November 2014

0

The Act of Kindness

Posted on Sunday, 30 November 2014



The Act of Kindness
…a message to parents
By Apolinario Villalobos

The act of kindness should not be a means to an end, but the reason, in itself. In other words, we should not be kind to others, just because we want to go to heaven, but because we want to do it to for the sake of others. Acting kindly should be spontaneous. The act should form part of our habit. By acting this way, we will forget to count our indulgences which others are prone in doing. The act of kindness should end when the action is done, so that any return for such act is not considered.

In this regard, parents should stop telling their kids to be kind to others so that Jesus will love them. Children should be told to be kind, because by being so they are helping others. Of course, there is always Jesus or God or heaven as reasons every time we do kind acts. But, foremost, as our reason to be kind should be the expectation of us, as human beings, intelligent creatures, who should be kind to others. The clever guys may ask, what happens then to the Ten Commandments?

For the question above, I also ask, how about the aborigines who do not know God?... those in the hinterlands and jungles who have not seen a missionary, much more a Bible or a cross?  Don’t they have the right to go to heaven even if they have done acts of kindness, just because nobody told them about such an eternal paradise? The unconscious dispensing of kind acts by these people who, in the eyes of others are uncivilized, deserve more heavenly recognition that what some evil-minded, though, college or university-educated and church-going humans are doing!

Parents should tell their children that they should be kind to others because the latter deserve respect due them as human beings. And, blessings should be shared with them because they need the help to be able to survive. We should do only those, and just leave to God the judgment if our acts are worthy of a place in heaven. Again, we should not count our acts of kindness.

Every Christmas, some parents are even going farther, by warning their kids not to be bad because Santa Claus will not give them gifts. Christianity or any religion that observes Christmas never teaches that! Santa Claus is not even mentioned in the Bible or whatever book of any religion. Santa Claus just like the Christmas tree, is just a symbol of the pagan way of celebrating Christmas, to have a semblance of festivity. Christmas is all about the humble birth of Jesus Christ. And, what has been originally celebrated was the baptism of Jesus Christ.  It was only one of the early popes who thought of giving importance to the birthday of Jesus Christ, with the exact date not yet even officially established, and to give it a facade of joyful celebration for the sake of the converted pagans, used their early practices that are still being observed today.

A mother confided to me that when she told her child that Santa Claus is a missionary, the child in all innocence, asked her mother why he does not wear a cross, or carry a Bible! The mother was caught flat-footed, and she told me that she felt so ashamed of what she told her child, vowing never to tell her lies again.

The erroneous way of developing kindness in the personality of a child has done its toll. The wrong notion about kindness has become an integral part of the obnoxious attitude of some children which they will pass on to their own children when they become parents, themselves. The world is so full of children with this kind of attitude, with the parents themselves, to be blamed for their “spoiled” upbringing. This is a general observation. If some parents are doing the right thing, they need not react defensively. Unfortunately, I may be pessimistic, by sharing that I see no end to this vicious cycle. Only voluntary contrition of parents may help. But how many parents are willing?





0

Ang Common Sense na Hindi naman Common



Ang Common Sense
Na Hindi naman Common
Ni Apolinario Villalobos

Hindi maintindihan kung minsan ang takbo ng isip ng tao. Kung ano ang bawal, halimbawa, ay siya niyang gustong gawin. Kung ano ang dapat gawin, ay siya namang pinakaiiwasang gawin. Ang katinuan kadalasan ay wala sa ayos, dahil ang tinatawag na common sense, na dapat ay palasak at dapat palaging nandiyan lang sa kanyang katauhan, ay siya namang palaging wala.

May isa akong kaibigan na mabilis ang pagkahulog ng katawan kaya bukod sa namumutla na ay namamayat pa, yon pala ay may diabetes at may diperensiya na ang bato o kidney. Ilang beses ko na siyang pinayuhan noon pa mang malusog pa siya, tungkol sa mga halamang gamot o mga herbal medicines. Hindi pala sinusunod ang payo ko lalo na ang mga tungkol sa pagkain at mga bawal na bisyo, kaya natuluyang gumastos sa pagpapadoktor at pagbili ng mga mahal na gamot. Isang araw ay sinabi niya na “magpapabulong” daw siya sa isang arbularyo sa isang karatig na lalawigan. Sa ganoong gamutan, binubulungan daw ng arbularyo ang bahagi ng katawang may diperensiya.

