Daluyong sa Buhay ni Luz...para kay Luz Garnica
Posted on Thursday, 24 July 2014
Daluyong
sa Buhay ni Luz
(para kay Luz Garnica)
Ni Apolinario Villalobos
Hindi lang miminsang
Katatagan niya ay halos igupo ng
kawalan ng pag-asa
Subali’t gintong pangarap ay
naging suhay
Upang siya ay hindi matumba.
Mula nang masilayan
Ng kanyang mga mata ang hagupit
at parusa
Ng daluyong ng buhay sa kanyang
pamilya
Siya’y di natinag kahi’t man lang
bahagya.
Sa musmos na kaisipan
Natanim ang pangako na darating ang panahon
Sa mundong ito siya ay di na maghihirap
Kaya’t bawat hakbang niya’y may
katumbas na pagsisikap.
Sa paglakad ng panahon
Pagtagaktak ng pawis, pagkulo ng
sikmurang walang laman
Paglakad tungo sa trabaho upang
makatipid man lang -
Mga pagsisikap niyang nagbunga at
di nga nasayang.
Kanyang napatunayan
Na sa mundong ating ginagalawan
gabi at araw
Lahat ng pagsubok ay kaya nating
paglabanan
Na tayo’y di dapat mawalan ng
pag-asa para sa kinabukasan.
Kanyang naipakita sa kapwa
Na kahirapan ay di dapat libakin
at ikahiya
Bagkus ay ituring itong daluyong
ng buhay
Na dapat harapin kapalit man ay
hirap na walang kapantay.
Discussion