November 2016

1

Mga Problema ng Nagpapaupa ng Tirahan at ng mga Nangungupahan

Posted on Tuesday, 29 November 2016

MGA PROBLEMA NG NAGPAPAUPA NG TIRAHAN,
AT NG MGA NANGUNGUPAHAN
Ni Apolinario Villalobos

Ang problema ng mga nagpapaupa ay ang mga propesyonal na mandurugas na nangungupahan na ang style ay pagpalipat-lipat ng mga tirahan kung wala nang pambayad. Sa simula ay advance pa kunwari sa pagbayad pero pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan ay delayed na haggang tuluyang hindi na magbayad dahil wala daw pera, pero kaya namang bumili ng mga mamahaling gadget at palagi pang nagpapainom sa bahay. Kapag malaki na ang naipong utang at pinaalalahanan ng may-ari, sila pa ang galit, at sila pa rin ang unang nagrereklamo sa barangay dahil hina-harass daw.

Ang iba namang may-ari ng bahay, apartment o kuwarto na pinauupahan ay hindi man lang tini-check ang background ng gustong umupa. Hindi man lang inaalam kung saang barangay galing, at maski tadtad na ng tattoo ang katawan, may mga hikaw pati ilong at bibig, okey lang. Magugulat na lang ang gahamang may-ari kapag may kumatok nang pulis sa pinto ng nangungupahang drug pusher pala! May isa namang nagpaupa na dahil impress sa kotse at ayos ng mga titira, lalo pa at nagbigay agad ng down payment at ilang buwang advance ay hindi na nagtanong pa tungkol sa uri ng trabaho nila. Ilang buwang makalipas ay hinuli ang mga nangungupahan sa isang grocery sa bukana ng subdivision – mga holdaper pala! Yong isa namang may-ari ng apartment ay tinanggap agad ang mga nag-apply, at hindi pa rin nagduda kahit puro lalaki ang nagdatingan na ang dala ay mga backpack lang, walang gamit pangbahay, pero maraming sasakyang ginagamit. Hindi kalaunan, ni-raid ang apartment dahil ang mga nangupahan pala ay isang grupo ng kilala at notorious na holdaper, ang “Kuratong Baleleng”.

Ang iba naman ay tinatarantado ang kubeta ng  inuupahan dahil bago sila umalis ay sinasalaksakan nila ang inudoro ng kung anu-anong bagay upang maging barado na! Ang iba naman ay kinakalikot ang electrical wirings upang magkaroon ng short circuit. Meron pang nagbabawas o nagluluwag ng besagra ng mga pinto, kaya ilang bukas-sarado lang bigla na lang silang matatanggal. Kapag ganito ang nangyayari, kawawa ang landlord lalo pa kung ito ay retirado at ang inaasahang pambili ng gamot ay ang upa.

Hindi naman lahat ng nangungupahan ay mandurugas o may bisyo. Ang karamihan ay disente lalo na yong may  maayos ang trabaho. Meron ngang tumatagal ng hanggang nagka-apo na. Ang problema naman nila ay ang switik na may-ari ng inuupahan nila pagdating sa singil sa kuryente at tubig na “common” o batay lang sa isang metro. Mataas ang singil ng mga switik na ito sa mga tenants upang silang may-ari ay makalibre na. Kapag umalis naman ang mga nangupahan, hindi binabalik ng ilang landlord ang deposito kahit walang nasirang bagay sa inupahan. Upang hindi maibalik ay kung anu-anong dahilan ang sinasabi ng mga switik na landlord sa mabait na tenant upang hindi na mabawi ang deposito. Kadalasan din ay pinapangakuan ang mga umalis na tenants na bumalik pero wala namang nangyayari hanggang tamarin na lang sila at upang hindi na magkagastos sa pamasahe.

May isang switik na landlord akong alam na na-karma kaya ngayon ay tadtad ng sakit ang katawan, lalo na ng psoriasis, isang sakit sa balat kaya iniiwasan siya. Ang isa namang “propesyonal” na mandurugas na tenant na isa palang drug pusher at nagpapagamit ng inuupahan bilang “drug den” ay nadale sa operasyon “tokhang”.




0

Resourcefulness in Cookery

Resourcefulness in Cookery
By Apolinario Villalobos

By the time we have grown old, we must have tasted plenty of dishes, some of which we have learned to like and craved to taste again while disdained by others, that we do not even want to imagine them. And, from those exposures, we are supposed to have learned how to prepare what we like best.  Those who are creative enough may have come up with their own based on what they have tasted using occidental and oriental ingredients to come up with a “fusion cuisine”, or just any that are available.

Delectability of foods may be enhanced by the color that they assume when cooked, ready for the taking. For this, some people use roots, seeds, and leaves to add color to their dishes, such as Valenciana rice (arroz Valenciana), Java, and Mindanao rice that are colored yellow using turmeric root or powder. The adobo in some regions of the Philippines is colored red due to “achuete” (istiwitis in Ilonggo). The beef curry of the Tausugs is dark-colored akin to “dinuguan”, due to the milk of the coconut meat “burnt” by roasting before it is shredded.

Another come-on of the dish is its aroma that tickles the palate. Herbs and spices are employed in this regard. Pasta dishes, especially, spaghetti becomes more scrumptious if sprinkled with sparsely and thyme, or oregano. Herbs hide and preserve meat…this is the reason why the spices of the orient were so longed-for by Europeans during the time when Spain, Holland, England, and Portugal dominated the maritime exploration of the vast oceans in their search for the “spice islands” in the East.

Then, there’s the presentation of the dish. High-end restaurants, in trying to have an exotic ambience, serve food on coconut shells, banana leaves, iron dish for sizzling preparations, earthen pot, etc. The way, even the simple steamed rice as the center piece of the dining is presented counts a lot, too. Roasted suckling pig served on the dining table is always with an apple or orange in its gaping mouth, and the whole glistening roasted carcass is surrounded with other fruits and greens.

But my most memorable fried rice was served in a coffee mug. It was simply cooked with small bits of carrots, onion, roasted garlic and an added flavor which could be the secret of my host..  It was served to me by Tiya Prax Lapuz, wife of Tiyo Mending Lapuz, pioneer settlers of Tacurong. Despite my having just taken breakfast when I visited them for an interview on their experiences as they embarked on a journey from Luzon to Cotabato, I delightedly finished the fried rice to the last morsel downed with a cup of coffee.

As a race known for innovation, we should come up with more dishes based on locally available ingredients. We should not look down to our herbs and spices. Our vegetables can compare well with the imported, and with that, regional dishes can be “fused” with twists, and which can then, be served during special occasions. We should not be limited to spaghetti topped with ground meat and canned tomato sauce or pancit.


0

St. Catherine of Siena (dedicated to the Notre Dame-Siena of Tacurong City)

Posted on Sunday, 27 November 2016

St. Catherine of Siena
(Dedicated to the Notre Dame-Siena of Tacurong City)
By Apolinario Villalobos

She could have been
Just another pretty face in the village,
But the call of the Lord
Came loud, strong and intense
That nothing could block the path
She chose that led to Him
Whose Heart bursts with blinding grace
And warmth that’s just so overwhelming.

Dedicating her life to the Lord
She lived with simplicity,
And despite the affluence of her family
She led a life filled with frugality;
She spent her time with the unfortunates
Who could barely make both ends meet
Making sacrifice stand for what it’s meant
As that was her cherished dream ever since.

Writing her way to prominence
She tried her best to be heard
For the sake of her countrymen;
Though the goings were tough
For favorable consequence,
She was not deterred
For instead, her courage 
Was prodded on by insistence.

As the Lord’s intellectual instrument
She did her best with the pen’s power
Patching up the rift that beleaguered the Church -
This she did while helping the destitute;
She lighted up gloomy nights with her radiance
For without even a single complaint
She made lost souls find their way
Back to the Lord - just like any other saint.

The world is lucky for her legacies –
Courage toughened by perseverance
Patience intensified by wisdom
Humility bolstered by endurance
Simplicity anchored on diligence;
Nobody has ever thought
That intercession of such a dainty girl -
Much later by others, shall be sought.

St. Catherine …
She is all that women should emulate -
Pretty, yet modest and humble to the highest
Ever submissive to the Lord’s will
Never asking why she must suffer for others
Taking to heart every thing she did
In the hope that someday -
The Church would, at last, be united!
                                                        
(The former Notre Dame Girls Department of Tacurong City that used to be under the Dominican nuns, is now under the administration of the nuns who belong to the Order of St. Catherine.)



0

The First and Last Book of Mr. Ricardo G. Paloma...The Cordillera Tourism Master Plan

Posted on Saturday, 26 November 2016

THE FIRST AND LAST BOOK OF
MR. RICARDO G. PALOMA
…The Cordillera Tourism Master Plan
By Apolinario Villalobos

Mr. Ricardo G. Paloma, “Tatang” to his subordinates is well-remembered for his patience, thoroughness, and flow charts. He is so systematic that anything that had got to do with PAL operations were covered with a flowchart so that mishandling of passengers, baggage and cargoes can be easily pointed out along the way – from the time plane tickets were cut up to the time the passenger has left the airport terminal; from the time a baggage has been checked-in to the time it has been claimed at the destination; and from the time a cargo has been accepted for shipment up to the time it has been claimed by the consignee. Even phone calls were monitored together with the length of time involved in attending to the callers and from such transactions, their “requirements” should be noted and taken up during sales meetings.

He was also engrossed in the state of the Philippine tourism industry, particularly, on how PAL could contribute to its development. In this regard, the Tours and Promotions Information Center at the Terminal 4 (formerly, Domestic Airport) was set up and headed by Mr. Vic Bernardino as Manager, with pioneer staff, Ed Buensuceso, Mayee Santos-Cuenco, Thelma Villaseἧor, John Fortes, Reggie Constantino, and Alex Enrile. The TOPIC Magazine was used as research and information tool to promote local tourism, with Alex Enrile as the Editor. I was fortunate to have taken over the job of Alex Enrile as Editor when he left for the United States. I just joined PAL for barely a yera then, with Tablas station as my first assignment. Later on, the PALakbayan Tour Program which “segmentized” the traveler according to his needs was conceptualized and sold as a tour package, both to the domestic and international tourists. He was also regularly consulted by the Department of Tourism which earned him the recognition as, “Mr. Tourism”.

