December 2015

0

Evelyn Borromeo: Buhay at Sigla ng mga Pagtitipon

Posted on Thursday, 31 December 2015

Evelyn Borromeo: Buhay at Sigla ng mga Pagtitipon
Ni Apolinario Villalobos

Belen ang palayaw niya at kilala siya sa subdivision nila dahil sa likas na ugaling matulungin. May marinig lang siyang kuwento tungkol sa isang taong hirap sa pag-submit ng mga papeles sa ano mang ahensiya ng gobyerno, siya na mismo ang nagkukusa ng kanyang tulong. Kung mayaman ang nagpapatulong, binibigyan siya ng pamasahe at pang-miryenda, pero kung kapos sa pera, tinatanggihan niya ang inaabot sa kanya. Nakakarating siya sa Quezon City, Cubao, Pasay, Maynila, Trece Martirez at humaharap din sa Mayor ng Bacoor City o kung sino pang opisyal ng lungsod kung kailangan. Kung hindi nga lang siya anemic ay baka regular din siyang nagdo-donate ng dugo sa mga nangangailangan.

Kahit babae siya, pinagkatiwala sa kanya ng Perpetual Village 5 Homeowners’ Association ang pag-asikaso sa basketball court at mga palaruang pambata sa magkabilang dulo nito. Officially, siya ang Administrator ng area na yon ng subdivision, kaya kapag may gagamit ng ilaw sa gabi sa paglaro ng basketball court, siya ang nilalapitan. Dahil saklaw din niya ang “cluster” na sumasakop sa tatlong kalyeng nakapalibot sa basketball court, kung may gulo, siya pa rin ang tinatawag. Matapang siya at walang pinangingilagan, palibhasa ay dating “batang Pasay”. Tawag ng iba sa kanya sa lugar nila ay “amasona”…subalit ibang pagka-amasona, dahil ang tapang niya ay ginagamit niya para sa kapakanan ng iba. Hindi siya ang tipong matapang na bara-bara ang dating.

Naging presidente din siya ng subdivision nila at noong kanyang kapanuhanan ay marami siyang nagawa upang mapaganda pa ang kanilang lugar. May mga nag-uudyok sa kanyang tumakbo sa Barangay, pero ang mga malalapit sa kanya ay nagpayo na huwag na dahil baka magkasakit lang siya lalo pa at inaasikaso din niya ang kanyang asawang si Nelson na nagpapagaling sa ‘stroke”. Sa totoo lang siguro, ayaw nilang mawala si Belen sa kanilang subdivision bilang Administrator ng basketball court at Cluster Leader.

Tuwing umaga, ang unang ginagawa niya ay i-check kung saan nagwo-walking upang mag-exercise ang kanyang asawa, na malimit ay sa basketball court lang naman. Pagkatapos ay bibili na siya ng pan de sal at sopas para sa mahal niyang asawa. Sinusubuan din niya ito, subalit hindi niya pinapakita sa iba (nahuli ko lang siya minsan), dahil hindi siya “showy” o pakitang-tao sa kanyang pagmamahal dito. Kahit nakakapagtiyaga siya sa mga simpleng ulam lalo na gulay, pino-problema pa rin niya ang uulamin ng mga kasama niya sa bahay kaya kung minsan ay napapahiwalay ang ulam niya mapagbigyan lang iba na ang gusto ay karne.

Maganda ang pagkahubog ng pagkatao ni Belen dahil ang mga magulang niya ay huwaran sa sipag at pagpapasensiya. Lumaki siya sa palengke ng Pasay (Libertad market) kaya batak ang katawan niya sa hirap. Noong nag-aaral pa siya, maaga siyang gumigising upang makatulong muna sa paglatag ng paninda nila bago siya papasok sa eskwela. Pagkagaling naman sa eskwela diretso uli siya sa puwesto nila upang tumulong sa pagtinda. Magaling sa diskarte at sales talk si Belen…madali siyang paniwalaan. Kung nagkataong nakatapos siya ng pag-aaral, malamang ay maski hanggang puwestong Vice-President sa isang kumpanya ay kaya niyang pangatawanan. Subalit dahil sa kakapusan ng pera, nauwi siya sa maagang pag-asawa…kaya parang naka-jackpot ang asawa niya sa kanya.

Buhay at sigla si Belen sa mga pagtitipon dahil kapag nahalata niyang medyo nagkakahiyaan sa pagsayaw ay pinapangunahan niya at may halo pang pa-kenkoy na sayaw upang makapagsimula lang ng kasiyahan. Hindi rin siya maramot dahil ang mga tanim niya sa bakuran ay libre para sa lahat na makagusto – may kalamansi, kung minsan ay talong at ampalayang ligaw. Magaling din siyang magluto ng mga kakanin lalo na ng maja blanca at piche-piche, kaya kung may okasyon sa lugar nila, sa kanya umoorder ng mga ganito.

Tatlo ang anak ni Belen. Ang panganay na babae ay nasa Gitnang Silangan kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Ang pangalawang lalaki naman ay nasa bahay lang at nangangasiwa ng home-based internet shopping, at ang bunso ay magtatapos na ilang taon na lang mula ngayon.

Wala nang hinihiling pa si Belen sa Diyos dahil ayon sa kanya, halos lahat ng pangangailangan niya ay ibinigay na sa kanya….at ayaw na rin niyang humiling pa para mabigyan naman daw ng pagkakataon ang iba.


0

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriquez-Francia sa Quiapo

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriques-Francia
Sa Quaipo
Ni Apolinario Villalobos

Mahigit apatnapung taon nang kilala ang lumpiang sariwa na binebenta ni Flor Enriquez-Francia sa labas ng simbahan ng Quiapo. Subalit ngayon ang nagpatuloy sa pagtinda ay ang kaniyang pamangkin na si Nathaniel. At, kung dati ay sa bilao lang nakalatag ang mga lumpia, ngayon ay nasa kariton na at naka-styro at may balot pang plastic sheet upang masigurong hindi naaalikabukan o madapuan ng langaw.

Una kong natikman ang lumpia noong taong 2002 nang umusyuso ako sa selebrasyon ng kapistahan ng Black Nazarene. Si Flor naman ay nakapuwesto sa hindi kalayuang Avenida dahil ipinagbawal muna ang mga sidewalk vendor sa Plaza Miranda. Sa pag-uusap namin, binanggit niyang basta walang okasyon sa labas ng simbahan ng Quiapo, sa Plaza Miranda siya nagtitinda, kaya nang bumalik ako sa Quiapo makaraan ang ilang linggo ay nakita ko nga siya doon at halos hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa kanyang mga suki. Matagal bago ako nakasingit upang bumili ng dalawang pirasong inilagay niya sa maliit na supot na plastic at nilagyan ng sarsa. Mahirap kainin ang lumpia kung nakatayo at hindi nakalagay sa platito o pinggan. Kailangang hawakan ang supot na parang saging at ang ilabas lang ay ang dulo ng lumpia. Pero kapag sanay na ay madali nang gawin ito.

Nang dumagsa ang iba pang vendor sa labas ng Quiapo church ay hindi ko na nakita si Flor. Inisip ko na lang na baka umuwi na sa probinsiya o baka nagsawa na sa pagtinda ng lumpia. Subalit nang minsang namili ako sa Villalobos St. ay may nasalubong akong lalaking nagtutulak ng maliit na cart at ang laman ay mga lumpiang naka-styro.  Hindi ko siya pinansin dahil inisip kong katulad lang din siya ng ibang naglalako ng pagkain sa lugar na yon.

Sa pagpasok ng huling linggo nitong Disyembre, bumalik ako sa Quiapo kasama ang mga kaibigang balikbayan upang bumili ng mga panalubong nila pagbalik sa America at Canada. Nakita ko uli ang lalaking nagtutulak ng cart na may mga sariwang lumpia. Nagtanong na ako kung inabot niya ang “original” na nagtitinda ng lumpia sa Quiapo. Ikinagulat ko ang kanyang sagot dahil tiyahin pala niya ang tinutukoy kong tindera, at idinagdag pa niya na ang buong pangalan ay Flor Enriquez-Francia. Nasa bahay na lang daw ito at doon niya inihahanda ang mga lumpia na kinakariton naman ni Nathaniel.

