September 2014

0

Gitarang Basag

Posted on Tuesday, 30 September 2014



Gitarang Basag
ni Apolinario Villalobos

Hindi aakalaing ang mataginting na tunog
mula sa tinipang kwerdas ay galing sa isang gitara
na maliban sa kupas ang pintura, basag pa ang mukha.

Sa pagtipa ng matandang bulag pala at pilay
pumapainlalang ang himig ng awit na mapang-akit
sinasabayan kung minsan ng silindro, o di kaya’y paswit.

Mga biyak sa mukha ng gitara ay pinagdikit
halos binalot naman ang tangkay ng tape na plastik
subali’t sa pagtipa ng matanda, animo siya’y nagmamadyik!

Lata na nasa harap niya ay iniitsahan ng barya
may lima, sampu, pero ang papel ay inaabot sa bata-
habang tinatanggap ang pera, mukha niya’y nababalot ng tuwa!

Sa bawa’t tipa ng gitara, mga tao’y napapalingon
napapangiti sa kasiyahan, mayroon din halos maiyak
kaligayaha’y idinaan na lang sa malugod at taos-pusong palakpak!

Kamangha-mangha na ang gitarang halos ay sira na
Nakakagawa ng musika na talaga namang nakakaaliw
Parang tao rin na gusgusin man at sa tingin ay walang pag-asa
Kakikitaan din ng magandang ugali, basta bigyan lang ng tiwala!

0

Ang Harap-harapang Pagsisinungaling...daw ni Purisima sa Senado



Ang Harap-Harapang Pagsisinungaling
…Daw ni Purisima Sa Senado
Ni Apolinario Villalobos

Nabunyag na nakipagkita muna si Purisima sa Presidente, pagdating na pagdating niya mula sa Colombia, bago siya humarap sa Senado kahapon. Dahil sa nabistong miting ng dalawa, marami na ang nag-speculate na walang mangyayari sa hearing “in aid of legislation”. Sigurado daw kasing naturuan ng Presidente kung paanong sumagot sa mga tanong at malamang binigyan ang assurance na anuman ang mangyari suportado pa rin niya ito. Ganyan ang sistema ng bagong administrasyon –takipan ng mga mali.

Taas-noong humarap si Purisima at pangiti-ngiti pa, hindi lang mawari kung ngiting aso o ngiting pusa. Sumagot naman sa mga tanong, walang pinalampas, halatang ready, subali’t halatang ang mga ito ay puro hinabi sa mga hibla ng kasinungalingan.