I did not know that ever since I started contributing my poems and essays to the dailies and magazine even while in Tablas, Mr. Paloma had instructed his secretary, Bill Trinidad to clip and collect them. I came to know about what he did when he summoned me to his office on his last day as SVP-Finance, an extended job after he retired as VP-Sales, Philippines. I found him and Bill packing up. While I was taking coffee that he, himself prepared, he opened an attaché case and showed me the contents - original copies of clippings that caught me by surprise. I did not even know that my materials were published because I had no time to check them. As a consolation, he had them copied and gave me the duplicates. He also gave me his first Parker pen which was given to him by his wife, according to him.

Several months after he left PAL, I was surprised when his driver visited me in my new office at S&L Building, along Roxas Boulevard in Ermita, because during the time, our Tours and Promotions group was integrated into the International Sales-Philippines which was under Mr. Rene Ocampo and later on, Mr. Archie Lacson as RVP-Philippines and Guam, after a brief stint with the Metro Manila Sales which was then, under Mila Limgenco as Senior Asst. Vice-President. The driver told me that Mr. Paloma was in the car parked at the egress of the building and he would not like to come up, so I went to him only to know that he was inviting me to a lunch at the French Baker at the Greenbelt Park, across the Vernida Bldg. where we used to hold office. He was aware of my diet so he chose his favorite Frenchy bakeshop-cum-restaurant, just to be sure that I would have my salad.

Over the lunch of salad and bread downed with coffee, he asked me if I had the time to edit some documents for him, to which I immediately said yes. With that, he gave me a brown envelop with documents. When he brought me back to S&L, he told me while smiling that more are coming to which I said, no problem. From then on, at least once a week, he would have me fetched at my office for lunch at the French Baker in Makati. The driver would also deliver to me batches of documents for editing.

After a lull of about two weeks he fetched me again for lunch after which he showed me a neatly bound book, “The Cordillera Tourism Master Plan”. What he told me while handing me the book and which I could not forget was, “you inspired me to do this”.

He had three copies made, one for me with a dedication, another copy for the Department of Tourism, and the third copy for his library at home. Many months transpired and our lunch became infrequent, only to learn that he was sick. My fault was that I did not find time to visit him….only at his wake. To compensate for my irresponsibility, I made a poem and essay for him. Both saw print in the PALiner. I know that those who know Mr. Paloma will agree with me that he was a great employee who started from the ranks as a porter, PAL ever had…our one and only “Tatang”.





0

Hindi Magandang Pakinggan ang "Nakakainggit Ka"

Hindi Magandang Pakinggan ang
“Nakakainggit Ka”
Ni Apolinario Villalobos

Dapat ay tanggalin sa talaan ng pansariling expression ang, “nakakainggit ka” dahil lumalabas ang saloobing inggit, kahit pa sabihin ng nagsambit na ito ay biro lang. Kapag nakikipag-usap sa taong umasenso sa tamang paraan kaya naging mayaman, dapat ang sabihin sa kanya ay, “ang galing mo!...tutularan kita!”, o di kaya, “sana ay tumuluy-tuloy ang pag-asenso mo”, o di kaya, “turuan mo naman ako ng paraan”. Kapag nagkataong ang kausap mo ay talagang may layuning inggitin ka, pinasaya mo lang siya.

Maraming taong basta na lang naiinggit sa iba. Sila ang mga tipong ayaw makakita ng mga taong masaya dahil sa tagumpay na tinamo. Meron ding ang gusto ay sa kanila ang lahat ng biyaya at ang iba ay walang karapatang magkaroon kahit isang piraso nito. Sila ang mga taong walang hangganan ang pagka-sakim kaya lahat ng paraan ay ginagawa upang ang iba ay hindi magkaroon ng pagkakataon.


Ilan na ang nakausap kong nagsabi sa akin ng “nakakainggit ka”. Ang iba ay diretsahan kong sinasabihan ng “magsikap ka…..huwag mainggit”. Pero ang ibang pasaway na ayaw paawat sa pag-uusisa ay sinasagot ko ng, “gayahin mo ako….illegal recruiter na, nagbebenta pa ng shabu at bugaw pa…at kung minsan ay holdaper at kidnaper pa, depende sa mood”. Mula noon nginingitian na lang niya ako tuwing magsalubong kami….takot yatang maholdap.

0

Turmeric Relieved me of my Long-time Fear of Cancer

Posted on Friday, 25 November 2016

TURMERIC RELIEVED ME
OF MY LONG-TIME FEAR OF CANCER
By Apolinario Villalobos

Due to my awareness of cancer that stalks our family due deaths caused by the said disease, except for one, I became apprehensive when I learned about the unusual level of cancer cells in my blood. I was also aware of the state of my prostate, but I just endured the dread for the rapid development of the big C. I made researches on herbals and alternative medications which made me try practically everything, even expensive capsules, supposedly powdered and extracts of foreign-sounding plants. When I had a problem in pissing comfortably at night, my fear worsened. That was until I learned about turmeric.

When I got hold of a thick reference book on alternative medication using herbal remedies, I pored over the pages that listed diseases and their herbal remedies. Diseases that involve inflammation, cancer, weak immune system, sensitive skin, diabetes, cholesterol, weak intestine and problem in passing of urine, included turmeric as among the remedies. The rest of the herbal remedies are foreign-grown and only finished products in capsule and tablets can be found in the local outlets. If inflammation is the initial manifestation of a disease that attacks prostrate and which can even lead to cancer, then, turmeric is the answer to my problem, I surmised. Turmeric is supposed to block the way of the “food” of the cancer cells to flow towards them resulting to their “starvation until they die. Inflammation and cysts, in most probability, are indication of growth of cancer cells in any organ of our body, although, as sometimes they may just be benign.

Initially, I painstakingly pounded turmeric roots before boiling them into a concoction but which I find messy. Fortunately, during one of my passing through a side street of Divisoria, I discovered a hole-on-the-wall sort of store that sold powdered turmeric imported from India. The price was reasonable enough so that, from then on, I switched to using the powder form – a teaspoon of which is stirred in a mug of coffee.  Every morning I would prepare two mugs – one taken before breakfast, and the other mug ready for taking at noon or afternoon. I also stir in two pinches of cinnamon powder for prevention of diabetes. For water, I use tea from boiled leaves of guyabano and a few pieces of star anise. The star anise is to boost the property of turmeric in strengthening my immune system.

Ever since I went through the above-mentioned regimen, I began to comfortably pass “abundant” urine twice in the evening, compared to the trickles before, that practically made me uncomfortable till morning. In other words, my prostrate may no longer be inflamed or if ever, to a lesser degree, as clearly, my urethra is no longer badly compressed.  I have also stopped taking “maintenance” drugs such as Atorvastatin and Losartan. But perhaps, my being a vegetarian could have also contributed to the improvement of my health. I always see to it that “saluyot” is part of my daily fare, as it is also a strong deterrent for diabetes. Observable improvements after more than five months of taking turmeric and other mentioned herbs are my no longer developing of allergy resulting to long bouts of colds and slight fever, and disappearance of the bean-sized growth in my colon.
The versatility of turmeric is such that it can add color to foods to make them more delectable. The expensive “java rice” served in high-end restaurants is yellowed by turmeric. Pounded fresh roots are used in Muslim dishes such as “langka in coconut milk”, fish curry, vegetable curry, chicken curry, and lentil soup. The popular delicacy, arroz Valenciana also derives its yellow color from powdered turmeric. In some Visayan dialects, turmeric which is also considered as preservative, is called “dulaw”, “kalawag”, and “kalwag”. It is a relative of the ordinary ginger and “langkawas” or Thai ginger.

In Manila, capsulated turmeric is very expensive just like the widely-advertised tea and powder from mangosteen. But fortunately, I learned that my former teacher in college, Mr. Morito Parcon who is based in Davao City sells this product, so that I have made a plan to drop by his place for my supply the next time I take the flight to Davao for my land trip home. The capsule can take the place of the powder form, and which can be comfortably carried around.  One capsule per meal is enough. For the benefit of friends who are interested, they can get in touch with Mr. Parcon by checking his facebook, “Morito Parcon” and send him a message for more information. He can also be contacted through cellphone, 09233783012.




0

Panapanahon ang Pagkakataon

PANAPANAHON ANG PAGKAKATAON
Ni Apolinario Villalobos

Nang maging presidente si Joseph Estrada, ang taong itinalaga niya sa PAGCOR na dating artistang komedyanteng mataba, ay may kabayangan na nagsabing,  “panahon namin ngayon”, dinugtungan pa ng, “weather weather lang yan”. Nakakainis mang pakinggan ay dapat tanggapin ang katotohanang yan. Hindi lahat ng panahon ay para sa isang tao kaya kung magkaroon siya ng magandang pagkakataon pagdating ng tamang panahon, dapat ay sunggaban na niya pero dapat ay maganda ang layunin niya.  Ang problema lang ay ang mga taong sadyang baluktot ang isip kaya umiiral palagi ang kasamaan sa kanilang ginagawa kapag nagkaroon sila ng magandang pagkakataon.

Sa isang bansa na mahina o korap ang namumuno kaya napapaikutan ng mga tauhang tiwali,  o di kaya ay ginagaya naman ng ibang opisyal, siguradong animo ay pista ang mangyayaring kurakutan, tulad ng nangyari sa Pilipinas sa ilalim ng mga nakalipas na administrasyon. Ang iiral na katanungan kasi ay, “sila lang ba?” Kaya ang mga ayaw patalo ay nakikikurakot na rin.

