March 2015

0

The Lesson from the Consistent Humility of Jesus...that man never ever learns!

Posted on Monday, 30 March 2015



The Lesson from the Consistent Humility of Jesus
….that man never ever learns!
By Apolinario Villalobos

The birth of Jesus is the greatest manifestation of his humility. Unfortunately, instead of emulating such virtue, Christians celebrate his questionable birthday every December with so much pomp and unrestrained festivity. To justify the scandalous celebration, “Christians” reason out that they are just “happily celebrating”. Can’t happiness be celebrated in simple ways? Why spend the whole year savings for just a few days of spending all “in the name of Jesus”? Also, it is during such seemingly paganistic manifestation for the “love” of Christ that the hurting difference between the rich and the poor is very much defined…still, we pay no heed to such scandalously unchristian practice.

Bible readers come across parables about Christ’s humility, but instead of emulating them, what they read remain just that – stories from the pages of a book. And yet, they even unabashedly boast that they have read the Bible…and that, they are Christians, too!

When Jesus entered the place of his prophesied judgment and death, he was on a donkey. Today, many church dignitaries cannot go to a certain place without taking a chauffeured luxury car. While some priests are furnished with expensive car by their rich parents, why can’t they refuse such for the sake of their vow of poverty? However, for convenience of mobility when they do their “job”, perhaps, they can opt for a less expensive one so as not to trigger curiosity. Pope Francis has always been calling on his fellow priests to observe utmost humility and simplicity while shepherding their flocks. Unfortunately, only few seemed to have answered his incessant call. Some bishops and priests still drive around in Benzes and cars whose prices are enough to feed a thousand children in one month.

Jesus showed his paramount humility by washing the feet of his disciples. On the other hand, some avowed Christians squirm at the sight of street children and beggars clothed in rags. One morning, while waiting for a ride in front of a big mall, I saw a lady in white churchly dress give a sandwich to a beggar using her fully extended hand to keep her distance, while covering her nose with a handkerchief. When I approached the beggar, I did not smell any revolting odor at all, although he was grimy. The lady obviously attended a morning Mass in the mall as it was a Sunday, and giving a sandwich to a grimy beggar with an fully extended hand while covering her nose, after attending a Mass, was perhaps her “way” to show her being a Christian!

While dying on the cross, Jesus invoked his Father with full humility by asking why he was forsaken. Today, government officials and politicians who are being tried for robbing the government coffer of people’s money, swear to God that they are honest…adding that, they be struck by lightning where they stand if they are telling a lie!...humble, indeed!

Jesus was consistently humble since birth until the time of his death, but we refuse to acknowledge this manifestation….and, today we are paying for such arrogance…by suffering from the onslaught of natural calamities and man-made hostilities!...we just never learn!

0

Mga Mapagkunwaring hindi "raw" Nakikialam sa Buhay ng Iba...subali't matindi kung Manlibak



Mga Mapagkunwaring hindi “raw” Nakikialam sa Buhay ng Iba
….subalit, Matindi kung Manlibak
Ni Apolinario Villalobos

Naniniwala ako sa kasabihang, kailangan natin ng isang salamin upang makita ang dumi sa ating mukha. Sa ating buhay, ang salamin ay ibang tao na magsasabi sa atin ng ating pagkakamali. Kaya para sa akin, ang magbigay ng payo o magpuna ng pagkakamali ng iba ay hindi pakikialam, bagkus ay pagtulong upang maiwasto kung ano man ang dapat iwasto sa kanyang sinabi o ginawa. Hindi yong, kung kaylan siya nakatalikod ay saka magkukuwento sa iba na isang panlilibak.

Isang halimbawa ay kaibigan kong walang sinasabi kung kaharap ang kumare niyang maraming anak na halos ay naghahagdan na sa dami. Subalit kung wala na ito ay saka naman magsasalita ng mga hindi magandang pakinggan tulad ng pangungutang nito o di kaya ay pagpalya ng pamilya nito sa pagkain dahil wala man lang bigas na maisaing – lahat itinitsismis niya sa ibang tao, pati na sa akin kaya nalaman ko. Sa tagal ng kanilang samahan ay hindi man lang niya napayuhan ang kumare niyang maghinay-hinay sa pagpabuntis sa asawa nitong pa-sideline sideline lang ang trabaho. Para kasi sa kanya ay isang pakikialam ang magbigay ng payo sa kanyang kumare tungkol sa pagbubuntis nito. Baka daw kasi sagutin siya na baka naiinggit lang siya!

