June 2015

0

Mahal naming Brian...(para kay Brian Arevalo Padua)

Posted on Tuesday, 30 June 2015



Mahal Naming Brian…
(para kay Brian Arevalo Padua)
Ni Apolinario Villalobos

Ayaw naming isipin na ika'y wala na
Para sa amin ika'y kapiling pa rin namin
Nakatanaw sa kawalan, nag-iisip ng malalim
Tahimik, pangiti-ngiti, damdamin ay tinitiim.

Sa murang gulang, mga hamon kinaya mong harapin
Di man namin dinig, alam naming ika'y nananalangin
Na sa pag-usad ng panahon ay iyong malampasan
Mga pagsubok na araw-araw pilit mong pinapasan.

Ayaw naming magpaalam sa iyo, mahal naming Brian
Ayaw naming isipin na sa isang iglap, ikaw ay lumisan
Nguni't lahat ng pangyayari sa mundo ay may dahilan
Kaya't lahat ng ito, tanggap namin, kahi't may kahirapan.

0

May Bagong Pinuno ang Bilibid Prison pero datihan pa rin ang mga tauhan...magkakaroon kaya ng pagbabago?



May Bagong Pinuno ang Bilibid Prison
pero datihan pa rin ang mga tauhan
….magkakaroon kaya ng pagbabago?
Ni Apolinario Villalobos

May bagong pinuno ang Bureau of Corrections na ayon sa balita ay ka-barilan daw ni Pnoy. Umiral pa rin pala ang buddy system. Ganoon pa man, nangako ang bagong pinuno na si retired General Ricardo Rainier Cruz III, na gagawin niya ang lahat para magkaroon ng pagbabago ang Bilibid. Ilan nang mga pinuno ng nasabing kulungan ang nangako subalit napaká»™ lang. Kaya hindi na siya dapat mangako pa kung ayaw niyang mapahiya lang.

Hangga’t hindi nagkaroon ng total overhaul ng mg tauhan sa Bilibid, walang pagbabagong mangyayari, dahil ang mga taong ito ang nagbabantay sa mga priso, at hindi ang pinuno. Sila ang kadupang-palad ng mga priso na dahil sa pera ay itinuring na mga “kabalyero”. Ang mga gwardyang ito na may kontak na direkta sa mga priso ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng katiwalian sa nasabing kulungan. Kaya kahit araw-araw man maglabas  ng daan-daang kautusan na naka-memo pa ang pinuno, siguradong iismiran lang siya, pagtalikod niya.

Kung maaari nga lang ay palitan ang mga dating bantay ng military personnel na itatalaga sa nasabing kulungan on rotational TDY or temporary duty. Sa ganitong paraan lang mawawala ang aspeto ng “familiarity” na nadi-develop upang maging malapit ang mga priso sa mga bantay. At, wala na ring dahilan ang Bureau of Corrections, sa pagsabi na kulang sila sa personnel kaya hindi lahat ng priso ay nababantayan nila 24/7.

Napapansin din na wala man lang napaparusahan sa mga nahuling tiwaling mga guwardiya ng Bilibid. Iniisip tuloy ng marami na may kutsabahang nangyayari sa pagitan nila at kanilang mga superior. Nabisto rin na hindi lang pala droga ang pinagkikitaan sa loob kundi pati prostitution pa. Ano pa kayang anomalya ang maaaring umiral sa kulungang ito?

Walang pakundangan kung gumamit ng pera ang mga Tsinong drug lords sa loob upang makapagpatuloy sila ng operasyon. Napatunayan ding walang epekto ang pansamantalang pagkalipat nila sa kulungan ng NBI dahil doon ay nakapag-operate pa rin gamit ang ipinuslit na mga cell phone sa kanila, at sa pagkakataong ito, ang gumawa ay mga tauhan naman ng NBI!

Kaylan lang ay ibinalik na ang mga Tsinong drug lord sa Bilibid, kaya lalong sasaya na naman ang mga araw nila sa piling ng mga dating mahal nilang mga bantay!

Ngayon, ang bagong pinuno namang ka-barilan ni Pnoy ay nagpapakitang gilas, subalit hanggang kaylan?...tatagal kaya siya kahit wala na si Pnoy na sinasandalan niya?