Ang mga isyu at obserbasyon:
  1. Mansyon sa Nueva Ecija. Tama ang sagot niya noon Hulyo sa tanong kung may “pinapagawa” siyang mansion sa Nueva Ecija – wala daw, at pinipilit niya kahapon. Dati na nga namang may nakatayo nang mansion noon pang panahon na yon. Subali’t sumemplang siya sa pagsagot kung paano niya nabili ang property at kung magkano ito dahil hindi angkop sa kinikita nilang mag-asawa. Prime property ito batay sa location at ang mababang presyo ay balot ng mga pagdududa. Ang mansion ay nasa San Leonardo, Nueva Ecija at kumpirmadong pugad o sentro ng huweteng. Ang naisip tuloy ng mga tao ay kung may kapalit bang “goodwill” ang bahay. Matunog ang tanong kung bakit sa kabila ng pagkaroon niya ng mansion sa pugad ng huweteng ay namamayagpag pa rin ito.
  2. Sasakyan na nabili raw sa halagang 1.5M pesos. Marami ang napanganga dahil hindi bababa sa 6Mpesos ang halaga ng nasabing sasakyan. Nabigyan daw siya ng malaking discount. Kaya pinaalalahanan siya ni Senator Grace Poe na ito ay katiwalian. Parang walang epek ang sinabi ng senador. Nakasandal nga naman siya sa pader…Presidente ba naman.
  3. Mga “donasyon” para sa “White House” sa Crame. Kahit nabistong hindi kapani-paniwala dahil sa kawalan ng Deed of Donation mula sa mga donors, hindi pa rin siya natinag, kahit pa na nadagdag sa duda ang huli nang paggawa ng mga Deed of Donation. Sa diretsahang sinabi ni Senator Osmea na hindi kapani-paniwala ang sinabi niya, maaliwalas pa rin ang mukha na talagang nakikitaan ng self-confidence. Sa sinabi ng senador na kung mga donasyon ang tinanggap ng PNP dapat ay ginamit ang mga ito sa PNP Hospital na mas nangangailangan ng tulong, sa halip na ginugol sa “White House”. Ang expression sa mukha ay “parang wala lang”, na animo ay nagsasabi ng “pakialam ko sa ospital”. Wala rin daw siyang design ng “White House”, dahil ang inaasahan lang daw niya ay isang “quarters”. Kaya nang sabihin ng nagtanong na si Senator Osmea na “I don’t believe you”, at dinagdagan pa na kung dog house ang nagawa, okey lang pala sa kanya. Wala pa ring epek sa kapal ng apog ni Purisima! Talagang epektibo ang “pagturo” sa kanya ng kanyang BFF. May binanggit pa siyang “build and transfer” na akala mo ay tumutukoy siya sa isang infrastructure tulad ng MRT at LRT. Nahawa siya sa kahibangan ng nagturo sa kanya!
  4. Ang trucking business. May mga nagsabi na hindi maaaring walang kapalit ang pagkaroon niya ng mga truck na milyones ang halaga. Sabi ng mga reporters, naalala nilang may panahon daw noon na maraming mga truck ang “nahuli” at na-impound dahil kung hindi puslit, ay maraming question sa mga papeles. Pero sa Senado, hindi malinaw ang sagot ni Purisima tungkol sa kung paano siyang nagkaroon ng mga truck. Sa isang banda, ang mga “maalam” na reporters ay maraming “alam”, ayaw lang magsalita dahil wala silang proteksiyon. Binasura kasi ng Presidente ang Freedom of Information Bill!
  5. Ang targeted na satisfied population sa serbisyo nila na 65% lang. Sa tanong ni Senator Poe na bakit hindi gawing 95% man lang, ang depense niya ay, “ibinigay” lang daw sa kanya ang target. Halatang spoon-fed siya bilang hepe ng PNP. Kung hindi nabunyag, pagdating sa singilan na may kinalaman sa performance ng PNP, at ang inabot lang ay 65% o 70%, ay lalabas na successful nga naman sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang pulis. Halatang ang ganitong pananaw o takbo ng diwa ay pinapairal ng “isang tao” na masyadong bilib sa sarili…doon sa itaas!
  6. Ang inaabangang commitment niya kung paanong sugpuin ang katiwalian sa hanay ng kapulisan o sa diretsahang salita ay kung huhulihin ba ang mga tiwaling pulis. Nakakabingi ang sinabi niya na kahit may napapansin silang hindi maganda sa kilos ng mga tiwaling pulis, hindi daw nila masasampahan ang mga ito ng kaso, hangga’t hindi nahuhuli sa akto! Kaya pala naglipana ang mga hulidap at kotongan na big time na! Kailangan pa palang lumaki ang mga kaso na pansin na sa tulong ng media tulad ng nangyari sa hulidap sa EDSA bago kumilos ang kapulisan. Paano kung walang netizen na nakapag-post sa facebook upang maging viral at mapansin ng publiko! Ang sinabi ni Purisima sa Senado ay parang hudyat sa mga nakangising tiwaling pulis na ituloy lang ng mga ito ang kanilang ginagawa – huwag lang pahuli sa media o netizen para hindi malagay sa diyaryo o sa facebook! Malinaw ang kutsabahan sa loob ng PNP! May isang concerned na grupo ang nanawagan na ang mga bagong graduate na pulis ay huwag i-partner sa mga senior na police – may malinaw na mensahe kahit pahapyaw.
  7. Wala si Escudero, ang future groom sa kasal niya sa isang artista na malaki ang agwat edad sa edad niya, at ang future Best Man ay ang Presidente. Naisipan kaya ni Escudero na huwag na lang siyang umatend sa hearing at baka magmukha siyang tanga dahil hindi siya magtatanong sa BFF ng future Best Man niya? Maraming nadisymaya dahil akala ay “matino” si Senator Escudero bilang senador, feeling “intelligent” daw kasi. Sa pagliban niya sa hearing, nakita na ang tunay niyang kulay. Kasama pala siya…!
  8. Si Senator Trillanes, kung magtanong halatang ingat na ingat din. May pinupuntirya kasing mas mataas na puwesto, kaya hanggang ngayon para pa siyang nagsa-shopping ng suporta – gumigitna, feeling safe muna. Kasama rin pala siya…!
  9. Sa tanong ni Senator Poe si Purisima kung ano sa palagay niya ang rating niya batay sa 1-10, walang kagatul-gatol na sinabi niyang 9. Siguro kung sa pagkakataong yon ay kumakain ang senadora, malamang na nabulunan siya! Pigil ang sarili sa paghalakhak, sinabi na lang niya ng diretsahan na “4 ka lang”. Sampal na hindi ininda ni Purisima!
  10. Sinisiraan daw siya (Purisima) upang ang mga naninira sa kanya ay patuloy na makagawa ng katiwalian. May sindikato raw sa Crame at hindi niya hahayaang pigilan siya sa pagpapatuloy ng mga reporma. Familiar ang linyang yan. Ilang beses nang sinabi sa mga pulong, paulit-ulit pa, parang sirang plaka, mabuti na lang hindi binanggit ang mga kapalpakan ng pinalitan niyang hepe. Ang himutok ng isang jeepney driver…haaaay nakwo…gets nyooooh????