Subalit dahil ang mundo ay bilog at umiinog, dumarating ang panahon na ang nasa itaas ay napupunta sa ibaba. Walang bagay na permanente sa ibabaw ng mundo dahil lahat ay sumasailalim sa pagbabago: ang sanggol ay tumatanda; ang sariwa ay nalalanta; ang makinis na balat ay kumukulubot; ang liwanag ay nagiging dilim; ang mayamang dating gahaman sa salapi  ay nagsasawa sa pera kapag malapit nang mamatay; ang dating drug user lang ay nagiging pusher at kung susuwertihin ay nagiging drug lord at upang mapagtakpan ang mga katiwalian ay nagdo-donate ng malaki sa mga simbahan, nagpapatayo ng mga foundation para sa mga scholars; ang masarap na pagkain ay napapanis…ilan lang ang mga iyan na dumadaan sa iba’t ibang panahong may kaakibat na pagkakataong maging maganda, sariwa, etc.

Nakakabilib ang mga taong mahaba ang pisi ng pagtitiyaga at pagpapasensiya sa paghintay ng tamang panahon para sa pagkakataong papanig sa kanila. Ang isang halimbawa ay ang pamilya Marcos na kung ilang administrasyon ang pinalampas at tahimik lamang sa kanilang minimithing pagpapalibing sa padre de pamilya  nilang si Ferdinand na dating diktador sa Libingan ng mga “Bayani”. Nang dumating ang panahon ni presidente Duterte na kapanalig nila, saka sila lumapit dito at nagbakasakaling mabigyan ng pagkakataong hinihingi nila at hindi naman sila nabigo.

Sa huli, masasabi na namang ang pagkakaroon ng magandang pagkakataon ay, “weather weather lang”. Ang mga naghihimutok na kumukontra ay dapat na maging maunawain sa takbo ng buhay, na hindi lahat ng pagkakataon ay panig sa kanila. Hintayin nila ang panahon nila.

SAMANTALA, ANG DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN NGAYON AY ANG KASALUKUYAN DAHIL ITO ANG MAGDADALA SA ATIN SA KINABUKASAN. HINDI TAYO DAPAT NA MAGPAHILA SA NAKARAAN, PERO KUNG MAGANDA AY GAMITING INSPIRASYON, AT KUNG PANGIT AY KALIMUTAN NA LANG.


0

Kailangan ng Pangulo ang "Intelligence Fund"

KAILANGAN NG PANGULO ANG “INTELLIGENCE FUND”
Ni Apolinario Villalobos

Hindi 100% na natanggal ang mga tiwali sa mga ahensiya ng gobyerno dahil sa Civil Service provision tungkol sa eligibility. Ang mga tiwaling ito ay ILAN sa mga opisyal at ordinaryong empleyadong nagsisilbing balakid sa mga programa ni presidente Duterte, kaya kailangan niya ang “intelligence fund”. Ang pondo ay magagamit na pangsuweldo sa mga taong gagawa ng palihim na pagmanman sa mga operasyon ng lahat ng ahensiya. Pwedeng gayahin ang mga malalaking department stores at grocery stores na “nagtatanim” ng tinatawag na “false shoppers” na nangangalap ng first-hand information kung sino at saang bahagi ng operasyon nila ang may palpak na serbisyo.

Ang mga taong confidential ang trabaho ay magbibigay ng first-hand na mga report kay presidente Duterte upang magkaroon siya ng ideya kung binobola lang siya ng mga itinalaga niyang kalihim at iba pang opisyal. Malalaman din niya kung ang mga datihang empleyado ay nagbago na o kung bumalik sa dating katiwalian. Kung hindi mangyayari ito, siguradong babagsak siya kahit maganda ang kanyang layunin dahil napapansin na ngayon ang kahinaan ng ilang mga opisyal na itinalaga niya dahil lang sa utang na loob.

Pwedeng gamiting halimbawa para sa pangangailangan ng “intelligence fund” ang Bureau of Customs na hanggang ngayon ay tila bumabalik na naman sa dating gawi na panggigipit sa mga importers at ang ginagamit na dahilan ay ang walang kamatayang “technical smuggling” kuno.
Ang dahilang ito ay mababaw, dahil kung regular o consistent ang kanilang paghihigpit ay hindi “palaging” nataytayming sa panahong malapit na ang pasko.


Nabisto ang modus operandi ng Bureau of Customs nang pumutok sa media dahil sa reklamo ng mga apektadong negosyante ng prutas. Dahil sa panggigipit ng Customs, inaaasahang sisirit ang presyo ng mga prutas pagdating ng Disyembre upang mabawi ng mga negosyante ang mga nagastos nila dahil sa pagka-antala ng release ng shipment nila na hindi naman nila kasalanan.

0

Ang Mga Pinapatay na Drug Users at Pushers

ANG MGA PINAPATAY NA DRUG USERS AT PUSHERS
Ni Apolinario Villalobos

Batay sa mga binanggit ni Kerwin Espinosa tungkol sa lawak ng pagkasangkot ng kapulisan, nakakabahala na hindi lang pala mga opisyal na nakaupo sa mataas na puwesto ang may kinalaman, kundi pati mga kapulisan sa ilalim. Malinaw na malinaw ang kuwento tungkol sa mga “recycled” na droga – mga drogang bahagi ng nakumpiska ng mga pulis at pinabebenta nila mga “bataan” nilang pushers. Ang mga nasa Maynilang pulis na nagre-recycle ay tinawag na “ninja cops”. Ang mga pushers ay nahahawakan nila sa leeg dahil nahuli na nila ang mga ito bilang mga drug users, kaya mistulang na-black mail upang magbenta ng “recycled” na droga, upang hindi tuluyang makulong.

Naipakita din noon sa TV ang isang witness na taga-Antipolo na nag-utos daw sa kanyang tatay na magbenta ng droga, at kung minsan daw ay sa bahay pa nila gumagamit nito. Mistulang nakalublob sa kumunoy ang tatay nilang pinatay nilang gumagamit din ng droga at ilang beses nang nahuli. Nang mapatay ang tatay nila ay positibo nilang itunuro ang mga pulis.

May mga pinapatay ngayong ayon sa mga kaibigan at kapamilya ay dati daw gumagamit LANG ng droga at sumuko na kaya nakalista sa presinto. Nagtataka lang sila kung bakit pinatay pa at siguradong hindi sindikato ang pumatay sa kanila dahil wala naman daw kilalang big-time pusher ang mga ito. Ang ibang namatay ay mga scavenger at “barker” sa mga jeepney station. Pero ayon sa kanilang mga kaibigan ay natutong gumamit ng droga na nagsimula sa rugby, pero bandang huli ay kumita dahil “naghahatid” na rin daw ng droga o naging “runner”. Kung minsan pa daw ay may kausap silang mga pulis.

Ang hinala, ay mismong mga pulis na sangkot sa droga pero hindi natanggal sa puwesto ang may kagagawan ng pagpatay upang hindi sila maituro pagdating ng panahon. Pinapatay nila ang mga nakakakilala sa kanila upang pagdating ng panahon ay hindi sila maituro. Kapag “lumamig” na ang sitwasyon dahil isinusunod na ang “corruption” kaya siguradong hihina ang operasyon laban sa droga, asahan ang mga bagong “set” ng drug pushers at runners. Hindi naman kasi nasisira ang shabu kahit itabi ng kung ilang taon….pwedeng ibenta after six years kung wala na si Duterte.



0

Mga Pangyayaring Muntik nang maging Kamalasan at Kamatayan Ko

Posted on Wednesday, 23 November 2016

MGA PANGYAYARING MUNTIK NANG
MAGING KAMALASAN AT KAMATAYAN KO
Ni Apolinario Villalobs

1.      Noong hindi pa ako nag-aaral sa elementary, habang natutulog ako sa ilalim ng mesang kainan ay natumbahan ako ng bangko at swak pa sa gitna ng noo ko kaya ngayon ay may maliit na parang hiwa o “canal” dito. Naalimpungatan lang ako at maski bukol ay wala kahit yari sa solid na tabla ang bangko na mahaba. Hindi rin ako nakaramdam ng pagkahilo o sakit.

2.      Dahil sa pagiging malikot ay ilang beses akong nahulog mula sa mataas na puno at nawalan ng hininga at malay pero ilang sandali lang ay nagigising din. Mahilig din kasi akong maglambitin sa sanga na ang naka-angkla lang ay nakatiklop kong mga tuhod.

3.      Noong nasa elementaray na ako (grade 2) ay mahilig din akong maligo sa irrigation canal na para na ring ilog dahil malaki ito at malakas ang agos at isang beses ay muntik na akong malunod dahil hindi pa ako marunong lumangoy noon. Parang may nagtulak sa akin papunta sa mga kumpol ng talahib na nahawakan ko kaya hindi ako natangay ng malakas na agos.

4.      Noong nasa Grade Six ako at pinupuntahan ko ang nanay namin sa isang baryo kung saan siya nagbukas ng maliit na tindahan pagkamatay ng tatay namin, ay nakikisakay ako sa mga “pick-up” na sasakyan. Isang beses, nang gusto ko nang bumaba ay hindi narinig ng driver ang sigaw ko kaya tumalon na lang ako…todong lagapak ang inabot ko una ang tagiliran kaya nawalan na naman ako ng hininga at hindi ko matandaan kung paano akong nasaulian nito.

5.      Noong second year high school ako ay sa Davao ako nag-aral. Nakitira ako sa pamilya ng kapatid ko sa Ipil, Lanang, na nasa tabing dagat. Kahit “floating” lang ang alam ko at langoy-aso ay naglakas-loob akong sumama sa mga nangingisda tuwing madaling-araw. Nataranta ako nang minsang pumailalim ako sa isang malapad na balsang yari sa kawayan at hindi ko alam kung paanong lumangoy palabas hanggang mawalan ako ng malay. Hindi ko alam kung paano akong napadpad sa tabi ilang metro ang layo mula sa balsa.

6.      Noong mag-apply ako sa PAL sa branch nito sa General Santos, nakapasa nga ako pero iniwala naman nila ang mga papeles ko kaya nang magkaroon ng senior panel interview sa Davao ay wala akong naipakita dahil akala ko ay ipo-forward nila ang na-submit ko kaya hindi ako nagdala ng duplicate. Ganoon pa man ay nakalista ang pangalan ko sa talaan ng mga iinterbyuhin kaya tinawagan pa ang General Santos para ma-verify. Natuloy din ang senior panel interview kaya hindi nasayang ang pamasahe ko.


