Ang "Pari" sa Cebu
Posted on Wednesday, 9 July 2014
Ang “Pari” sa Cebu
Ni Apolinario Villalobos
Isang Fr. Romeo Obach, Redemptorist priest ng Cebu ang
namamayagpag sa internet hindi dahil may ginawa siyang maka-Diyos, kundi may
ginawa siyang mala-demonyo. Sa harap ng mga tao sa loob ng simbahan, sa pagsalita
niya sa mikropono pagkatapos niyang binyagan ang anak ng isang menor de edad na
single mom, inalipusta niya ito sa pagsabing nakakahiya ang ginawa niyang
pagpapabinyag sa anak, dahil hindi naman daw ito kasal. Hindi na natakot ang
paring ito sa may kayabangan niyang pagsalita habang nasa likod niya ang altar
na sambahan. Hindi malaman kung siya ay may hang-over sa bahal na tuba o
bangag.
Unang-una, nilabag niya ang kautusan ng Diyos tungkol sa
paghusga ng kapwa. Ang dapat na ginawa niya ay kinausap ng maayos na parang
“ama” ang dalagang ina pagkatapos ng binyag at pinangaralan. Murahin pa niya
kung gusto niya, basta walang makarinig na iba – para bang nagkukumpisalan lang.
(May narinig na akong pari na nagmura, pero bihira daw niyang ginagawaito –
kung sobra na ang galit niya at gusto niyang lumuwag ang dibdib niya….yan ang
paring tunay!...umaaming tao din siya.) Kung nakausap ng pari ang magulang ng dalagang ina, sana nalaman
niya na muntik nang magpakamatay ito dahil hindi rin niya gusto ang nangyari sa
kanya, subali’t dahil may madadamay na ibang buhay – ang nasa sinapupunan niya,
minabuti niyang magpakatatag, hanggang mailuwal niya ito nang maayos.
Wala sigurong internet sa kumbento ng paring si Obach, kaya
hindi niya nakita ang pagbinyag ng santo papa sa anak ng mag-asawa sa
Vatican…at ang mag-asawa ay hindi kasal. Kung sinasalungat niya ang mga
halimbawa ng mismong namumuno ng simbahang Katoliko, demonyo nga siya. Ang mga katulad niyang nagbibigay ng kahihiyan
sa simbahang Katoliko, kaya tuloy marami ang tumitiwalag at lumilipat sa ibang
relihiyon o sekta, ang dapat itiwalag!
Hindi mabubura sa isipan ng mga tao ang ginawa niya, ilang
beses man siyang mag-apologize, na halata naman sa mukha niyang hindi bukal sa
kalooban.
May alam din akong pari na nag-alipusta ng mga batang
kumanta ng praise song para kay Virgin Mary habang nagpuprusisyon. Dahil
biglaan ang pagturo sa mga bata ng nasabing kanta, hindi masyadong nakuha ang
tono, lalo na at mga bata nga sila. Ang pag-alipusta ay ginawa ng pari sa harap
ng mga maninimba nang magdaos siya ng Misa. Wala man lang pumalag ni isa sa mga
miyembro ng isang religious organization na malapit daw sa kanya. Dahil wala
ngang pumuna, akala ng nasabing pari, ay tama siya sa ginawa niyang
pag-alipusta! Kaya hanggang ngayon ay nandiyan pa rin at naghahasik ng
kaaliwaswasan sa mga Katolikong patuloy na nakikinig sa kanya sa Misa, maski
alam nilang may dapat baguhin sa ugali niya! Damay-damay na…dahil yong iba sa
mga “tupa” niya, nagsasabi tuloy na kung siyang pari ay ganoon ang ugali, bakit sila oobligahing magbago ganoong
“ordinaryong” Kristiyano lang sila? …tama nga naman, di ba? Kaya tuloy ang
“maganda” nilang samahan!
Ito ang nakakabahala, dahil hindi lang sa gobyerno naglipana
ang mga corrupt na maitim ang kaluluwa, kundi sa hanay din ng mga dapat sana ay
taga-akay natin tungo sa maka-Diyos na daan! Sayang at hindi nila nagagamit ang
kung ilang taong pinag-aralan sa seminaryo….
Discussion