay may hangganan ang lahat sa mundong ito, kasama na ang pagtamasa ng kasiyahan mula sa pinaghirapang pera. Hindi masama ang magkamal ng maraming pera basta huwag lang manamantala ng kapwa upang matupad ang hangaring ito.

Ang mga magpapaligaya sa tao na ginagamitan ng pera ay  pagkain, pagliliwaliw, alak, damit, pagpapaganda ng katawan, sex, sugal, bar-hopping, at marami pang ibang makamundong bagay. Okey lang ang mga nabanggit kung kaya pa ng katawan ang mga epekto nila at kung bagay pa rin ang mga seksing damit, o pagpapaganda ng katawan tulad ng liposuction, pagpapalagay ng kung anu-anong bagay sa katawan upang tumambok ang puwet o suso, etc. Paano kapag ang edad ay mahigit 60 taon na kaya bawal na ang mamantika at matatamis na pagkain?…kung bawal na ang pagpapatina ng buhok dahil sa epekto ng kemikal sa utak?….kung bawal na ang masyadong pagpupuyat?....kung masagwa nang tingnan ang bikini sa kulubot na katawan o ang malaking suso at matambok na puwet sa katawang kulubot ang balat at kuba na ang posture? Magpipilit pa rin ba ang isang may limpak-limpak na salapi?

Maraming tao ang nag-aakalang pera lang ang makakapagdulot ng kaligayahan hanggang sa katandaan. Para sa akin, dapat lang talagang maglaan ng pang-ospital, pambili ng gamot kung sakaling magkasakit, pati na ang pambayad sa punerarya at pambili ng kabaong. Ang lalabis pa sa mga pangangailangang nabanggit ay maaaring gamiting panghuling hirit – pamamasyal, kaunting luho…pero hindi na maganda ang maghangad pa ng karagdagang pera kahit nasa huling yugto ng buhay. Lalong hindi maganda kung kahit naghihingalo na ay inaalala pa rin ang perang maiiwanan!

May naging kaibigan ako noon na taga-Ermita, mayaman at ang negosyo ay mga antique. Noong kalakasan pa ng Ermita bilang kilalang “red district” ng Manila, tatlo ang antique shops  at dalawa ang coffee shops niya na parehong high-end. Malawak din ang lupain niya sa kanilang probinsiya na ang tanim ay niyog. Ang edad niya ay mahigit nang 70 at naging kaibigan niya ako nang gawan ko siya ng biography. Madalas siyang mag-sponsor ng mga proyekto ko bilang kapalit ng bayad sa ginawa kong biography. Bilib na sana ako sa kanya, subalit nang minsang mag-usap kami ay sinabi niyang, “ang problema ko ay kung ano ang mangyayari sa pinaghirapan ko kung mamatay na ako”. Ang kaibigan ko ay maraming kamag-anak sa naghihirap sa probinsiya at ang iba ay nakilala ko pa nang umatend ako ng Christmas party nila. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi naisip ng kaibigan ko ang mga kamag-anak niyang naghihirap na dapat sana ay babahagihan niya ng kanyang yaman.



0

Ang Makasarili at Mapagbigay

Ang Makasarili at Mapagbigay
Ni Apolinario Villalobos

Mahahalata ang taong makasarili at mapagbigay sa pamamagitan ng isang halimbawang sumusunod: ….sa hapag-kainan, ang pinipiling saging ng makasarili ay ang may pinakamagandang balat at malaki; ang mapagbigay naman ay pinipili ang maliit at may halos nangingitim nang balat dahil nanghihinayang siya kung tuluyang mabulok. Kung piniritong isda o manok ang ulam, ang pinipili ng makasarili ay ang pinakamalaki; ang mapagbigay ay hindi namimili.

Walang masama sa pagpili ng pinakamagandang bagay kung ito ay iyong binili. Subalit kung nakalatag sa harap ng isang pamilya kung saan ay kasama ang magulang at mga kapatid, dapat ay kailangang maging mapagbigay lalo na sa magulang at nakababatang kapatid. Kadalasan, ang mga nakatatanda pang mga kapatid ang nag-aagawan ng pinakamaganda habang nakatunganga ang mga nakababatang kapatid at magulang.

Ang pagkamakasarili ay nagbibigay-buhay sa kasabihan sa Ingles na, “what are we in power for”…na nagpapairal ng lakas laban sa mahihina. Nangyayari yan sa lahat ng sitwasyon, sa loob man ng tahanan o sa komunidad na maliit hanggang sa kabuuhan ng isang bansa. Dahil diyan ay may korapsyon sa mga pamahalaan at sa loob ng ILANG tahanan ay may magkakapatid na palaging nag-aaway.


Sa mga pamilyang mayayaman, ang pagkamakasarili din ang dahilan ng awayan ng magkakapatid dahil sa mga minana mula sa mga namayapang magulang.

0

Vices and Gainful Destruction are Conceived by the Selfish and Evil-Minded

Posted on Wednesday, 18 October 2017

VICES AND GAINFUL DESTRUCTION
ARE CONCEIVED BY THE SELFISH AND EVIL- MINDED
By Apolinario Villalobos

People travel to places after being told by friends that they are worth visiting, aside from reading about them in magazines, both printed and televised…so they spend for it. Their need to see places have been conceived by other people and various forms of media that practically, entice them to embark on an adventure. Without the encouragement, people will not even think of leaving their home because they have no idea that beautiful places exist somewhere.

It is in this manner that the evil-minded have conceived vices for their unsuspecting victims to enjoy, such that, they will attain a euphoric state of satisfaction when they indulge themselves in them. Later, these vices which could be alcohol, cigarette, gambling, and drugs would develop into some sort of necessities of their victims. At the end, the evil-minded have become successful in creating the needs for their victims.

There has been no need for bombs and guns until such need was created by people who thought of gainful destruction. Along with what have been made to attain a selfish motive, the manner, with which they could be used have been conceived, so there are wars and terrorism. Had the evil-minded not brought forth into the world such instrumentalities of destruction, people would have thought of just reaping the grains in the field as they get ripe, hunt for food needed for a day or two, enjoy the moon when it is in its fullest, and worship Nature as a manifestation of a powerful Force….in other words, just lead a simple life, until today.

The tendency of man to abuse has underlined his evil-mindedness. And, because of that, practically, everything that has got to do with life has been abused, such as, kindness, authority, trust, love, Nature, food, water, medicine, animals, plants, mental faculty, etc. His disdainful selfishness has eventually, led him to a gainful destruction that likewise, leads him along the path of self-destruction!


0

Panawagan sa Mga Naghahasik ng Pangamba

Panawagan sa Mga Naghahasik ng Pangamba…
Ni Apolinario Villalobos

Ang panawagan na ito isang simpleng tangka upang mabuksan ang inyong isip at maantig ang inyong damdamin tungkol sa mga ginagawa ninyong paghasik ng pangamba sa mga kababayang namumuhay ng mapayapa…silang mga nagtatrabaho ng marangal at mga kabataang nag-aaral upang balang araw ay makatulong sa bayan.

Sa ginagawa ninyong panghoholdap at pangri-rape, sana ay maisip din ninyo na kayo ay may mga mahal sa buhay na maaaring gawan din ng ginagawa ninyo…maliban na lang kung kayo ay nag-iisa sa buhay. Kawawa ang mga biktima ninyo na ang hangad lang ay kumayod nang maayos upang may maipakain sa pamilya. Ang mga kabataang nilalakasan ang loob sa pag-uwi mula sa eskwela kahit mahirap sumakay ay may mga pangarap sa buhay tulad ng pagtulong sa pamilya at bayan.

Masakit para sa mga mahal sa buhay ng mga biktima ninyo ang makita silang kalunus-lunos ang kalagayan pagkatapos pagnakawan at saksakin o di kaya ay gahasain pagkatapos pa ring pagnakawan. Hindi madaling tanggapin ng mga anak ang mawalan ng amang naging biktima ng panghoholdap, na maliban sa nawalan na ng perang pambili ng bigas, ay nasaksak pa!

Alam kong may mga pangangailangan kayo at ang iba sa inyo ay tinuturing na kapit sa patalim ang panghoholdap. Subalit may paraan para kayo ay kumita sa marangal na paraan…nang hindi nakakaperhuwisyo ng kapwa. May mga pilay o lumpo na nakakayang magtinda o di kaya ay mga kabataang nagtatrabaho bilang crew sa mga fast food chains upang kumita ng pang-tuition…. Ilan lang silang kumakayod ng marangal…bakit hindi ninyo gayahin ang kanilang pagsisikap?

Nang dahil sa ginagawa ninyong panghoholdap pagkatapos magkunwaring namamasada ng traysikel sa gabi, ang mga lehitimong mga traysikel drayber ay hindi na tuloy pinagkakatiwalaan…pati mga naghahabal-habal sa ibang barangay at bayan. Malaki ang epekto sa kabuuhan ng isang bayan ang ginagawa ninyong paghahasik ng pangamba. Paano pang uusad ng pasulong ang isang barangay, bayan o lunsod kung pinipigilan ninyo dahil sa inyong ginagawa? Kung kayo ay nakatira sa isang maliit lang namang bayan, dapat ay makipagtulugan na lang kayo sa lokal na pamahalaan para na rin sa kapakanan at kapakinabangan ng inyong pamilya ng .