Halos isang taon din pala bago naitinda uli ang lumpiang gawa ni Flor at ito ay pinangatawanan na ni Nathaniel na umaming maski anong mangyari sa kanyang tiyahin, ay walang problema dahil naituro na sa kanya ang sekreto sa pagtimpla lalo na ng sarsa. Nakakadalawang hakot ng mga lumpia si Nathaniel hanggang dapit-hapon kaya malaking bagay daw para sa kanilang magtiyahin ang kinikita niya lalo pa at nagkaka-edad na rin ito kaya marami na ring pangangailangan.


Ang ginawa ni Flor ay isang halimbawa ng pagbuhos ng katapatan sa anumang bagay na ginagawa – walang panloloko, kaya lumpia man, na sa paningin ng iba ay napaka-simple, kung hindi naman masarap ay madaling makakalimutan. Ganyan dapat ang ugali ng tao… bukal sa kalooban ang anumang ginagawa maliit man ito o malaki, pansarili man o nakaka-apekta ng kapwa.



0

As Time Moves On...so does Life

As Time Moves On
       …so Does Life
By Apolinario Villalobos


Life is a never ending cycle
that moves with time
there is no turning back
not even retracing of steps
to where we have been;
whatever time has been wasted
cannot be regained
but there is always the chance
to make amends
for mistakes committed
…as lessons learned.

We grow with time 
we can’t be forever young
we have a purpose in life
and this we should fulfill  
hence, live  a sensible life
it should be -
replete with gladness and contentment
not voraciousness for material things
for at the end of our day
such a load is just too heavy
as we embark on our final journey.

.

0

Mga Predictions ko para sa Taong 2016 na Year of the Golden Monkey Daw

Posted on Wednesday, 30 December 2015

MGA PREDICTIONS KO PARA SA TAONG 2016
NA YEAR OF THE GOLDEN MONKEY DAW…
Ni Apolinario Villalobos


·        TITINDI ANG UNGGUY-UNGGUYAN (LOKOHAN) SA KONGRESO, SENADO, AT GOBYERNO NG PILIPINAS SA KABUUHAN…..MAGLOLOKOHAN ANG MGA KONGRESISTA AT SENADOR PARA LANG MAKA-MAINTAIN NG “FRIENDSHIP” SA ISA’T ISA NA NAGAGAMIT TUWING ELEKSIYON….TULOY PA RIN ANG PANLOLOKONG GAGAWIN NG GOBYERNO SA MASANG PILIPINO.


·        MAUUSO NA NAMAN ANG YELLOW GOLD, HINDI NA PLATINUM, SILVER OR WHITE GOLD…. ASAHAN ANG MGA PANLOLOKO NG MGA NANRARAKET TUNGKOL SA NAHUKAY DAW NILA NA GOLD BULLIONS…BAKA BIGLANG LUMUTANG ANG GOLDEN BUDDHA.


·        MAUUSO ANG MGA GOLDEN….GOLDEN TALONG, GOLDEN KAMATIS, GOLDEN SITAW, GOLDEN SUGAR, GOLDEN SALT, ETC, ETC, ETC….LAHAT MANGGAGALING SA CHINA, PARA TULOY ANG PANGGUGUYO SA MGA NANINIWALA SA PAMAHIIN NA INIMBINTO NG MGA INTSIK.

·        MAGSASARA ANG MGA FACTORY NG TOOTHPASTE DAHIL MAUUSO ANG HINDI PAGSISIPILYO NG NGIPIN UPANG MAPANATILI ANG PAGKADILAW NITO….PERO LALAKAS ANG BENTAHAN NG MOUTH SPRAY.


·        MAUUSO ANG “UNGGOY LOOK” – PAKAPALAN NG LABI NA PULA ANG LIPSTICK.
·        MALULUGI ANG NAGTITINDA NG GAMOT SA OSTEOPOROSIS DAHIL MAUUSO ANG “UNGGOY WALK”- LAKAD NA PARANG KUBA AT UNGGOY.
·        MAUUSO ANG PAGKAIN NG SAGING NA PABORITO NG UNGGOY.


·        MAUUSO ANG PANGALANG “CHEETAH”, “CHET”, “CHIT”, “CHETACHING”, “CHING”, “TSONG”, “CHONG”, “GOY.


·        MAUUSO ANG “UNGGOY NOSE”…KAYA ANG MGA NAGPATANGOS NG ILONG AY BABALIK SA DERMA DOCTOR NILA UPANG IPAHUGOT ANG ISINUKSOK NA PLASTIC NA PAMPAALSA NG NOSE BRIDGE….MAGKAKATAPYASAN PA NG ILONG UPANG LUMAKI ANG MGA BUTAS.


·        MAUUSO ANG MGA BAGING SA PLAYGROUND UPANG PAGLAMBITINAN NG MGA BATA.


·        MAUUSO ANG GREETING NA “KURA, KURA, KURA”.


·        MARAMI ANG MAGSE-SELFIE SA MANILA ZOO KASAMA ANG MGA UNGGOY AT GORILLA NA DATI AY KINATATAKUTAN….BAKA ANG IBA AY MAGKALAKAS NG LOOB NA YUMAKAP SA KANILA UPANG MADIKITAN NG SWERTE SA KATAWAN…ANG NAKAYAKAP SA UNGGOY O GORILLA AY HINDI MALILIGO NG MATAGAL UPANG MAG-AMOY SWERTE SILA.



·        MAUUSO ANG PAGGAMIT NG BUNTOT BILANG FASHION ACCESSORY.

0

PLEASE DONATE TO CARITAS THROUGH SEGUNDA MANA

PLEASE DONATE TO CARITAS THROUGH SEGUNDA MANA

Caritas is a charitable institution that, for decades, has been involved in sharing. You may donate usable pre-owned things that just eat up space in your closet. The stores and factories can donate some of their slow and non-moving inventories that can be sold at SEGUNDA MANA outlets.

Contacts:
Email                   :segundamana@caritasmanila.org.ph

Numbers    : landlines - 5620020-25/ 5640205/ 5639311
                     Cellphones – 0905 4285001/ 0929 8343857/ 0999 7943455

Follow them:   twitter/ @SegundaMana
                          Facebook/ SegundaMana


Quick search: www.caritas.org.ph

0

Ang Malaking Puso ni Baby Eugenio...may karinderya sa Fort Santiago (Intramuros, Manila)

Ang Malaking Puso ni Baby Eugenio
…may karinderya sa Fort Santiago (Intramuros)
Ni Apolinario Villalobos

Sa unang tingin, aakalaing suplada si Baby dahil tisayin ang mukha at halos hindi ngumingiti, subalit kapag nakausap na ay saka pa lang makikita ang tunay niyang pagkatao – malumanay magsalita at hindi man ngumingiti ng todo ay madadama sa kanyang pananalita ang kababaan ng loob.

Nang umagang napasyal ako sa Fort Santiago, napadaan muna ako sa kanyang karinderya sa gate ng parking lot at habang nagkakape ako ay biglang napunta ang usapan namin tungkol sa buhay, lalo na ang kanyang mga karanasan sa pagpalipat-lipat ng puwesto. Ayon sa kanya, dati ay isa siyang typical na sidewalk vendor dahil nagtitinda siya sa mga maluluwag na puwesto tulad ng nasa likod ng Immigration Bureau, Ancar Building, gilid ng Jollibee at UPL Building, hanggang sa natiyempuhan niya ang puwesto sa gate ng parking lot ng Fort Santiago. Nalula ako nang sabihin niyang 46,000 pesos ang upa niya sa isang buwan sa puwesto. Upang makahabol sa bayarin, maliban sa pagluluto ng mga ulam, tsitserya, kape, soft drinks, at biscuit, ay pinangasiwaan na rin niya ang pag-asikaso sa parking lot.

Habang tinutulungan siya ng hipag niyang si Bing sa pagluluto at pagsisilbi sa mga customer, tumutulong naman si Arbi na anak ni Bing sa pag-asikaso sa parking lot. Pero kapag kasagsagan na ng pagsilbi ng pagkain at iba pang mga gawain sa karinderya ay saka naglalabasan ang iba pang umaalalay kay Baby.

Mabuti na lang at medyo nakuha ko ang kalooban at tiwala ni Baby kaya maluwag siyang nagkuwento tungkol sa buhay niya. Ang asawa na dati ay nagtatrabaho sa National Treasury, ngayon ay nagpapahinga na lang sa bahay dahil humina ang katawan at nagpapa-dialysis isang beses isang linggo. Sa kabuuhan, dalawampu’t apat ang nasa kalinga ni Baby – mga tinutulungan niya at bilang ganti ay tumutulong din sa kanya. Anim dati ang anak niya, subalit namatay ang panganay na kambal, kaya ang natira ay apat.

