Ang Kaso ni Hayden Kho...pati ba sa PRC, mayroon din...?
Posted on Wednesday, 9 July 2014
Ang Kaso ni Hayden
Kho
…pati ba sa PRC,
mayroon din…?
ni Apolinario Villalobos
Marami ang nagtaka sa biglang pagbalik ng lisensiya ni
Hayden Kho sa kanya dahil, hindi pa umabot sa takdang araw upang ang kampo niya
ay mag-file ng petisyon, at pagkatapos ay magkakaroon pa ng hearing. Ang
dinaramdam ng kampo ni Katrina Halili, sabi ng abogado niya, inabot sila ng
dalawang taon, upang manalo sa kasong pagtanggal ng lisensiya ni Hayden.
Subali’t sa pagbalik nito, ay ni hindi nasunod ang mga rekisitos, na nabanggit
na, at parang sa isang iglap ay nangyari.
Marami tuloy ang nagdududa o nag-iisip na pati ang
Professional Regulations Commission ay inabot na rin ng virus ng corruption.
Maalalang hindi lang iisang beses nagkaroon ng eskandalo sa leakage ng mga
pagsusulit na binibigay nito. Lahat ng mga katiwaliang iyon ay pinalampas,
pagkatapos magkasuspendihan “daw”, na ang tinutukoy ay ang mga sangkot.
Kung sasawsaw ang NBI sa pag-imbestiga, may mga suhestiyon
ako na baka magamit nila: i-check kung sino sa mga taga-PRC ang biglang
nagkaroon ng matangos na ilong…kung sino sa mga babaeng empleyado lalo na ang
may mataas na katungkulan ang biglang lumusog ang boobs…kung sino sa mga
empleyado ang biglang nangintab ang mga pisngi dahil sa maxi-peel…kung sino sa
kanila ang biglang tumambok ang puwet…kung sino ang biglang nawalan ng bilbil…kung
sino ang biglang nagkaroon ng mga kilay na parang iginuhit… kung sino ang
biglang nawalan ng eyebags…at kung sino sa kanila ang biglang nawalan ng
wrinkles sa mukha, kaya halos naging kamukha ni Marian Rivera!
Huwag sanang mangyari na umabot na ang corruption virus
hanggang sa PRC, dahil kapag ganoon ang mangyari, nakakatakot isiping may mga
nakakalat sa paligid nating mga professional practitioners na hindi pala
karapat-dapat at nagkaroon lang ng lisensiya dahil “pinalusot”.
Discussion