Kung wala kayong hinahasik na pangamba sa inyong kapwa, ang ating bansang nakalugmok na sa kahirapan, kahit paano ay makakaraos kahit bahagya. Lahat tayo ay Pilipino kaya walang ibang dapat na nagtutulungan sa isa’t  isa kundi tayo….para sa katiwasayan ng kasalukuyan at kaginhawahan ng ating hinaharap.  Sana ay magbago na kayo….



0

Ang Pagkatamasa o Pagkamaaksaya ng Maraming Pilipino

Posted on Tuesday, 17 October 2017

Ang Pagkatamasa o Pagkamaaksaya ng Maraming Pilipino
Ni Apolinario Villalobos

Hindi ko maunawaan kung bakit may mga Pilipinong napakayabang sa pagtira ng pagkain…mga tamasa na isang buwisit na ugali. Kapag kumain sa mga restaurant o maski sa maliit na karinderya, buong yabang silang nagtitira ng iisang kutsarang kanin na pang-isang subo at ulam na pang-dalawang subo na lang.

Tulad na lang ng isang estudyanteng kumain sa katabing mesa ko sa isang kainan ng pastil, na inayos pa ang iniwang pagkain na para bang ipinapakita sa ibang kostumer ang kanyang kayabangan.  Hindi pwedeng idahilan ang hindi pagiging masarap ng itinirang piniritong itlog na ang halaga ay Php10 dahil kung nagawa niyang kainin ang kalahati ay bakit hindi niya pinagtiyagaang isubo ang kapiranggot na natira? Ang isang balot naman ng pastil ay Php10 at kakaunti lang kung tutuusin subalit nagawa pa ng tamasang estudyante ang magtira. Sa isang mall naman, halos kalahati pa ng chiffon cake naman at kalahating bote ng Coke ang itinira ng isa pang estudyante. Mas may konsiyensiya ang lady guard na nagtabi sa natirang cake para ibigay sa kaibigang Badjao na nanghihingi ng natirang pagkain sa mga kainan. Nakakalungkot ang nasaksihan ko dahil  mga estudyante pa ang nag-aksaya ng pagkain….mga umaasa sa perang pinaghirapang kitain ng kanilang mga magulang. Sa porma ng mga estudyanteng nag-aksaya, hindi masasabing sila ay mayaman.

Sa mga bahay, may mga magulang na sa halip na maging huwaran sa pagtitipid upang hindi makapag-aksaya ng pagkain, ay sila mismo ang nagpapakita ng magaspang na ugali. Sa halip na mag-recycle ng mga natirang pagkain, diretso sa basurahan o sa butas ng lababo ang mga natirang pagkain. Ang iba naman ay nagtatabi nga ng mga tirang pagkain sa ref pero kinakalimutan naman hanggang tuluyang masira. Ang mga gulay na bahagya lang ang pagkalanta ay itinatapon na. Kahit nakikita nilang nag-aaksaya ang mga anak ng pagkain ay hinahayaan nila.

Maraming kababayan ang halos hindi makakain kahit isang beses isang araw at ang iba naman, kung hindi mangalkal sa basurahan ay walang naipapanlaman sa sikmura…pinapagpag ang langgam o dumi sa natirang sandwich o tinapay o di kaya ay nilulutong batsoy ang mga buto ng fried chicken na may nakadikit pang laman.


Dahil sa dami ng naaaksayang pagkain, nagkakaroon ng chain reaction na ang resulta ay pagsirit ng kanilang mga presyo. Napapag-aralan ang katotohanang ito sa mga silid-aralan…KUNG ITINUTURO NG MGA GURO.






0

On What People Should Be by Doing Things Expected of Them

Posted on Saturday, 14 October 2017

On What People Should Be
By Doing Things Expected Of Them
By Apolinario Villalobos


One cannot be a Christian, Muslim, Catholic, Protestant unless what he or she learns from the Bible or Koran are not given substance by acting them out, otherwise, he or she is just a hollow breathing creature who speaks, and thinks but without a heart.

All creations on Earth have a purpose…not only humans, just because they are supposed to be the image of the Creator. Lifeless objects have their own purpose, too…to give support to the live ones. Sands, rocks, stones are components of a sturdy home. The air has oxygen which is among the basic element of life. How much more for the trees, rivers, wildlife and the rest of living lesser creatures that are being misused and abused?

The intelligence of man made him invent things that eventually become tools for his self-annihilation. He invented insecticides, guns, drugs, synthetic foods and drinks, gadgets, etc….abused and misused. The factories belch out fumes that contaminate the air and their poisonous residues flow into streams, rivers and finally into the sea and further on towards the bigger bodies of oceans. Fertilizers that boost agricultural yields practically destroy the natural elements in the soil….all misuse abuse of intelligence!

Mountains and hills are bulldozed, flattened, to give way to housing projects. Canals are filled and coastal areas are “reclaimed” to give way to skyscrapers, business and commercial establishments. Oftentimes ill-planned, the projects result to floods….all misuse and abuse of nature!

The idiotic acts of man are killing him, instead of sustaining his life. He misused and abused the blessings with good purposes. His selfish discontent has made him blind to what are supposed to be emulated and acted out. The houses of worships have become useless as they seem to have become like cages of parrots! MANY listen to the Words read from the Books of Life but they do the contrary as they step out of the structures where they congregate. They kill fellowmen using religious belief as an excuse. They exploit the vulnerability of the poor to enrich themselves.


THE FACT IS, CORRUPT GOVERNMENT OFFICIALS AND DRUG LORDS ATTEND THEIR RESPECTIVE SPIRITUAL SERVICES AND EVEN GIVE DONATIONS TO COVER UP THEIR ACTS. MANY SPIRITUAL LEADERS HAVE DEVIATED FROM WHAT THEY ARE SUPPOSED TO DO, AND INSTEAD, MEDDLE IN POLITICS!

0

An Encounter with a Quote Enthusiast

Posted on Friday, 13 October 2017

An Encounter with a Quote Enthusiast
By Apolinario Villalobos

I really do not know what to call the guy I met through another friend. He loves to quote other people and I admire his memory for he can even quote historical personages, with their sayings that I must admit are strange to me. We exchanged notes on blog subjects as he is also a blogger in his own right, though constrained by his busy schedule in their company as Operations Director. Practically, our styles do not have even a single similarity. While his blogs are full of “according to”, “as…..says”, or quotation marks, mine are simply stated and based on my own experience. However, we found out that two of our blogs tackled similar subjects.

We are both fond of history and biography. While I take note and absorb the essence of what I have read and tend to forget about the books later because of my short memory, he patiently takes note of statements of personages. While I am my own self in the course of our banter, his obsession shows no end about the personalities as he interjected quoted statements in our conversation which impressed me a lot. His memory is admirable.

He proudly told me about the “Tadhana…the story of the Filipino People”, supposedly written by Ferdinand Marcos. He also told me about the ancient books written by Greek philosophers, reprinted copies of which he found in a famous library in the United States. He even mentioned about Kahlil Gibran, and many more. I was humbled because although, I have read many books, I honestly could not recall their titles and authors, not even the history books that I was required to read as a high school and college student. I practically forgot about them. But, although, I hate Marcos, I have collected 7 books about him, especially, on his exploits as dictator, aside from those about his wife, Imelda. As regards Kahlil, I have two of his books.

I was dazed by the quotations that he impressed on me. All I could contribute was the “Golden Rule”, the author of which I do not even know. In the course of one of our conversations during a party hosted by a common friend, while I meekly told him about my AB course, earned from a then, struggling parochial school “sa isang liblib na bayan (noon, ngayon lunsod na) sa malayong lalawigan ng Cotabato sa Mindanado, at halos nasa paanan na ng Mt. Dagoma”, he bragged about his Master’s Degree earned from a university in the United States.

He slipped when he confirmed the fact that some students really copy/paste paragraphs from research materials in the internet. He admitted that he committed the same when he was finishing his Political Science course in a state university in Manila. His revelation was followed by a hearty guffaw to show that he enjoyed his act of plagiarizing materials from the books which made me shudder. In response to what he told me, I told him that I blogged about plagiarism a year ago, under the title “Plagiarism” a subject which also included plagiarized photographs and paintings. My revelation made him quiet suddenly and left me alone with my mug of coffee.

My encounter with the guy, made me ask questions such as, why some people have to quote others, even on simple subjects such as love, kindness loyalty, life, corruption, etc. when all they need to do is bring out their own experience or look around them for the needed input that can be shared. Why must they go to the extent, for instance, of quoting Mother Theresa or the new pope about compassion, love and charity when they can write about it based on the relationships that prevail among the members of their family or community? I cannot understand why they have to quote famous names when they write about corruption when all they need to do is open their eyes to what are happening around them. And, I cannot understand, too, why they must quote philanthropists when they write about poverty and other deprivations in life, when all they need to do is throw a glance at families living on sidewalks, and whose sustenance come from garbage dumps which is what poverty is all about-plain and simple.