Labing-siyam na taong gulang si Baby ng mag-asawa. Tubong Masantol, Pampanga, siya ay nakipagsapalaran sa Maynila hanggang sa magkaroon ng pamilya. Ang nakakabilib ay ang ibinahagi niya sa aking kuwento tungkol sa mga taga-ibang probinsiyang nakipagsapalaran sa Maynila na ang iba ay mga seafarer na umistambay habang naghihintay ng tawag mula sa inaaplayang manning agency para sumakay sa barko, at kanyang kinalinga. Sa Intramuros ay marami ang ganitong mga nakikipagsapalaran sa Maynila dahil hindi kalayuan sa Fort Santiago ay ang opisina ng union nila. Marami ring mga manning agencies ng seafarers sa loob ng Intramuros. Upang makalibre sa tirahan at pagkain ay tumutulong-tulong sila sa karinderya, hanggang sa sila ay makasakay ng barko. Ang ibang seafarers na galing sa probinsiya ay napansin kong umiistambay naman sa Luneta o di kaya ay sa isang lugar na itinalaga sa kanila, sa labas ng National Library of the Philippines.

Ano pa nga ba at ang karinderya ni Baby ay mistulang “halfway home” o “bahay-kalinga” ng mga probinsiyanong seafarers. Hindi na maalala ni Baby kung ilan na ang kanyang natulungan na ang ibang nakakaalala sa kanyang kabutihan ay bumabalik upang magpasalamat, subalit ang iba naman ay tuluyang nakalimot sa minsan ay tinirhan nilang karinderya sa Fort Santiago. Nangyari ang ganitong pagkakawanggawa sa loob ng limang taon hanggang ngayon, sapul nang siya ay mapapuwesto sa bukana ng Fort Santiago.

Para kay Baby, na ngayon ay 58 taong gulang, pangkaraniwan na sa kanya ang pag-alalay sa kapwa o maging maluwag sa kanilang pangangailangan. Napatunayan ko ito nang biglang may lumapit sa kanya upang magtanong kung pwede silang kumain sa karinderya subalit hindi bibili ng pagkain dahil may baon sila. Walang patumpik-tumpik na pumayag si Baby, kahit pa sinabi ng nagpaalam na dalawampu sila. Ibig sabihin ay gagamitin nila lahat ng mesa at silya, kaya walang magagamit ang mga kostumer. Pero bale-wala kay Baby ang lahat…okey pa rin sa kanya. Mabuti na lang at napansin ng hipag niya na ang porma ng grupo ay parang sasali sa programa para kay Jose Rizal dahil nang araw na yon, December 30, ay paggunita ng kanyang kamatayan, kaya iminungkahi niya sa lider ng grupo na upang hindi sila mahirapan ay sa piknikan, sa loob na mismo ng Fort Santiago sila kumain dahil mas presko at marami ring mesa at upuan, at ang lalong mahalaga ay ilang hakbang na lang sila sa lugar na pagdadausan ng programa kung saan sila ay kasali.


Ibinahagi ni Baby na hindi man siya mayaman sa pera, ay mayaman naman siya sa pakisama. Natutuwa na siya sa sitwasyon niyang ganoon. Mahalaga sa kanya ang pagtulong sa kapwa bilang pasasalamat sa Diyos dahil sa ibinigay sa kanyang mga biyaya. Nakapagpundar na silang mag-asawa ng isang bahay na katamtaman lang ang laki sa Molino, Bacoor City (Cavite). 


0

Herson Magtalas: High School Graduate pero Nakapagpatapos ng Dalawang Kapatid sa Two-Year Courses

Posted on Monday, 28 December 2015

Herson Magtalas: High School Graduate pero Nakapagpatapos
Ng Dalawang Kapatid sa Two-Year Courses
Ni Apolinario Villalobos

Nang araw na nakita at nakausap ko si Jaime Mayor, ang matapat na kutsero sa Luneta na iginawa ko ng tula, may lumapit sa akin, si Herson Magtalas. Siya pala ang Checker/Operations Coordinaor nina G. Mayor. Mabuti na lang at nakipag-usap siya sa akin dahil hindi ko nakausap nang matagal si G. Mayor sa dami ng mga turistang gustong sumakay sa kanyang karetela dahil Linggo noon. Pinatunayan ni Herson ang mga nabasa ko noon sa diyaryo tungkol sa pagkatao ni G. Mayor.

Napahaba ang aming usapan hanggang nagtanong ako kung may pamilya na siya. Sinabi niyang binata pa siya sa gulang na 28 na taon. Hindi pa raw siya mag-aasawa hangga’t hindi nakatapos sa pag-aaral ang kanilang bunso. Sa sinabi niya, naging curious ako kaya tumuloy-tuloy ang tanong ko tungkol sa kanyang buhay. Napag-alaman ko na pagka-graduate niya sa high school, hindi na siya nagpatuloy sa pag-aaral, sa halip ay nagtrabaho siya upang makatulong sa kanyang mga magulang. Nang panahong yon ay kutsero na sa Luneta ang kanyang tatay at ang kanyang nanay ay nasa bahay lang. Apat silang magkapatid at siya ang panganay.

Lahat ng pagkakakitaan ay pinasok niya tulad ng pagtitinda ng barbecue sa bangketa, pagpapadyak ng traysikel. Sinuwerte siyang makapasok sa factory sa sahod na 150 pesos/araw. Sa pagawaang yon ng damit siya natutong manahi. Sa kahahanap niya ng kanyang kapalaran, napadayo siya sa Laguna, kung saan ay nagtrabaho naman siya bilang machine operator ng Asia Brewery na ang sahod ay 280 pesos/araw. Nang lumaon pa ay napasok naman siya sa isang restoran bilang kitchen helper na ang sahod ay 300 pesos/araw. Naging salesman din siya ng Shoemart (SM) sa sahod na 380 pesos/araw. Nang napasok siya bilang pahinante o helper ng delivery van ay saka pa lang siya nagkaroon ng minimum na sahod. Tumuloy- tuloy ang pagtanggap niya ng minimum na sahod hanggang sa paglipat siya sa isang printing shop bilang taga-limbag o printer ng mga nakasubo sa computer.

Ano pa nga ba at lahat ng kaya niyang pasukan ay sinusubukan ni Herson na ang hangad ay magkaroon ng maayos na sahod dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa kanyang mga magulang upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang nakakabatang tatlong kapatid. Nang makapasok siya sa Castillan Carriage and Tour Services bilang Checker/ Operations Coordinator ay pumirmi na siya dahil sa ahensiyang ito rin nagtagal ang kanyang tatay bilang “rig driver” o kutsero, at dahil na rin sa magandang sahod at kabaitan ng may-ari.

Unang napagtapos ni Herson ang nakababata sa kanya, si Hernea na ang linya ng trabaho ngayon ay Accounting. Sumunod naman si Heycilin na ngayon ay may magandang trabaho sa isang restaurant. Ang bunso nilang kapatid, si Homer, 16 na taong gulang ay nasa first year college at kumukuha ng Information Technology (IT). Sa pag-uusap nilang tatlong magkakapatid, napagkasunduan nilang four-year course na ipakuka kay Homer dahil kaya na nilang tustusan ito.
Sa pangunguna niya, napaayos na rin nila ang kanilang tinitirhan sa Caloocan na dati ay maliit kaya halos hindi sila magkasyang anim. Bilang panganay ay inuuna niya ang kapakanan ng kanyang mga kapatid bago ang sa kanya. Binalikat na niya ang ganitong tungkulin dahil nagkaka-edad na rin ang kanilang mga magulang. Subalit inamin niyang hanggang ngayon ay nagku-kutsero pa rin ang kanyang tatay upang hindi lang manghina dahil nasanay na sa pagbanat ng mga buto.

Ang paglalakbay ni Herson sa laot ng buhay ay pambihira dahil sa murang gulang ay napasabak na sa lahat ng mga pagsubok na angkop lamang sa mga nakakatanda. Sinabi niyang mula’t sapol ay wala na siyang inisip kundi ang kapakanan ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Ni wala siyang pagsisisi o pagkalungkot kahit pa nilaktawan niya ang dapat sana ay panahon ng kanyang kabataan. Sa pag-uusap namin ay ilang beses niyang binanggit na ayaw niyang madanasan ng kanyang mga kapatid ang kanyang pinagdaanan kaya siya nagsikap. Mabuti na nga lang daw at ang bunso nila ay nakikipagtulungan naman kaya masikap sa kanyang pag-aaral. Ang ikinatutuwa pa niya, likas yata ang talino sa makabagong teknolohiya dahil kahit first year college pa lang ay nakakapagkumpuni na ng computer.