Pagkatapos ng hearing sa Senado, kumpirmado na ang wholesale na sabwatan at takipan sa gobyerno…yon na! Kawawa naman ang Pilipinas!

Ang hearing ay gagamitin dawn a batayan sa paggawa ng mga batas upang matigil ang katiwalian sa kapulisan…kaya?

Sa isang banda, masigabo ang palakpakan ng mga nasa Malacaan! Diretsong sinabi na suportado nila si Purisima! Malamang ay nagtitilian sila sa isa na namang tagumpay na tinamo ng isang ka-apiran! BFF nga!


0

Two Serious Issues on Air Travel: Antiquated Radar System and Terminal Fee

Posted on Monday, 29 September 2014



Two Serious Issues on Air Travel:
Antiquated Radar System and
Terminal Fee
By Apolinario Villalobos

As is always with the inefficient system of the government, the problem on the antiquated radar system of the airport has been brought forth because of the concerns on landings and take off, lately. The airport authority admitted the fact that their equipment is outdated. This poses a big problem because of the current situation of the Manila airport due to its lone runway, resulting to heavy traffic for the incoming and departing flights. This is the reason why most often, flights out of Manila are always delayed, as incoming flights are given the priority for their landing resulting to the long queue of aircraft waiting for their turn to use the lone runway for take-off.

This is the problem with the government’s lack of coordination. Its Department of Tourism is energetically promoting inbound travel and travel among the locals around the country, but the aspect on convenient travel is not given attention. The leadership of the agency concerned also lacks the energy to pursue their needs. They are not assertive to let those people in the Senate and Congress – those concerned with the budget, that their service is practically at the edge of becoming inefficient, or better, useless. So many airport terminals in the country are dilapidated. Even the four terminals in Manila are in sorry state. The NAIA 1 stinks and humid, the NAIA 3 has falling ceilings and leaking pipes. As a cover-up, the MIAA came up with a brand for their service – “service with a smile”. The guy from the MIAA who appeared on TV was also wearing a big smile, as if, the concocted brand name is already a big deal – a big accomplishment! If the guy reflects the kind of people running the airports, then, the country has a big problem. What the airport needs is a reasonable budget so that the antique radar system can be improved to be at par with the demand for efficient operation, period!