On the other hand, if these “quoters” cannot help it, they should also try to absorb what they quote and put them into practice. I presume that the reason why the quotes caught their attention is that they are relevant, hence, worth remembering. But if they persist on just mumbling them to impress others, they become hollow “amplifier” of others or they are just acting like parrots. They cease to act as intelligent creatures who are supposed to use to the fullest what God gave them, by bringing out what are in their own mind, or better, act them out.


Finally, I am not saying that quoting others is wrong. What I am trying to imply is that, it should be done only when necessary, especially, when one is trying his best to emphasize his point, as quotes, especially, of reputable historical personages can help in the confirmation of ideas being presented. 

0

Ang Mga Pagkakaiba ng mga "Private" at "Public" School Teachers

Posted on Thursday, 12 October 2017

Ang Mga Pagkakaiba ng Mga “Private” at “Public” School Teachers
Ni Apolinario Villalobos

Iisa ang pagkakatulad ng trabaho ng mga guro, ma-private o ma-public man, at yan ay ang “layunin” ng kanilang ginagawa na magturo. Ang mga pagkakaiba ay nasa uri naman ng kanilang “employer”.

Ang employer ng public school teachers ay taong bayan dahil ang suweldo nila ay galing sa buwis. Ang employer naman ng private school teachers ay mga negosyante.

Maraming pinagdadaanang “butas” ang pera na kailangan ng mga public school teachers at marami ring sagabal na hindi kontrolado. Ang mga sagabal na ito ay nadadanasan ng mga public school teachers na nakatalaga sa malalayong barangay na ang iba ay nasa paanan o sa gilid ng bundok, at bago marating ay kailangang tumawid pa sa mga ilog. Samantala, ang mga private schools ay karaniwang matatagpuan sa mga barangay ng bayan at lunsod.

Kung may mga bagay na kailangan ang mga public school teachers, pupunta sila sa principal na sasangguni naman sa district office, na makikipag-coordinate naman sa mas nakakataas na opisina. KUNG NASAGAD NA PALA ANG BUDGET, NO CHOICE ANG PUBLIC SCHOOL TEACHER KUNDI DUMUKOT SA SARILING BULSA! Samantala, kung may kailangan ang private school teacher para sa pagtuturo, lalapit lang siya sa kanyang employer na negosyante na obligado namang gumastos…dahil negosyo niya ang eskwelahan. Yong isang dating schoolmate ko na may isang eskwelahan na ngayon, siya mismo ang namimili ng mga gamit sa eskwela dahil ayaw daw niyang masira ang quality ng pagtuturo ng kanyang mga teachers.

Pagdating sa suweldo, nakakaungos na ang mga public school teachers kahit kaunti dahil nagkaroon sila ng adjustment, pero kulang pa rin kung tutuusin, batay sa kanilang ginagawa. Samantala,  masuwerte ang mga teachers ng mga high-end o “class” na mga private schools na naniningil ng lampas-ulong tuition fees dahil malaki ang suweldo nila.

Dahil sa mga nabanggit, dapat ay tumahimik na lang ang mga pumupuna ng negatibo sa ginagawang diskarte ng mga public school teachers upang kahit walang nakukuhang suportang financial mula sa nakatataas sa kanila ay tuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa, kaya kalimitan ay gumagastos sila ng sariling pera.  Hindi rin madaling lumapit sa PTA dahil marami nang pinagbawal lalo na pagdating sa contribution. Malabo rin ang pagboluntaryo ng mga magulang na todo-todo ang kayod kaya kulang pa nga kung tutuusin ang buong araw upang kumita para sa kanilang pangangailangan


ANG HIRAP KASI SA ILANG PILIPINO NA EWAN KUNG TANGA O NAGTATANGAHAN LANG, MALIMIT NA GINAGAWA AGAD KAPAG MAY PROBLEMA SA ESKWELA AY MAGTANONG NG, “BAKIT HINDI HUMINGI NG BUDGET?”, O DI KAYA AY, “BAKIT HINDI I-INVOLVE ANG PTA?”. THE BEST AY TUMAHIMIK NA LANG SILA!

0

Mga Napansin Kong Ugali ng Ilang Kababayang Nakatira sa Ibang Bansa

Posted on Wednesday, 11 October 2017

Mga Napansin Kong Ugali ng Ilang Kababayang Nakatira sa Ibang Bansa
Ni Apolinario Villalobos

Unang-una, bilib ako sa perception ng mga Pilipinong gumawa agad ng desisyon na lisanin ang Pilipinas at manirahan sa ibang bansa dahil napansin nilang hindi maganda ang pamamalakad sa gobyerno. Totoo naman, dahil sa pag-usad ng panahon ay lalong dumadami ang problema lalo na sa korapsyon. Sa kabila ng kanilang kinalalagyan ngayon, ang ilan sa kanila ay nakakapagpadala pa ng mga impormasyon tungkol sa ginagawa ng mga kababayang NASA AMERIKA AT IBANG BANSA na pilit na nagdidiskaril sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang hindi maganda ay ang ginagawa ng ilan na naghahambing ng kinalalagyan nila ngayon sa kalagayan ng mga nasa Pilipinas. Mababasa ang takbo ng kanilang isip sa mga comments nila tulad ng, “ano ba kayo diyan….!”, “mabuti pa kami dito….”, “ano ba yang presidente NINYO….”etc.  Ang mga sinasabi nila ay parang asin na ibinudbod sa sugat na nagpapahirap na sa mga Pilipino dito sa Pilipinas.

Kung magbalikbayan naman ang ilan, unang napapansin agad ay ang trapik na para bang ikinabigla nila, ganoong maski saang lupalop ng mundo ay nakabalandra sa screen ng TV ang mala-impiyernong kalagayan ng trapik sa Manila, Cebu, Davao at unti-unti na ring nangyayari sa iba pang panig ng bansa. Para bang gusto nilang ipaalam na sila ay balikbayan, bagong dating, galing abroad, etc….sosyal nga naman! Kapag nilapitan ng namamalimos, kunwari ay mabibigla at magsasabi ng , “ano ba yan….bakit ayaw asikasuhin ng DSW?!”….NAKU NAMAN, PARA BANG HINDI NILA ALAM ANG KORAPSYON SA PILIPINAS!

Noong sila ay hindi pa nakarating sa ibang bansa kaya lumalanghap DIN ng maruming hangin ng Maynila at iba pang mauunlad kuno na mga lunsod ng Pilipinas, alam na ng mga stateside Pinoy na ito kung anong uri ng bansa meron tayo. Ang nadagdag lang sa landscape ay mga nagtatayugang commercial at condo buildings at pagdami ng mga Intsik na namumuhunan saan mang panig ng bansa…at, pagdagsa ng mga kababayang Badjao sa ilang lunsod. Dahil diyan, huwag na lang sana sila magtaka pa dahil nababalitaan naman sila ng mga kaanak na nasa Pilipinas.


Sa isang banda, bilib ako sa mga Pinoy sa abroad na ang layunin ay kumita lang upang makatulong sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Ang payo ko naman na unsolicited o hindi hiningi, yong mga nakalutang sa ere (air) ng bansang tinitirhan nila, huwag nang magdagdag ng pasakit sa mga naiwan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga binibitiwang unsolicited o hindi hininging arrogant comments, sa halip ay mag-imbita na lang sila ng mga kababayan to join them…join the fun in their new heavenly “home”!

0

TONDO

TONDO
Ni Apolinario Villalobos

Tambakan daw ng mga patapon
Pugad ng mga kapuspalad
Hangganan ng pangarap –
Ng mga taong
Madilim ang hinaharap.

Marami na ang sumumpa
Na sa Tondo’y hindi babalik
Nguni’t iba ang tawag
At hila ng ugat
Pilit nagpapaliwanag.

Tondo, oh, bakit ba?
Naturingan ka
Na pugad ng dalamhati
Pinagkaitan ng saya
Ng ngiti at ng ganda.

Ang lahat ay may pagbabago
Kung may araw, mayroon ding gabi.
Kung may lamig, mayroon ding init
Tulad ng Tondo
Gumaganda, dati’y pangit.

Ngayon, iba na siya
Unti-unting nagbabago
Nasisinagan ng pag-asa
Na ang dulot
Ay bagong buhay

At may ligaya!

0

Ano Ba Talaga ang Pag-ibig?

Posted on Tuesday, 10 October 2017

Ano Ba Talaga Ang Pag-ibig?
Ni: Apolinario B Villalobos

Mula pa noong panahong nauna
Ang pag-ibig ay sinisimbolo na ni kupido
Isang  anghel na laging hawak ay pana
Nakaumang sa magsing-irog
At handang magpakawala ng palaso
Na siyang tutusok sa mga puso
Magpapatibok sa mga ito ng mabilis
Hudyat na nabaon na ang pag-ibig
At handang bigkasin ng kanilang bibig.