Larawan ng kasiyahan si Herson habang nag-uusap kami. Marami pa sana akong itatanong subalit dahil ayaw ko siyang masyadong maabala ay nagpaalam na ako subalit, nangakong mag-uusap pa kami tungkol sa operasyon ng kanilang opisina na ayon sa kanya ay marami na ring natulungan, at ang pinaiiral sa mga empleyado ay katapatan tulad ng ginawa ni Jaime Mayor na hindi nasilaw sa salaping naiwan ng turistang Pranses na naging pasahero niya.



0

The Heavy Pollution in China should Warn Third- World Countries

Posted on Sunday, 27 December 2015

The Heavy Pollution in China
Should Warn Third -World Countries
By Apolinario Villalobos

Manufacturing countries that clandestinely hate China have successfully inflicted a “slow death” on the awakened dragon of Asia. They have simply transferred the production aspect of their business in China because of her cheap labor and with it, the byproduct of high technology – the deadly pollution! They have been awfully successful, no question about that!

China today, is practically crawling due to the effect of heavy pollution while countries that own brands manufactured in China are basking under smog-free atmosphere. Every day, internet news carries warnings of the Chinese government to its citizens about the heavy pollution and photos are those of the Chinese citizens with face or surgical mask to lessen their inhalation of the dirty air. An enterprising European country is reportedly exporting fresh bottled air to China.

The phenomenon in China should serve as a warning to the third-world countries that are blinded by the prospect of living in comfort through high technology. China has practically flooded the world with products made in her homeland. Despite such show of opulence, she is far from being satisfied as her expansionistic desire is slowly creeping towards the rest of Asia and the African continent- with all their third world countries.

The governments of these countries would like their forests be uprooted and replaced with factories; would like their fields planted to rice, corn and other staple foods bulldozed to give way to resorts and first-class housing projects; would like their mountains to be drilled for minerals; would like their citizens to be introduced into the mean habits of squalid urban life; would like their centuries-old traditions and faith to be polluted with the immoralities of progress.

As the exploitation lasts only for as long as there are yet to be exploited, their “benefits” are likewise short-lived. When the factories and mining companies stop their exhaustive operations, they leave behind ghost towns and villages- with their rivers poisoned by chemicals and the once-fertile land exhausted of their nutrients making them not suitable even for the lowly grass. Their polluted culture gives rise to a new generation of prostitutes and indolent, and worst, with a twisted view on faith.

The high-technology must be one of the checks that God has imposed on earth to maintain the balance, aside from natural calamities such as typhoon, earthquake, diseases, and floods, as well as, man-made war. Without them, the world would have burst long time ago, due to overpopulation and inadequate sustenance. But, while these are divine penalties, caution should have been observed by man to at least delay and minimize their occurrence. Unfortunately, man is now reaping the fruits of his greed…at high speed!


In the Old Testament, when the God of Israelites wanted them punished for their misdeed, He used the heathen races or tribes to sow disaster upon them. Sometimes He used calamities such as diseases and famine-causing pestilence. The religions of the world are based either directly or indirectly on the Abrahamaic faith, except for some pockets of tribes in unexplored nooks of forests and islands. In a way, most peoples of the world are connected to the God of Israel. Are we now suffering from this divine penalty, mentioned in the Old Testament?

0

Jaime Mayor...honest "kutsero" of Luneta

Jaime Mayor
…honest kutsero of Luneta
By Apolinario B Villalobos

At dawn, from his humble home in Caloocan
He diligently pedals his way to Luneta
The same he does when he goes home at night
But all these he does with unpretentious delight.

In Luneta, for years, he worked as kutsero
Guiding his tame horse, he fondly calls Rapido
Both of them braving the rain and searing sun
Even  pangs of hunger as best as they can.

A typical Filipino, this guy - Jaime Mayor
For earning honestly, he could not ask for more
With perpetual smile on his sun-burned face
He and Rapido, in Luneta, strollers can’t miss.

One day, his honesty was put to a test
When a purse was left behind by a tourist
Whom he pursued just before she was gone
And who was amazed by such an honest man.

Tightly he was hugged and praised to heavens
In a language that sounded strange to him
But just the same, these he took in stride
Though, his appreciation, he could not hide.

He said, he is proud to be a Filipino
And proud that he lives in a beautiful country
His modest knowledge of English, then…
Is always ended with –
“It’s more fun to be in the Philippines”!


(Jaime Mayor is a driver (kutsero) of a horse-driven rig (kalesa) in Luneta (Rizal Park) of Manila. His average daily earning is Php200.00. This is carefully budgeted to suffice for the needs of his wife and four children. One day he drove around the park, four French ladies, one of whom left her purse in the back seat of the rig. After finding it, he took time in looking for the group. The ladies were surprised as they were not aware that one of them left her purse in the rig. The amazed owner of the purse gave him a tight hug. On September 13, 2012, the Rizal Park administration gave him a plaque of appreciation.

After three years, I finally met Jaime Mayor. On December 27, 2015, a Sunday, while I was gathering materials for blogging, I happened to talk to a rig driver if he knew Mr. Mayor. He nonchalantly pointed to the rig that just passed by. I practically ran after the rig up to its unloading station where he obliged some photo opportunities.

Mr. Mayor is among the rig drivers of Castillan Carriage and Tour Sevices which is based at Fort Santiago. According to Mr. Herson Magtalas, Checker/Operations Coordinator of the said agency, despite the popularity of Mr. Mayor, he remained humble as the nationwide recognition given him did not affect him a bit. He is still the same guy whom they knew – unassuming, hardworking and a man of few words. Mr. Magtalas added that the former Department of Tourism, Mr. Gordon gave him profuse praises, and the same recognition was followed by other government officials. He was also given a spot in a commercial, the earning from which helped his family a lot.)



0

Ang Laptop kong Bungi...ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri

Posted on Friday, 25 December 2015

Ang Laptop Kong Bungi
…ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri
Ni Apolinario Villalobos

Wala siyang teklado para sa letrang “M” subalit subok ang tibay dahil kahit bahayan ng langgam ang mga kalamnan ay hindi sumusurender maski pa maghapong gamitin. Ilang taon din siyang nagtiis sa pagtipa ko sa teklado ng kanyang mga letra at simbolo, yon nga lang, pagdating sa bunging bahagi para sa letrang “M” ay kailangang maingat ang aking pagpindot. Malaki ang utang na loob ko sa laptop na ito dahil lahat ng mga saloobin ko ay kinakaya niyang ipunin…i-absorb, kaya siguro kung mayroon lang siyang bituka baka palagi siyang nagsusuka, o di kaya kung may puso, ay matagal na siyang na-heart attack. Kahit halos mamuwalan na siya sa mga pinapakain kong nakakasuka at nakaka-heart attack na mga isyu, ay hindi siya nanghihina man lang.

Ang problema lang ay ang colonial niyang mentality dahil may mga salitang Pilipino na pinagpipilitan niyang baybayin sa Ingles kaya kailangan kong basahin nang paulit-ulit ang mga naisulat niya upang ang “namin” ay hindi maging “naming”, o di kaya ang “hindi maging” ay hindi maging “hind imaging”, ang “letra” ay hindi maging “letre”, at marami pang ibang salitang Pilipino na tinatarantado niya….sutil kasi.

Minsan ko na rin siyang nadunggol dahil sa sobrang antok nang bumagsak ang noo ko sa kanya, subalit hindi siya nagreklamo kahit sa pamamagitan ng pag-kuryente man lang sa akin. Nalaman kong nasaktan ko siya nang maramdaman ko sa aking pisngi ang kanyang pag-overheat makalipas ang dalawang oras ng pagkakatulog. Literally, I slept on my laptop! Siguro kung nakakatawa lang ang butiki ay hinalakhakan na ako dahil sa hindi kalayuan ay may nakita akong dalawa na halos hindi gumagalaw dahil siguro nagulat, pero nagpulasan nang tiningnan ko sila ng masama.

Hindi mitsa ng buhay ko ang aking mahal na laptop dahil old-fashion siya, luma na kasi, kaya kahit bitbitin ko siyang hubad, ibig sabihin ay hindi nakalagay sa bag, walang magkaka-interes. Parang babae rin na dahil naitatago ng pagka-old fashion ang kanyang ganda, siya ay malayo sa posibilidad na magahasa! Kaya ang mga babae ay hindi dapat magpakita ng motibo o pag-anyaya upang magahasa…magpaka-simple o magpaka-old fashion din kahit minsan….maliban na lang ang mga desperada!

