Ang Ospital ng Makati na may Letrang "B", at Ang Pagdugo ni Janet Lim-Napoles
Posted on Tuesday, 1 July 2014
Ang
Ospital ng Makati na may Letrang “B”
At
Ang Pagdugo ni Janet Lim Napoles
Ni Apolinario Villalobos
Marami ang nalungkot nang hindi ibinalik si
Napoles sa kanyang bahay-bakasyunan sa Tanay, pagkatapos ng itinakdang panahon
ng pamamahinga nang siya ay operahan sa Ospital ng Makati. Inasahan ko na ito –
gagawa at gagawa ng paraan upang maantala ang paglabas niya sa ospital, at ang
naisip ay ang pagdugo daw niya at diabetes.
May kaibigan ako na ang asawa ay sumailalim
din sa operasyong katulad ng ginawa kay Napoles. Nakatira sila sa isang maliit
na bahay, kinakapos pa ng pagkaing masustansiya, kung minsan pati gamot na
nireseta, pero nakakaraos. Ang sabi ng doctor ni Napoles, sa Tanay daw ay hindi
siya pwede dahil pati tubig na pampaligo at pambuhos sa kubeta ay sinasalok
niya sa poso, at ang balde ay siya daw mismo ang nagbibitbit.
Kung diabetes ang problema, may mga gamot
naman at ang mga sosyal niyang doctor na taga-St. Lukes ay pwedeng regular na
pasyalan siya. Pansamantala, pwede sigurong bigyan siya ng female warden o
police woman na aalalay sa kanya. Marami ring tauhan doon na maaaring maghakot
ng tubig para sa kanya. Kung gusto niyang madagdagan ang lamig ng bahay,
dagdagan ang bentilador.
Sa pagka-wise ng mga abogado at mga doktor
ni Napoles, baka pinag-iisipan na nilang papedikyuran ito at sadyang pasugatan
ang mga daliri sa paa upang hindi gumaling, dahil diabetic nga. Ang nagagawa
nga naman ng pera! Maraming nababayarang taong kayang lunukin ang prinsipyo.
Nagustuhan yata ni Napoles ang ospital ng
Makati. Ang sabi ng isa kong kaibigan paborito siguro niya ang letrang “B” na
nakikita sa mga sulok nito. Pati daw sa kisame meron ding ganitong letra…yan
ang sabi naman ng isang kilala ko na-confine na doon. Sabi ko sa kanya, hindi
lang sa Makati merong letra na animo ay tatak ng pag-aari. Meron din sa ibang
lunsod, subali’t upang hindi mahalata ay dinadaan sa kunwari ay mga slogan
subali’t hina-highlight ang tatlong letra, mga initial ng pangalan ng nakaupong
mayor.
Ang payo ko sa mga naghihimutok, magdasal
na lang, nasanay na rin lang sila sa mga epekto ng mga kabalbalang pagnanakaw
ng mga corrupt na mamababatas at iba pang opisyal ng pamahalaan. Pati ako sanay
na rin, kaya nauunawaan ko na ang mga letra ay nagpapahiwatig na saang sulok
man ng ating kawawang bansa tayo tumingin, nakikita natin ang mga nakakasukang
tatak ng corruption.
Discussion