Marami na ang namatay dahil sa pag-ibig
Marami na rin ang nasiraan ng bait
Marami  rin ang napariwara
Kaya sa murang gulang ay nagsama
Nagpadami ng supling sa mundong ibabaw
Naging  palamunin at sa kalye’y pakalat-kalat
Walang direksyon ang buhay nguni’t
Kung umasta sila akala mo’y sikat -
Mga katawang nanlilimahid sa gulanit na damit.

Masarap ang umibig kung isip ang mananaig
At hindi damdamin na malayo sa utak
Na siyang dahilan ng masakit ng pagbagsak
Kapag natauhan sa bulag na dikta ng damadamin
Na kung umiral ay animo ulap sa kalawakan -
Natatangay ng hangin at hininigop ng init
Patungo sa mga palanas na tigang -
Na naghihintay ng kahi’t ambon ay mabiyayaan
O di kay’y ng hamog sa magdamag, kinabukasan.

Di dapat umasa ng kung anu-ano na dala ng pag-ibig
Dapat hintaying kusang ialay ng taong nakakadama nito
Dahil pagkasiphayo lamang ang idudulot sa umaasa
Kung hindi dumating ang minimithi
Na nakikimkim ng damdaming kimi;
Dapat ding likas na maipakita sa mga kilos
Ang marubdob na nadarama ng isang umiibig
Huwag hintaying hingan ng kanyang irog
Ng mga bagay na sa harap niya ay dapat idulog.

Banal ang tunay na pag-ibig
Ito ay hindi libog na sa isang saglit
Kakawala sa katawang nag-iinit;
Kaakibat nito’y pagtatanging di nagdududa
At turingang may respeto sa isa’t isa,
Ang  bawa’t tibok ng puso para sa iniirog
Dapat ay laging dumadaan  sa utak
Nang sa gayon, lahat ng naipapakita sa kilos
At nasasambit ng bibig ay napag-iisipan ng lubos.

Ito pa:
Para sa magsing-irog, mapapatunayan nilang sila ay para sa isa’t isa kung sa kabila ng mga nakakawindang na pagsubok na dumating sa kanilang buhay ay sila pa rin ....sa kabila ng pagbuhos ng di basta-bastang pagsubok kaya marami silang ginawang trial and error hanggang na-perfect din nila at last ang isang paraan kung paanong timplahin ang kanilang samahan na tama lang sa tamis…..HINDI NAKAKASAWA!



0

Ang Ayaw Tumulong Huwag na lang Manlibak ng mga Kapus-palad

Posted on Monday, 9 October 2017

Ang Ayaw Tumulong
Huwag Na Lang Manlibak ng mga Kapus-palad
Ni Apolinario Villalobos

Napilitan akong sumulat uli tungkol sa subject na ito dahil sa narinig kong pag-uusap ng dalawang babae sa dyip. Galing ako noon sa mga nasunugan kong kaibigan sa Tondong nakatira pansamantala sa isang basketball court ng barangay na hindi kalayuan sa pinangyarihan ng sunog. Habang tumatakbo ang dyip galing sa port area papuntang Divisoria, sinabi ng isang babae sa katabi niya na, “mabuti ngang nasunog ang mga bahay sa Parola dahil pinamumugaran lang ng mga drug addict, mga puta at mga bata madudungis”.

Gusto ko mang sumabad, hindi ko na ginawa dahil mukhang mataray ang babaeng nagsalita at siguradong magtatalo lang kami. Mahirap na dahil baka makarating kami sa barangay, mabisto pa kung sino talaga ako dahil kukunin ang pangalan ko. Hindi kasi ako nagpapakilala sa mga taong tinutulungan ko sa Tondo.

Ang pinakamasamang ugali ng tao ay ang paglibak sa kapwa nilang kapus-palad o naghihikahos, na ayaw naman nilang tulungan. Palibhasa daw ay hindi mapapagkatiwalaan, madudungis kaya nakakasira ng tanawin, mga magnanakaw, mga puta, mga adik, mga tamad, mga putik ng lipunan.

Ang dapat gawin ng mga ayaw tumulong sa mga nangangailangan ay tumahimik na lang at magpakasaya sa yaman nila na pinaghirapan nilang kitain. Pero tulad ng sabi ko, dapat ay huwag manlibak ng mga taong kapos na inaakala nilang nakikibahagi sa kanilang yaman.
Walang may gustong maging mahirap. May sinusuwerte kahit hindi masyadong nagsikap at mayroon ding hindi sinuwerte kahit ang ginamit sa pagsisikap ay mismong karangalan at buhay, kaya nagpuputa at nagnanakaw. Ang mga nagpuputa ay nagkakasakit ng AIDS at ang magnanakaw ay napapatay.

Ang nawalan ng ganang magsikap ay siguradong may dahilan kaya huwag silang husgahan agad, tulad ng isang nakausap ko na ilang beses nang nagtrabaho subalit palagi ring biktima ng pagmamaltrato. May mga biktima ring ginawang “tuntungan” ng mga taong gusto lang yumaman…ibig sabihin, ginamit lang sila.

May mga taong sinuwerte sa buhay pero sa halip na lumingon sa kanilang pinanggalingan ay nanlibak pa ng mga kaanak at kaibigan na hindi sinuwerte kaya naghihirap. Kung mapansin naman nilang nagsisikap ay sasabihin pang “trying hard” at pati ang mga simpleng pagsasaya na nakikita sa mga larawang naipo-post sa facebook ay nililibak din sa pagtanong ng, “ganyan ba ang naghihirap?...naka make-up pa at magagandang damit ang suot?” Para sa akin, hindi dahilan ang kahirapan upang magpabaya sa pag-ayos ng sarili dahil marami ngayong magagandang damit sa ukayan at mura lang.

Dapat alalahanin ng mga may kaya sa buhay na nanlilibak, na ang yaman ay hindi nila madadala kung sila ay patay na. Ang mayayamang nanlilibak ay kumakain ng masasarap, hindi tulad ng mahihirap lalo na ang mga sobrang kapos na ang mga kinakain ay galing sa basurahan. Subalit, magkaiba man ang kanilang pagkain, pagdating sa bituka ng kanilang kinain ay parehong nagiging dumi o tae na mabaho! At, tulad ng mga kinakapos sa buhay, kung mamatay ang mayayamang nanlilibak, kakainin din ng uod ang nabubulok nilang bangkay…. pwera na lang kung na-cremate sila!



0

Ang Kasuwapangan ay Kakambal ng Inggit

Ang Kasuwapangan ay Kakambal ng Inggit
Ni Apolinario Villalobos

May mga taong ayaw na ngang tumulong sa kapwa ay gusto pang angkinin ang dapat ay itutulong ng kaibigan o kaanak sa iba sa pagtanong na may kasamang panunumbat ng, “paano naman ako?”….kahit obvious na hindi naman talaga niya kailangan ang tulong o di kaya ay nakakaraos naman siya kahit papaano kung ikukumpara sa talagang nangangailangan ng tulong. Napakahabang statement yan, na ang tinutuko ay iisang salita lang…ang “kasuwapangan”. Sa simple pa ring paliwanag, ang paghahangad ng mga bagay na nakalaan para sa iba ay palatandaan ng kasuwapangan.

Suwapang ang taong naghahangad ng bahagi sa bawa’t bagay o di kaya ay may kagustuhang magkaroon ng bawa’t bagay na nakikita niya sa iba. Ang ganyang ugali ang tumutugon sa kasabihan sa Ingles na, “living up with the Joneses”, na ibig sabihin ay pakikipagsabayan sa kapwa, sa lahat ng paraan kahit hindi kaya.

Ang mataas na antas na kasuwapangan ay korapsyon dahil hindil lang isa o dalawang tao ang pinahihirapan ng isang korap kundi buong sambayanan. Sa antas na ito, ang kasuwapangan na naging korapsyon ay naging kambal na ng pagka-ganid!


Dapat ay matuwa tayo kapag nakikita nating nakakaraos ang ating kapwa dahil kabawasan sila sa mga dapat tulungan….hindi sila dapat kainggitan. Sa isang banda naman,  ang mga ganid ay bantad o “numb” na sa mga nakikitang kahirapan ng mga tao dahil sa pagnanakaw nila ng pera sa kaban ng bayan na dapat ay nakalaan sa mga proyektong makabawas man lang sa paghihirap ng mga kapuspalad na Pilipino. 

0

Ang Pagpupustura o Pag-aayos sa Sarili

Posted on Sunday, 8 October 2017

Ang Pagpupustura o Pag-aayos sa Sarili
Ni Apolinario Villalobos

Walang masama sa pamumustura o yong tinatawag ngayong “bonggang pag-aayos” na kung minsan ay umaabot sa puntong kailangan pang  pumunta sa parlor upang magpa-facial. Kailangan yan ng mga professional lalo na ang mga direktang humaharap sa tao….HUWAG LANG MAGPASOBRA.