Sa isang party naman, may isang babaeng dumalo na kaibigan ng kausap ko. Nagulat ako nang mapansin kong parang nakakalat ang kanyang pulang lipstick. Sinabihan ko ang kaibigan kong bulungan ang kaibigan niya na kinawayan lang nito. Ang paliwanag ng kausap ko ay baka sabihin daw ng kaibigan ko na “usisera” siya, kaya hinayaan na lang niya kahit pinagtatawanan na ang kaibigan niya. Sinadya ko na lang sabayan ang babaeng nakakalat ang lipstick upang bulungan na tsekin ang kanyang lipstick dahil “parang kumalat”. Sinamahan ko siya sa isang tabi kung saan ay naglabas siya ng maliit na salamin habang hawak ko ang kanyang pinggan. Pagkatapos ay pabirong nagsabi na gawang Tsina daw kasi ang lipstick…nagtawanan na lang kami. Nalaman kong marami palang karinderya ang babae, masuwerte sa negosyo kaya kinainggitan siguro ng kaibigan niya niya na umaasa lang sa kita ng asawang drayber ng taksi. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na maimbita siyang tumulong sa grupo namin.

Isa namang kumpare ko ang madalas magreklamo tungkol sa katamaran ng kanyang manugang na babae, na sabi niya ay parang hindi babae dahil walang alam sa mga gawaing bahay. Ang payo ko sa kanya ay kausapin ang anak niya at asawa nito, subalit sinagot niya ako ng,  “ayaw ko, bahala sila sa buhay nila”. Binuweltahan ko siya ng, “ganoon pala, bakit ka naghihimutok, at sinisiraan mo pa sila sa akin?”. Sa bandang huli, dahil mga inaanak ko naman sa kasal ang tinutukoy niya ay ako na ang kumausap…at nakinig naman. Nang pasyalan ko uli sila, ang manugang na niya ang nagluluto para sa kanila.

Noong panahong lumala ang diktatorya ni Marcos, kung hindi nakialam ang mga Pilipino na naging dahilan ng pagkaroon ng People Power Revolution sa EDSA, ano kaya ang nangyari ngayon? Kung hindi seryoso sa pakialam ang mga korte sa mga anomalyang nangyayari sa gobyerno ngayon kahit pa sabihing trabaho nila, mabubulgar kaya ang mga nakawang ginagawa ng mga ibinoto sa puwesto? Kung hindi pursigidong makialam ang ibang mga senador na ibulgar ang ginagawa ng mga kawatang opisyal kahit sabihin pa ring trabaho nila, paano na lang kaya? Kung hindi sa pakikialam ng mga tao sa media, mabibisto ba ang mga anomalya sa gobyerno? Kung hindi nakialam si Hesus sa sangkatauhan na humantong sa pagligtas niya dito mula sa unang kasalanan, ano kaya ang nangyari?

May isang hindi ko makalimutang comment ng kaibigan. Ang sabi niya, baka kung makialam daw siya sa iba, baka umasenso pa ang mga ito at malampasan siya, kaya bahala na lang sila sa buhay nila! Ayaw kong banggitin ang religion niya, dahil baka magtatalo ang mga readers…

0

Ang Pagsisikap sa Buhay....para kay Greg Andrew Palabrica-Balili



Ang Pagsisikap sa Buhay…
(para kay Greg Andrew Palabrica Balili)
Ni Apolinario Villalobos

Hindi madali ang pagpunyagi, ang pagsikap
Upang makamit ng isang tao ang kanyang pangarap
Maraming bagay ang isinasang-alang
Lalo na ang pagmamahal sa magulang.

Ang paglingon ay pagmahal sa mga magulang
Lalo’t nagpapasalamat siya at sa mundo’y isinilang
Dahil kung hindi nga naman dahil dito
Hindi niya mai-enjoy ang life sa mundo!

0

Posted on Sunday, 29 March 2015

Christlike People Around Us
by Apolinario Villalobos

Without their knowing it, some people around us are Christlike – they who act like Christ but do not belong to the Christian fold. Some do not even belong to any religion. The Christlike way is my own gauge in measuring the extent of kindness one extends to others, while being Christian is belonging to the group that is supposed to advocate the teachings of Christ. Unfortunately, some or most members are only Christian in name but not in action.