Tinapat ko siya na pang-doktor ang sakit niya dahil hindi naman siya kinukulam. Dagdag ko pa, kung ano mang gamot ang “ibubulong” ng arbularyo ay siguradong mga halaman din na alam na ng lahat, kaya walang bago sa aasahan niyang gamutan. Ayaw pa ring paawat, itinuloy ang biyahe nila ng nakilala niyang “magpapabulong” din. Nang makauwi, binalitaan ako na ganoon nga ang nangyari – sinabihan siya ng arbularyo na itigil ang mga pagkaing bawal, at ang mga halamang sinabi sa kanya ay kapareho ng mga sinabi ko na sa kanya noon pa! Nagpagod na siya, gumastos pa!

Ang isa namang kaibigan ay walang inaasahan, maliban sa pagtinda sa palengke. Dalawa ang anak na suhod ang luho tulad ng mamahaling cellphone at mga damit. Pati sa pagkain ay pihikan ang mga ito, dahil ayaw kumain ng gulay at mumurahing isda – kinunsinti kasi ng kaibigan ko, maliit pa lang sila. Nang payuhan ko ang kaibigan kong maghinay-hinay sa pagsunod sa luho ng mga anak, ang sagot niya ay “sige lang…ngayon lang naman nila matitikman, eh…”. Halos isang kahig, isang tuka ang pamumuhay nila dahil ang perang ginagamit ay regular na inuutang sa ilang tao na nagtiwala sa kanya, at pinapaikot-ikot lamang niya upang makasambot sa pagbayad. Ang maling uri ng pagpapakita ng pagmamahal na ito ang halata nang nakakasira sa pag-uugali ng mga anak niya.

Ang uri ng buhay na meron tayo sa mundo ay batay sa takbo ng ating katinuan at common sense. May tinatawag na maluhong pamumuhay, may pabayang pamumuhay, may maingat na pamumuhay, may malusog na pamumuhay…marami pang iba. Ang talino natin ay nakokontrol ng katinuan at common sense, dahil kung hindi, ang talinong ito ay hindi magagamit ng maayos. Ito ang dahilan kung bakit sa ibabaw ng mundo ay may naglilipanang kriminal at mapagsamantala, ganoong ang iba sa kanila ay nagtapos sa mga de-kalidad na mga pamantasan at kolehiyo. Yong iba sa kanilang humantong sa mga opisina ng gobyerno ay mga corrupt. Yong iba na dapat ay tagapagpatupad ng batas ay naging bayaran.

Walang katumbas na halaga ng pera ang common sense o katinuan. May mga taong matino o may common sense na makikita sa mga kabundukan at nabubuhay sa pagkaing gubat. Mayroon ding mga namumulot ng basura at natutulog sa bangketa. Talo nila ang mga may diploma o master’s degree or doctorate na ang mga tanging laman ng isip ay kung paano kumita ng pera sa anumang paraan at manglamang ng kapwa.


0

Imelda

Posted on Friday, 28 November 2014



Imelda
(para kay Maria Imelda’Baby” G. Moll)

By Apolinario Villalobos

Ang mamuhay sa mundo’y maraming kaakibat –
Pakikipagkapwa na sa pagmamahal ay di salat
Pagmamahal sa kalikasan na turing nati’y ina
At pagpapatatag ng tahanan, lalo na ng pamilya.

Ang mga nabanggit, lahat ay nagawa ni Imelda
Ibinuntong hiningang reklamo, di marinig sa kanya
Kung mayroon mang himutok, kanyang sinasarili
Mga tugon sa problema, di niya ipinagbabakasakali.

Tulad ng iba, si Imelda ay mayroon ding ambisyon
Tugatog ng tagumpay, maabot pagdating ng panahon
Tulad din ng iba, kapalaran niya’y naudlot at nahatak
Sa biglang pag-asawa, si Imelda ay doon napasadlak.