Para ring tao ang aking laptop na nag-undergo ng operasyon at pagtapal dahil marami na rin siyang diperensiya maliban sa pagkabungi. Ang dating ayaw pumermanenteng pagtayo ng screen kaya nilalagyan ko pa ng suporta sa likod, ay naremedyuhan ng isang doktor ng mga laptop – may ginalaw sa kasu-kasuan o joints nito kaya nakakatayo na ngayon nang tiyeso. Ang dating sugat sa gilid dahil nabasag ay natapalan na rin ng karton kaya ngayon ay buo na siya – good as new!

Ang kuwento ng laptop ko ay maihahalintulad din sa kuwento ng alagang hayop na pinagkakautangan dapat ng loob ng nag-aalaga dahil sa dulot nilang therapeutic relief, o di kaya ay iba pang bagay na napakinabangan para sa araw-araw na pamumuhay. May utang na loob tayo sa kanila. Hindi sila dapat binabale-wala nang basta-basta pagkatapos pagsawaan o kapag nagkaroon ng bago, lalo na ngayong pasko.

Hindi din dapat ganyan ang mag-asawa na pagkalipas ng maraming taon ay basta na lang makaramdam ng pagkasawa sa isa’t isa, kaya nagkakanya-kanya na sa pagrampa upang maghanap ng ibang mapagparausan. O di kaya ay ibang mga anak na pagkatapos iluwal ng ina at palakihin ng ama ay walang pakundangan kung sila ay balewalain o ikahiya sa ibang tao dahil walang pinag-aralan o di kaya ay hindi maganda o guwapo tulad ng mga magulang ng mga kaibigan nila, o di kaya ay amoy pawis dahil sa pagtinda sa palengke, hindi tulad ng magulang ng classmate nila na nagtatrabaho sa aircon na opisina.

Pairalin natin ang utang na loob. Magbago tayo….bilang pasalubong sa bagong taong 2016! 






0

Ang Nanay naming Matapang at Mahilig Mag-ampon

Posted on Thursday, 24 December 2015

Ang Nanay naming Matapang at Mahilig Mag-ampon
Ni Apolinario Villalobos

Ang pangalan niya ay Angelica pero ang palayaw niya ay “Ica”. Bunso siya at nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid. Mabait siya pero matapang dahil kahit maliit ay marunong humawak ng itak kaya sa palengke noong maliit pa ako, kung saan may puwesto kami ng tuyo pero nalugi kaya nauwi sila ng tatay namin sa paglatag sa lupa ng ukay-ukay, ay pinangingilagan siya.

Naalala ko noong nasa Grade 1 ako, nagkagulo sa isang inuman ng tuba malapit sa puwesto namin dahil sa isang lasing na nagwala. Daanan ang puwesto namin papunta sa inuman ng tuba, kaya halos naglaglagan ang mga tuyo dahil sa dagsa ng mga taong nagtakbuhan. Sa inis ng nanay namin, kinuha ang itak na nakatago sa ilalim ng bangko at sinugod ang nagwawalang lasing. Nang makita siya ay parang nahimasmasan dahil kilala pala siya nito. Lalong natakot ang lasing nang makita ang itak na hawak ng nanay namin. Ang may-ari naman ng puwesto ay hindi mahagilap dahil tumakbo daw at nagtago, kaya ang nanay namin ang nag-utos sa lasing na linisin ang mga kalat tulad ng nabasag na mga maliit na garapong kung tawagin ay “Bol” na ginagamit sa pag-inom ng tuba. Ang “Bol” ay tatak ng garapong galing sa America noon at ang dating laman ay minatamis yata. Antigo na ito ngayon at mahal kung bilhin sa antique shop.

Nang kumandidato ang nakakatanda niyang kapatid bilang Vice-Mayor, pati ang pamilya namin ay nadamay sa mga intriga. Sa inis niya ay nag-research kung sino ang nagpasimuno ng isang intriga at nang malaman niya ay sinugod sa bahay at hinamon ng away sa kalsada. Binantaan din niyang huwag nang dumaan sa tapat namin at huwag na huwag daw magpakita sa kanya. Nagkaroon ng problema ang intrigera dahil ang bahay namin ay nasa tapat lang ng plasa kaya kung may libreng sine, ay nagtatakip ito ng turban sa ulo at mukha upang hindi makilala ng nanay namin na mahilig ding manood ng libreng sine. Ayaw makialam ng nanay namin sa pulitika at ito ang itinanim niya sa aming isip dahil para sa kanya na naunawaan din namin, sisirain lang ng pulitika ang magandang samahan ng magkakamag-anak at magkakaibigan na ang isip ay nakatuon sa hangad na makaupo sa puwesto sa anumang paraan.

Isang gabi ay nakita ko sila ng tatay namin na nagbibilang ng mga lumang pilak na perang Kastila na matagal na nilang naipon. Kinabukasan pinalitan ng kumpare nila ang mga pilak na pera ng bago. Pambayad pala sa naipong utang na dahilan kung bakit wala nang nagdatingang bagong stock ng mga tuyo galing sa Iloilo. Nalaman ko ring marami pala silang pinautang ng paninda na hindi nabayaran kaya nalugi ang negosyo. Sa bagay na ito, hindi ko nakitaan ng tapang ang nanay namin upang maningil dahil sa awa sa mga umutang…mga kapos din daw kasi tulad naming. Hindi nagtagal, ibinenta nila ang puwesto namin.

Noong ukay-ukay na ang ibinenta ng magulang namin, sinubukan din nilang dumayo sa ibang bayan. Isang gabing dumating sila galing sa dinayong tiyangge, may kasama silang buntis. Sa kuwentong narinig ko isinama nila ang babaeng nakita nilang palakad-lakad sa palengke ng Tulunan, ang dinayong bayan nang araw na yon, dahil baka daw “ihulog” ng babae ang anak niya. Ang “ihulog” ay “ilaglag”sa Tagalog o sa Ingles ay i-“abort”. Pero dahil bata pa ako ang na-imagine ko ay ang gagawin ng babae na “ihuhulog” ang anak niya sa bangin! Inampon namin ang babae hanggang sa manganak. Nang umabot na ang anak niya sa gulang na apat na taon ay pinayagan siya ng nanay namin na bumalik sa Tulunan.

Isang beses naman, nang naghuhugas ako ng mga reject na tuyo upang matanggal ang namuong asin ay may nakita akong batang apat na taong gulang lang yata, umiiyak sa tabi ng public toilet. Nag-iisa lang siya at ayaw sumagot sa mga tanong ko kaya sinundo ko ang nanay ko. Isinama niya ang bata sa puwesto namin at inutusan ang kuya ko na maghanap ng pulis sa palengke upang sabihan na may batang “napulot” at nasa puwesto namin. Hanggang magsara na kami ng puwesto, ay wala pa ring kumuha sa bata kaya isinama na namin sa pag-uwi. Araw-araw siyang isinasama sa puwesto upang makita ng kung sino mang nakakakilala. Nang magdesisyon ang nanay naming ampunin na ang bata ay saka naman siya nakita ng tiyuhin. Sa pag-uwi nila ay sumama kami ng nanay ko at nagdala pa kami ng maraming tuyo upang pasalubong sa mga magulang. Nakatira pala sila sa bulubundukin ng Magon malapit na sa boundary ng South Cotabato, kaya napasabak kami ng “hiking” na inabot din ng ilang oras dahil napakadalang pa ang mga sasakyan noon. Nakabalik kami sa palengke bandang hapon na. Inihatid kami ng tatay ng bata dahil sa bigat ng pinabaon sa aming maraming bayabas at guyabano.

Nang umuwi naman ang nanay namin galing sa Bantayan Island (Cebu) mula sa pagdalo sa pista ng nagmimilagro daw na Sto. Nio, may kasama siyang isang batang babae na ulila at limang taong gulang. Naging kapamilya namin ang bata hanggang sa siya ay isinama uli sa Bantayan noong mag-sasampung taon gulang na. Hindi na siya naisama pag-uwi ng nanay namin dahil nang makita daw ang bata ng isang tiyahin ay binawi. Wala namang nagawa ang nanay namin kundi ang umuwing luhaan.

