Maynila...sa mata ng bagong salta
Posted on Wednesday, 30 July 2014
Maynila…sa mata ng bagong salta
ni
Apolinario B Villalobos
Hindi
ko na maalala pa
Ang
ibang yugto ng aking buhay
Mula’t
sapul nang ako ay lumisan
Sa
aking sinilangang bayan
Kung
saan ang nakagisnang pagdarahop
Ay
bahagi na ng buhay
Ng
mga taong kakambal ay hirap
Nguni’t
hindi nagsisisihang magkakapitbahay.
Musmos
na isip at murang katawan
Ang
nagpatianod sa tawag ng pangako
Kumukulo
ang tiyan sa kawalan ng laman
Dahil
iilang pirasong barya
Hindi
magasta-gasta
Sa
pag-aalala na kapag mga ito’y nawala sa
bulsa
Sa
laot ng buhay na malupit pala
Ay
lalo akong magmumukhang kawawa.
Puyat
at pagod ay di ko inalintana
Sa
pag-aakalang bukas ako’y may pera na
Kaya
halos hilahin ko ang araw
Sa
kanyang pagbaba doon sa kanluran
Para
mapadali ang pagdatal ng kinabukasan
At
mga ilang araw pa nga ang nagdaan
Narating
ko ang Maynila
Lunsod
ng iba’t ibang kulay at mukha.
Hindi
ko mawari ang unang naramdaman
Nang
ako ay unang tumapak sa pantalan
Para
pa rin akong namamalikmata
Sa
aking mga narinig at nakita-
Walang
kapatirang daloy ng tao
Ingay
ng nagtatawanan at naglalako
Kaya’t
ang dating masaya
Kagya’t
na pumalit ay takot
Nabahid
sa aking mukha…
Sa
sarili, nasabi ko na lang -
“Ah,
ito pala ang Maynila”.
Discussion