7.      Nang mag-apply ako sa Tours and Promotions Office ng PAL upang makalipat mula sa Tablas ay na-misplace din ng Administrative Officer ng Regional Office, na si Mr. Salvador Caburian ang mga papeles ko.  Malaking pasasalamat ko sa manager ng Tours and Promotions na si Mr. Victor Bernardino nang interbyuhin pa rin niya ako at pinagawa na lang uli ng bagong resume kahit pasado alas singko na.

8.      Noong tumira ako sa isang boarding house sa Baclaran, sa sobrang galit ko sa isang mayabang na co-boarder na mahilig umuwi ng madaling araw kaya naiistorbo kami ng pangangalampag niya sa gate, ay muntik ko na itong saksakin, pero di ko alam na may dala rin pala siyang patalim. Mabuti na lang at natalisod siya sa kadena ng asong bumalagbag sa daraanan niya nang susugurin na niya ako. Muntik na niyang masaksak ang sarili niya. Sa sala siya pinatulog ng landlady namin ng gabing yon at kinabukasan ay pinaalis agad siya.

9.      Nang umakyat kami  (kasama ko ang PAL Mountaineering Club) sa Mt. Hibok-Hibok sa Camiguin Island kahit Biyernes Santo ay gumulong ako pababa nang ilang metro habang nagkanda-untog ang ulo ko sa mga bato. Nakigaya kasi ako sa ibang kasama kong nagpadausdos sa makapal na magkahalong buhangin at abo mula sa tuktok ng bulkan.

10.  Noong pasyalan ko ang isang kaibigan sa Baseco Compound, Tondo, inabot ako ng gabi dahil nag-inuman kami sa barung-barong niya. Sarado ang bintana na nasa likuran ko. May narinig akong parang humaging at nakaramdam din ng parang hangin sa bandang kaliwa ng tenga ko. Nang sundan ko ang direksyon ng naramdaman ko ay nakarinig ako ng tunog ng parang bagay na itinusok. Nilapitan ng kaibigan ko ang nakatusok sa dingding na nasa harap ko….palaso (arrow) pala ng ”Indian pana” na lumusot sa bintanang sarado….isang kaso ng “stray arrow”.

11.  Nang tumira ako sa Cavite at nagda-drive pa ng kotse (Beetle) ay may inihatid akong inaanak sa inuuwian niyang subdivision. Nang pauwi na ako ay nataranta ako nang makita ko ang isang trak na sumasalubong sa akin kaya wala sa isip kong tinapakan ang selenyador ng gasolina sa halip na preno, at biglang kinabig ang manibela sa kanan kaya tumama ang kotse sa mataas na rampa habang mabilis ang takbo. Nagdilim ang paningin ko, at nahimasmasan ako nang marinig ko ang katok sa salamin ng bintana, ng isang nagmalasakit na nakasaksi. Nakaharap na ang kotse sa malawak na palayang may tubig pero ang binagsakan ng kotse ay nakapagtatakang makapal na bunton (pile) ng uhay ng palay kaya hindi nalubog sa tubig. Tanggal and diver’s watch ko at mga sapatos, pero ang hindi ko maintindihan ay wala akong kahit maliit na gasgas, yon nga lang ay mahigpit pa rin ang pagkahawak ko sa manibela. Ayon sa mga nakakita ay ilang beses daw umikot ang kotse sa ere pero himalang bumagsak nang maayos, at akala nila ay patay na ako.

12.  Noong nag-drive pa rin ako ng kotseng tinukoy ko sa #11 mula sa opisina namin sa S&L Building (PAL), hindi ko namalayang naputol pala ang tubo ng brake fluid habang binabayabay ko ang Roxas Boulevard hanggang sa tapat ng Aristocrat Restaurant. Nang pumula ang ilaw ng stop light, saka pa lang ako nilapitan ng humahabol na lalaki upang sabihang may tumutulo mula sa kotse. Pagbaba ko ay nakita ko ang napakahabang “linya” na basa….break fluid pala. Kung hindi nag-red light sa tapat ng Aristocrat Restaurant ay siguradong nadisgrasya ako dahil sa kawalan ng preno.

13.  Noong namamasyal ako sa bagong bukas pa lang na resettlement area sa Dasmarias, Cavite ay may nakilala akong “runner” ng mga nagbebenta ng marijuana, pero gusto nang magbago kaya panay ang payo ko sa kanya lalo pa at may isa siyang maliit na anak. Tuwing nasa “Area 1” ako ay palagi siyang nasa tabi ko at inihahatid din niya ako sa sakayan ng mga jeep. Pumupunta ako doon dahil sa mga project na pantulong sa mga naging kaibigan ko galing sa Tondo. Noong bumalik ako nang ilang beses ay hindi ko na siya nakita, subalit biglang lumutang sa bahay na pinuntahan ko dahil pista….nagtago pala dahil hinahanting daw ng mga pulis.  Nang ihahatid na niya ako sa sakayan ay hinarang kami ng tatlong lalaking mga pulis pala at kinilala ang kaibigan ko sa pamamagitan ng retratong dala nila, pero todo pa rin ang tanggi niya. Mabuti na lang at namukhaan ako ng isa sa mga pulis kaya’t hindi ako isinama. Ang pulis na nakakilala sa akin ay pinsan pala ng kumpare kong madalas kong tulungan. Nang makaalis na sila sakay ng kotse ay bumalik ako sa pinanggalingan kong bahay, subalit hindi pa ako nakakarating ay nakarinig na ako ng mga putok. Ayon sa mga taong nagpasalamat dahil hindi ako isinama ay “salvage” daw ang nangyari….at muntik na akong madamay.


Hindi ko lang alam ngayon kung may susunod pang kahalintulad na pangyayari….kung buhay pa ako, iba-blog ko.

0

Ang Abogado

Posted on Tuesday, 22 November 2016

ANG ABOGADO
Ni Apolinario Villalobos


Ang todo-todong denial ni de Lima ay typical na ugali ng isang abogado. Ang tagumpay ng isang abogado sa korte ay depende sa kanyang galing sa pagsalita at pagpakita ng “ebidensiya”…at diyan yumaman ang ILANG abogado na kinukuha ng mga drug lord at kriminal na mayaman. Dapat ding tanggaping hindi lahat ng batas ay patas sa mayaman at mahirap. Ang ILANG mga gumawa kasi ng mga batas ay mayayaman at kaya nga sila nagpursigeng maging mambabatas ay upang masiguro na lalo pa silang makinabang. Ang ILANG mambabatas na hindi mayaman ay may balak namang yumaman…huwag silang mambola sa pagsabi na kaya sila pumasok sa pulitika ay gusto nilang tumulong sa taong bayan. Wala ring silbi ang sinasabing “hustisya” sa korte dahil mismong ILAN sa mga huwes ay tiwali.

Kung magaling ang abogado, kahit mali ay napapalabas niyang tama batay sa batas na ginawa ng mga mambabatas na karamihan ay abogado rin. Sigurado rin ang panalo niya kung ang kalaban niyang abogado ay walang binatbat o walang kuwenta…at lalung-lao na kung ang huwes na humahawak sa kaso ay binayaran. Dahil sa mga nabanggit ay may kasalanang “miscarriage of justice” kung sakaling mapatunayan ng “matinong” nakakataas na huwes ang nangyaring katiwalian, batay naman saa tinatawag na “appeal”.  Sa larangan ng abogasya ay matunog ang mga bupete o law offices na nakapagpanalo ng mga kriminal kahit obvious na may kasalanan, pero dahil magaling sa pagsilip ng mga batas na may butas ang mga abogado nila, sila ang kinukuha ng mga korap sa gobyerno, mga holdaper na mayaman at drug lords.

May mga kaibigan akong abogado na kahit hindi angkop ang utak sa abogasya ay nagpilit kumuha ng kursong ito dahil pinagbigyan lang ang magulang. Ang iba naman ay balak lang mag-notaryo at hindi hahawak ng kaso na pagdedebatihan sa korte dahil tanggap naman nila na mahina sila sa Ingles lalo na sa pagsalita nito. Ang dalawa nga sa kanila ay nagpapa-edit pa sa akin ng mga dokumentong ginawa nila.

Ang mga batas ay hindi perpekto dahil kahit kapirasong butas ay meron sila at ito ang mga pinag-aaralan ng mga abogado. Dahil diyan ay maraming tiwaling mambabatas na abogado dahil alam nila kung anong batas ang pwede nilang pagkitaan, at ang iba ay sila pa ang nagpanukala.

Balik kay de Lima…..ang pagmamatigas niya ay effort at karapatan ng mga “matataling tao”, batay sa mga kasabihang, “my word or your word” at, “innocent until proven guilty”. Siya ay edukada at abogada, pero ang mga witnesses laban sa kanya ay hindi nakatapos ng kurso, at yong isa nga ay hindi nakatapos ng elementarya.


Ang blog na ito ay pansarili kong pananaw at hindi akong nanghihikayat ng mga mambabasa upang ako ay paniwalaan o di kaya ay mawalan ng tiwala sa korte at mga abogado. Hindi naman lahat ng abogado ay may matuwid na pag-iisip at konsiyensiya….masuwerte ang makakakuha sa kanila.

0

Ang Isa pang Dapat Gawin ng mga Pasaway na Nagra-rally

Posted on Sunday, 20 November 2016

ANG ISA PANG DAPAT GAWIN NG MGA
PASAWAY NA NAGRA-RALLY
Ni Apolinario Villalobos

Sa halip na sa harap ng US embassy o mag-martsa sa kalye ang mga pasaway na raleyista na karamihan ay hinatak lang mula kung saan, dapat sa harap ng kongreso, senado, Office of the Ombudsman, at Department of Justice nila gawin ang mga protesta at ang mga placard nila ay may nakasulat na pangalan ng mga corrupt na ibinoto ng tao. Kung matatandaan, maraming nasa senado pa ngayon ang dapat ay sinampahan ng kasong plunder ng Ombudsman at Department of Justice noong panahon ni de Lima. Marami ang nagtaka kung bakit hindi itinuloy kahit hanggang “first base” man lang ang mga kaso para sa mga susunod pang batch kung saan ay kasama ang pangalan ng ilang senador at mga kongresista.