Hindi lang tao ang nakahiligang ampunin ng nanay namin dahil nang minsang umuwi siya ay may napulot siyang tuta na nangangalkal sa basurahan ng isang bakery na nadaanan niya. Hindi pa ako nag-aaral noon kaya naging kalaro ko ang tuta hanggang sa ito ay lumaki. Ang pinaka-puwesto ng aso tuwing gabi ay ang balkonahe namin. Isang umaga ay nakita namin siyang patay at kagat pa ang leeg ng isang asong patay din at ang bunganga ay umaapaw sa laway, palatandaang ito ay isang asong ulol. Nakaakyat pala sa balkonahe ang asong ulol at kung hindi napatay ng aso namin ay malamang na kami ang nabiktima pagbukas namin ng pinto nang umagang yon.


Kung buhay ang nanay namin ngayon, malamang ay naipagpatayo namin siya ng isang maliit na “halfway home” para sa mga gusto niyang ampunin kahit pansamantala, pati na rin siguro ng isang maliit ding “pet shelter”. Pero masaya na rin ako dahil alam kong inampon din siya doon sa “itaas”.

0

Elena Constantino: Vendor sa Luneta

Posted on Wednesday, 23 December 2015

Elena Constantino: Vendor sa Luneta
Ni Apolinario Villalobos

Nasumpungan ko ang puwesto ni Aling Elena (Constantino) isang umagang naglibot ako sa Luneta upang makita ang mga pagbabago. Madaling araw pa lang ay naglibot na ako kaya natiyempuhan ko ang mga grupo ng nagsu-zumba. Hindi lang pala isang grupo ang nagsu-zumba, kundi lima. Nandoon pa rin ang grupo ng mga Intsik na na nagta-tai chi, at ang mga grupo ng ballroom dancers.

Malinis na ngayon ang mga palikuran ng Luneta, hindi nangangamoy- ihi tulad noon. Limang piso ang entrance fee. Unang nagbubukas ang palikuran sa may dako ng kubo ng Security personnel. Ang iba pa ay matatagpuan sa tapat ng Manila Hotel, likod ng National Historical Institute at tapat ng Children’s Museum.

Dahil sa pagod ko sa kaiikot, naghanap ako ng isang tahimik na mapagpahingahan at mabibilhan din ng kape. Ang nasa isip ko ay isa sa mga “stalls” na nagtitinda ng snacks, at dito ko nakita ang puwesto ni Aling Elena. Kahit pupungas-pungas pa halos dahil kagigising lang ay ipinaghanda niya ako ng kape. Marami siyang natirang pagkain tulad ng nilagang itlog at mga sandwich. Upang mabawasan ang maraming tirang nilagang itlog ay kumain ako ng tatlo.

Noon pa man ay may isyu na sa mga vendor ng Luneta. Ilang beses na silang pinagbawalang magtinda sa loob, pinayagan din bandang huli, pinagbawalan uli, pinayagan na naman, etc. Kung limang beses na ay meron na sigurong ganitong parang see-saw na desisyon ang National Parks Development Committee. Sa ngayon, ang upa sa isang stall na ang sukat ay malaki lang ng kaunti sa isang ordinaryong kariton, binubungan at nilagyan ng dingding, pinto at bintana ay Php50 isang araw. Subalit sa liit ng puwesto na sasabitan ng mga chicherya, sa tantiya ko ay hindi aabot sa Php100 isang araw ang tutubuin ng nagtitinda. Kaya ang ginawa nila, pati si Aling Elena ay nagkanya-kanyang lagay ng extension na gawa sa telang habong o tarpaulin. Bawal din daw ang maglagay ng mesa at upuan, pati ang pagluto, maliban lang sa pagpapakulo ng tubig na pang-kape. Subalit tulad ng isang taong nagigipit, nagbakasakali na lang sila sa paggawa ng mga ipinagbabawal upang kumita ng maayos at masambot ang araw-araw na upa.

Inamin ni Aling Elena na ilang beses na rin siyang naipunan ng bayaring upa kaya lahat ng paraan ay ginawa niya upang mabayaran ang namamahalang komite sa Luneta. Ang problema niya ay kung panahon ng tag-ulan, at mga pangkaraniwang araw  mula Lunes hanggang Biyernes kung kaylan ay maswerte na raw siya kung makabenta ng limang balot ng chicherya. Ang tubo sa isang balot ng chicherya ay mula piso hanggang limang piso. Kung makabuo siya ng pambayad sa isang araw, wala na halos natitira para sa kanyang pagkain. Hindi nalalayo ang kalagayan niya sa mga nagtitinda gamit ang bilao sa bangketa ng mga palengke….gutom din, kaya wala na talagang magawa si Aling Elena kundi ang magtiyaga. Okey naman daw ang kinikitang tubo na umaabot sa Php200 isang araw kung weekend, lalo na ngayong pasko.

Nagulat lang ako nang sabihin niya na may isa pala siyang apo na pinapaaral sa Mindoro. Nabasa siguro niya ang isip ko kaya siya na ang nagkusang magsabi na hindi siya pinababayaan ng Diyos dahil kahit papaano ay nairaraos niya dahil mura lang ang tuition sa probinsiya at may pinagkikitaan din kahit kaunti ang apo niya na nasa first year college. Wala siyang gastos sa pamasahe dahil sa maliit na puwesto na rin siya natutulog. Ganito na raw ang buhay niya sa Manila mula pa noong 1972 pagkatapos niyang mag-asawa sa gulang na labing-pito.

Mahigit pitumpong taon na si Aling Elena at marami na rin daw siyang nararamdaman lalo na sa kanyang mga kasu-kasuan (joints), pero tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa dahil baka lang daw magkasakit siya kung siya ay tumigil. Hindi rin siya kikita sa Mindoro dahil tag-gutom din daw doon at palaging binabaha ang bayan nila.

Upang kumita pa si Aling Elena, naka-tatlong mugs ako ng kapeng ininom at ang tatlong itlog ay dinagdagan ko pa ng dalawa, bumili rin ako ng sampung balot ng chicherya na inilagay ko sa bag para sa mga batang pupuntahan ko. Nang paalis na ako ay may dumating na babaeng may bitbit na mga nakataling tilapia, nahuli raw sa Manila Bay. Inalok si Aling Elena na umiling lang dahil nga naman ang kinita ay ang binayad ko pa lang. Dahil napansin kong nagtitinda din siya ng ulam, ako na lang ang nagbayad upang mailuto niya agad, mura lang kasi sa halagang Php60 at sabi ng nagtinda ay tumitimbang daw lahat ng isang kilo.

Mabuti na lang at naantala ang pag-alis ko dahil sa pagdating ng babaeng nagtinda ng tilapia. Naalala ko tuloy na kunan ng litrato si Aling Elena na nagpaunlak naman. Mula sa puwesto ni Aling Elena ay naglakad na ako patungo sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza)….





0

Imelda Torres: Ang Babaeng "Barker" o Taga-tawag sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza)

Imelda Torres: Ang Babaeng “Barker” o Taga-tawag
sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza)
Ni Apolinario Villalobos

Ang “barker” ay taga-tawag ng mga pasahero at taga-sigaw ng destinasyon ng sasakyang pampubliko tulad ng bus, jeepney o van. Siya rin ang namamahala sa maayos na pag-upo ng mga pasahero. Kung minsan, ang tawag sa kanya ay  “dispatcher”, subalit iba sa talagang “dispatcher” sa istasyon ng bus na konektado sa kumpanya. Kung nakapila ang mga jeep o van na itinatawag ng “barker”, siya rin ang taga-kolekta ng pamasahe at kapag inabot na niya sa driver ang nalikom na pera, ay saka pa lang siya aabutan ng bayad sa kanyang serbisyo. Ang bayad naman sa “barker” ay hindi pare-pareho, depende sa dami ng pumipilang sasakyan at lugar ng pilahan. Mayroong inaabutan ng Php20.00 at ang pinakamalaki ay Php30.00.

Ang mga nakapila sa Liwasang Bonifacio ay mga aircon van na biyaheng Sucat (Paraaque) at Alabang (Muntinglupa). Ang pilahang ito ay hawak ni Imelda Torres, 65 na taong gulang. Taong 1972 pa lamang ay nagtatawag na siya dito….panahon ng Martial Law sa ilalim ni Ferdinand Marcos. Nang panahong yon, ang sabi niya, napakaganda ng Manila Metropolitan Theater na tanaw lamang kung saan kami nakaupo. Ngayon, ang paligid nito ay mapanghi dahil ginawang ihian at ang mga dingding na natuklapan na ng pintura ay sinalaula ng mga istambay sa pamamagitan ng pag-spray paint ng pangalan ng gang nila.

