Abot-Kamay ang Pangarap ...kung magsisikap (para kay Cholo at Nel)
Posted on Sunday, 6 July 2014
Abot-Kamay
ang Mga Pangarap
…kung
magsisikap
(para
kay Cholo at Nel)
Ni Apolinario Villalobos
Nakadikit sa ating pagkatao ang pangarap
Ito ay nasa sulok ng ating diwa
Na pagdating ng tamang panahon
Ay nakakanti kaya nagigising, bumabangon.
Ang mga pangarap nati’y silbing mga gabay
Nang tayo’y ‘di maligaw ng landas
At ang lakas na sa atin ay bigay nila
Panggising na may ngiti sa umaga’t masaya.
Sa ating pagsulong, lumingon din sa
nakaraan
Upang magkaroon tayo ng batayan
Ito ang dapat gawin, dapat ding isipin -
Silbi nito ay pananggalang sa mga
susuungin.
Dapat ay iwasan ang mabulagan ng mga tukso
Na minsan sa isip ay nagpapalabo
Nagpapahina ng ating mga desisyon
Na ang dulot ay pagsisisi pagdating ng
panahon!
Discussion