Sa dami ng ukay-ukay ngayon, madaling magpustura, gamit ang mga murang damit na mabibili….siguraduhin lang na bagay sa katawan at kulay ng balat. Ang advantage ng mga ukay na damit ay original sila at siyempre mura. Dahil diyan, walang dahilan ang may kaya namang bumili ng maayos at murang damit upang “magmukhang tao”. Sa panahon ngayon, bilib ako sa mga kabataang Pilipino na marunong mag-ayos kahit sa murang gulang dahil sa naglipanang ukay-ukay outlets. Yan ang sinasabi ko na hindi dapat idahilan ang kahirapan kaya nanlilimahid ang ayos.

Ang pagpa-parlor naman ay huwag gawin kung ikakasira lang ng budget dahil baka ang perang dapat gamitin sa pamamalengke ay magastos. May mga nanay kasi na halos magliyab ang mga kuko sa tingkad ng kyutiks na pula pero ang mga anak ay pumapasok sa eskwela na walang laman ang tiyan. Yong iba pa ay malakas ang loob na magpa-manicure ganoong palagi naman sa bukid at nagtatanim…kahit pwede namang sila na lang ang pumutol ng kuko nila sa pamamagitan ng nail cutter. Ang masama pa ay ang hilig ng ibang gumamit ng “astringent” na nabibili lang sa tabi-tabi. Gandang-ganda sila sa epek na namumula nilang mukha pero ang di nila alam ay tinutuklap ng kemikal ang outer layer na balat ng kanilang mukha at kapag exposed na ang “baby skin”, ilang linggo lang, mangingitim na ito.

Sa pag-aayos ng babae, dapat ang batayan ay kung ano ang gusto ng lalaki, hindi yong nanggagaya ng kapwa nila babae dahil sa inggit. Hindi lahat ng mga pampaayos ng katawan, lalo na ng mukha ay bagay sa lahat ng babae dahil may binabagayan silang kulay ng balat at pigura ng mukha o facial features. Ang nauusong pagpapakulay ng buhok halimbawa ay hindi bagay sa mga babaeng talagang kayumanggi o brown ang kulay ng balat dahil magmumukha lang silang “aborigine”. Subalit okey lang sa mga Pilipina na ang kulay ay brownish-red dahil sa kaunting dugong Kastila. Iba naman kapag ang nahalong lahi ay dugong-Intsik o Hapon dahil mapusyaw, o maputla, o sa Ingles ay “pale” ang balat, kaya lalong ang dapat na kulay ng buhok ay itim.

Kung ang isang tao ay lecturer sa mga seminar o nagi-emcee sa mga parties dapat lang talaga na maayos na maayos ang kanyang mukha at pananamit dahil may pagka-showbiz ang ganoong uri ng trabaho. Kailangang bago humarap sa mga participants o mga dumalo sa programa, ang mukha ay kaaya-ayang tingnan. Ang buhok ay nagsisilbing “kuwadro” ng mukha kaya dapat mag-ingat ang mga nagpapaayos nito. Hindi lahat ay binabagayan ng mahabang buhok, boy’s cut, o pagpupungos. At, hindi lang kulay ang nagpapaganda ng buhok, kundi ang tamang pag-trim para bumagay sa hugis ng mukha.

Sa kabila ng mga binanggit ko, wala pa ring tatalo sa mukhang malinis at katawang binalot ng angkop na hugis ng damit kahit mumurahin ito. Dapat pakatandaan na hindi pare-pareho ang nababagay sa bawa’t tao.


0

Mga Suggestion na Wild Ideas

Mga Suggestion na Wild Ideas
Ni Apolinario Villalobos

·        Ilibing ang mga namayapang mahal sa buhay, sa madaling araw, pagkatapos ng huling lamay sa gabi. Sa ganitong paraan ay magiging tuluy-tuloy na ang pagpapagod  ng mga namatayang kaanak at ng mga nakikiramay na mga kaibigan. Kapag sa araw kasi ang libing, lalo na sa hapon, babalik pa ang mga nagpuyat sa huling lamay para makipaglibing naman. Para sa malalaking lunsod, malaking kabawasan ito sa trapik. Kasama sa serbisyo dapat ng punerarya ang pailaw sa prusisyon papuntang sementeryo at sa sementeryo mismo kung saan ilalagak ang labi ng namayapa.

·        Gawing renewable ang marriage contract, civil man o ginawa sa simbahan, at bigyan ng option ang mag-asawa kung ire-renew nila o hindi. May “renewable of vows” nga pero talagang renewal lang na purely ceremonial. Ang choice ay para sa kapakanan ng mga gustong maghiwalay nang legal pero hindi magawa dahil sa kamahalan ng proseso na inaaabot halos kalahating milyong piso. Ganoon din naman kasi ang nangyayari sa mga nagkasawaan na….kanya-kanya sila ng diskarte sa pagli-left turn na may kasamang patay-malisya. Ang umabot sa 50 years o mahigit pang pagsasama ay bigyan ng lifetime na supply ng asin na traditional na symbol ng preservation, pero yong pink salt na galing sa Tibet para may class.

·        Ikulong sa Muntinlupa o Bilibid ang mga pabayang huwes na naipunan ng mga kaso, na ang iba ay kinamatayan na ng nagreklamo o inireklamo. Magsasama sila doon ni de Lima na nang tumakbo bilang senadora ay kinalimutan na ang pangakong aaksyunan niya ang mga nakabinbing mga kaso, lalo na ang Ampatuan case.

·        Pakainin ng shabu na nilutong pulburon ang mga drug lords 3 times a day kapag sila ay nahuli, at sa halip na asukal, apog ang ihalo.

·        Ang mga mahuling kabataan na nagdo-droaga ay dapat ipasailalim sa seminar na ang magka-conduct ay MISMO mga matatandang obispong Katoliko na bumabatikos kay Duterte. Saan man ang mga kabataang nahuli ay dapat puntahan ng mga obispong ito… kahit sa Tawi-tawi o Batanes o Marawi. Sa ganyang paraan ay madanasan nila MISMO kung gaano kahirap ang gumawa ng hakbang upang mawala ang bisyong droga sa Pilipinas.

·        Tanggalin ang separation ng simbahan at pamahalaan upang pati mga tauhan ng iba’t ibang simbahan ay magkaroon pagkakataong mamuno. Dapat bigyan sila ng pagkakataon upang patunayan ang kanilang kakayahan sa pagpapatakbo ng gobyerno mula sa barangay hanggang national level upang maiwasan na ang sisihan. Kung noong panahon ng Bibliya, ang mga “patriarch” ay namumuno sa taong bayan…bakit hindi ulitin ngayon?

Kung minsan, makakaisip ng maraming bagay na sa panahong kasalukuyan ay imposible, subalit, sa mga susunod na dekada, imposible pa rin kaya ang mga ito?...ganyan ang nangyari sa inimbentong eroplano at barko na pinagtawanan sa simula dahil paano raw lulutang ang eroplanong sa hangin at barko sa tubig dahil sa bigat nila?

0

Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso

Posted on Saturday, 7 October 2017

Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso
Ni Apolinario Villalobos

1.Karunungan  - sa sobrang kayabangan ng ilang tao dahil sa natanggap na papuri tungkol sa kanilang karunungan, akala nila ay mas matalino pa sila sa Diyos, at lalong higit ay ang pag-akala nilang sila na ang pinakamagaling sa balat ng lupa. Gumawa din sila ng mga bagay na nakakapinsala sa buhay tulad ng droga, bomba, lason, atbp.

2.Pananampalataya sa Diyos – ginamit ng maraming hangal na makasarili at may isip-demonyong mga tao ang pananampalataya upang makapag-fund raising. Nagtatag sila ng “charismatic groups” upang makapagpayaman. At, yong ibang tumanda na sa propesyong ito ay ginamit ang pananamapalataya sa pagbatikos sa LAYUNIN ng mga taong kumakalaban sa droga dahil hindi nila ina-analyze ang “kalaliman” ng isyung ito na ang isa sa mga collaterals ay pagkalagas ng mga buhay.

3.Tubig – Hinaluan ng alcohol na nakakalasing at mga kemikal na nagbibigay ng panandaliang kasiyahan at pagkalimot sa sarili….mga party drinks.

4.Hangin – binugahan ng tao ng usok mula sa kanyang sasakyan at mga pagawaan kaya naging lason.

5.Pananim – inispreyhan ng insecticide kaya naging masama sa kalusugan sa halip na makatulong.

6.Teknolohiya – ang mga resulta ng makabagong teknolohiya ay may  kapakinabangan sa tao subalit halos lahat ng mga ito ay inabuso at ginamit sa kasamaan tulad ng internet, cellphonoe, atbp.

7.Tiwala ng Kapwa – maraming tao ang umabuso sa tiwala na ibinigay sa kanila ng kapwa kaya nagkaroon ng trauma o nadala ang mga mababait na tao…ayaw nang tumulong sa iba.