Ligtas daw noon ang pamamasyal sa paligid ng liwasan dahil palaging may umaaligid na mga pulis kahit sa gabi. Kahit abutin siya ng dis-oras ng gabi sa pagtatawag, hindi siya natatakot sa paglakad pauwi sa tinitirhan niya sa kalapit lang na Intramuros. Ang kinikita niya ang ikinabuhay niya sa apat niyang anak noong maliliit pa sila. Ngayon, ang isa ay nasa Japan na. Ang iba pa niyang mga anak ay may mga sarili nang pamilya.

Pinakamalinis na kita ni Aling Imelda ay Php200 isang araw. Napapagkasya niya ang halagang ito sa kanyang mga pangangailangan sa araw-araw. Hindi na siya nagluluto dahil mag-isa lang naman siya at sa maghapon ay nasa liwasan siya, kung saan ay maraming karinderya na mura lang ang panindang mga pagkain. Ang tanging luho niya sa katawan ay ang minsanang manicure at pedicure, at ilang alahas na pilak sa mga daliri at braso.

Sa gulang niyang 65, wala nang mahihiling pa si Aling Imelda na kailangang gastusan ng malaking halaga. Masaya siya dahil ang mga anak at apo niya ay nakakakain sa tamang oras, hindi nga lang maluho ang mga pagkain. Ang kalaban lang niya ay ang paminsan-minsang dumadapong sakit tulad ng sipon at lagnat. Ganoon pa man, kahit halos namamalat na siya dahil sa biglang pagkakaroon ng lagnat o sipon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawag, tulad nang umagang nag-usap kami. Sayang din nga naman ang kikitain niya kung palalampasin niya.

Mabuti na lang at pumayag siyang kunan ko ng litrato, pero tinapat ko siya na igagawa ko siya ng kuwento at ilalagay ko sa internet. Natawa siya nang sabihin kong baka mabasa ng anak niya sa Japan ang isusulat ko tungkol sa kanya.

Nang iwanan ko siya upang ituloy ang paglakad papunta sa Avenida (Sta. Cruz), narinig ko uli ang boses niya na tumatawag ng mga pasahero. Habang naglalakad ako, naalala ko ang nanay namin na nagtatawag ng mga mamimili upang lumapit sa mga inilatag niyang ukay-ukay tuwing araw ng tiyangge sa bayan namin, noong maliit pa ako….

0

Baguhin ang mga Ugaling Hindi Maipagmamalaki

Baguhin ang mga Ugaling Hindi Maipagmamalaki
Ni Apolinario Villalobos

Taun-taon na lang ay may New Year’s Resolution ang bawa’t isa. Ito ang dahilan kung bakit malakas ang loob ng karamihan sa atin na lumihis ng landas mula unang araw ng Enero hanggang huling araw ng Disyembre…dahil pwede naman daw magsisi bago matapos ang taon.

Hindi madaling magbago ng ugaling malalim na ang pagkaugat sa ating pagkatao. Kailangan ang pambihirang disiplina upang magawa ito o di kaya ay isang milagro. Ang masisisi sa ganitong bagay ay mga magulang na nagpabaya dahil hindi nila nadisiplina ang kanilang mga anak habang maliit pa lang sila upang magkaroon ng mga ugaling maipagmamalaki. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ugaling sumisira ng pagkatao:

·        Ang pagiging batugan na nagreresulta sa katamaran. Nakaugalian ng karamihan na tuwing weekend ay gumising ng tanghali. Ang dahilan ay bumabawi lang dahil buong linggo naman daw ay kayod-kalabaw sila. Dahil sa ganoong pananaw, nahawa sa ganitong ugali ang mga anak na paglaki ay magpapasa rin ng ganitong maling pananaw sa kanilang mga anak. May iba diyan na dahil sa pagkabatugan, tapos nang magluto ng tanghalian ang kapitbahay, sila ay humahagok pa rin sa pagkakatulog.

·        Ang pagiging abusado sa mga taong tumutulong. Dapat unawain na hindi lahat ng nakakatulong lalo na yong katamtaman lang naman ang uri ng pamumuhay ay palaging nakakaluwag. Ang mga kusa nilang naibabahagi ay ekstra lamang kaya hindi palaging meron sila nito. Ang hirap lang sa ibang naabutan minsan ng tulong, ang gusto ay araw-arawin na ito ng nakatulong, kaya kapag hindi nangyari ang inaasahan nila, sasama na ang loob. Kung ang mga mayayaman nga, maliban na lang ang may mga Foundation, ay minsanan lang kung tumulong, paano pa kaya ang mga nasa “middle class” o yong mga  nasa “lower class” subalit may pambihirang ugaling matulungin?

·        Ang pagiging “sipsip” sa boss. May mga taong sagad-buto na yata ang pagkamakasarili kaya gumagawa ng lahat ng paraan upang umangat lang, kahit pa marami silang natatapakan o nasasagasaan. Ang mga taong ito ay yong klaseng wala naman talagang ibubuga sa trabaho kaya “sumisipsip” na lang sa boss, na halos umabot sa paghimod sa puwet nito, ma-promote lang. Unfair ito sa mga kasama nila sa trabaho na karapat-dapat umangat dahil sa talino at kakayahan.

·        Ang pagiging pekeng makatao at maka-Diyos. Ang isa pang tawag dito ay kaipukrituhan. Ito ang mga taong umaasa ng “bayad” o “balik” o “sukli”, kapag nag-abot ng tulong sa kapwa. Ito ang mga taong palaging may kamera kapag pumunta sa mga evacuation center o mga lugar na sinalanta ng kalamidad at may mga dala rin namang relief goods. Okey lang kung malakihang operasyon na tulad ng ginagawa ng DSW o di kaya ay mga NGOs dahil dapat may maipakita silang patunay na pinamigay nila ang mga donasyon. Subalit kung kusang “tulong-kaibigan” na hindi naman big-time o malakihan, bakit kailangan pang magkodakan? Ang mga gumagawa nito ay yong may ambisyon sa larangan ng pulitika o nangangarap na maging santo o santa.

·        Ang pagiging abusado sa katawan. Ang pag-aabuso sa katawan ay nagiging sanhi ng pagkasira ng kalusugan. Ang mga taong abusado sa ganitong bagay ay yong may mga bisyo na kahit alam nang nakakasama ay tuloy pa rin sila sa ginagawa. Nagpapabaya rin sila pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa tamang pagkain. Ito ang mga maaarte na ayaw kumain ng gulay halimbawa, dahil hindi nila gusto ang lasa kahit alam nilang mahalaga sa kalusugan, kaya sila ay ginagaya ng mga anak na lumaki na lang sa pagkain ng hot dog at hamburger o piniritong itlog.

·        Ang pagiging bulagsak sa pera. Ito yong mga taong kung gumastos ay parang wala nang susunod pang mga araw na paggagastusan, kaya kung suwelduhan sila, ang natatanggap tuwing 15/30 ay sandail lang nilang nahahawakan….ang resulta - kung may mga emergency na pangangailangan, hanggang nganga na lang sila!

·        Ang pagiging palamura. Ang pagmumura ay talagang masama….pagsabihan ba naman halimbawa ang isang tao ng “puta ang ina mo”, o di kaya ay “anak ka ng puta”. Dapat ay baguhin na itong ugali. Kung hindi maiiwasan, putulin na lang ang mga linya…halimbawa, sa halip na “puta ang ina mo” ay sabihin na lang na “…ina mo”, at ang “anak ka ng puta” ay “….anak ka”. Huwag murahin sa Ingles ang mga walang alam sa wikang ito…huwag gawing dahilan ang kawalang kaalaman nila sa Ingles upang paliguan sila ng mga pagmumurang tulad ng, “shit”, “damn it”, “son of a bitch”, etc., dahil baka murahin ka rin sa dialect na hindi mo alam!


HAPPY NEW YEAR NA LANG SA MAKAKABASA…..LALO NA ANG NATUMBOK!

0

An Encounter with a Quotation Enthusiast

Posted on Tuesday, 22 December 2015

An Encounter with a Quotation Enthusiast
By Apolinario Villalobos

I really do not know what to call the guy I met through another friend. He loves to quote other people and I admire his memory for he can even quote historical personages, with their sayings that I must admit are strange to me. We exchanged notes on blog subjects as he is also a blogger in his own right, though constrained by his busy schedule in their company as Operations Director. Practically, our styles do not have even a single similarity. While his blogs are full of “according to”, “as…..says”, or quotation marks, mine are simply stated and based on my own experience. However, we found out that two of our blogs tackled similar subjects.

