Mga Latak ng Lipunan
Posted on Tuesday, 1 July 2014
Mga
Latak ng Lipunan
Ni Apolinario Villalobos
Nakikita natin silang palabuy-laboy sa
paligid
Ang iba ay halos hubad, mukha’y
nanlilimahid
Merong mga paslit, merong halos ay hilahod
Iba ay sa tabi nakasalampak, gutom at
pagod.
Iba sa kanila, mapalad dahil sa pansing
ibinigay
Naabutan ng baryang makislap, o isang
tinapay
Meron namang kahi’t anong pilit na
pagsumamo
Ang kinalabit ay matigas, parang estatwang
bato.
Kung unawain, maraming dahilan, ba’t sila
ganyan
May pumili ng kawalan ng ambisyon at
katamaran
Marami ring naging biktima ng masamang
tadhana
Bagay na ‘di man nais, sa kanila’y
nagsadlak sa dusa.
Mga latak ng lipunan kung ituring ng
iba…’di dapat
Sila’y mga tao rin, at kung damdamin,
merong sapat
Maraming hindi gusto, itong sa kanila ay
nangyayari
Kaya nagpipilit makabangon, nagpipilit na
magpursigi.
Sa may maalwang buhay na idinulot ng mga
tagumpay
Huwag sanang libakin, mga taong animo
walang saysay
Huwag sanang duraan at lalong huwag silang
pandirihan
Nilalang din sila ng Diyos, at sa buhay ay may
karapatan!
Discussion