Manila pales in comparison even with Kuala Lumpur when it comes to this aspect of travel. A television series on travel showed the hi-tech facilities of Malaysia airport, which includes even a train connected with the airport terminal for the convenience of arriving and departing passengers! And, to think that the Philippines is way ahead of Malaysia in becoming an independent country!

As if the travails of the dilapidated airport terminals are not enough, here comes the issue on the integration of the terminal fee in the purchase of the tickets. Again, the lack of sound analysis of government “intellectuals”, the so-called bright people of the President, surfaces. They seem to have forgotten the problem that such integration gave insurmountable problems  to the air travel industry in the past, that is why, it was discontinued. Obviously, they are not aware of how tickets are processed and the circumstances that surround these travel documents afterwards.

The integration of terminal fee in the purchased airline ticket will add corners to the process of ticket issuance, to the detriment of the all parties, especially the passengers, because:
-if an airline ticket is issued by an authorized travel agent, the remittance will become complicated, as the inefficient Department of Tourism will be added as another party to the transaction;
-if the ticket is issued by the airline concerned, the same complication will be involved;
-if the purchased airline ticket is not used, but intended for refund, instead, the process will become more complicated, due to the inclusion of the inefficient Department of Tourism;
-the man-hour and manpower involved are bloated, as close liaising with the Department of Tourism regarding all airline ticket transactions becomes part of the process.

Considering all the mentioned red tapes, the owner of the ticket suffers at the end. Not all tickets issued are owned by locals. Some tickets are issued on the spot to foreign tourists who decide sometimes to travel to destinations that catch their fancy while traveling around the country. If due to inclement weather, they failed to use the ticket/s, they will surely have to have them refunded. Will they extend their stay in the Philippines just to go through the refund process – considering still the proven inefficiency of the Department of Tourism? Compared to the current standard procedure in which unused ticket can be refunded by the travel agent or the airline concerned, the proposed integration system will definitely spell disaster to the tourism industry!

The problem with the “bright people” in the government, lawmakers included, is that they are blubbers! In an effort to catch the limelight, for self-glorification via the media, they just talk and talk without even thinking with reason! What the airports need is an efficient system to accommodate the influx of outbound passengers paying terminal fee, by opening the counters much earlier so that passengers will be more encouraged to check in, and deploy staff to match the influx. The problem is the long queue of passengers due to the late opening of the counters for terminal fee!

These “bright” government people should take a closer look at the real and glaring state of the tourism industry with towns and cities shamelessly suffering from dilapidated airport terminals, runways pockmarked with holes, closed airports due to purportedly lack of budget, absence of convenient lodging facilities, sorry state of roads leading to their provinces, and many other urgent concerns to which budgets are supposed to find their way, instead of letting the government moneys left at the mercy of the “kawatans” – government robbers clad in barong tagalog in the Senate, Congress, and Malacaan who discourse about “ghost projects” – with all “honesty” and “legal fluency”!

If these government people are really concerned about the promotion of convenient travel and tourism in general, they should not threaten the already suffering air travel and tourism industry with such inutile and nonsensical idea, that can only come from a pea-brain!