We are both fond of history and biography. While I take note and absorb the essence of what I have read and tend to forget about the books later because of my short memory, he patiently takes note of statements of personages. While I am my own self in the course of our banter, his obsession shows no end about the personalities as he interjected quoted statements in our conversation which impressed me a lot. His memory is admirable.

He proudly told me about the “Tadhana…the story of the Filipino People”, supposedly written by Ferdinand Marcos. He also told me about the ancient books written by Greek philosophers, reprinted copies of which he found in a famous library in the United States. He even mentioned about Kahlil Gibran, and many more. I was humbled because although, I have read many books, I honestly could not recall their titles and authors, not even the history books that I was required to read as a high school and college student. I practically forgot about them.

I was dazed by the quotations that he impressed on me. All I could contribute was the “Golden Rule”, the author of which I do not even know. Throughout our conversation, I was further humbled with my AB course, earned from a then, struggling parochial school, when he bragged about his Master’s Degree earned from a university in the United States. But he slipped when he confirmed the fact that some students really copy/paste paragraphs from research materials. He admitted that he committed the same when he was in college. To further our conversation, I told him that I blogged about it a year ago, under the title “Plagiarism” a subject which also included plagiarized photographs and paintings.

My encounter with the guy, made me ask the question on why some people have to quote others, even on simple subjects such as love, kindness loyalty, life, corruption, etc. when all they need to do is bring out their own experience or look around them for the needed input. Why go to the pain, for instance, of quoting Mother Theresa or the new pope about compassion, love and charity when they can write about it based on the relationships that prevail among the members of their family or community? I cannot understand why they have to quote famous names when they write about corruption when all they need to do is open their eyes to what are happening around them, and quote philanthropists when they write about poverty and other deprivations in life, when all they need to do is throw a glance at families living on sidewalks and whose sustenance come from garbage dumps.

However, if these “quoters” cannot help it, they should also try to absorb what they quote and put them into practice. I presume that the reason the quotes caught their attention is that they are relevant, hence, worth remembering. But if they persist on just mumbling them to impress others, they become hollow “amplifier” of others. They cease to act as intelligent creatures who are supposed to use to the fullest what God gave them, by bringing out what are in their own mind, although, in most probability may be related to those of others.


Also, I am not saying that quoting others is wrong. What I am trying to imply is that, it should be done only when necessary, especially, when one is trying his best to emphasize his point, as quotes, especially, of reputable historical personages can help in the confirmation of ideas being presented. 

0

An Encounter with a Quotation Enthusiast

An Encounter with a Quotation Enthusiast
By Apolinario Villalobos

I really do not know what to call the guy I met through another friend. He loves to quote other people and I admire his memory for he can even quote historical personages, with their sayings that I must admit are strange to me. We exchanged notes on blog subjects as he is also a blogger in his own right, though constrained by his busy schedule in their company as Operations Director. Practically, our styles do not have even a single similarity. While his blogs are full of “according to”, “as…..says”, or quotation marks, mine are simply stated and based on my own experience. However, we found out that two of our blogs tackled similar subjects.

We are both fond of history and biography. While I take note and absorb the essence of what I have read and tend to forget about the books later because of my short memory, he patiently takes note of statements of personages. While I am my own self in the course of our banter, his obsession shows no end about the personalities as he interjected quoted statements in our conversation which impressed me a lot. His memory is admirable.

He proudly told me about the “Tadhana…the story of the Filipino People”, supposedly written by Ferdinand Marcos. He also told me about the ancient books written by Greek philosophers, reprinted copies of which he found in a famous library in the United States. He even mentioned about Kahlil Gibran, and many more. I was humbled because although, I have read many books, I honestly could not recall their titles and authors, not even the history books that I was required to read as a high school and college student. I practically forgot about them.

I was dazed by the quotations that he impressed on me. All I could contribute was the “Golden Rule”, the author of which I do not even know. Throughout our conversation, I was further humbled with my AB course, earned from a then, struggling parochial school, when he bragged about his Master’s Degree earned from a university in the United States. But he slipped when he confirmed the fact that some students really copy/paste paragraphs from research materials. He admitted that he committed the same when he was in college. To further our conversation, I told him that I blogged about it a year ago, under the title “Plagiarism” a subject which also included plagiarized photographs and paintings.

My encounter with the guy, made me ask the question on why some people have to quote others, even on simple subjects such as love, kindness loyalty, life, corruption, etc. when all they need to do is bring out their own experience or look around them for the needed input. Why go to the pain, for instance, of quoting Mother Theresa or the new pope about compassion, love and charity when they can write about it based on the relationships that prevail among the members of their family or community? I cannot understand why they have to quote famous names when they write about corruption when all they need to do is open their eyes to what are happening around them, and quote philanthropists when they write about poverty and other deprivations in life, when all they need to do is throw a glance at families living on sidewalks and whose sustenance come from garbage dumps.

However, if these “quoters” cannot help it, they should also try to absorb what they quote and put them into practice. I presume that the reason the quotes caught their attention is that they are relevant, hence, worth remembering. But if they persist on just mumbling them to impress others, they become hollow “amplifier” of others. They cease to act as intelligent creatures who are supposed to use to the fullest what God gave them, by bringing out what are in their own mind, although, in most probability may be related to those of others.


Also, I am not saying that quoting others is wrong. What I am trying to imply is that, it should be done only when necessary, especially, when one is trying his best to emphasize his point, as quotes, especially, of reputable historical personages can help in the confirmation of ideas being presented. 

0

John Awatin Walks 1 Kilometer to Serve as Lay Minister

John Awatin Walks 1 kilometer
to Serve as Lay Minister
by Apolinario Villalobos

John Awatin lives one kilometer away from the parish church of the Saint Martin de Porres located at Panapaan, Bacoor, and he walks to and from the said church as a Lay Minister. He has been doing the said sacrifice when he was taken in as such in June 6, 2014. But before that, he has been jobless for one year. He did not pursue his seafaring career that gave him ample monthly wage for eight years, due to seizures. Until today, he suffers from ticking of left eye. Fortunately, his seizures are already under control.

He was a hardworking guy since he was young, helping their mother do household chores and even going to the market on weekends. He learned how to cook and took charge of the laundry, too…all these he did, being the eldest among the brood of four. Unfortunately, both their parents left them while they were still young.

His parents were from Camiguin Island in Mindanao. Both of them were hardworking, a trait which he and his siblings inherited. At a young age, he settled down with Sheena who is now working with the YMCA-Manila. They are happy today with their four “angels” – Sheen, Sean, Nash, and Hans.

When John was rejected by manning agencies for seafarers due to his ailment, he was, as expected, so downhearted that he became reclusive. His seizures worsened so that there were times that he would just fall during attacks, despite which he persisted in attending Sunday Mass with his wife. The drugs he took did not help much as he was also emotionally affected. It was at this instance that Jun Kamatoy, a Lay Minister serving at the Saint Martin de Porres parish, thought of convincing him to become a Lay Minister to keep his mind busy. 

Neighbors were sort of curious how such a guy who suffers from seizures and with a very minimal “exposure” to religious activities could possibly assist the priest during Mass. Practically, Jun Kamatoy risked his credibility when he assured the parish priest that John would be a good Lay Minister. True enough, after passing his orientations with flying colors, he proved his worth for such a religious obligation.

As he had no “decent” clothes to wear, Jun Kamatoy also gave him several pairs of pants and undershirts, as well as, a pair of shoes, while Emma Duragos, a crusader of the Holy Face, gave him white long-sleeved shirts, courtesy of her son. A neighbor also gave him another pair of shoes and two more pairs of pants.

Since the first day of his service as a Lay Minister, nobody among his neighbors knew that he was walking his way to the church, as well as, in going back home, except when the weather is so bad that he had to take a jeepney. The distance he covers both ways are two kilometers. I found this out myself when I saw him trekking one early morning to the church, while I was on a jeepney on my way to Baclaran. One time, too, I saw him walking under the sun still in his white long sleeved shirt on his way home.

When I had the chance to talk to him, I asked about his seizures and he told me that his condition has been fast improving and he feels that he would finally overcome it, although, I have observed that the ticking of his left eye is still very evident. He also keeps himself busy by attending to the needs of their children, humbly accepting his role as a “houseband”. He cooks for them and does the rest of the chores at home. We never mention God or Jesus in our conversations, although, deep in my mind and heart, I know that John is a manifestation of another miracle. At 43, John is a picture of contentment and happiness….