0

Swabe ang Anarkiya sa Pilipinas...dahil wala pang marahas na reaksyon ang mga Pilipino



Swabe ang Anarkiya sa Pilipinas
…dahil wala pang marahas na reaksyon ang mga Pilipino
Ni Apolinario Villalobos

Ang matinding anarkiya sa isang bansa ay nangyayari kapag hindi na makatiis ang mga mamamayan sa mahinang pamunuan o kung humagupit ang isang matinding kalamidad kaya halos paralisado ang pamahalaan. Ang pinakamalalang mangyayari ay mga patayan at hantarang nakawan o looting. Anarkiya ding masasabi ang kaguluhan sa pagpapatakbo ng gobyerno. Sa Pilipinas, swabe ang mga nakikitang kaguluhan, na hindi pa masyadong binigyang-pansin dahil sa kultura ng Pilipino na nakaka-ayon sa lahat ng sitwasyon, tulad ng mga sumusunod:

1.      Hindi pagsunod ng mga local officials sa mga desisyon ng Ombudsman na pagsuspinde sa kanila na ang nakasayang gawin ay tumakbo sa mga tiwali at nababayarang huwes upang kumuha ng Temporary Restraing Order o TRO, o di kaya ay hindi pag-alis sa kanilang opisina, na isang malinaw na kawalan ng respeto sa Ombudsman. Dahil dito ay nagkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga supporter ng suspendidong opisyal at pansamantalang itinalagang opisyal.

2.      Pagka-inutil ng DILG sa pagpipilit na maipatupad ang kautusan ng Ombudsman sa pamamagitan ng pagpaalis sa suspendidong opisyal mula sa opisina upang makagawa ng maayos ng audit, ganoong ang mga LGU ay nasa ilalim naman ng nasabing ahensiya. Sa nangyayari  ngayon sa Makati halimbawa, ang hepe ng DILG na si Roxas ay “nakikiusap” pa sa suspendidong mayor na si Junjun Binay na sumunod na lang. Paano siyang rerespetuhin at susundin kung ang pinapakita niya ay kalamyaan na maihahalintulad sa kaduwagan o kawalan ng gulugod? Hindi makakaapekto sa buong bansa kung gagamit ng lakas ang DILG upang ipilit ang kapangyarihan nito…plus factor pa ito ni Roxas kung sakali.

3.      Pagka-inutil ng mga ahensiya ng pamahalaan na makontrol ang maya’t- mayang pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin sa palengke, lalo na ang bigas. Isama pa rito ang mga presyo ng langis, bayarin sa tubig at kuryente.

4.      Patuloy na hantarang smuggling dahil sa katiwalian sa loob ng mga ahensiyang dapat ay nangangasiwa sa mga pantalan. 

5.      Hindi makontrol na mga krimen sa loob mismo ng mga kulungan na dati ay patayan kung may riot lang, subalit ngayon ay may prostitution na rin at droga.

6.      Hindi makontrol na pangungumisyon sa mga proyekto ng gobyerno, at ang pinakamatindi ay ang pamamayagpag ng mga negosyanteng nagpapatakbo ng mga pekeng NGO na kinasasabwatan ng mga opisyal ng gobyerno upang makakuha ng pondo mula sa kaban ng bayan.

7.      Paglala ng krimen dahil ang iba sa hanay ng kapulisan ay sangkot na rin.

8.      Patuloy na pagpapahirap sa mga mahihirap na dahil sa K-12 program, na ginamitan ng mga librong hindi bababa sa halagang 500 pesos ang isa. Dahil sa inutil na bagong programa  na yan, lalo pang pinagpipiyestahan ng mga tiwaling opisyal na may kinalaman sa edukasyon at mga hidhid na negosyante ng libro ang mga mahihirap kaya nadagdagan ang bilang ng mga batang hindi nakakapag-aral.

Ang mga nangyayari sa kasalukuyang pamahalaan ay kasukdulan ng mga naipong katiwalian mula pa noong panahon ng Martial Law. Hindi nakatulong ang pagkamaka-Diyos ng presidenteng si Cory Aquino kahit nakasandal siya sa simbahang Katoliko. Sa halip na mabawasan ang mga katiwalian, lumala pa noong kapanahunan niya dahil lumakas pa ang loob ng mga tiwali na nagpalit lang ng kulay mula sa pula tungo sa dilaw. Hindi rin nakatulong ang pagka-heneral dati ng pumalit na presidente na si Fidel Ramos, ganoon din ang pagkasikat ni Erap Estrada, at lalo na ng pagka-ekonomista ng isang Gloria Arroyo.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ang hilahod nang ekonomiya ay bumagsak na! Nasira ang mga akala ng mga nagluklok kay Pnoy sa puwesto: na siya ay magaling, hindi pala dahil hanggang salita lang daw; na siya ay makikinig sa kanyang mga “boss” – ang taong bayan, tulad ng ipinangako niya, hindi nangyari dahil wala pala siyang isang salita; na siya ay pantay sa pagtingin sa lahat, hindi pala dahil may mga pinapaburang mga ka-barilan at mga classmate daw na pinagtatalaga niya sa puwesto, at kahit hindi maganda ang performance ay ayaw niyang tanggalin. At, marami pang maling akala…

Yan ang Pilipinas…ang mga mamamayan ay swabe sa pagharap sa mga pagsubok…. kaya nakakatiis pa kahit papaano…..at, kaya hindi na lang muna pinapansin ang nakasayan nang swabeng anarkiya!