8.Oras – Obvious ito lalo na sa mga kabataan ngayon…ang tawag sa nag-aabuso sa oras ay batugan, makupad, tamad, atbp.

9.Tulong ng Kapwa – maraming mga natulungan ang hindi kuntento sa ibinigay sa kanila at hindi nila naisip na hindi lang sila ang nangangailangan ng tulong….ang gusto nila ay mapunta sa kanila ang lahat ng tulong kaya ayaw na nilang magsikap upang makaraos kahit kaya na nila.

10.Sariing katawan – sa sobrang kaartehan ng ilan, sa halip na ayusin lang ang mga bahagi ng katawan nila upang hindi masagwang tingnan ay inabuso nila ito kaya may mga nagmukhang ibinabad sa arena ang balat o di kaya ay mukhang bangkay dahil sa sobrang putla na akala nila ay “kaputian”. Ang iba ay nangingintab ang mukha sa astringent na naglulusaw ng outer layer kaya kalaunan ay nangitim dahil nasunog pagkatapos ma-expose ang “baby skin” sa araw. Ang ibang minalas na nagpa-butox ng mga bahagi ng mukha upang mawala ang kulubot ay hindi na makangiti dahil na-paralyze ang mga ugat. Ang puwet at suso naman ng iba ay nagmukhang kamote na may mga ulalo dahil sa hindi maayos na paglagay ng silicone. Ang mga nagpa- tattoo ng mga kilay sa mga dispalinghadong beauty artists ay nagmukhang palaging nagugulat dahil sa sobrang taas ng pagkapuwesto ng mga kilay. Ang iba naman ay nagmukhang kekay dahil sa laki at haba ng tattoo, hindi proportion sa mukha….mas matindi ang malas na inabot ng mga tinubuan ulit ng original na kilay na pinaahit upang malagyan ng tattoo…nagkaroon sila ng “double surprise look” dahil sa dalawang set ng kilay!

11.Gamot – maraming gamot ngayon, lalo na ang iba’t ibang anti-biotics ang pinagbabawal nang gamitin dahil sa pag-abuso ng mga karaniwang tao na sa kaunting lagnat ay iinom agad ng gamot na “nirekomenda” ng kaibigan. Ganyan din ang nangyari sa mga paracetamol at pain relievers.

12.Pag-ibig – hindi masama ang umibig, huwag lang itong maging sanhi ng pagkasira ng pamilya. Hindi rin dapat gamitin ang pagkahumaling na palatandaan ng nakakadiliryong pag-ibig upang ang nawawala sa sarili dahil sa sobrang pag-ibig ay buntisin o huthutan!

Ang unang pag-abusong naitala sa Bibliya na itinuturing na alamat at bahagi ng babasahin ng mga Kristiyano ay ang pag-sira sa kabaitan ng Diyos na ginawa nina Adan at Eba…na ang sanhi ay ang pag-abuso naman ni Eba sa tiwala sa kanya ng kanyang partner na si Adan…ang pasimuno ng siraan ng tiwala sa sinasabing paraiso ay ang ulupong naman. Nagkawing-kawing ang abusong ginawa nina Adan, Eba, at ulupong….bagay na nangyayari din ngayon sa buong mundo….kapwa sa kapwa…pamilya sa pamilay, bansa sa bansa!




0

Ang Pagsusulat

Ang Pagsusulat
Ni Apolinario Villalobos

Lahat tayo ay may kakayahang magsulat, sanaysay man o tula, o kung sa Ingles ay essay o poem. Yon nga lang, ang karamihan ay napipigilan ng hiya kaya atubili sila sa pagsulat ng kanilang saloobin o laman ng diwa tulad ng isang naging kaibigan ko…..

Ang kaibigan ko ay kilala noong dekada sitenta dahil sa pagiging unang babaeng direktor ng pelikulang Pilipino. Siya ay nagtapos sa Univeristy of the Philippines at nagpakadalubhasa sa larangan ng pagdi-direk ng pelikula sa Amerika. Nang siya ay tumigil sa pag-direk ng pelikula sa Pilipinas, inimbita siyang maging radio broadcaster dahil maganda ang kanyang boses. Narinig niya sa isang kaibigan ang tungkol sa mga naisulat kong mga tula na nalathala noon sa isang magasin. Sinubukan niyang banggitin sa radyo ang pangalan ko bilang panawagan na interesado siyang makausap ako at kung maaari daw ay baka pwede ko siyang tawagan sa istasyon dahil “on board” siya noon at dahil kauupo pa lang niya, may mahigit isang oras  pa siyang natitira dahil isang oras at kalahati ang kanyang programa.

Nagkataong paborito ko ang istasyon ng radio dahil kahit AM ay marami silang pinapatugtog na mga folk songs na gusto ko. Nang mag-usap kami, inamin niyang curious siya sa akin at siguro bilang pagsubok kung totoo nga ang narinig niyang kuwento, nag-request siya ng tula para sa kanyang mama na ang birthday ay kinabukasan. Hiningan ko siya ng detalya tungkol sa kanyang mama at sabi ko ay patawagan ako after ten minutes. Pero dahil natapos ko agad ang tula in less than ten minutes ay ako na lang ang tumawag uli dahil may pupuntahan pa ako. Nagulat siya at pinabasa sa akin “on air” o sa ere ang tula. Maraming tumawag sa kanya pagkatapos nang ginawa at hindi ko na inalam kung ano ang mga pinag-usapan nila dahil pumunta pa ako sa Tondo. Kinabukasan ay inenterbyu niya ako on air at nang malamang pumunta ako sa Tondo ay nag-request naman ng tula tungkol sa Tondo na ginawa ko naman at binasa “on air”. Dahil wala naman akong pupuntahan noon ay tumutok ako sa programa at narinig ko ang sunud-sunod na mga tawag ng mga Tondo na natuwa. Ang mga caller na dating taga-Tondo na tumawag din.

Pagkalipas ng dalawang araw ay tinawagan niya ako pagkatapos ng kanyang programa at inimbita sa kanyang opisina sa Katipunan Ave. Pagdating ko doon ay tinapat niya agad ako tungkol sa tulong na gusto niyang hingin sa akin. Nang tanungin ko kung tungkol saan, binuksan niya ang dalawang cabinet ng puno ng mga folder. Sabi niya, tingnan ko raw ang mga laman na ginawa ko naman. MGA HANDWRITTEN POEMS PALA NA GINAWA NIYA MULA PA NOONG SIYA NAG-AARAL SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES!

Pinapa-edit sa akin ang mga poems pero sabi ko, kung walang mali sa spelling ng words, walang dapat baguhin sa porma, at kung sakali man ay very minimum lang at sa pagpupuwesto lang ng tuldok at comma. Sa tantiya ko ay mahigit isang libo ang mga naisulat niya….nakakagulat!

Pero ang ikinagulat ko pa ay nang tanungin niya ako ng, “pwede na ba ang mga iyan, Bot”? Sa halip na sumagot ay tiningnan ko siya ng matagal at napailing ako. Akala niya ay “hindi” ang ibig kong sabihin, pero nang makapagsalita ako ay sinabi kong, “hindi ako makapaniwala….nalula ako”!

Tinanong ko rin siya kung seryoso ba siya sa pagkuha sa akin bilang editorial consultant niya, sabay paliwanag kung saan ako nagtapos at kung anong kurso ang natapos ko. Ang nakakabilib na sagot niya ay, “wala akong pakialam kung saan ka nagtapos…basta nakitaan kita ng pruweba”….yon lang. Dahil sa pinakita niyang tiwala ay pinagbigyan ko siya.

Ang gusto kong ipakita sa kuwento ay ang hindi maiwasang paghingi ng “assurance” ng isang tao sa kanyang kapwa dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili sa larangan ng pagsulat. Sa larangang ito, bawa’t isa ay may sariling “style” na hindi dapat kuwestiyunin ninuman. Subalit para sa mga nag-aaral pa lang, dapat ay sumunod muna sa  mga literary rules na itinuturo sa loob ng klase…. magtiyaga na lang para hindi bumagsak. At, kapag nakatapos na, saka na lang magpakasawa sa paggamit ng sariling “style”…na ginawa ko at ginagawa hanggang ngayon.  Gusto ko lang iparating sa iba ang “assurance” na, “KUNG KAYA KO, KAYA NYO RIN”.


0

Mga Iba't ibang Uri ng Kaibigan

Posted on Friday, 6 October 2017

HAPPY FRIENDSHIP DAY!

Mga Iba’t ibang Uri Ng Kaibigan
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkauso ng “BFF” o “best friend forever” na turingan, hindi maiwasang bigyan ng matamang pansin ang ganitong relasyon. Napakaswerte ng mga magkakaibigan na habang buhay na raw nga, ang halos ay pagkit na pagkakadikit sa isa’t isa sa lahat ng panahon. May mga magkakabarkada na hanggang tumanda na ay regular pa ring nagre-reunion. Ang ganitong samahan ay hindi dapat maging dahilan ng pagselos ng mag-asawa, dahil iba ang uri ng samahan ng magkakaibigan sa uri ng samahan ng mag-asawa.