When the typhoon Yolanda devastated Leyte and its neighboring Visayan provinces, some Aeta tribes in Zambales went down with bunches of bananas and sweet potatoes in answer to the call for donations. A girl donated her month’s savings that amounted to a little more than a hundred pesos. Two cigarette vendors I met in Sta. Cruz, Manila, donated the money each of them saved. While one vendor’s savings was supposed to be for his wife who was to give birth within the month, the other one’s savings was supposed to be for the purchase of tarpaulin for the pushcart which he considered as his family’s home.

In our neighborhood, “Ester”, a housewife who operates a beauty parlor sponsors free haircut at least once a month in depressed areas. A retired couple in a nearby neighborhood, “Gene” and “Maggie”, crams their old van with goodies for deserving street children who they would encounter every time they hit the road, aside from doing weekend visit to depressed areas with a small group. Still, a couple in another neighborhood, “Sam” and “Ness”, regularly visit on weekends a shelter for elderlies where they spend their whole day as volunteers. A retired couple in their 80’s, “Lando” and “Cora” are foster parents to a former child prostitute who will graduate from high school next year.

Even distance does not hinder others to act like Christ. “Perla” who lives in the United States regularly calls friends, schools, and stores for books to be discarded, even tarpaulins and emergency home tools which she patiently packs to be sent to the Philippines for street children. “Doring”, brought out her carefully saved money, an extra amount during her last visit to the Philippines, and which she sent to be spent for a needy person and street children.


There are more of these Christlike people around us, who do not even know that they are manifesting the image of Christ through their acts. Some do not even know how to pray the Rosary and Novena. Some do not kneel in front of the altar and implore God for blessings. Some have not tried joining a religious procession. Some do not say repetitive prayers akin to pagan chanting. Some do not offer flowers and candles to the images of saints. But these Christlike people, do what are supposed to be done right away for others, acts which are along what Christ said: “what you do to others, you do to me”, and “love they neighbor”…which could mean, who they may be.

0

Si Hesukristo...

Si Hesukristo…
Ni Apolinario Villalobos

Kapayakan ng buhay ang kanyang ipinamalas
Sa sabsaban pa lang kung saan siya’y inihimlay ni Maria
Walang trumpetang hinipan upang ihudyat ang pagdating niya
Bagkus, isang nakasisilaw na bituin ang nakita – liwanag ng pag-asa.

Sa murang gulang ay nagpakita ng katalinuhan
Sa templo kung saan siya’y di nagpatalo sa mga Pariseyo
Maraming namangha’t nagulat sa ipinamalas na angking talino
Ang hindi nila alam, siya’y anak ng Diyos, Tagapagligtas, isang Sugo.

Buong pagpakumbabang nagpabasbas kay Juan
Santong itinuring, isinugo rin upang tumulong sa paghanda
Paghanda na kay Kristo ay nakalaan sa pagtubos ng sangkatauhan -
Na ayon sa Bibliya… pagtubos mula sa batik at bigat ng unang kasalanan.

Sakay ng buriko, hindi kamelyo, kabayo o karwahe
Sinalubong ng isinigaw na pagbati at wagayway ng palmera
Ganyan kababaang loob ang sa sambayanan ay kanyang ipinakita
Kahit na turing sa kanya ay magiting na manunubos kaya dinadakila!

Payak na hapunang tinapay, tubig, matamis na alak
Pinagsaluhan upang ipahiwatig, sa mundo’y natirang sandali
Naghugas din ng paa ng mga disipulo niya, pati kanilang mga binti
Pinakadakilang pagpakumbaba ni Kristo, na dapat gayahin nating gawi!

Sa Getsemani kung saan siya ay pinawisan ng dugo
Nakipag-usap siya sa Amang nagbigay ng mabigat na pasanin
Dito, sa tatlumpong pilak siya’y isinuplong ni Hudas na disipulo rin
Pagpapakita na minsan, nabubulag ang kaibigan ng masamang hangarin!

Hindi inalintana ang baku-bako at mabatong landas
Ilang beses na nagkandaluhod, bumagsak, mukha ay duguan
Nilibak at kinutya, hinagupit ng latigo, at walang sawang dinuraan
Subali’t di niya inalintana, dahil buong pusong tinanggap ang kamatayan!

At sa ibabaw ng Kalbaryo’y nasaksihan ang pagtubos
Isang magiting na pagtupad ng mabigat at banal na misyon
Ng isang Hesukristo, na ang pagkilala’y walang hinihinging panahon…
Ng isang Hesukristo, takbuhan at hinihingan ng tulong hanggang ngayon!


MAGBAGO NA TAYO…ALANG-ALANG KAY HESUKRISTO!!!!  

