Debora
Posted on Wednesday, 16 July 2014
DEBORA
(para kay Debora Tirol)
ni
Apolinario Villalobos
Hindi miminsang siya ay napaluha
Buhay niya’y halos mawalan ng
pag-asa
Subali’t ang Diyos ay sadyang
mapag-aruga
Sa isang taong matiisin na
katulad ni Debora.
Maliit pa lang, anino na niya ang
lumbay
Mga siphayo, sa buhay niya’y
nagbigay- kulay
Na kung sa iba nangyari ay maaari
nang bumigay
Nguni’t iba si Debora, lumalaban
sa unos ng buhay.
Sa bilugin niyang mga mata’y
mababanaag
Pagkataong kristal man, ‘di basta
mababasag
At ang katapangan na palagi na
niyang kalasag
Suhay niya sa buhay upang maging
lalong tumatag.
Para kay Debora, bawa’t umaga’y
may pag-asa
Pati apat na supling, nagbibigay
ng lakas sa kanya
Sila’y inspirasyong laging
nagtutulak sa kanya,at sana –
Habang buhay niyang malasap ang
natupad nang ligaya
………..katuparan sa piling ng
kanyang mahal na pamilya!
Discussion