Ang SONA ni Pnoy/28July2014
Posted on Friday, 25 July 2014
Ang SONA Ni Pnoy/28July2014
Ni Apolinario Villalobos
Ito na… ito na naman ang SONA ni Pnoy
Mga makikinig, nakaismid, nagkukuyakoy
Palagi na lamang ganito ang nangyayari
Dahil nakakaantok uli, kanyang masasabi.
Taun-taon, nagwi-wait nito, mga senadora
Na sa red carpet, animo sila’y nagrarampa
Pakapalan ng make-up, pataasan ng takong
Sa paglakad nila, naka-ungos, pangong ilong.
Ang SONA ni Pnoy, ginagastusan ng malaki -
Milyones, pero mga kaalyado, “no” ang sabi
Mga hangal, ‘di na nahiya sa kanilang sarili -
Sa kapal ng mukha, nawalan na ng identity!
Inaasahan, say ni Pnoy ay hindi siya kawatan
Dagdag pa, mga ginawa niya sa buong bayan
Pero noon pa man ay ‘di na siya pinaniwalaan
Sampu ng kanyang mga kaalyado at *kabarilan.
Sasabayan siya ng mga ikakalat na mga rally
Gagawin ng mga manggagawa’t estudyante
Ipapamukha kay Pnoy, ang mga pangyayari –
Mga tunay, hindi kathang-isip, at hindi hinabi.
Ipapakita ni Pnoy ang galing sa pagtalumpati
Na bebetsinan ng kanyang matamis na ngiti
At ang inaasahang hindi makalimutang masabi
Ay ang panduduro kay Aling Gloria ng mga sisi.
Inihandang pagkain, halos 1K daw ang halaga
Ito yong gastos sa bawa’t kakain na bisita nila
Fried chicken lang daw at ilang mga chicheria
Payak na paghahanda lang daw ayon sa kanila.
Ang kongreso ay binihisan din ng panibago kuno
May bagong kulay, pati mga aircon units ay bago
Mga kung anu-ano pang kaitsengan ang dinisenyo
Kung susumahin, kinita kaya ng ilan ay…magkano?
Sabi ni Juan, puro salita…ampaw at walang laman
Yan ang SONA na darating ay dapat nang asahan
SONA na dapat sana ay isang magandang balitaan
Subali’t inabuso’t ginamit para sa mga kayabangan.
Ang inaasahang marinig, ni isang kataga, ‘di masambit
Sa baya’y nagpapagalit, sa damdami’y nagpapangitngit
Akala ng Pilipino, kaunlaran sa bayan ay kanyang bitbit
Wala pala, dahil si Pnoy ay
“presidenteng hinog sa pilit”.
Kaya sa SONAng darating, ihanda ang tenga sa paninisi
Kung may marinig na nakakahayblad, just take it easy
Dahil alam na rin nating lahat kung ano ang mangyayari
Makinig at palusutin sa tenga, mga ampaw na masasabi!
Asahan pa rin sa SONA, nakakabinging mga palakpakan
At mga hiyawan ng kanyang mga classmates at kaibigan
Siguradong mayroong magta-thumbs up at magsisipulan
At yong mga sagad sa butong sipsip, ay baka mag-iyakan.
Thank you…thank you, mula kay Pnoy ay yan ang isasagot
Sa mga taong papalakpak sa talumpati niyang nakakabagot
Pero sa Pilipinong ang buhay, hirap at gutom ang nakabalot
Ang ilang oras niyang pagpapapogi ay mistulang bangungot!
Mabuhay ang Pilipino!
Kahi’t gutom,
pinipilit tumayo
Mabuhay ang Pilipino!
Ayaw nang yumuko sa
mga manloloko!
Discussion