0

Kung Maging Tapat lang si Binay sa Pangangampanya...

Posted on Monday, 29 June 2015



Kung Maging Tapat si Binay sa Pangangampanya
Ni Apolinario Villalobos

Kung maging tapat lang si Binay sa pangangampanya ay maaari niyang barahin ang kanyang detractors ng mga tanong na:

Ako… korap?
Tamang tanong, dahil lahat naman ng mga pulitiko, kahit papaano ay may bahid nitong katiwalian, kahit hindi sinasadya daw, tulad ng mga sinasabi nilang ang pork barrel nila ay ginamit daw ng mga pekeng NGOs, na hindi naman pinaniniwalaan ng mga tao - na hindi nila alam. Kaya ang mga nag-aakusa sa kanya ay dapat magpalit na ng istratehiya. Umamin na lang sila upang hindi lalong humaba ang ilong nila sa pagsisinungaling!

Ako … may malaking mga project na pinagkitaan ng malaki?
Tama pa ring tanong, dahil ang mga pulitiko ay hindi na nagpa-project kung hindi din lang malaki tulad ng basketball court at mga highway, upang siguradong malaki ang komisyon. Kaya upang sigurado, pati mga kalsada at highway na maaayos pa ay pinapatuklap! Hindi na uso ang poso o deep well pump at waiting shed dahil barya lang kung pagkitaan ito…pero yong kabaong ay okey lang dahil madaling dikitan ng sticker na may pangalan ng mayor or governor, at kung sino pang kapalmuks na opisyal! Ang maganda ding ipamigay ay mga diaper na may mukha ng mga pulitiko lalo na sa bandang puwet! Mahal ang diaper kaya marami ang mag-aapreciate, kasi pwedeng basahan din sa lababo at toilet bowl dahil absorbent!

Ako … nangarap na magkaroon ng asyenda?
Marami na ring pulitiko ang hindi lang nagkaroon ng malawak na lupain, kundi pati mga condo, bahay, mamahaling kotse, at napakalawak at hiwa-hiwalay na logging concessions. At saka isa pa, naiinggit ba yong iba dahil wala silang asyenda na may babuyan na ay may greenhouse pa ng mga orchids? Mabuti nga ang ginawa ni Binay dahil maximized ang paggamit ng asyenda! Pero…dapat pang patunayan na kanya yon. Kaya yong naiinggit, mangurakot din ng milyones upang may pambili!...at tumigil na nga sila sa kangangalngal!

Misis ko… mahilig sa orchids?
Dapat lang ipagtanggol ni Binay ang misis niya dahil siguradong mahal niya ito, hindi tulad noong isang matandang binata na walang misis pero mahilig magparinig na may plano daw naman siyang mag-asawa…kaylan?  kung hindi na siya “makwanan”? ….tumigil na nga siya sa pa-machong gimik…kaya pati mga nananahimik na models ay kinakasangkapan sa pakikipag-date kuno!  Si Binay ay proud sa kanyang misis, kaya pati ang hilig nito sa pag-alaga ng orchids ay okey sa kanya. Mabait din ito kaya nga maraming gamit na binili para sa Ospital ng Makati…(ano na kaya ang nangyari sa kaso?) Isa pa, mabuti nga at orchids ang inalagaan, kaysa marijuana…eh di mas malaking problema pa ang inabot! Kaya kayong ang kaya lang alagaan ay gumamela, calachuchi, san Francisco, chichirica, five fingers, katuray at malunggay… manigas na lang sa inggit!

Ako lang ba ang matandang nagsusuot ng Boy Scout uniform?
Yan ang matapang na tanong! Dapat ring pangatawanan ni Binay ang pagsuot ng uniform na yan dahil magkatugma ang kanilang kulay – parehong brown, kulay lupa, humble na kulay ng mahirap. At hindi siya nag-iisa sa pagsuot ng uniform na yan dahil may nakita akong nagtitinda ng sigarilyo sa mga tumitigil na jeep sa bandang Harrison St. sa Pasay, na ganyan din ang suot, complete with whistle pa, at very proud siya! Ang kopyang suot ay may maliit pa na bandila ng Red China! …(sa isang interbyu, nagsabi si Binay na ipaubaya na lang sa mga Tsino ang pag-develop sa West Philippine Sea dahil may pera silang panggastos – wow!) Kaya bilib din ako sa taong cigarette vendor na itong proud sa pagsuot ng Boy Scout uniform…dahil siya ay laging handa sa paglapit sa mga driver na bumubusina upang bumili ng yosi na kadiri tulad ng isang taong may maitim na budhi!

