0

Ang Mga Single Moms

Posted on Tuesday, 22 July 2014

Ang Mga Single Moms
Ni Apolinario Villalobos

Maraming single moms na ang aking nakilala
Mayroong tin-edyer, nanganak at inabandona
Mayroong maganda, maaga namang nabiyuda
Mayroong mabait at masipag, ngunit separada.

Mayroong mga naging biktima ng pagkakataon
Mayroong nadala lang ng makabagong panahon
Mayroong gusto lang, anak, sila ay magkaroon
Mayroong nag-akala, itinakwil sila ng Panginoon.

May nakilala ako, halos dapaan ang paglalabada
May isa ring dapit-hapon pa lang ay rumarampa
May iba ring nakilala ko, mga tambay sa Avenida
May iba namang inuumaga sa pagraket sa Ermita.

Ang buhay nilang lahat ay malungkot at  makulay
Ang buhay nilang lahat ay puno ng sakit at lumbay
Ang buhay nilang lahat, sa dusa’y ayaw humiwalay
Ang buhay nilang lahat, pag-asa pa rin ang hinihintay.

Nakakabilib,  paanong lampasan nila ang pagsubok
Nakakabilib, paano nilang indahin masakit na suntok
Nakakabilib, paano nilang tiisin, masasakit na dagok
Nakakabilib, dahil sa mga sakit, hindi sila nalulugmok.

Bukod tangi silang mga nilalang sa ibabaw ng mundo
Batbat man ng dusa’y buo pa rin, kanilang pagkatao
Bihira sa kanila ang hindi nanlupaypay dahil sa siphayo
Hindi tulad ng iba, napitik lang, isip ay hindi na matino.


Discussion

Leave a response