Ang magkakaibigan lalo na yong mga magkakabata ay halos magkadugtong na ang mga pusod kung sila ay magturingan. Nangyayari ito kadalasan sa mga anak ng magkukumare at magkukumpare. Kung minsan naman ay sa magkakapitbahay. Mas malalim wika nga ang samahan dahil kung baga sa puno ay matatag na ang pagkakaugat.

Ang samahan ng mag-asawa ay nagsisimula kadalasan sa panahong ang babae at lalaki ay pareho nang nasa tamang gulang, at nagsisimula sa pagkikita sa paaralan, lalo na sa kolehiyo,  o di kaya ay sa trabaho. Sa bihirang pagkakataon kung minsan naman, nauuwi sa pag-aasawahan ang nagsimula sa puppy love na na-develop nang high school pa lang.

Sa barkadahan, wala halos itinatago sa isa’t isa ang magkakaibigan, hindi tulad ng mag-asawa na may mga nirereserba pang sekreto sa isa’t isa, lalo na yong biglang nagsama makaraan lamang ng ilang araw, linggo o buwang ligawan. Paano nga namang magtitiwala sa isa’t isa ang nagkadebelupan lang dahil sa eyeball to eyeball na nagsimula sa facebook?...na nauwi lang minsan sa isang short time sa mumurahin at masurot na motel…. naging mag-asawa na?

Sa magbabarkada, walang sinumpaang obligasyon ang isa’t isa, kaya walang sumbatang nangyayari. Hindi tulad sa mag-asawa na parehong pumirma sa kontrata upang magsama sa hirap at ginhawa, at ang kontratang ito ay tumitiim pagdating ng panahon na may mga anak na sila. At ang matindi pa, ang hindi tutupad sa kontrata ay makakasuhan, lalo na kung umabot sa puntong nagkasawaan at naghanap ng mga bagong kandungan ang bawa’t isa.

Sa magbabakarda, kung may tampo ang isa sa isa pang kabarkada, pwede siyang tumakbo sa iba pang kabarkada upang maglabas ng hinaing. May mga payong ibibigay – take them or leave them pa, may choice. Sa mag-asawa namang nagkatampuhan lalo na ang may matataas na pride, kung minsan, ang tampuhang nagresulta sa simpleng kalmutan at sampalan ay umaabante sa batuhan ng plato, baso, ispinan ng kutsilyo, at lasunan!

Ang tunay na pagkakaibigan ay tapat at walang kundisyon na sinusunod. Wala mang kundisyon ay mayroong nangyayaring “pakiramdaman”  batay sa prinsipyo ng kamutan ng likod, sa Ingles, “scratch my back and I’ll scratch yours. Yan ang pinakamagandang uri ng pagkakaibigan – bukal sa kalooban at nagbibigayan.

Sa panahon ngayon, may mga taong nakikipagkaibigan sa iba na sa tingin nila ay may pakinabang. Ito yong mga social climber na nakikipagkaibigan sa mga mayayaman o di kaya ay maimpluwensiyang tao upang mahatak din sila paitaas tungo sa mundong ginagalawan ng taong kinaibigan. Nangyayari din ito sa mundo ng pulitika kung saan, ang mga baguhang pulitiko ay pilit na dumidikit sa mga may pangalan na upang maamutan sila ng katanyagan nang sa ganoon ay umusad ang kanilang karera sa pulitika. Pagdating ng panahong tanyag na rin sila, ang mga dating dinikitan nila ay balewala na, lalo na kung nasira ang pangalan dahil sa mga kaso ng katiwalian.  Kapag tinanong ng reporter, sasabihin ng dating social climber at ambisyosong politician na ang nakakasuhan ay “minsan” na niyang nakausap, yong lang.

Ang nangyayari sa mundo ng pulitika ay nangyayari din sa mundo ng show business. May nakausap akong direktor sa pelikula na umaming dumikit siya kay Lino Brocka upang mawisikan man lang ng grasya ng katanyagan. Nagtagumpay siya. Dumating din ang panahon na siya naman ang dinikitan, subalit sa pagkakataong iyon, ang tinulungan niya upang magtagumpay ay hindi na kumilala sa kanya nang dumalang na ang mga offer upang magdirek ng pelikula. Yong walang utang na loob naman ay nakarma dahil nagkaroon ng kanser at naubos sa pagpapagamot ang perang naipon sa pagdidirek. Sana ang nangyari sa walang utang na loob na nagkaroon ng kanser ay mangyari rin sa mga pulitiko, para yong mga nagkakainan ng dumi ay pare-pareho nang mamatay sa kanser. Magiging sikat ang Pilipinas dahil lahat ng mga namatay na pulitiko ay kanser ang dahilan – only in the Philippines!...at maitatala pa sa Guinness Book of World Records!

May mga kaibigan din na doble-kara. Ito yong mga taong ayaw nilang mahigitan sila ng mga kaibigan sa lahat ng bagay. Sila yong mga nagdadaos ng party na ang pakay pala ay ipakitang mas nakakahigit sila sa karangyaan kung ihambing sa ibang kaibigan nila. Kadalasan nahuhuli ang mga taong ito sa mga salita nila mismo, tulad ng pabirong “o…meron kayo nito?” Hindi nawawala ang ganitong klaseng kaibigan sa isang grupo na kadalasan ay nauuto upang gumastos dahil sinasakyan na lang siya ng iba, lalo na sa isyu ng yaman. Siya nga naman ang may pera, kaya, sige pagastusin na lang kung gusto niyang magyabang…yan ang kadalasang sinasabi ng mga pinakikitaan ng kayabangan.

May mga kaibigang traidor. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang samahan ni Hesus at ni Hudas na disipulo niya. Ipinagkanulo ni Hudas si Hesus sa ilang pirasong pilak. Sa Pilipinas, itinanggi si Janet Lim Napoles ng mga taong itinuring niyang kaibigan at inambunan ng mga ninakaw niyang pera mula sa kaban ng bayan. Ito yong mga taong ka-kodakan niya (Napoles) sa mga party niya sa mausoleo ng kanyang ama sa Pasig, may pa-toast toast pa ng alak ang mga hiyu….ta. Bandang huli pare-pareho silang “pinag-iingatan to death” ng mga guwardiya, dahil nakakulong na…friends together….anywhere…talaga lang!





0

Sincere Friendship

HAPPY FRIENDSHIP DAY!


SINCERE FRIENDSHIP
By Apolinario Villalobos

The best way to realize or put into practice our purpose in life is by befriending the needy…reaching out to them. The needy do not need millions or thousands or hundreds of pesos. All they need are handfuls of rice, few pieces of coins, old but still wearable clothes, slippers, and so many other things that most of us just throw away or leave to rot in the backyard or stockroom.

But many people WOULD RATHER befriend affluent or influential people who are friends of their friends, friends of these friends, still friends of these friends, and so on. They exert all efforts to find connections that they can use to realize their selfish motive of riding on the fame or worse, benefit from the financial affluence of other people. Sometimes this happens during the christening of children. Some parents endeavor to include influential people in the long list of godparents, for obvious reasons already mentioned, other than what is expected of them as “second parents” of the godchildren. Along this line, some couples, also, ask friends who know mayors or barangay chairmen or other local officials to stand as sponsors during their wedding, for the same aforementioned reason. In other words, many would like to befriend people for selfish motives, most especially, for prestige and financial security.

In this regard, even the mass weddings sponsored by mayors, and which are viewed by many as done with sincerity, are in fact used as a political tool. For delicadeza’s sake, the mayor could have just spent for the snacks and pay the honorarium of the conducting priest or pastor or minister, AND ASSIGN ANY OF HIS NON-POLITICAL STAFF TO STAND AS SPONSOR, PERHAPS, THE REGISTER OF DEEDS, CHIEF OF THE REVENUE OFFICE, ETC. What happens is that, when election time comes, these “inaanak” become the campaigners for their “ninong mayor”…a puking reality! Truth is, there is not even a slight trace of sincere friendship out of the said “connection”, as several days after the ceremony, the “ninong mayor” may not even remember the names of those for whom he stood as “ninong”. This is about “mass wedding”, not the wedding of people who are personal acquaintances of the mayor. This happens most often in slum areas and barangays or remote villages and towns. So, there’s your “friendly” mayor just because he is sponsoring “mass wedding” using people’s money!

Prestige and security in life can be possibly achieved even without employing make-believe friendship with prominent personalities. True friendship with a REAL PURPOSE should be initiated by a person with utmost sincerity without any taint of selfishness. On the other hand, those who belong to the lower stratum of society should never dream of gaining the friendship of people who belong to the upper, and whom they do not know personally. One should endeavor to earn recognition instead of gaining it through connections. To call people who do not know you personally as “friends” is embarrassing enough. In plain language it is “name dropping”. It should also be noted that friendship is supposed to be a “two-way” relationship…with sincerity from both sides.