Basta matapat lang si Binay sa pangangampanya baka at marami pang baka na manalo siya. At, kapag nasa Malakanyang na siya, siguradong marami ang mamamangha dahil mabubuhay at makikita nila ang mga inakala nilang patay nang mga dummy niya, tulad ni Limlingan at yong babaeng personal secretary niya, si ginang Baloloy. Marami rin ang magwe-wish sa kanya ng: “…good luck, good health, and more wealth!”….para pantulong sa mahihirap – yon ang sabi niya!

0

On Same-sex Marriage and Marriage itself



Please read this with open mind…and do not come up with a conclusion till after the last line.

On Same-sex Marriage
and Marriage itself
by Apolinario Villalobos


In the Philippines, the issue on same- sex marriage remains very sensitive, fragile, delicate, volatile, brittle, etc. The first time I heard about this kind of marriage, I immediately made a conclusion that “marriage” per se, be it done in churches, city hall, or basketball court, should not be applied to a homosexual relationship because such ceremony understandably involves the “father- to- be” and the “mother- to- be”, which has a biological implication. To put forward “adoption” of a child as a reason to substantiate the matrimonial ceremony for gay couples is flimsy.  A gay couple can live together as they please and adopt a child, anyway, and without a binding document, so that any of them who first develop the feeling of suffocation can just step out of the door…so why still seek “marriage”?

Those behind the gay movement should assert for recognition, understanding, tolerance, and respect, instead. In this view, police precincts should change the signage on their special desk for children and women, to include gay. Understanding and tolerance must start within the family to help the individual grow emotionally stable. With those given, respect follows. That is how this issue should be treated, not jump into the marriage issue immediately which is proved as not even completely effective for heterosexual partners.

Another compromise that would totally eliminate the “same-sex marriage” issue is by having a law that shall recognize all types of “ceremony” for gay couples, without question on their gender. A word should be coined for such kind of ceremony to give it some kind of substance. The gay couple should be referred to as “partners” and not as “husband and wife”. The Catholic Church definitely cannot do this because it avers that marriage is “made in heaven” and only for a man and a woman who are expected to procreate because of their biological make up. On the other hand, because gays are a form of life, creatures of God, too, the Catholic Church should give them due respect, hence, understanding and tolerance of their emotions.

Individuals with special sexual preference must not be faulted for having such kind of feeling. First of all, nobody ever asked that they be born in this chaotic world. However, when they were formed in the womb, either intentionally or accidentally, they were not also given the choice which gender to have, much more the questioned in-between one. It is a good thing that when infants were baptized, they did not show any sign of gayness, otherwise they would not have been given the “watery blessing” by discriminating priests!

Gays on the other hand, must understand that failed marriage is expensive, considering the cost in the filing of legal separation and divorce, and with stringent conditions, yet. I gathered that a simple divorce procedure could cost a staggering 300 thousand pesos or more!

I had been advocating for the marriage contract to have a validity period, beyond which the couple can go on their separate ways if they do not want to renew the expired document. Therefore, there is no need for them to file for the expensive divorce. Contract is a legal temporal binding document between or among parties and is never complete without expiration in the form of validity period or conditions as basis for its nullification. So why not put such provision in the civil marriage contract? The Catholic Church seems to have seen this angle, as it has its so-called optional and symbolic “renewal of vows” for couples after living together as husband and wife for years. But none of this kind is being done for the civil marriage.

I know of a woman who lovingly “warned” her bed-ridden husband who could only stare but could not speak due to a series of stroke, not to die yet, until after their diamond wedding anniversary. The woman, herself, told me this story while sounding funny. But for me, the message is clear…perpetuation of love between couples is not dictated by any law, nor written on any piece of document but dwells in the heart, that not even a series of stroke rendering a husband or a wife bed-ridden, can suppress.

For Filipino gays who would like to get married, my suggestion is an expensive jaunt to the United States. I am sure that with the decision of the US Supreme Court, the non-gays will also use this reason to get a US visa, as any US embassy is not supposed to reject such a harmless request which is the latest bold manifestation of freedom for which the country of “big opportunities” is known.