0

Ang Pagninilay-nilay tuwing Semana Santa

Posted on Friday, 27 March 2015



Ang Pagninilay-nilay Tuwing
Semana Santa
Ni Apolinario Villalobos

Uumpisahan ko ang share na ito sa pagpuna tungkol sa ilang bagay tungkol sa ginugunita ng mga Katoliko. Tulad halimbawa ang “semana santa” na sa Ingles ay “holy week”, at kung tagalugin ay “banal na linggo” pero hindi ganoon ang nangyayari dahil ang ginagamit ay “mahal na araw” na tumutukoy sa “isang araw” lang…anong araw ito? Biyernes santo ba? Sa dasal na “Hail Mary…” kung sa Tagalog, ito ay “Aba Ginoong Maria…”. Bakit naging “ginoo” ang birheng Maria? Ang “ginoo” ay pantukoy sa lalaki. Bakit hindi, “Binibining Maria” o “Ginang Maria” at lalong sana ay “Birheng Maria” dahil siya ay babae? Sigurado kong marami ang magtataas ng mga kilay sa pagpuna kong ito.

Kaya ko inunahan ng mga pagpuna ang isinulat kong ito ay upang ipakita na karamihan sa mga gumugunita sa Semana Santa, ang pananampalataya ay ampaw…walang laman. Ang mga dasal, minimemorays, hindi pini-feel sa puso. Kung susunod sa mga panuntunan ng simbahan, parang wala sa sarili kung gawin ito, hindi iniisip. Kaya sa binanggit ko sa unang paragraph, maaaring kung hindi ko nasabi ay hindi rin mapapansin, dahil sa ugali ng karamihan na kung i-describe ay “parang wala lang”.

Maraming paraan ang pagtitika at pagninilay-nilay sa paggunita ng Semana Santa tulad ng  pagbisita Iglesia…paramihan ng pinupuntahang simbahan, subalit ang nakakalungkot ay hindi nila pagpalampas sa pag-selfie sa harap mismo ng altar! Pagkatapos ng mga pasyalang ginawa ay magpo-post sa facebook ng mga selfie, pati ng mga pagkaing nabili sa paligid o harap ng simbahan. Isa pa ring paraan ay ang tinatawag na “staycation”…ang hindi pag-alis ng bahay o bayan o lunsod kung saan nakatira, dahil marami rin namang magagawa maski hindi na lumabas pa. Sa ganitong paraan, nakatipid na ay nakapag-bonding pa sa mga mahal sa buhay, subalit karamihan pala ay nanonood lang ng mga DVD ng na-miss na mga pelikula!

 Ang mga may perang magagastos, dumadayo pa sa mga bayang nakakaakit din ng mga dayuhang turista. At ang iba naman ay pinipili ang mga resort, swimming pool man o dagat upang mas maganda daw ang ambience ng pagninilay o pagmi-meditate….sana.  Yong iba kasi, ang pinagninilay-nilayan ay ang mga naka-bikining nagsi-swimming. Pero, ang matindi ay ang mga astig, na ang pagninilay ay ginagawa sa harap ng mga bote na ang etikitang nakadikit ay may imahe ng demonyo at ni San Miguel Arkanghel!

Ang mga pilosopo naman ay nagsasabi na taunan naman ang pagninilay-nilay at paghingi ng tawad o paglinis ng ispiritwal na aspeto ng pagkatao, kaya huwag mag-alala kung nakaligtaang magbisita Iglesia, magpinetensiya, o sumali sa pagbasa ng pasyon sa kasalukuyang taon dahil marami pang mga taon na susunod, at upang idiin ang pagkapilosopo, may dagdag pa na: “habang buhay…may pag-asa”.

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit ang mundo ay tila niyuyugyog ng mga sunud-sunod na kalamidad? Idagdag pa diyan ang mga giyera sa pagitan ng magkakapitbahay na mga bansa at pagkalat ng mga terorista sa iba’t ibang bansa upang maghasik ng karahasan? At huwag ding kalimutan ang gutom at mga sakit na ang iba ay wala pang lunas.

Dahil sa labis na talino at pagkagahaman ng tao, nawalan na siya ng katinuan at kinalimutan na ang Manlilikha, kaya hindi lang simpeng pitik ang nararapat kundi mararahas na pambukas ng kanyang mga mata at kaisipan!