Itinuring na guhit ng palad, lahat ng mga nangyari
Wala siyang sinisi, iba mang tao o kanyang sarili
Ang paghakba’y itinuloy subali’t iba nang nilalandas -
Maaliwalas ang mukhang nakatingin sa bagong bukas!

0

Be Like a Tree....



Be Like a Tree..
By Apolinario Villalobos

A tree, though standing still
and on a windless day
with not even a rustling leaf,
is still erect and majestic -
host to winged creatures
that in the sky frolic.

We can be like a tree
by being still and patient -
under a heavy burden
in times of challenges,
we should not waver
but strive more for success!

0

Ang Nakaambang Alalahanin Kung Politician ang Maging Kalihim ng DOH



Ang Nakaambang Alalahanin
Kung Politician ang Maging Kalihim Ng DOH
ni Apolinario Villalobos

Kung aalagwa ang kaso laban kay Ona batay sa mga katiwalian sa Department of Health (DOH), na inaasahan na,  siguradong mapapatalsik ito sa kanyang puwesto. At, ang pumuporma na maliwanag pa sa sikat ng araw ang hangad na maupo sa puwesto ay isang politician, si Janet Garin.

Ang kalakarang pagtalaga ng mga Presidential appointees sa mga puwesto ng mga sensitibong ahensiya ang isa sa mga nagnanaknak na kanser na nagpapabulok ng gobyerno ng Pilipinas. Lahat na halos ng mga ahensiya ay puro political appointees ang mga kalihim kaya sumasabay sa paggawa ng mga katarantaduhan dahil co-terminus ng Presidente ang kanilang pagkatalaga. Ibig sabihin, “strike while the iron is hot”. At kung wala na sila, wala na ring masisisi. Aasa pa ba tayo sa bulok at makupad pa sa pagong na pag-usad ng hustisya sa ating bansa?

Ang DOH ay isang masaganang larangan ng oportunidad upang kumita. Katulad ng DSW at Department of Agriculture, nakikitaan ang DOH ng mga proyekto na ang closure ay hindi nangangailangan ng mga tangible o nakikitang patunay. Ang maraming kailangang proyekto para sa “ikabubuti” daw ng mga mamamayan, ay nagkikislapan sa sagisag ng piso! Malapit din ito sa mga tao, kaya magandang springboard ng ambisyosong pulitiko.

Hindi maayos ang sistema ng DOH sa kabuuhan, dahil ang budget nito ay hindi nagagamit sa magandang paraan. Ipinapasa nito sa lokal na pamahalaan ang mga kapalkan na resulta ng kanilang kapabayaan. Nakakalusot sila dahil mahina rin ang ahensiyang dapat ay nag-aawdit, ang Commission on Audit (COA), dahil kung ginawa lamang ng huli ang trabaho nito ay hindi dapat nakakalusot ang pagbili halimbawa, ng gamot pambakuna na sa umpisa pa lang ay mismong WHO na ang nagsabi na hindi angkop sa pangangailangan ng Pilipinas. 

Sa pagkawala sandali ni Ona, may itinalaga na isang “acting”, pero sa ilang araw pa lang nitong pag-upo sa puwesto ay nakitaan na agad ng pagka-“overacting”, at pagkamakasarili dahil marahil ang tingin niya sa ahensiya ay isang tuntungan na magagamit niya sa pagsulong ng kanyang ambisyon sa pulitika…ayon yan sa mga brodkaster na nagmamatyag.

Ano na ang nangyari sa Career Service Program ng gobyerno? Bakit hindi ibigay ang pagkakataon sa mga Career Service Officers na nakapila upang mapausad ang kanilang karera? Ang iba na deserving o karapat-dapat ay inabot na ng retirement o kamatayan, ngunit hanggang Assistant Secretary lang ang inabot, ni hindi man lang nakatikim ng kahit sandaling appointment bilang Undersecretary.

Kung hindi mababago ang ganitong kalakaran na isang malinaw na instrumentp ng korapsyon, wala ngang kahihinatnan ang ating bansa…habang buhay na itong gagawing palabigasan lamang ng mga tiwaling opisyal. At, ang kawawa ay ang mga Pilipino na nagpapawis at nagpapakahirap upang makabayad ng buwis, na wala namang katumbas na kaginhawahan!