Ang Mga "Tags" ng Pilipinas
Posted on Monday, 7 July 2014
Ang Mga “Tags” ng
Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos
Siguro kung ihahalintulad sa blogging, ang Pilipinas ay
masasabing maraming tags, tulad ng mga tiis-tiis, weather-weather, tuwid na
daan, napoles, abuso, demolition, artista, corrupt politician, poverty, wishful
success, pork barrel, baboy, baha, under the table, sacada, ill-gotten
wealth…at napakarami pang iba.
Sa mga kuwentong narinig ko tungkol sa mga nagdaang
presidente, nagsimula ang mga tagging o paglalagay ng madaling maalalang kataga
noong panahon ni Magsaysay na malapit sa mga katutubo at mahihirap, kaya nauso
daw ang kantang “Mambo-mambo Magsaysay”, na ginawang kanta sa kanya ng mga
katutubo ng Zambales. Noong panahon ni Garcia, nauso ang “isang kusing” na
binigyang halaga dahil nakakabili pa noon ng pagkaing tingi gamit ang isang
sentimo o isang kusing. Noong panahon ni Macapagal, nauso ang batik na tela at
damit dahil ang nakikita noong palaging pang- press release ay litrato niya na
naka-batik, at kadalasan ay kasama niya ang mga pinuno ng ibang karatig na
bansa sa southeast Asia. Noong panahon ni Marcos, nauso ang “what are we in
power for”, Bagong Lipunan”, KM o Kabataang Makabayan. Noong panahon ni Joseph
Estrada, lumutang ang “weather weather lang yan”. At noong panahon ni Gloria
Arroyo, lumutang ang “hello garci”, at “I am sorry”.
Ngayong panahon ni Pnoy, palasak na ang mga salitang “sirit”
(para sa soaring of prices), “tuwid na daan”, “kayo ang boss ko”, “napoles”,
corruption, Student Council, DBM, pork barrel, kapit-tuko, at ang pinakamakulay
– “tiis-tiis”. Hindi na makakalimutan si Pnoy, hindi dahil lahing bayani daw
siya sabi ng mga kaibigan niya, kundi dahil sa gusto niyang mangyaring
“tiis-tiis sa pagbagtas ng tuwid na daan”….marami palang tinik at lubak!
Discussion