Dapat kulitin ng mga raleyista ang kasalukuyang Department of Justice at Ombudsman para maipagpatuloy ang mga kaso. Ang nakakasuka pa ay ang pagsama sa mga pasaway na raleyista ng mga napangalanang may mga kaso. Ang mga hudiputang mga opisyal ay nagmamalinis at nagpapakita sa taong bayan ng pagkakaroon nila ng “konsiyensiya” kuno  laban sa Martial Law, yon pala, pinalipas lang ito, dahil nang sila na ang umupo ay nangurakot din!

Siguradong kinakabahan ang mga nagmamalinis na mga opisyal sa mga susunod na gagawin ni Duterte dahil nakasalang na ang balak na pagkalkal sa mga nabinbing mga kaso laban sa nangurakot na ang sukdulan ay sa kapanahunan ni Pnoy Aquino.



0

Ang Mga Nagpakabayani sa Rehimeng Marcos at mga Panggulong Sulsol Ngayon

ANG MGA NAGPAKABAYANI SA REHIMENG MARCOS
AT MGA PANGGULONG SULSOL NGAYON
Ni Apolinario Villalobos

Alam ng mga namatay, pinahirapan at nawala noong panahon ng Martial Law ang kahihinatnan nila sa pagsagupa kay Marcos. Hindi naman sila mga attack dogs na basta na lang mangangagat dahil inutusan ng amo nila. Ang mga nakipaglaban kay Marcos noon ay may matatag na adhikain na ang katumbas ay kamatayan nila kaya noon pa man ay tanggap na nila ang magiging kahihinatnan nila. Kung hindi nila tanggap dapat ay tumiwalag na sila sa grupo nila nang maramdaman mainit na sila sa pamahalaan, pero hindi….bagkus ay nagpatuloy sila kahit pa siguro tutol ang mga magulang nila. Nangyari nga ang pinangangambahang kamatayan at pagkawala nila. Nang mawala si Marcos sa Pilipinas walang ginawang aksiyon ang mga pumalit na presidente upang mapanagot ang mga sangkot na ang iba ay nagpalit lang ng kulay kaya may puwestong matataas pa sa gobyerno tulad ni Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile….bukod sa mga heneral.

Masuwerte ang mga buhay at pinakawalan mula sa kulungan. Ang paglaya naman ng mga naiwang political detainees ay pinaglalaban hanggang ngayon…AT, ANG ISYUNG YAN DAPAT NA PAGTUUNAN NG PANSIN NG MGA NAGSISISIGAW SA MGA KALYE AT HARAP NG US EMBASSY, HINDI ANG ISYU SA PAGKALIBING NI MARCOS SA ISANG SEMENTERYO.

HINDI RIN DAPAT NA ISINISIGAW PA NILA ANG ISYU NG MGA NAMATAY NA O DI KAYA AY NAWALA. ANG DAPAT NILANG GAWIN TUNGKOL SA MGA KASAMA NILANG YAN AY MAG-RESEARCH KUNG SINO SILA – PANGALAN AT PROBINSIYANG PINANGGALINGAN AT ESKWELAHANG PINASUKAN. IBIGAY ANG LISTAHAN SA KAALYADO NILA SA KONGRESO AT SENADO AT HIKAYATIN ANG MGA ITO NA GUMAWA NG PANUKALA NA MAG-DEKLARA SA MGA NAMATAY AT NAWALA BILANG, “MGA BAYANI SA PANAHON NG MARTIAL LAW”. SA PAMAMAGITAN NIYAN, MAITATALA ANG MGA PANGALAN NILA SA LAHAT NG MGA AKLAT SA BANSA TUNGKOL SA MARTIAL LAW. PWEDE DING MAGLAGAY NG MARKER NA MAY MGA PANGALAN SA MGA ESKWELAHAN AT PROBINSIYANG PINANGGALINGAN NILA.

Siguradong may pera ang mga organisasyong maka-kaliwa o pulahan na panggastos sa suggestion ko. Huwag nilang ibulsa ang mga “donasyon”. Kung hindi nila magagawa, ang kalalabasan nila ay talagang malinaw na “TAGA-PANGGULO” lamang kahit sino pa ang presidente….ang tawag diyan ay “SULSULERO”. Kung ihambing sila sa kulisap, para silang kuto o kuyumad sa ulo o hanep sa balat na nagsasanhi ng kati kaya nakakainis!


0

Ang "Purpose in Life", si Marcos, ang Martial Law, at si Duterte

ANG “PURPOSE IN LIFE”, SI MARCOS,
ANG MARTIAL LAW, AT SI DUTERTE
Ni Apolinario Villalobos

Sa mga nakiki-uso, siguradong alam nila ang sinasabing best seller na librong may pamagat na “Purpose in Life”. Tulad ng sinabi ko sa isang blog na hindi ko man nabasa ang librong yan, alam kong ang mga nilalaman ay tungkol sa mga papel natin dito sa mundo, dahil pinapahiwatig na ng titulo. Simple lang naman ang ibig kong sabihin….ang layunin ng Diyos kay Ferdinand Marcos ay maging diktador ito at magkaroon ng Martial Law sa Pilipinas upang gumising tayong mga Pilipino, subalit dahil sa SOBRANG katigasan ng ulo natin ay hindi pa rin tayo natuto. Nagkaroon ng NAPAKARAMING PAGKAKATAON upang tayo ay magbago pero halal pa rin tayo nang halal ng mga tiwali sa puwesto na kung hindi kurakot ay pabaya sa trabaho…kasama na diyan ang lahat ng mga presidente na pumalit kay Marcos kaya namana ni presidente Duterte ang sanlaksang problema nang siya ay maupo. Ganitong-ganito ang style na ginawa ng Diyos ng mga Israelitas noong panahon ng Bibliya, kung kaylan, basta gusto niyang parusahan ang mga ito ay gumagamit Siya ng mga pagano upang sila ay lusubin, pagpapatayin, at alipinin.

Ang “purpose in life” ni Duterte na ibinigay ng Diyos sa ganang akin, ay upang gisingin uli ang mga Pilipino, subalit dahil sagad sa buto ang katigasan ng Pilipino, sa halip na makipagtulungan, pati ang mga tauhan ng simbahang Katoliko ay nagpapagamit sa mga gustong magpabagsak sa kanya. Ang isang halimbawa ng dapat sana ay nagbukas ng kanilang mga mata ay ang pag-amin ni de Lima na nakipagkangkangan siya sa dati niyang driver na si Dayan. Hindi lang sampal ang inabot ng mga pari, madre, estudyante at iba pang supporter ni de Lima, kundi boldyak at tadyak  pa!

Ngayon, sa issue naman ng pagpapalibing sa isang bangkay sa sementeryo na pinaglibingan din daw ng aso ni Cory ay nag-iingay sila! Anong kasagraduhan ang sinasabi nila tungkol sa sementeryong yan na pinaglibingan ng isang hayop na sinasabi na lang na naging “sundalo” din daw upang makalusot ang mga hangal na sipsip na nagsulsol kay Cory na doon ilibing ang aso niya? At, anong “libingan ng mga bayani” ang sinasabi nila ganoong malinaw sa talaan ng Kongreso na ang talagang “Libingan ng Mga Bayani” ay nasa Quezon City!

AYON KAY SENADOR GORDON ANG TUNAY NA PANGALAN NG SEMENTERYONG MAY NAKAKABIT NA “BAYANI” AY “REPUBLIC MEMORIAL CEMETERY”. Kaya ang malinaw ngayon ay gusto lang talagang mambulabog ng mga nagra-rally sa mga proyekto ng bagong administrasyon. Ang masama pa, nandamay pa ang mga leftist na organizers ng mga estudyanteng walang kaalam-alam tungkol sa isyu ng Martial Law…kaya para lang siguro maka-experience ng pagsisigaw sa kalye ay sumama na rin. Ang hindi nila naliwanagan ay ang katotohanang PATAY na ang taong kinakalaban nila, subalit ang mga PWEDE pang kasuhan na buhay ay NANDIYAN PA!...subalit hindi ginagawa ng mga grupong nagmamaang-maangan na makabayan kuno.

Sa isang banda, ang “purpose in life” ng mga nagra-rally na mga grupong hilong- talilong na yata sa mga isyu ay upang mahantad sa buong sambayanang Pilipino na sila pala ay talagang walang silbi at magaling lang sa panggugulo. Kaya ituloy lang nila ang panggugulo nila na lalo lang nagdidiin sa kanila!...mabuti nga upang lalong magalit ang taong bayan sa kanila.

Galit din ako kay Marcos pero nagbago ang pananaw ko makalipas ang napakaraming taon na desperasyon dahil sa kawalang aksiyon ng mga pumalit sa kanya. Kaya naisip ko, ano pa ang silbi kung mag-iingay man ako upang ilabas ang himutok ko, dahil mismo ngang pamilyang Aquino ay tanggap na ang lahat ng pangyayari sa kanilang buhay kaya hindi na sila kumibo nang animo ay pagapang na bumalik sa Pilipinas ang pamilya Marcos.  At, isa pa, kahit papaano ay may ginawang kitang-kita ang mga Marcos tulad ng Cultural Center Complex, pagpaayos at pagpalaki ng PGH, ang matibay na LRT, mga dalubhasaang ospital tulad ng Kidney Institute, Philippine Heart Center, atbp. Kung sasabihin ng mga pulitiko na may kapalit ang mga ginawa nila ng limpak-limpak na salaping nakurakot kuno…ang tanong ko sa kanila, sinong presidente ang hindi man lang INDIRECT RESPONSIBLE sa pangungurakot ng mga opisyal sa ilalim ng administrasyon nila?...hindi pwedeng maghugas ng kamay maski si Cory at anak niyang si Pnoy dahil sa tinatawag na COMMAND RESPONSIBILITY. Sa ngayon, ni hindi nga mamintina ang mga pasilidad ng gobyerno, lalo na ang hinayupak na MRT!

