Ang
“Squid Tactic”
…bebenta
kaya?
Ni Apolinario Villalobos
Ang “squid” tactic ay isang sistema na ang
layunin ay malambungan ang mga kasiraan at kahinaan ng isang gobyerno.
Panglambong din ito sa mga isyu na nagbibigay ng problema sa nakaupong
administrasyon. Maaaring gawin ito sa
pamamagitan ng mga kasiya-siyang proyekto upang malibang ang mga tao o di kaya ay magpakalat ng
nakakabahalang mga isyu tungkol sa seguridad upang mabaling dito ang atensiyon
ng mga tao.
Noong panahon ni Marcos, upang ma-divert
ang attention sa mga naiipong tanong tungkol sa mga gastos ay nagkaroon ng
iba’t ibang international events sa bansa, tulad ng Miss Universe pageants at
international film festivals. Nang lumala ang pagkadiskuntento ng mga tao na
idinaan sa sunud-sunod na mga protesta, maraming mga isyung naglabasan tungkol
sa seguridad ng bansa, lalo na ang mga tungkol sa komunismo, na ang
pinakamatindi ay ang pagpasabog sa Plaza Miranda na naging dahilan sa pag-impose ng Martial Law.
Ngayon kaliwa’t kanan ang mga isyung
nagpapalubog sa kasalukuyang administrasyon. Ang pinakamatindi dito ay ang
pagkurakot sa kaban ng bayan. Sinundan ng mga pagsirit ng mga presyo ng mga
bilihin. Lalong nagpataranta sa gobyerno ang panawagan ng taong bayan na
bumitiw sa tungkulin ang maski mga pinagdududahang mga opisyal tulad ni Abad,
Alcala at marami pang iba, na hanggang ngayon ay kapit-tuko sa kani-kanilang
pwesto dahil “they serve at the pleasure of the president” daw.
Biglang lumutang ang isyu sa seguridad.
Lulusubin daw ng mga terorista ang Davao City, at iba pang malalaking karatig
na lunsod tulad ng Cagayan de Oro, General Santos City, Koronadal City, at
Zamboanga City. Ang nagbabalak daw nito ay isang grupong pinamumunuan ng isang
lider ng Abu Sayyaf na bihasa sa paggawa ng bomba. Ang dahilan daw ay tutol
sila sa namuong peace agreemenent sa pagitan ng gobyerno at MILF na nagbigay
hudyat sa balak na pagkakaroon ng “sariling pamahalaan” ng pinagkaisang mga
piling bayan at lunsod sa Mindanao. Baka daw umabot sa Maynila ang terroristic
activities.
Mismong ang presidente pa ang tumawag daw
sa mayor ng Davao City. Bakit siya at hindi ang intelligence unit ng Armed
Forces at bakit binrodkast agad sa mga media? Bakit noong bago lusubin ng MNLF
faction ni Misuari ang Zamboanga, hindi niya tinawagan ang mayor ng Zamboanga?
Ano ang gustong palabasin ng administrasyon ngayon?
Dati nang gumagala ang mga terorista sa
Mindanao at sa Maynila, media din ang nagsabi nyan. At, ang mga pangingidnap
nila ay walang patid, subalit walang magawa ang gobyerno, kaya hindi na ito
issue. Nakikita daw ang mga terorista, may sightings – bakit hindi nila
hulihin? Bakit kailangang magpalabas pa ng press release? Upang malaman ba ng
taong bayan na kumikilos ang Armed Forces at kapulisan, eh, obligasyon naman nila
talaga ito?
May nahuli na isang financier daw ng Abu
Sayyaf – fine, dapat lang naman dahil trabaho nila. Nagawa nila ito dahil, tahimik lamang ang
ahensiyang nagsagawa. Nalaman nga lang nang mahuli na. Ngayon, sa issue ng
terorismo daw na banta sa Davao, bakit kailangang “mag-ingay” to the point na
parang nagpa-panic, dahil presidente na mismo ang tumawag sa mayor ng Davao?
Ang mga bagay na may kinalaman sa seguridad
ng isang bansa ay hindi inaanunsiyo para hindi mag-panic ang taong bayan. At
lalong, upang hindi malaman ng mga kalaban ang mga hakbang na gagawin ng
gobyerno. Bakit hindi ituloy ng mga
intelligence units ng gobyerno ang tahimik nilang mga pagkilos upang makahuli
uli sa paraang, malaman man ng bayan sa bandang huli ay nagawa na nila? Isang malaking pagka-iresponsable sa panig ng
gobyerno ang manguna na pagpakalat ng pangamba sa sambayanan…. maliban lamang
kung may dahilan.
May gusto yata silang lambungan o takpan o
i-cover, etc….magtagumpay naman kaya ang layunin nila upang ma-divert ang
attention ng taong bayan mula sa isyu ng korapsyon at mga nakakagutom na
pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin na nagsisilbing mga blackeye ng gobyerno?
Ang nakakatawa, pinakalat pa sa mga radio
stations ang balitang “hindi pa raw nakakakapasok sa Davao City ang mga
terrorists at malayo pa sila sa Maynila”, binanggit pa ang pangalan ng lider ng
mga terorista! Nasusubaybayan pala ng mga “matatalinong” taong gobyernong
ito ang kilos ng mga terorista, kaya alam kong saan sila, eh, bakit hindi nila
hulihin, para matapos na ang laban? … ungas lang ang maniniwala diyan! Ang
nakakabahala ay baka maglabas ng mga fall guys… na naman! Remember…malapit na
ang State of the Nation Address (SONA). Dapat may magandang masabi, di ba?
Abangan….na lang.
Kung ganito ng ganito ang mangyayari,
talagang lalabas na inutil ang gobyerno dahil mismong Armed Forces ay ampaw ang
kakayahan sa paglutas ng mga kahalintulad na mga problema, na sinabayan pa ng
isyung paglustay ng pera ng taong bayan para sa “pagpaganda” ng tirahan ng
namumuno ng Philippine National Police. Ano pa ang aasahan ng taong bayan?