0

Hagdan Tungo sa Pangarap

Hagdan Tungo sa Pangarap
Ni Apolinario Villalobos

Pangarap -
Pangarap na hinahabi
Hinahabi at sana ay mangyari
Mangyari at matupad na mga inaasam
Inaasam at tinatanaw nang may agam-agam
Agam-agam na nagbibigay din ng mga alalahanin
Alalahaning baka hindi mapagtagumpayang mga mithiin
Mga mithiin ito na nagbibigay ng lakas at sa atin ay nagtutulak

Nagtutulak sa ating likuran at lakas na sa harap pa rin ay humahatak!

0

Charlie Kris Limbong...16 years old, nagtitinda para may panggastos sa pag-aaral

Posted on Tuesday, 3 October 2017

Charlie Kris Limbong…16 years old, nagtitinda para may panggastos sa pag-aaral
Ni Apolinario Villalobos

Si Kris ang binanggit ko noong anak ni Bai Weng na nai-blog ko, at polio victim sa murang gulang pero nagsikap upang mamuhay ng normal hanggang makapag-asawa. Siya ang binanggit kong nagtitinda ng “walis tambo” tuwing Sabado at Linggo upang may panggastos sa pag-aaral. Dahil sa kahirapan sa buhay, patigil-tigil ang kanyang pag-aaral. Sa kabila ng lahat ay sinikap niyang matapos ang elementarya at ngayon sa gulang na 16, siya ay nasa First Year High School na ng Virginia Fajardo. National High School. Third Honor ang nakuha niya nang magtapos ng elementarya.

Noon ko pa gustong makilala si Kris kaya papunta-punta ako sa puwesto ng kanyang nanay na si Bai Weng upang matiyempuhan sana bago siya maglibot sa palengke at commercial area ng Tacurong upang magbenta ng “walis tambo”. Nagulat pa ako nang malaman ko na nakakarating pala siya sa Isulan para lang magtinda ng walis. Sa pagkakuwento ng kanyang nanay, hindi na umaasa sa kanila si Kris dahil pati toothpaste at sabon niya ay siya na rin ang bumibili mula sa kanyang kinikita.

Nang muli akong mamasyal sa puwesto ni Bai Weng ay hindi ko alam na siya pala ang kumakain ng kaning tutong at ang ulam ay kaunting burong isda. Akala ko ay kostumer na estudyante. Narinig ko pa siyang sumabay sa awit na naririnig mula sa isang radio at napahanga ako sa ganda ng kanyang boses. Nang maghanda na siyang umalis at inabutan ni Bai Weng ng isang plastic bag na may mga tsitserya ay nagtanong ako kung saan niya ititinda. Nang sumagot na sa eskwela ay biglang pumasok sa isip ko na baka siya ang sinasabi ni Bai Weng na anak niyang “negosyante”….siya nga!

Sa tuwa ko ay kinunan ko agad silang mag-ina ng retrato at hiningan ng pahintulot upang mai-blog…pumayag naman. Ayaw daw niyang galawin ang naipon niyang pera dahil gagamitin niya sa mga gastusin sa paaralan. Ang kikitain niya mula sa mga ititindang tsitserya ang gagamitin  niya para sa mga agaran o immediate niyang pangangailangan. At, kailangan pa daw niyang bumili ng isa pang pares ng pantalong uniporme. Dahil uuwi pa siya sa Griῆo ay hindi ko na  masyadong inabala, subalit, nagkasundo kaming magkikita uli sa puwesto ng kanyang nanay.


Kung ang ibang kabataang Pilipino ay tulad ni Kris, sana ay walang gaanong problema ang ating bansa. Mapalad din ang mga magulang ni Kris sa pagkaroon ng mga anak na responsable dahil lahat silang magkakapatid ay walang bisyo.


0

Ang Nakakasilaw na Tukso ng Pera at Paggastos Nito

Posted on Monday, 2 October 2017

Ang Nakakasilaw na Tukso ng Pera
At Paggastos Nito
Ni Apolinario Villalobos


Hindi maganda ang ugaling gastos nang gastos basta may magagastos lalo na kung ang ginagastos ay galing sa kaanak na nagpapakuba sa pagtrabaho sa abroad. Marami akong nakilalang pamilya na akala ko ay mayaman, yon pala ay may nanay o tatay o kapatid na OFW, o di kaya ay seafarer. Ang nabanggit na ugali ay masama na, subalit lalo pang pinasama ng iba dahil sa kanilang pangangalunya o pangangaliwa o pagtataksil…. sa madaling salita ay may “kabit”!...habang ang asawang sa abroad ay nagpapakahirap.

Sa awiting, “Kuya Eddie” binabanngit ang kapabayaan ng asawa sa mga anak na ang ama ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Nagtaka ang lalaki dahil hindi naman buntis ang kanyang misis nang kanyang iwanan subalit nang umuwi siya, ang mga anak nila ay nadagdagan ng isa! Ang masaklap pa, iniwan na nga siya at kanyang mga anak, tinangay pa ang inipon niyang pera! Kung babae ang gagawa ng kaaliwaswasan, ang idadahilan ay “woman’s frailty” tulad ng depensea ng isang big time na babae na ngayon ay nasa kulungan na, subalit ang kaso ay hindi dahil sa pagka-adik niya sa sex kundi sa mga kasong may kinalaman sa pera. Kung lalaki naman, ang palusot ay, “ di bale na, lalaki naman at hindi mabubuntis”.

May naging kaibigan akong mananahi na dating nurse sa Kuwait at ang kuwento niya ay anim na taon daw niyang sinupurtahan ang kanyang pamilya, mula sa mga magulang hanggang sa apat na kapatid. Dahil sagana sa perang padala niya, naka-develop ng “pagmamahal” ang kanyang tatay sa sabong at ang kanyang nanay naman ay sa casino. Sa apat niyang kapatid, tatlo ang naging adik at ang isa ay nalumpo dahil sa aksidente sa motorcycle na nabili sa malaking halaga, yong pang-karera. Nang nakauwi na siya, kahit papaano ay nakabili siya ng isang maliit na lote at isang Singer sewing machine….nagri-repair siya ngayon ng mga ukay na pantaloon sa Bambang (Manila) sa inuupahang maliit na kuwarto. Ang lote naman ay tinamnan nilang mag-asawa ng mga gulay na pambenta sa Divisoria.

Siguradong marami ang aalma o magrereklamo kung sasabihin ko na ang isang bahagi ng kulturang Pilipino na hindi maganda ay kayabangan kapag maraming pera. Ang mga Pilipino na may nabanggit na ugali ay walang tigil ang pamimili ng mga bagay na mapapansin agad upang makapagbigay ng impression na mayaman sila. Tulad halimbawa ng isa kong kumpare na nang mag-retire ay bumili agad ng isang mamahaling sasakyan kahit wala silang garahe kaya sa labas ng bahay niya iginagarahe dahil ang tinitirhan nila ay isang maliit na apartment lang.Binalaan o winarningan ko siya na kilala ang lugar nilang maraming adik at snatcher na naninirahan…sa San Andres Bukid sila nakatira. Sagot niya sa akin, “pare…pa-impress lang…iniismol kasi ako ng mga hinayupak kong kapitbahay”. Hindi inabot ng limang buwan, nag-goodbye sa kanya ang mamahaling sasakyan dahil ninakaw!


Tulad ng iba pa nating pangangailangan sa buhay, ang pera ay nirerespeto at hindi inaabuso…pinaghihirapang kitain ng mga tapat sa trabaho, hindi basta lang dinadampot. HIGIT SA LAHAT, MAAWA SA MGA KAANAK NA HALOS MAGPA-ALIPIN SA IBANG BANSA PARA LANG MAY MAIPADALANG PERA SA INYO!

0

Anything That We Do Has a Purpose

Posted on Sunday, 1 October 2017

Anything That We Do Has a Purpose
By Apolinario Villalobos


Anything that we do has a purpose… a reason. We do not just do anything for nothing. Our heavenly mandate is to do good.  We eat to sustain our life so that even a morsel of food could be enough which is good, but if we go into binges of food tripping that could ruin our health, that is bad.

Students exert effort to finish their studies, with the financial support of course, of their parents. And, the reason for such is for them to earn later on, but in an honest way aside from making use of what they have learned for the good of their community and fellowmen.

Teachers are supposed to guide their students as their sole purpose and not just to earn. Dissertations of students in the form of thesis, a requirement in college and high school should have clearly cut objectives, especially, those that are supposed to be for the alleviation of communities. Along this line, professors should come up with topics for their students to work on, about community-centered endeavors. Employees of private entities are supposed to help their companies grow as their taxes are needed for the development of the nation.

Government officials are supposed to work FOR their constituents, and not exploit them for their own gainful interest because as viewed from different perspectives…THAT IS CORRUPTION!


Those are my SIMPLE views on why we live in this world…SIMPLY STATED, TOO.