0
Ang Pangarap na National ID System ay hanggang Pangarap lang
Posted on Wednesday, 31 August 2016
ANG PANGARAP NA NATIONAL ID SYSTEM
AY HANGGANG PANGARAP LANG
Ni Apolinario Villalobos
Ang technology system sa Pilipinas na isang
third- world country ay walang binatbat, walang silbi. Ang mga servers ay
mahina kaya ang mga gumagamit ng mga cellphone at computers upang
makapag-internet ay nagdurusa. Ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ay hindi
inter-connected sa pamamagitan ng communications technology. Marami pa ring
ahensiya ang kulang sa telepono at computer units. Kadalasan din, ang mga
computer ng mga ahensiya ay off-line. Ano
ang mangyayari kung hindi ma-check ang ID na ito halimbawang natuloy, kung ang
computer ay off-line? Magtatawagan? Paano kung ayaw sagutin ang tawag na
madalas mangyari dahil sa mg empleyadong tamad? Ang pag-issue naman ng Voter’s
ID at SSS ID ay inaabot ng siyam-siyam. Dahil sa mga nabanggit, ang pangarap na
pagkakaroon ng National ID System ang Pilipinas ay hanggang pangarap lang. …kaya
itigil na yang pangarap at mag-isip na lang ng makatotohanang proyekto.
Delikado ring magkaroon ng National ID
System ang Pilipinas dahil sa pagkamalikhain ng mga tiwaling Pilipino na may
utak-kriminal. Siguradong magagamit lang ang mga impormasyong mailalagak sa
archive ng mga ahensiya. Naglipana ang mga utak-kriminal na mga Pilipino na
lahat na yatang bagay ay nagagawan ng paraan upang mapagkitaan. Nariyan ang
hacking ng ATM card; ang pyramid system na negosyo; ang budul-budol; ang raket
sa text na kunwari ay nanalo ng malaking halaga ang nakatanggap ng message.
Bukod pa diyan ang pag-angkas sa motorsiklo na kung tawagin ay “riding-in-tandem”
na dapat sana ay napakalaking tulong sa mga mahihirap na commuters at mga
umiiwas sa trapik, pero ginamit upang mangholdap at pumatay….at, dito lang
nangyayari yan, dahil sa mga bansang tulad ng Thailand at India, hindi
nagagamit sa masamang gawain ang sistemang angkasan sa motorsiklo.
Ang nawawalang mga pangalan sa listahan ng
mga botante ay isa ring napakalaking problema na ginagamit sa dayaan tuwing
panahon ng eleksiyon. Sinasabi ng COMELEC na hindi raw corruptible ang sistema
nila, pero nalaman ko na isang maliit lang na detalya sa information tungkol sa
isang botante ang mawala ay dahilan na upang ang pangalan niya ay mawala rin sa
listahan. Tao ang may control ng sistema na pwedeng bayaran o utusan. Dahil
diyan hindi rin sigurado kung ang mga impormasyon ay mapapangalagaan kapag
ipinasok ng empleyado ng ahensiya sa computer, dahil hindi rin sigurado kung
ang empleyado ay hindi masisilaw sa pera o masisindak ng boss niya.
Sa National Bureau of Investigation (NBI),
napakawalang resourcefulness din ang mga tong gumagamit ng computer dahil kapag
nagkaroon ang isang clearance applicant, halimbawa, ng “kapangalan” ay
ginagamit na itong dahilan upang pahirapan ang applicant na pahiwatig ng
“padulas”. Ibig sabihin, hindi efficient ang archiving system ng ahensiyang
ito. Paano na ang iba pang ahensiya dahil ilang beses na ring napatunayan ang
kahinaan nila?
Kamakailan lang ay may nahuling mga
Indonesian na gumamit ng Philippine passport para sa lipad nila papuntang
Middle East. Hinuli sila at inimbestigahan, pagkalipas ng ilang araw ay
pinakawalan….yon lang! Ano ang ginawa sa nag-isyu ng authentic na passports na
siyempre ay taga-Department of Foreign Affairs? Pinatunayan ng insidente na may
mga tiwali pa ring natitira sa ahensiyang iyan na hindi natakot sa babala ni
Duterte.
Batay sa mga nabanggit, malinaw na bukod sa
mahina at mala-pagong na technology system sa Pilipinas, ang isa pang isyu
tungkol sa National ID System ay ang umiiral na corruption kaya hirap na hirap
ang bansa sa pag-usad tungo sa makabagong kaunlaran.