0

Ang "Golden Rule" Na Dapat Isaisip ni Pnoy Aquino



Ang “Golden Rule”
Na Dapat Isaisip ni Pnoy Aquino
Ni Apolinario Villalobos

“Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”…. “Golden Rule” o Gintong Salawikain na dapat palaging isaisip ni Pnoy Aquino. Sa ginagawa niya ngayon kay Gloria Arroyo na maya’t maya niyang binabato ng pagsisisi, hindi malayong gawin din sa kanya ito ng kanyang mga kalaban pagbaba niya sa puwesto. Dapat sana niyang unawain na lahat ng mga umupong presidente ng Pilipinas ay nabahiran ng katiwalian, at hindi nakaligtas sa iba pang pamumuna hindi lang ng mga kapwa pulitiko, kundi maski ordinaryong mamamayan. Maliwanag na hindi lang sa administrasyon ni Gloria Arroyo nagsimula ang mga katiwalian, na naipon nang naipon sa tagal ng panahon dahil hindi naresolba ng mga pumapalit na administrasyon. Ang cronyism na akala ng mga Pilipino ay nabura sa kultura ng pulitika nang mawala si Ferdinand Marcos ay naiwan pa rin pala sa administrasyon ng pumalit na si Cory Aquino, at lalo pang lumala!...kaya tuloy pa rin ang corruption, yon nga lang malabnaw ang turing.

Mana-mana…yan ang nangyayari sa mga problema ng bansa na namamana ng mga bagong administrasyon mula sa kanilang pinalitan. May karapatang pumuna ang bagong upong presidente subalit hindi niya pwedeng gawing dahilan ang mga minanang problema, sa pagka-inutil niya sa pagpapatupad ng mga bagong programa at paglutas ng mga problemang kinakaharap niya, mga problemang nangyari na sa ilalim ng administrasyon niya.

Ang palaging pagbato ng sisi sa ibang tao ay tanda ng karuwagan at kahinaan sa paglutas ng mga problema. Ang isa pang tawag sa ganitong gawi ay “paghuhugas-kamay”. Sa kagustuhan ng taong naninisi na magkaroon siya ng isang magaling na imahe sa mata ng tao, lahat ng mali ay ibabato niya sa iba. Pagka- makasarili ding maituturing ang ganitong ugali dahil ang tinitingnan lang niya ay ang kanyang kapakanan.

Ang dapat gawin ni Pnoy habang may natitira pa siyang panahon ay lutasin ang mga problema niya sa kanyang administrasyon na animo ay mga talabang nakakapit ng mahigpit sa kinakalawang na barko! Dahil sa bigat ng mga talabang ito na dumagdag sa bigat ng makapal nang kalawang na tanda naman ng pagka-inutil sa pagharap sa mga problema, sa halip na umusad ay lulubog ang barko na nagsisimbolo naman ng Pilipinas!


0

Ang Kayabangan ni "Little Brother"

Posted on Sunday, 28 September 2014



Ang Kayabangan ni “Little Brother”
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagpunta ni Presidente Pnoy sa Amerika, marami siyang mga ginawang hindi kaaya-aya para sa tingin ng maraming Pilipino. Inupakan na naman niya ang dating presidenteng Gloria Arroyo at pinuri ang kanyang mga cabinet secretaries lalo na si Allan Purisima ang PNP Chief, at nag-report ng mga kwestiyonableng mga proyekto. Ang mga Pinoy sa Amerika na audience niya sa mga talumpati ay pumalakpak ng masigabo, subali’t yong mg nakakaunawa ng tunay sa sitwasyon sa Pilipinas ay nagprotesta sa labas. Pero may isang nakalusot na babaeng estudyanteng ipinagsigawan sa harap ni Pnoy ang mga kamalian ng kanyang administrasyon, kuntodo pakita pa ng malaking papel na pinagsulatan ng kanyang protesta. Itong babaeng protester ang dapat palakpakan dahil sa kanyang katapangan!

Hindi pa nadala ang presidente, kaya sa isa namang pagpupulong, kahit hindi siya hinihingan ng commitment tungkol sa isyu ng ISIS, binoluntaryo naman niya ang tulong ng Pilipinas subali’t sa paraang hindi daw mangahuhulugan ng kamatayan ng mga volunteers na Pilipino. Isa na namang okasyon ito na dada lang ng dada ang pangulo ng hindi pinag-iisipan ang sasabihin. Ang isyu ng ISIS ay may kinalaman sa bakbakan kaya nangangahulugang maaaring mamamatay ang ipapadala doon. Ang iniisip yata niya ay maging tagaluto ng pagkain sa field mess halls ang mga sundalong Pilipino na ipapadala doon, o di kaya ay maging telephone operator, o di kaya ay maging driver ng mga opisyal! Buti na lang at hindi humagalpak ng tawa ang kanyang kausap o di kaya ay nagkamot ng ulo!