0

Gusto ng Pilipino ang Kapayapaan...ang problema ay mga sakim na taong nagsusulong nito, kaya pati ang demokrasya ng bansa ay naabuso



Gusto ng mga Pilipino ang Kapayapaan
…ang problema ay mga sakim na taong nagsusulong nito
kaya pati ang demokrasya ng bansa ay naabuso
Ni Apolinario Villalobos

Sino ba ang may gusto ng gulo? …ng giyera?...wala!

Ang pinagyayabang ni Pnoy na Bangsmoro Basic Law (BBL)  na siyang maglalatag ng self-governance ng isang rehiyon, ang Bangsamoro, sa Mindanao na sinasabing tinitirhan ng mga Moro, na hindi naman totoo dahil marami ring mga Kristiyano, ay maganda ang hangarin. Ang nakasira dito ay ang mga probisyon na one-sided na pinipilit palusutin ng mga taong nagsusulong sa mga ito, kaya naging kwestiyonable ang mga intensiyon – kung para ba sa nakararami o para lang sa iilan. Ang lalong nakasama,  mismong mga representante ng gobyerno ay sangkot sa pagsulong ng mga nakakapanlinlang na layunin, na kung hindi dahil sa Mamasapano massacre ay hindi nabunyag.

Walang karapatang magyabang si Pnoy na para bang siya lang ang may gusto ng kapayapaan at ang mga tumutuligsa sa kanya at BBL ay gusto ng gulo. Hindi yata siya nakikinig sa mga isinisigaw na ng mga tao, na ang kailangan lang ay tanggalin ang mga probisyong hindi maganda ang layunin at palitan ang mga representante ng gobyerno sa peace panel, lalo na sina Deles at Ferrer. Kung pinipilit ni Pnoy na ayaw ng mga tao sa Mindanao ang BBL, talagang maling-mali siya. Sa uulitin, ang magandang layunin ng BBL ay sinira ni Pnoy dahil nagtalaga siya ng mga representante ng gobyerno na hindi gumawa ng nararapat at nagpipilit ng mga probisyong masama. At ngayon, tila desperado sa pagmamadaling maipasa ito habang nasa puwesto siya dahil ito na lang ang nakikita niyang mag-aangat sa kanya. Subalit nagkamali na naman siya ng pagtantiya dahil hindi na siya ganoon kapani-paniwala at mapagkakatiwalaang tao…sirang-sira na ang kanyang kredibilidad! Paano siyang maging credible kung ang simpleng anti-smoking na tinataguyod ng bansa ay hindi niya masunod dahil siya mismo ay chain smoker?

Ang BBL ay para ding Demokrasya na magandang-maganda ang porma at mga layunin dahil nagsusulong ng kalayaan ng mga taong nasa ilalim nito. Subalit tulad ng BBL na maganda ang layunin, ay nasira dahil sa pang-aabuso. Ang isang halimbawa ng pag-abuso sa demokrasya ay ang mahirap na bansang Pilipinas.  Nakakalungkot na sa bansang ito ay talamak ang pag-abuso ng demokrasya sa mahabang panahon, ng mga taong matatalinong bar topnotcher, mga nagtapos sa mga unibersidad at may kursong hindi basta-basta, may angkan na nakatala sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan, at mga tanyag dahil artista, na ibinoto naman ng mga hangal na Pilipinong nagbenta ng kanilang kapangyarihan sa pagpili ng mga pinuno, kaya ngayon ay nakanganga at nagsisisi…pero huli na. Ang mga inakalang matatalino at may malinis na hangaring mamuno ay mga sakim pala…mga gahaman sa perang hindi nila pinaghirapan!

Sa mga kuwentong nabasa ko, ang mga taong nawalan na ng pag-asa at sobra na ang pagka-desperado ay nag-akalang pati kasinungaling sinasabi ay katotohanan!...at ang inakalang tinatawag na “diyos” ay demonyo na pala! Ibig sabihin, ang taong desperado ay nagiging bulag sa katotohanan!
May isa ring medical finding na ang sobrang usok ng sigarilyo ay nakakasira ng mata at tenga…lalo na, ng utak…hindi lang ng baga, at nakaka-cancer pa. Nilulusaw din daw ng usok ng sigarilyo ang “common sense” kaya madalas mawala sa sarili ang adik sa sigarilyo lalo na kung nakatutok ang isip sa computer games, at nagiging manhid pa sa damdamin ng kapwa dahil inaakala niyang siya lang ang may karapatan sa magandang buhay, pero lumalakas naman ang kanyang imagination dahil kung high na high na siya sa usok ay nag-iimagine nang siya by boyfriend ng seksing artista o model….