0

Buraot at Hahirapan

Posted on Saturday, 12 July 2014



Buraot at Kahirapan
Ni Apolinario Villalobos

Buraot kung tawagin ang mga gamit na patapon na
Buraot kung tawagin ang mga damit na gulanit na
Buraot kung tawagin ang mga pagkaing expired na
Buraot kung tawagin ang mga gulay na lanta na
Buraot kung tawagin ang mga prutas na kulubot na
Buraot kung tawagin silang sa mga ganito nabubuhay
Buraot kung tawagin ang buhay nilang dito’y nakahimlay.

Kahirapan ang tawag sa tiyang humihilab sa gutom
Kahirapan ang tawag sa batang nanlalata sa gutom
Kahirapan ang tawag sa batang napapaiyak s gutom
Kahirapan ang tawag sa batang mata’y luwa sa gutom
Kahirapan ang tawag sa batang kandapilipit sa gutom
Kahirapan ang tawag sa buhay ng mga taong niloko
Kahirapan ang tawag sa kanilang ‘di pansin ng gobyerno.

Dalawang salitang magkadikit na parang pagkit
Dalawang salitang nagbigay- anyo sa damang sakit
Dalawang salitang pilit na iwinawaksi ng mga Pilipino –
Upang minsan pa, haharap sila sa mundong nakataas ang noo!

Discussion

Leave a response