Hindi na naisip ni Pnoy na ang ating  bansa mismo ay may sariling problema sa terorismo, na kinasasangkutan ng Abu Sayyaf at BIFF. Kaya dapat ay dito nakatuon ang kanyang atensiyon. Hindi na siya dapat pang lumayo upang magyabang. Malaki ang budget ng military para sa intelligence kaya dapat alam ng gobyerno ang galaw ng dalawang grupong nabanggit. Limitado ang galaw ng mga teroristang ito sa mga lugar sa Mindanao na tukoy na. Bakit hindi ito ang trabahuhin ng mga kasundaluhan sa halip na gamitin sila sa kayabangan sa ibang bansa? Nabisto na pinasukan na rin ng anomalya ang sweldo ng mga pinapadala sa ibang bansa upang mapasama sa peace keeping forces ng United Nations. Ang turing pala dapat sa mga Pilipinong sundalo kapag nandoon na ay “pantay-pantay”, kaya ang sweldo ay dapat “pantay-pantay” rin. Subalit nabisto na dahil sa Pilipinas inire-release ang sweldo o allowance ng mga ito, ibinabatay pa rin ang halaga sa rangko! Sa laki ng allowance, saan napunta ang ibang halaga na kinaltas mula sa sweldo ng mga sundalong mababa ang rangko?

Nakakahiya at nakakabahala ang patuloy na pangingidnap ng Abu Sayyaf, na nitong mga huling araw ay hindi na rin pinatawad maski mga kapwa Muslim, basta mayaman. Ang BIFF naman, maya’t maya ang pagpapasabog ng bomba sa mga lugar na makursunadahan nila upang iparating sa gobyerno na buhay pa sila at malakas sumipa. Sa panig naman ng military, sasabihin lang nito na huwag mag-alala ang taong bayan dahil hindi makakarating sa Maynila ang terorismo. Sigurado ba sila? Sa palpak na seguridad sa mga airport at pantalan, huwag naman sanang may makalusot. At dapat isipin ng gobyerno na hindi lang ang mga regular na pantalan ang pwedeng daungan ng mga terorista kung gusto nilang lumusob ng paunti-unti. Mahaba ang baybayin ng Pilipinas dahil mga bumubuo sa bansa ay mga isla! Walang kapasidad ang Philippine Navy na proteksiyunan ang mga baybayin dahil sa bulok nitong mga barko! At isa pa, bakit Maynila lang ang inaalala? Paano ang mga nagdudusa na dahil sa mga nangyayaring terorismo sa Mindanao?

Pag-uwi, ipagyayabang ni Presidente Pnoy ang mga “nakupo” o “captured investors” sa kanyang pag-ikot sa Yuropa at Amerika. Ang mga ito ay “nangako” na maglalagak ng investment sa Pilipinas. Subalit madali ang hindi tumupad sa pangako lalo na kung may mabibigat na dahilan. At dito sa Pilipinas ay marami nitong mga dahilan…ang mga bulok na airport terminal, maiigsing mga runway at  kakulangan ng mga ito lalo na sa Maynila, ang matinding trapik sa himpapawid para sa mga eroplano at sa mga kalsada na tadtad din ng mga lubak, mga baha, ang red tapes na isa sa mga resulta ng corruption sa gobyerno, lalo na ang mga kidnapping. Ang mga pangakong ito ay ipamamana niya sa susunod na administrasyon kung bababa siya. Kung ibang tao ang uupo, wala nang pakialam si Pnoy kung matutuloy ang pangako o hindi. Samantala, pag-uwi niya ay may irereport siya sa madla…. mga nakasulat sa papel! At asahang bibitsenan niya ito ng pagbatikos kay Gloria Arroyo at pagpuri kay Purisima!