0

Isang Interbyu ng taga-Bureau of Customs

Posted on Saturday, 12 July 2014



Isang Interbyu ng taga- Bureau of Customs
Ni Apolinario Villalobos

July 11, 2014, may ininterbyu sa radyo na spokesperson ng Customs dahil sa mga nakumpiskang kontrabandong  drum-drum na diesel na napalitan ng tubig ang laman. Wala daw mga kaukulang papeles sabi ng taga-Customs kaya itinuring na kontrabando ang mga ito. Sa interview, inamin ng spokesperson na sa isang private warehouse inilagak ang mga ito pansamanatala. Nang gumawa ng unang inspection, napansin nilang nabawasan ng marami ang mga drum. Nang sumunod na inspection dahil ibebenta na sa auction pagkalipas ng matagal na panahon, lalong nabawasan ang dami at ang laman ng ibang drum ay napalitan ng tubig! Ang hindi maintindihan ay kung bakit walang follow-up question ang nag-interview kung may ginawa ba ang Customs sa natuklasang unang pagnanakaw.

Inamin ng spokesperson na naging maluwag sila dahil inasahan nila ang sariling security ng private warehouse. Wala silang inilagay na government security representative man lang. May mananagot daw. Hindi nagtanong ang brodkaster kung kaylan. Nang tanungin ang spokesperson kung bakit tumagal bago ginawa ang auction, ang sabi ng taga-Customs, dahil inayos pa raw ang mga papeles! Paanong magkaganoon, eh itinuring na ngang kontrabando dahil walang mga papeles, tapos sasabihin niyang tini-check pa ang mga papeles! Ang huling sentence ay sariling pananaw ko, dahil wala ring tinanong ang brodkaster tungkol dito.

Malinaw na sa Bureau of Customs ay may mga bantay- salakay na kapit-tuko pa rin sa mga puwesto kaya tuloy pa  ang mga masasaya, subali’t  tiwaling operasyon. Natalakay din sa interview na may mga kontrabandong kotse din daw na walang Customs papers pero na-register ng LTO! “Nagtaka” daw sila sa Customs kung bakit nakalabas ang mga kontrabandong sasakyan ganoong walang clearance ang mga ito na ang isa sa mga batayan ay tax declaration. Ang tanong ngayon ay kung bakit narehistro ng LTO kung walang mga mga kaukulang papeles. Ang Bureau of Customs malamang “nagtataka” hanggang ngayon! Dapat siguro, sa halip na Bureau of Customs ang itawag sa opisina nila, ay “Bureau of Nagtataka” na lang!

Nakakainis isiping patuloy na ginagawang pangga- gago  ng mga ahensiyang ito sa taong bayan. Ginagawa nilang tanga ganoog malinaw naman ang kapabayaan nila….o kutsabahan, kaya? Ang hilig nilang magturuan at maghugas-kamay. Ilang libong empleyado ba ang nagpo-process ng mga papeles para sa isang transaction halimbawa, kaya parang hirap ang mga ahensiya sa pag-check ng paper trails, upang matukoy ang may pananagutan?

Ang sabi pa ng spokesperson, dapat daw ay hindi sila reactive, kundi progressive. Hindi lang sila dapat nagre-react, kundi may tuluy-tuloy na ginagawa upang masawata ang mga illegal na gawain. Alam pala niya, eh, sinabi pa, hindi na lang nila gawin….kung hindi ba naman paduding na tan……a!


Discussion

Leave a response