Ang pagtuwid ng kasaysayan ng Pilipinas na binaluktot ni Marcos ay pwedeng ituwid at hindi kailangan ang  mga rally para diyan. Isang batas lang ay pwede na at mga taong mapapagkatiwalaang magpapatupad….silang  mga nakatalaga sa mga ahensiya na may kinalaman sa isyung ito. Dapat tumigil na ang mga nagpapapansing mga grupo para lang masabing sila ay makabayan KUNO!...nice try, anyway!



0

May Galit din ako kay Marcos pero Hindi Hangal para Maki-ingay sa mga Laban sa Libing Niya

MAY GALIT DIN AKO KAY MARCOS PERO HINDI HANGAL
PARA MAKI-INGAY SA MGA LABAN SA LIBING NIYA
Ni Apolinario Villalobos


Muntik na akong mapahamak dahil sa lintek na Martial Law….

Nang ideklara ang Martial Law ay nasa fourth year college na ako. Tahimik ang bayan namin subalit biglang may dumating na mga “MISG” at tumira sa bahay ng Guillermo family na malapit sa eskwelahan namin. Isang araw makalipas ideklara ang Martial Law ay pinatawag ng namayapang mayor Jose Escribano ang lahat ng mga estudyanteng nasa kolehiyo sa plaza upang mapaliwanagan niya tungkol sa ginawa ni Marcos. Ang mga estudyante ay hindi kuntento sa mga paliwanag. Nang magtanong si Escribano kung sino ang gustong magsalita, mistulang itinulak ako ng mga classmate at ilang teacher ko sa stage kaya napilitan akong harapin ang mayor.

Habang nagsasalita ako laban sa Martial Law ay narinig ko ang sinabi ng close-in bodyguard ni Escribano sa kanya na, “ti ano mayor, ako na bahala sa iya?” (so, mayor, will you let me do something to him?)…na ang tinutukoy ay ako. Subalit narinig ko rin ang sagot ni Escribano na, “indi, kay kilala ko ang pamilya sina” (no, because I know his family) Vice-mayor kasi ang tiyuhin ko at ang bahay namin ay nasa tapat lang ng plaza kung saan ay may pinagawang “resort” si Escribano at doon na siya nag-opisina. Ganoon pa man, ilang sandali lang ay may mga putok nang sunud-sunod na nagmula sa di-kalayuang highway. Nag-black out ako, pero naramdaman kong parang may humila sa akin mula sa stage at nang nagkaroon ako ng hinahon ay nakita kong nagtatakbuhan ang mga estudyante. Nawala ang kapares ng sapatos na hiniram ko lang sa kuya ko. At ang lalong masakit, ay ako pa ang sinisi ng ilang teachers ko kaya daw nagkagulo at nag-alala silang baka biglang isara ang eskwelahan namin. Sa inis ko, ang dalawa sa kanila ay hinarap ko at sinumbatan din dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi ako napaakyat sa stage. Mula noon kasi, ay palagi nang may nakikitang “MISG” sa gate ng eskwelahan namin at halatang sinusundan ako sa gabi hanggang makauwi ako sa bahay pagkatapos kong ihatid ang isang kaibigan.

Tatlong araw makalipas ang pangyayari sa plaza, may lumapit sa aking kaibigan at nagsabi na may isang “Carmen Plana (Planas ?)” daw na “stranded” sa kumbento ng mga madre. Hindi ko siya kilala at bandang huli ko na lang nalaman na anti-Marcos pala siya. Bago ideklara ang Martial Law ay nag-iikot na pala siya sa General Santos, Koronadal at ang huli sana ay ang bayan namin subalit inabot siya ng pagdeklara nito. Humihingi daw ito ng tulong para “malusutan” ang checkpoint papuntang General Santos at kailangan pa ng sasakyan. May napakiusapan naman akong may-ari ng sasakyan na iminaneho ng kaibigan ko. Ang commander ng 12 Infantry Battalion (12IB) na nakatalaga sa amin ay kilala ko at namumukhaan din ako ng karamihan sa mga sundalo. Ginawan ko kasi sila ng isang kanta na ang title ay, “Ballad of the 12IB” dahil sa pakikisama ko sa kanila.  Nang panahon yon ay working student ako at nagtatrabaho sa DSW. Ang mga sundalo ng 12IB ang escort namin tuwing maghahatid kami ng relief goods sa mga lugar na may mga enkwentro sa pagitan ng “Ilaga” at “Black Shirts”.

Hindi na kami ininspeksyun nang dumaan sa checkpoint kaya hindi nila nakita kung sino ang mga nasa loob ng sasakyan. Nang dumating kami sa General Santos ay idineretso namin si Carmen sa isang address na sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos namin siyang ihatid sa General Santos.

Nang makatapos ako ng kolehiyo ay napasok ako sa PAL at na-assign sa Tablas station (Romblon) pero hindi naman tumagal doon at na-assign sa Tours and Promotions Office sa Manila. Kainitan noon ng mga protestang madugo laban kay Marcos. Ang hindi alam sa opisina at mga kasama ko sa boarding house sa Baclaran ay sumasama ako sa mga martsa mula US embassy hanggang Mendiola, kung day off ko. Ang nasasamahan kong mga grupo ay panggabi dahil iba naman ang grupong pang-umaga. Magulo ang martsa dahil lahat ng mga poste ng ilaw na madaanan ay niyuyugyog at ang mga plant boxes sa tabi ng mga bangketa ay hinahataw kaya ang mga maninipis ay talagang durog. Sinasabayan ang martsa ng mga sigaw. Nakagawa pa ako ng dalawang “Makabayan songs” na kinakanta ng maliit na grupong dinikitan ko. Subalit nang malaman kong ang nagpapagalaw pala sa mga nagra-rally ay mga komunista, kumalas na ako…hindi na sumama. Lalo pa akong nadismaya nang malaman ko na ang union ng ground employees ng PAL, ang Philippine Airlines Employees Association (PALEA) ay na-infiltrate na rin daw kaya nahahatak sa mga rally na ino-organize ng mga “pulahan”….bandang huli ay nahati ang union kaya nagkaroon ng gulo sa pamamalakad.

Ayaw ko sanang ilabas ang impormasyong ito,  pero gusto ko lang ipabatid na hindi ako ignorante sa mga pangyayaring may kinalaman sa Martial Law, at mabuti na lang dahil ako ay  nahimasmasan agad…kung hindi ay baka na-erase na ako sa magulong mundong ito! Ang mga nagra-rally laban sa pagpapalibing LANG sa isang bangkay, alam kaya ang ginagawa nila?.. o gusto lang nilang makita sa TV at diyaryo ang mga mukha nila!

Ngayon, hindi ako hangal upang harangan ang pagpapalibing sa isang patay na nang kung ilang napakaraming taon...PARA ANO PA?

Ang pinakahangal na balak ay ang paghain ng isang kongresista ng panukala niya sa korte upang makalkal ang pinaglibingan ni Marcos at mailabas ang bangkay niya sa sementeryong nakakainis nang banggitin ang pangalan dahil nasalaula nang paglibingan din ng isang aso! Kahit sa isip lang, ang balak na paghukay ng libing ng patay, ang sa palagay ko ay PINAKA-NAKAKARIMARIM at SUKDULAN sa PAGKAMALA-DEMONYO...DAHIL MALINAW NA HINDI MAKA-KRISTIYANO! WALA PA AKONG NALAMANG BANGKAY NA HINUKAY SA LIBINGAN DAHIL LANG SA PUTANG INANG PRINSIPYO NA DISINTUNADO!



0

Bukas na Kaisipan at Pagpapatawad sa Kabila ng Naranasang Sakit by Melvyn Avancena Aradanas

Posted on Saturday, 19 November 2016

Bukas na Kaisipan at Pagpapatawad sa Kabila ng Naranasang Sakit
By: Melvyn Avanceña Aradanas

Mabuti pa si Celia Laurel at naiintindihan na karapatdapat si Marcos na mailibing sa LNMB.
Sa mga di pa nakakaalam, dadalawa lamang ang dahilan upang ma-disqualify ang isang tao upang mailibing sa nasabing Libingan.

Una, kung ito ay natanggal sa serbisyo sa pamamagitan ng "dishonorably discharged".
Pangalawa, kung ito ay nasentensiyahan with finality sa isang krimeng patungkol sa moral torpitude.
Sa dalawang nasabing disqualification, si Marcos ay hindi dishonorably discharged at lalong hindi nasentensiyahan ng korte "for committing a crime involving moral torpitude".

Kung bubuksan at palalawakin lamang nitong mga di sumasang-ayon sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB ang kani-kanilang isip at pag-intindi, napakaliwanag na naayon sa regulasyon ng Libingan ang nasabing pagpapalibing.

At tama rin naman ang Korte Suprema sa pagpapasyang hindi inabuso ni Pangulong Duterte ang kanyang diskresyon sa pagsangayon sa pagpapalibing.

Maintindihan sana ng marami na wala sa Korte Suprema o alin mang korte, ang jurisdiction upang payagan o hindi ang pagpapalibing kay Marcos o kaninuman sa nasabing LNMB, na ayon sa history nito ay pinalitan ang pangalan nito sa panunungkulan ni dating Pangulong Magsaysay. Pero ito ay maari nating pag-usapan sa susunod mating artikulo.

Sa reklamo naman na umano ay palihim (stealthily/secret ayon sa iba), na pagpapalibing, karapatan ng pamilyang Marcos ang pagpapasya kung kelan ito gagawin at wala silang obligasyon kaninuman upang magpaalam pa.

Ang lagi pa nga nating tanong tuwing ating napagaalaman na merong namatay na kakilala ay, " Kelan ang libing?", "Meron pa bang hinihintay na kamaganak galing abroad?".
Never tayong nagdidikta sa pamilya ng namatay kung kelan nila dapat ilibing.

Hindi rin naman tayo umaasa at naghihintay ng imbitasyon upang makipaglibing.
Bakit ngayon kay Marcos ay nànggagaliiti itong mga tulad nina Leni, Kiko, Riza at iba pa nuong ipalibing na si Marcos gayung matagal nang nailabas ang pasya ng Korte Suprema?

