Muli't muli...Babangon Tayo!
Posted on Tuesday, 1 July 2014
Muli’t muli…Babangon Tayo!
Ni Apolinario Villalobos
Hindi lang isang masakit na hagupit ng
kalikasan
Ang sa Pilipinas ay naminsala ng ganoon na
lang
At sa kabila ng lahat ng mga nangyaring
siphayo
Muli’t muli…babangon tayo, dahil tayo’y
Pilipino!
Parang kawayan na sa malakas na ihip ng
habagat
Umiindayog, lumiliyad na animo’y bihasang
acrobat
At bumabalik sa pagkakatayo na
tiyesong-tiyeso
Ganyan tayo, nakakaraos na muli, dahil
Pilipino!
Mayroon mang pumiyok, humagulhol at umaray
‘Di tumatatagal dahil tanggap na ganyan ang
buhay
Sa tindi ng ating pananalig sa naglalang sa
mundo
Naipapakita natin ang ating katatagan
bilang Pilipino!
Salat man sa pera, magiliw pa rin tayo at
masayahin
Kaya pati mga dilubyong darating pa ay
kayang tiisin
Sa ating naiibang katatagan at panalanging
taos-puso
Namumukod tangi tayo sa mundo – tayong
Pilipino!
Discussion