Nakisali pa ang marami sa pagprotesta na lingid sa kaalaman ng marami na ang dahilan ng masidhing galit ng mga rally organizers ay nabigla sila samantalang di pa nila naisasaayos ang pangangalap ng mga tao at di pa natatapos ang placards at tarpauline para sa binabalak nilang kilos protesta.

Kung sana ang bawat isa sa atin ay maging màpagmatyag, himayin ang mga issue at sikapin at isipin ang kapakanan ng mas nakakarami bago pa man makilahok sa anumang mga pagkilos, mas higit na magiging maayos, tahimik at progresibo itong ating bayan.

Nawa'y magsilbing paalala sa bawat isa ang mga salita ni Rev. Martin Luther King, Jr. na " we must learn to live together as brothers or perish together as fools".
Mabuti pa talaga si Celia.

0

Ang Mga Dapat Gawin ng mga Anti-Marcos Groups sa halip na Magpapapansin sa Pamamagitan ng mga Rally

ANG MGA DAPAT GAWIN NG MGA ANTI-MARCOS GROUPS
SA HALIP NA MAGPAPANSIN SA PAMAMAGITAN NG MGA RALLY
Ni Apolinario Villalobos


KUNG MAGKAKAISA ANG LAHAT NG MGA NAGSASABING NAKADANAS NG PAGMAMALUPIT NOONG PANAHON NG MARTIAL LAW, SA HALIP NA MAG-IINGAY UPANG MAKATAWAG LANG NG PANSIN, AY PWEDE SILANG MAGSAMPA NG KASO SA MGA BUHAY PANG HENERAL LALO NA KAY FIDEL RAMOS, JUAN PONCE ENRILE, AT ANAK NI VER. SINA RAMOS AT ENRILE AY MAY MALALAKING PANANAGUTAN DIN DAHIL NANG LUMIPAT SILA SA KAMPO NI CORY AQUINO AY NAKAGAWA NA SILA NG MGA BAGAY NA AYON SA MGA BIKTIMA NG MARTIAL LAW AY NAGPAHIRAP SA KANILA.

BAGO LUMIPAT KAY AQUINO ANG DALAWA AY NAKAPAGPAKULONG NA SILA NG MGA DAAN-DAANG KALABAN SA PULITIKA, AT MAAARING SANGKOT DIN SA PAGKAWALA NG MGA SINASABING “DESAPARECIDOS”. INAMIN NI ENRILE NA ISA SIYA SA MGA BUMALANGKAS NG MARTIAL LAW. ANG ANAK NI GENERAL VER NA SANGKOT DIN AY BUHAY PA. KUNG MAGRI-RESEARCH ANG MGA ANTI-MARCOS GROUPS AY MARAMI SILANG MAILILISTANG MGA PERSONALIDAD NA SANGKOT UPANG MAKASUHAN.

DAHIL DIYAN AY HUWAG MAGBULAG-BULAGAN SI LAGMAN LALO NA SI TRILLANES, AT IBA PA NA MAINGAY SA PAGBATIKOS KAY MARCOS SA KATOTOHANANG SANGKOT DIN SINA RAMOS AT ENRILE, AT IBA PANG MGA HENERAL SA MGA PAHIRAP NOONG PANAHON NG MARTIAL LAW. HUWAG NILANG I-SENTRO LAMANG KAY MARCOS ANG PAG-AALBURUTO NILA, LALO PA AT PATAY NA ITO. HUWAG NILANG SISIHIN ANG MGA ANAK NI MARCOS DAHIL BILANG MGA ANAK AY HINDI SILA PWEDENG MAGBINGI-BINGIHAN SA MGA MASASAKIT NA SALITA LABAN SA KANILANG TATAY KAYA NAPIPILITAN NA RIN SILANG SUMAGOT.

KUNG PAPANSININ, ANG MGA TAGA-MAYNILA LANG NAMAN ANG MAIINGAY SA PAGBATIKOS SA PATAY NANG SI MARCOS. ANG MGA NASA IBANG PANIG NG BANSA AY TAHIMIK DAHIL GUSTO NILANG MAG-MOVE ON NA LALO PA AT MARAMING PROBLEMA ANG KINAKAHARAP ANG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NA MINANA NITO MULA SA MGA NAGPABAYANG MGA PRESIDENTE MULA KAY CORY AQUINO HANGGANG SA ANAK NIYANG SI PNOY AQUINO. DAHIL KUNG NOON PA LANG PANAHON NI CORY HANGGANG SA MGA SUMUNOD PANG MGA ADMINISTRASYON AY TUMULUY-TULOY LANG ANG PAGKAKASO LABAN SA MGA TAUHAN NI MARCOS NA BUHAY PA, PATI SA PAGBAWI SA SINASABING NAKAW NA YAMAN, SANA NGAYON KUNG MAY NATIRANG PROBLEMA AY KAUNTI NA LANG. AT, MALAMANG AY NAHARANGAN ANG PAG-UWI NG PAMILYANG MARCOS PATI ANG BANGKAY NG PADRE DE FAMILIA NILA.


SA ISANG BANDA AY KADUDA-DUDA ANG BIGLANG PAG-IINGAY NG MGA GRUPONG ITO NA HALATANG GUSTONG BULABUGIN LANG ANG MGA GINAGAWA NI DURTERTE….GUSTO NILANG MAKADAGDAG NG PROBLEMA.  NAGKAROON SILA NG BUTAS NA MASISILIP….AT SINO KAYA ANG PROMOTOR????!!!

0

Inupuan ng mga Presidente ang mga Isyu Laban kay Marcos

INUPUAN NG MGA PRESIDENTE
ANG MGA ISYU LABAN KAY MARCOS
Ni Apolinario Villalobos

Nang palitan ni Cory Aquino si Ferdinand Marcos bilang presidente, ang nahirang na mamuno sa Philippine Commission on Good Government (PCGG) ay si Jovito R. Salonga. Pero sa librong isinulat niya na, “Presidential Plunder (The Quest for Marcos Ill-gotten Wealth)”, nakasaad doon
ang orihinal na pakay ng PCGG na para sa pangkalahatang pagbago tungo sa kabutihan ng pamahalaan. Nang aminin ni Salonga na hindi niya kaya ang responsibilidad, niliitan ang masasakop ng PCGG sa pagbawi na lamang ng nakaw na yaman. Sa kabila ng desisyong iyan ay hindi pinalitan ang pangalan ng komisyon na dapat sana ay limitado na ang tinutukoy sa ill-gotten wealth. Ito ay isang indikasyon na sa panahong yon ay walang direksyon ang administrasyon ni Cory Aquino, lalo pa at nakasaad din sa libro na bandang huli ay nahirapan na si Salonga na makipag-usap sa kanya dahil napaligiran na ito ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak na unti-unting nagsulputan. Ang iba ay dating maka-Marcos na nagpalit lang ng kulay na animo ay mga hunyango. Resulta: hanggang sa bumaba si Cory ay walang nangyari sa magaganda sanang plano ni Salonga.

Noong panahon pa rin ni Cory ay halos wala ring nangyari sa mga reklamo laban sa mga opisyal at taga-military na nagmalupit sa mga estudyante at iba pang mga anti-Marcos na mga Pilipino…na ang iba ay hindi malaman kung patay na o buhay pa dahil basta na lang naglaho. Ang mga grupong sumuporta kay Aquino sa pagpatalsik kay Marcos ay animo “natulog” dahil walang narinig mula sa kanila, kahit hanggang sa panahong bumalik sa Pilipinas ang pamilya Marcos, hanggang pati ang bangkay ng dating diktador ay naiuwi sa Ilocos. Unti-unting bumalik sa pulitika ang mga Marcos – lahat sila, maliban kay Irene na walang hilig sa pulitika. Sa kabila niyan ay walang ginawang pag-iingay ang mga grupong anti-Marcos dahil ang pinagtutuunan nila ng pansin ay ang walang kamatayang anti-US rallies.

Nang pumalit ang iba pang presidente ay matamlay ang aksyon tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa Martial Law lalo na ang pagbawi ng ill-gotten wealth. Nang maging presidente si Pnoy Aquino, lalong walang nangyari. Ang mga rally ng mga anti-Marcos kahit walang kadahi-dahilan ay ginagawa pa rin ng mga maka-kaliwa sa harap ng US embassy, sa halip na magsampa ng mga kaso laban sa mga Marcos. Nang pumutok ang balitang natatalo na ang Pilipinas sa isyu ng ill-gotten wealth….wala pa rin silang ginawa. Nang magalit si Imelda Marcos dahil nakita niyang suot ng isang asawa ng isang government official ang mga alahas niya na dapat sana ay nasa pangangalaga ng Central Bank…wala ring ginawa ang mga leftist groups na ito. Nang magsalita si Imelda Marcos tungkol sa ill-gotten wealth na nagkamali daw ang gobyerno dahil hindi siya kinakausap upang mapag-usapan ang isyu….wala ring ginawa ang mga anti-Marcos.

Subalit sa isyung paglibing ng isang sundalo na naging presidente sa isang sementeryo na nagkaroon lang ng katagang “bayani” ay umalma ang mga grupong makabayan kuno. Napakalinaw naman ang mga dahilang naging sundalo at presidente si Marcos kaya may karapatan itong malibing sa sementeryong tinutukoy, subalit ayaw nilang tanggapin, dahil gusto na naman yata nilang magpa-istaring dahil sa tagal ng panahon ay hindi sila narinig. Kung ayaw nilang idugtong sa pangalan ni Marcos ang katagang “bayani”, pwede naman itong gawin kapag binabanggit ang pangalan niya sa mga libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at mga textbooks na ginagamit sa mga eskwela. Bahala na ang National Historical Commission, Department of Education, Culture and Sports, at Commission on Higher Education dito na ibabatay sa batas na kailangan lang ipasa, kaya hindi na dapat pang mambulabog ang mga maka-kaliwa.  

ANG TANONG KO ULI…BAKIT HINDI HINARANG NG MGA MAKABAYAN KUNONG MGA GRUPO PATI NA ANG MGA MADRE AT MGA PARI, ANG PAGBALIK NG MGA MARCOS, LALO NA ANG BANGKAY NG DATING PRESIDENTE, SA PILIPINAS? BAKIT HINDI NILA TANGGAPIN ANG KAPABAYAANG YAN NA NAGING DAHILAN NG ANIMO AY “PAGAPANG” NA PAGBALIK NG PAMILYA AT BANGKAY NG PADRE DE FAMILIA NILA SA PILIPINAS?

TAMA SI DUTERTE SA PAGSABING KUNG MAY PROBLEMA ANG MGA GRUPONG ITO LABAN SA MGA MARCOS AY DAPAT SILANG MAGHAIN NG MGA KASO SA KORTE…SA HALIP NA MANGGULO SA KALYE NA LALONG NAGPAPALALA SA TRAPIK. GAMITIN NILA  DAPAT ANG PINANGANGALANDAKAN NILANG “DUE PROCESS”.

MAGKAKAROON BA NG TRABAHO ANG MGA PILIPINONG MATAGAL NANG NAKATAMBAY KUNG HINDI ILILIBING SI MARCOS SA SEMENTERYONG TINUTUKOY? BABABA BA SA 20PESOS ANG HALAGA NG BIGAS KUNG SA LAOAG ILILIBING SI MARCOS? MAWAWALA BA ANG PROBLEMA SA DROGA KUNG IPAPAKALKAL ANG NGAYO’Y NAKABAON NANG BANGKAY NI MARCOS?


0

Nang Sumaya at Mapaluha si "Mamang dahil sa Electric Organ na Second Hand

NANG SUMAYA AT MAPALUHA SI “MAMANG”
DAHIL SA ELECTRIC ORGAN NA SECOND HAND
Ni Apolinario Villalobos

Nai-blog ko na noon si “Mamang” na ang tunay na pangalan ay Erlando Almaez Ayuste. Tulad ng sinabi ko noon sa blog, nag-iisa sa buhay si Mamang at ang pinagkikitaan ay ang paggawa ng mga alahas na beads at pagtinda ng kape sa bangketa ng F. Torres St., sa Sta. Cruz district ng Manila. Nakakalibre siya ng tirahan dahil siya ang pinangasiwa ng may-ari ng tinitirhan niyang lumang commercial/residential building. Kasama sa responsibilidad niya ay ang paglinis dito. Sa labas lang ng pinto ng building nagpupuwesto si Mamang gamit ang isang lumang maliit na mesang pinapatungan niya ng mga tasa para sa tinitindang kape at mga materyales sa paggawa ng bead jewelries. Ang dinidispleyhan ng ilan lamang sa mga nagawa niyang alahas ay ang poste kung saan nakasabit ang mga ito, pero kung may gustong tumingin ng iba pa ay saka niya nilalabas upang mapagpilian. Mura ang benta niya ng mga alahas at madalas ding wala siyang benta kaya ang inaasahan niya ay ang kape.

Natutong tumepa ng teklado ng piyano si Mamang sa pamamagitan ng pagmasid sa piyanista ng simbahan ng Sta. Cruz church. May organ siya noon subalit nasira ng baha, kaya mula noon ay hanggang pangarap na lang ang kanyang ginagawa tuwing makita niya ang mga musical scores na naipon niya. Tuwing mag-usap kami ay palagi niyang nababanggit ang masasayang araw niya noong may organ pa siya.

Noong November 11, nang pasyalan ko siya ay masaya niyang ibinalitang magbi-bertdey siya at aabot na siya sa gulang na 80 taon, subalit naging matamlay uli nang banggitin niya ang organ. At, dahil sa desperasyon ay nasabi niya na gusto niyang sumulat kay presidente Duterte upang humingi ng tulong sa pagkaroon ng organ. Muntik na akong mabilaukan ng kape sa sinabi niya, pero dahil nakita kong seryoso talaga siya ay nangako akong ako na ang gagawa ng sulat niya at sisiguraduhin kong makabagbag-damdamin. Talagang bilib siya sa pagka-mahirap ni presidente Duterte kaya may pagka-inosente na pati ang pangarap niyang organ ay gusto niyang ilapit dito. Hanggang sa umuwi ako ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Mamang dahil awang-awa ako sa kanya, lalo pa at simple lang ang pinapangarap upang sumaya siya kahit nag-iisa sa buhay at hindi na rin siya tatagal sa mundo.

Nang banggitin ko isang umaga, sa isang kaibigan ang tungkol kay Mamang sabay tanong kung may kakilala siyang nagbebenta ng pinagsawaang organ ay nabanggit niya ang ginagamit niyang may kaunting diperensiya – biyak sa isang kanto at isang teklado sa bandang “itaas” o isa sa higher notes na  hindi tumutunog. Sa sobrang tuwa ko ay sinabi kong pwede na, kahit hindi pa niya sinasabi kung ibebenta niya ito at kung magkano. Lalo akong natuwa nang pumayag siya kahit wala pa kaming napag-usapang presyo. Isinama ako ng kaibigan ko sa loob ng bahay at tinesting ang organ na buo nga.

Nang hapong yon ay binalikan ko si Mamang at pinangakuang  ihahatid ko ang organ kinabukasan, Sabado ng madaling araw, bandang alas singko. Naisip ko yon upang makaiwas sa trapik mula sa Cavite, at ang pinakamahirap ay ang paghagilap ng malaking taksi na dapat ay ang modelong “Avanza” dahil hindi ko na tinanggal ang pagkakabit ng mga bahagi o ini-dismantle.

Kinabukasan, alas dos pa lang ng madaling araw ay gumising na ako upang maghanda, pero tiyempo namang umulan subalit naging ambon na lamang bandang alas kuwatro, kaya nakapag-abang ako ng taksi sa highway at dahil madalang, ay inabot ako ng lampas alas kuwatro bago nakakuha. Sa madaling salita ay nakarating ako kay Mamang pasado alas singko na. Kahit umaambon ay napansin kong nagpapakulo siya ng tubig sa lutuan niyang ginagamitan ng gaas (kerosene) sa bangketa para sa ibebentang kape. Alas kuwatro pa lang pala ng madaling araw ay inabangan na niya ako, kaya mabuti na lang at natuloy ang paghatid ko ng organ.

Maluha-luha pero tuwang-tuwa si Mamang habang hinihimas ang organ. Ayaw ko sanang gawin dahil sa pangakong hindi ko kukunan ng retrato ang mga nababahaginan ng biyaya, subalit naalala kong nabigyan ko pala siya ng printed copy ng unang blog ko sa kanya at nandoon ang tunay kong pangalan, kaya itinuloy ko na lang ang pagkodak sa kanyang nakatayo sa likod ng organ dahil nang madaling araw na yon ay naka-shorts lang siya. Masaya kaming nagkuwentuhan tungkol sa mga unang tutugtugin niyang piyesa. Next na project ko sa kanya ay ang paghagilap ng mga piyesa upang maipandagdag sa collection niya.

Ang nakakatuwa kay Mamang ay hindi niya alintana ang pagiging otsenta anyos na niya dahil hanggang ngayon ay nagsisilbi pa rin siya sa simbahan bilang miyembro ng Sta. Cruz Church Choir.

(Huwag sanang isipin ng mga nakakabasa nito na mayaman ako dahil nagagawan naman ng paraan kung paanong ang biyayang tulad ng pinangarap ni Mamang ay matatamo….maraming paraan.)





0

The Marcoos Era during my Time by Melvyn Avancena

Posted on Friday, 18 November 2016

THE MARCOS ERA DURING MY TIME
By: Melvyn Avanceña Aradanas

ABS-CBN has once again showed its biases, with the reports of their field reporters highlighting the protests around the country against the burial of the late President Marcos at the Libingan ng mga Bayani at noon today.

Zen Hernandez even went to the extent of interpreting the blowing of horns by drivers passing through EDSA as a sign of support to Anti-Marcos protesters causing congestion in EDSA.
The use of tags such as "dictator" by their reporters only amplified their biases.

Never did I hear them call former Presidents Fidel Ramos and Gloria Macapagal-Arroyo as "corrupt" for their involvement in the highly questionable AMARI deal and Fertilizer scam, respectively.
I am no avid Marcos fan, but I never also hate him for whatever "wrong" he has done either. Firstly because I am not privy to the truthfulness of the accusations hurled against him and his family.

My knowledge of what he supposedly have done wrong is based only on statements and posts of anti-Marcos. The same with the possible reasons of the Aquinos' and Coquancos' hate of Marcos.
I've also read somewhere about the source of the Coquancos wealth, which if true, is the first recorded mother of all scam.

Come to think of it. If the story that the national government's money was turned over by a high ranking General (was it General Antonio Luna?) to his girlfriend, Ysidra?, who incidentally is an ancestor of the Cojuancos, during the last days of the Phil-American War. The money involved is so huge that may dwarf the PDAF and DAP scam of late.

I was born a year after Marcos assumed the Presidency the first time. And I must admit, that other than the occasional news of skirmishes in some areas near Tacurong City when we transferred there in 1975, I never felt any sort of fear nor any member of my family or friends during those times.
As I am in no position to accuse Marcos of "dictating" on me, I therefore, would rather relish on the happy memories of my youth during the time of Marcos.

The weekend stroll with my family along the breakwater and the picnics near the lion statue in Magsaysay Park was always looked forward to by us. The stroll has always been our favorite where our Lolo Theodulo and Lola Toribia, together with my siblings and cousins Honeylet, Christian, Bongbong and Joyjoy would be treated to a balloon and ice cream.

And before I get drowned by great memories of the Marcos era, I am relating the same to show to all those who joined the anti-Marcos that not everything about Marcos is deplorable as dictated by their organizers.

Marcos may have done wrong, and so is Cory, Fidel, Erap, Gloria and Noynoy.
If we don't know how to forgive, what then do we expect from the next generation?
Are we going to continue wasting our time whining?

If there's one thing Marcos "dictated" during my youth, it was to dictate the level of happiness of children like me.